You are on page 1of 7

Pag-uulit

Aliterasyon Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.


Halimbawa:
1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.
2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal
niyang bayan
3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.
4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.
5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.
Anapora Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .

Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa

pamahalaan.
Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti
man basta may halaga.

Anadiplosis Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.


Halimbawa:
Kamatayan ko man siyay aking puriin.
Puriin ko ng siyay angkinin;
Angkinin ko ng siyay mahalin,
Mahalin ko ng kami ay magsaya.

Kailangan kong gawin ng itoy baguhin

Baguhin koman ng itoy magisnan;


Magisnan ng lahat ng matalino,
Matalino ang mas nakakaalam.

Ang lahat na bagay ay siyasatin

Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;


Sundin moman na walang gawiin,
Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.
Epipora Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .

Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa

pamahalaan.
Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti
man basta may halaga.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag


Katapora Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na
binanggit sa hulihan.
Halimbawa:
Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag handaan ito ni Daniel
Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin. Lunes din nang akoy gawaran ng unang gantimpala sa
pag-awit
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
Halimbawa:
Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)

Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)

Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

Pagpapalit-tawag o Metonymy Itoy pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi


sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay pagpapalit o paghalili.
Halimbawa:
1 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
2 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
3 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Paglilipat-wika o Transferred Epithet tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga


katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.
Balintuna isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol o Klaymaks pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula
sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Halimbawa:
Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing
gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na

ang pasko.
Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong

paparating na ang bagyo.


Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang
bagyong Ondoy

Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na


impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.

Retorika na Tanong- hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?

Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong bayan para
pasyalan.(parke)

2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)

Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim,
bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.

Oksimoron:
Salita o lipon ng mga salita na magkasalungat.
Halimbawa: Banal na demonyo, Batang matanda.
Ang Idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi kompusisyonal. Sa ibang salita, hindi
binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.
Idyoma:
Ang mga Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

Anghel ng Tahan - anak


Binuksan ang dibdib - Ipinagtapat ang nasa loob
Kabagang - kaibigan/Kasundo
Kabatakan - tropa o kaibigan
Di mahapayang gatang - hindi magpatalo
Di mahulugang karayom- maraming tao
Durugin ang puso - pasakitan
Guhit ng Palad - kapalaran
Haharap sa magaling - mag-aasawa
Hubad sa katotohanan - hindi totoo
I-krus sa noo - tandaan
Isang kahik, Isang tuka - mahirap na pamumuhay
lumaki ang ulo - naging mayabang

Humanap ng batong ipinukpok sa ulo - naghahanap ng gulo o away


Ibong mababaw ang lipad - babaeng bayaran
Iguhit sa tubig - kalimutan

sugnay
clause

Ano ang sugnay?


What is a clause?

Ang sugnay ay isang lipon ng mga salitang mayroong diwa.


A clause is a meaningful grouping of words.

malayang sugnay
independent clause

di-malayang sugnay
dependent clause

Ang malayang sugnay ay maaaring makatayo nang mag-isa.


An independent clause can stand on its own.

Ang di-malayang sugnay ay hindi maaaring makatayo nang mag-isa.


A dependent clause cannot stand on its own.

Ang sugnay na nakapag-iisa ay binubuo ng simuno at panaguri at nagsasaad ng kumpletong


diwa. A clause that can stand on its own consists of a subject and a predicate and expresses a complete
thought.

Ang sugnay na di-makapagiisa ay may simuno at panaguri ngunit hindi nagsasaad ng kumpletong
diwa. A clause that cannot stand on its own has a subject and a predicate but does not express a
complete thought.

A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)


1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop,
bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitng pnghalil sa pangngalan.
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa
isang lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa
iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng
paksa (o simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang
nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga mayakda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang
pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may
matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na
bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang
kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang
lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, panguri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

You might also like