You are on page 1of 16

Ang tayutay ay nang galing sa salitang

taytay na ang ibig pagkahulugan ay


tulay. Isang matalinghagang pananalita na
ang layunin ay maging maganda at kawili-wili
ang pagpapahayag.
1. Pagtutulad (Simile)- Karaniwang paghahambing
na ginagamitan ng mga salitang: tulad sa, para ng:
animoy; sing, kasing

Halimbawa:
a. Siya ay singganda ng bituin na nag-iisa sa langit.
b. Ang kutis niya ay kasingkinis ng porselana.
c. Ang mga dalaga ay katulad ng bulaklak.
2. Pagwawangis (Metaphor)- tuwirang
paghahambing na di ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
gaya atbp.

Halimbawa:
a. Ang hamog ay luha ng pumanaw na gabi.
b. Ang bisig koy sutlang duyan ng bayan.
c. Ang pangarap ay isang saranggolang matayog.
3. Pagsasatao (Personification)- nagbibigay ng
katangiang pantao sa mga bagay.

Halimbawa:
a. Umaawit ang batis.
b. Inalagaan ng araw sa gandat liwanag.
c. Binubulong ng hangin.
4. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)- paggamit
ng isang bahagi upang kumatawan sa kabuuan.

Halimbawa:
a. Hihingin ko ang kanyang kamay sa kaniyang
magulang.
b. Hindi kaya ng sikmura ko ang ginawa niya.
c. Huwag kang mag-alala, tuwid ang bituka niya.
5. Pagmamalabis (Hyperbole)- pagmamalabis na
paglalarawan upang makamtan ang tunay na epekto.

Halimbawa:
a. Wasak na ang lupa sa patak ng luha.
b. Kamuntik na akong mamatay sa kakatawa.
c. Tanging larawan mo ang ilaw ko sa dilim.
6. Pagpapalit-tawag (Metonomy)- paggamit ng
isang salita na bagamat makitid ang sakop ng kahulugan ay
sumasaklaw sa higit na malawak na diwa.

Halimbawa:
a. Ang panulat ay higit na makapangyarihan kaysa sa
baril.
b. Ang Malacanang ay pumanig sa Amerika.
c. Ang bisig ang nagpatalo sa Kandidato.
7 . Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng
pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga
katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

1.Sumaya ang ulilang bahay sa pagdating ng mag-anak .


8. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng
kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-
aalinlangan.

Halimbawa:

1. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?


9. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o
bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa
tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa
tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.

Halimbawa:

1. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo


naman ng bahay.
10. Pagtawag - pakikupag-usap sa isang tao
o kaisipan na animo`y kaharap ngunit wala
naman.

Halimbawa:

1. Pag-ibig, kailan kita matatagpuan?


11. Pagtanggi (Litotes)- Gumagamit ang pagpapahayag
ng salitang hindi uapng maipahiwatig ang lalong
makahulugang pagsangayon sa sinasabi ng salitang
sumusunod.

Halimbawa :
a. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit
ipinamalita niya ang pagtatapat sa kanyang lihim ng
matalik niyanng kaibigan.
b. Si Raul ay hindi salawahan, tatlo lamang ang
kanyang kasintahan.
12. Pagsalungat (oximoron)- paggamit ng
dalawang salitang nagsasalungatan o magkaiba
ng kahulugan.

Halimbawa:

1. Siya ang simula at wakas ng aking buhay.


13. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia)-
ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog
ay siyang kahulugan.

Halimbawa:

1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan,


halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.

You might also like