You are on page 1of 39

Mga Uri ng Matalinhagang

Pagpapahayag
(Mga Tayutay)
Ito ay mga salita o mga
pahayag na ginagamit
upang bigyan-diin ang
isang kaisipan o
damdamin.
Narito ang mga ilan sa
mga gamiting
matalinhagang pahayag
(mga tayutay):
1. Pagtutulad (simile)
naghahambing sa dalawang
magkaibang bagay, tao, o
pangyayari. Ginagamitan ito
ng mga salita’t pariralang:
tulad ng, gaya ng, animo’y,
mistula, tila, wari atbp.
Halimbawa:

Tila yelo sa lamig ang


kamay ng nenenerbyos
ma mang-aawit.
2. Pagwawangis (metaphor)
isang tuwirang
paghahambing. Hindi
ginagamitan ng mga
pariralang: tulad ng,
kawangis ng, gaya ng,
atbp.
Halimbawa:

Para kay Sam Milby, si


Anne Curtis ay isang
Dyosa.
3. Pagsasatao(personification)
pagsasalin ng mga
katangian ng tao sa isang
bagay. Naipapahayag ito
sa pamamagitan ng
paggamit ng pandiwa.
Halimbawa:

Ngumiti ang kapalaran


nang magpunta siya sa
ibang bansa.
4. Pag-uyam (irony)
ginagamitan ng
pananalitang nangungutya
sa tao o bagay sa
pamamagitan ng mga
salita na kung pakikinggan
ay tila kapuri-puring
pangungusap.
Halimbawa:

Talagang matalino ka,


malamang bumagsak ka
sa pagsusulit na iyong
kinuha.
5. Pagsalungat (epigram)
ang mga salitang pinag-
uugnay rito ay
pinagsasalungatan sa
kahulugan.
Halimbawa:

kung sino ang gumawa


ng batas, siya ang unang
lumalabag.
6. Paglilipat-wika
(transferred epithets)

pagpapahayag na
naglilipat sa mga bagay na
walang buhay ng mga
katangian na ginagamit
lamang ng tao. Ginagamit
ang mga pang-uri.
Halimbawa:
Masaya ang kulay ng
kanyang bestida.
7. Pagtanggi (litotes)
gumagamit ng salitang
‘hindi’ upang maipahiwatig
ang lalong makahulugang
pagsalungat sa sinasabi ng
salitang sumusunod.
Halimbawa:
Ang puso ko ay hindi bato.
8. Pagtawag (apostrophe)
kahawig nito ang
pagsasatao. Dito’y
ginagawa ang pakikipag-
usap sa karaniwang bagay
na tila ba nakikipag-usap
sa isang buhay na tao.
Halimbawa:

Buwan na kayrikit,
tanglawan mo ang aking
pusong naguguluhan.
9. Pagmamalabis (Hyperbole)
- Lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang tunay
na kalagyan o katangian
ng tao, bagay,
pangyayari o kung ano
pa man.
Halimbawa:
Umulan ng pera sa
kanilang baryo nang siya
ay nagwagi sa
patimpalak-awitan.
10. Pagpapalit-saklaw
(Synecdoche)
pagpapahayag ng pagbanggit sa
bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan.
Hal.
Ayokong makita ang
pagmumukha mo sa bubungang
ito!
11. Pagtatanong (rhetorical
question)
Paggamit ng tanong na hindi
naghihintay ng sagot.
Hal. Nararamdaman mo ba
ang aking kalungkutan?
12. Pag-uulit (alliteration)
pag-uulit ng mga salita sa unahan
ng mga taludtod.
Hal.
Kumilos ka!
Kumilos ka, aking kaibigan.
Kumilos ka, ngayon din.
Kumilos ka, upang magtagumpay!
13. Paghihimig (Onomatopeia)
Paggamit ng mga salitang kung ano
ang tunog ay siyang kahulugan.
Hal.
Tumitikatik ang patak ng ulan
Kasabay ng pagtitilaok ng tandang
14. Pagtatambis (antithesis o
oxymoron)
pagsasama-sama ng mga salitang
magkakaugnay o magkakasalungat.
Hal. Kagandahan at kariktan mo’y
kahanga-hanga

Hal.
Mamatay-mabuhay ang ilaw
May mga katanungan
ba?!?
POP
QUIZ
Direksyon:
Basahin ang mga sumusunod na
mga pahayag at piliin ang tamang
sagot.
1. Sa panahong ito, masama ang
siyang mariwasa at ang mabuti ang
siyang maralita.

 a. paglilipat-wika
 b. pagsalungat
 c. pag-uyam
2. Ang kanyang pisngi ay talulot ng
rosas na ibig kong hagkan.

a. pagtutulad
b. pagsasatao
c. pagwawangis
3. Hinalikan ako ng malamig na
hangin.

a. pagtawag
b. pagsasatao
c. paglilipat-wika
4. Ang tulin mong maglinis, wala ka
pang nayayari.

a. pag-uyam
b. Pagsalungat
c. pagtanggi
5. Ang nagmamakaawang tsinelas ay
tinangay ng aso.

a. pagsasatao
b. pagwawangis
c. paglilipat-wika
6. Ang ina ni Tom ang tumatayong
padre de pamilya.

a. paglilipat-wika
b. pagsalungat
c. pagtutulad
7. Hindi kita ipagpapalit ninuman.

a. paglilipat-wika
b. pagtanggi
c. pagsalungat
8. Wangis mo’y bituin sa langit, aking
sinta.

a. pagtutulad
b. pagsalungat
c. pagsasatao
9. O, Buwan! Sumikat ka’t
ako’y aliwin sa aking kalumbayan.

a. pagsasatao
b. pagtanggi
c. pagtawag
10. O, tukso. Layuan mo ako !

a. pagsasatao
b. pagtawag
c. pag-uyam

You might also like