You are on page 1of 3

URI NG TAYUTAY

1. Pagtutulad - Ang paghahambing ngbdalawangbbagay sa tulong ng mga salitang pahambing sa


masining na pahayag.

Mga salitang pahambing - parang, tulad, kawangis, kapareho, simbait, at iba

Halimbawa :

Simputi ng labanos ang binti ni Adela

Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol

2. Pagwawangis o Metapor - Paghahambing ng dalawang bagay o tao na di ginagamitan ng


anumang salitang pahambing. Tahasang binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o
anumang inihahambing sa pinaghahambingan.

Halimbawa:

Labanos ang binti ni adela

Ang ugali niya’y asong ulol

3. Personipikasyon – Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay
sa tulong ng pandiwa. Dito, pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan ay siya ring
ipinanlalarawan sa bagay upang mag- anyong may buhay.

Halimbawa:

Lumalakad ang ulap sa kalawakan.

Tumatangis ang ulap sa kalawakan.

4. Paurintao – Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng
pang-uri. Ang pang-uring gamit ay pantao na ikakapit sa bagay kaya ang bagay na inilarawan ay
waring may buhay na’t gumagalaw.

Halimbawa:

Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala.

Ang matalino kong bolpen di pa ako binibigo.

5. Paradoks - Katumbas ito ng mga salawikain o sawikain, nagbibigay-aral at puno ng kagandahang


asal.
Halimbawa:

Kung may isinuksok may madudukot

Ang di lumingon sa pinanggalingan di makakarating sa paroroonan.

6. Pag-uyam/Ironiya – Ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan na may pangungutya.


Ginagawa ang pag-uyam upang di tahasang ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng
pangyayari.

Halimbawa:
Ang ganda ng damit mo para kang manang.
Ang ganda ng mga grades mo, karamiha’y bagsak

7. Sinekdoke – Uri ng tayutay na tumutukoy tukuyin ang kabuuan. Maaaring bahagi ng katawan ng
isang tao o bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang banggitin, tumutukoy na ito sa kalahatan.

Halimbawa:
Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
Sampung mga kamay ang nagtulong-tulong sa pagbuo ng proyekto.

8. Metonimya – Ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang isang bagay o
pangngalan. Sa halip na payak o simpleng salita ang tukuyin, pinapalitan ito ng salitang
matalinghaga.

Halimbawa:

Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa sukat ngunit malaki ang puso.

Ilaw siya sa karimlan ng mga taong naguguluhan.

9. Paglumanay / Eupemismo – Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan, sa


pagpapalit ng ibang katawagan. Ginagawa ang pagpapalit. Ng katawagan upang di maging
mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.

Halimbawa:

Iginupo ang puri (ginahasa) ng batang iyan ng kanyanaguguluhan


Iba ang tabas ng mukha nya (pangit o maganda) sa mga kapatid.
10. Oksimoron - Sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit dalawang salitang magkasalungat ang
kahulugan upang ipahayag ang diwa ng pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo o
negatibo ang hatid na kahulugan.

Halimbawa: Hihiga't babangon siya sa pag-aalala.


Lakad-takbo siya sa paghahanap ng nawawalang anak

11. Pagtawag - Ang bagay na abstra, walang buhay, at hindi nakikita ay kinakausap o tinatawag na
parang may buhay at nakikita. Ang pagtawagsa salitang abstrak ay may himig na pagnanais o
parang hinanakit

Halimbawa:
Kaligayahan kay ilap-ilap mo
Ulap iduyan mo ako
O tukso! Layuan mo ako

12. Onomatopoeia – Ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Sa bagay na
ito, lubhang kailangang sensitibo sa tunog ng salita ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy.

Halimbawa:
Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
Ang kalabog ng martilyo ay napakalakas.

13. Hiperbole - Sobra sa dapat o katotohanan ang binabanggit na pahayag. Kung susuriin ang diwa
animoy may may ipagyayabang na nais ipangalandakan.

Halimbawa:
Bumaha ng pera sa amin nang dumating ang tatay galing saudi.
Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang ang lalaki sa mundo

You might also like