You are on page 1of 12

Element ng Tula

1. Talinghaga
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga matatalinghagang mga salita
at tayutay. Hitik sa talinghaga ang tula. Ito ang nagsisilbing
palamuti ng tula upang mapanatili ang kasiningan at kariktan nito.
Ayon ka Lope K. Santos, ang talinghaga ay hindi lamang sumasakop
sa mga tayutay tulad ng metapora o pagwawangis, metonomiya at
iba pa kundi sa kabuuan ng retorika at poetika na tumatalakay sa
mga kaisipan at sari-saring pamamaraan ng pagpapahayag nito.
Inuri rin ni Lope K. santos ang talinghaga sa dalawa: ang mababaw
at malalim na kung tatawagin ay denotasyon at konotasyon

a. Denotasyon – ang denotasyon ay ang mababaw na


pagpapakahulugan ng isang salita o literal na
pagpapakahulugan ng isang salita.
b. Konotasyon – ang konotasyon ay ang malalim na
pagpapakahulugan sa isang salita. Ito ay nangangailangan ng
malalim na pag-iisip at tuon upang maunawaan ang kahulugan.

Halimbawa: Ahas

Denotasyon – isang makamandag na hayop na gumagapang

Konotasyon – taksil

Matigas ang ulo

Denotasyon – matigas ang ulo ng tao

Konotasyon – pasaway

Buwaya

Denotasyon – hayop
Konotasyon – pulitiko

Rosaryo

Denotasyon – bagay

Konotasyon – banal

Idyoma – ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi


komposisyunal. Ibig sabihin hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Halimbawa:

Agaw-buhay – naghihingalo

Alilang kanin – utusang walang sweldo, pagkain lang

Balitang kutsero – hindi totoo

Balik-harap – mabuti sa harapan, taksil sa likuran

Bantay-salakay – taong nagbait-baitan

Buto’t-balat – malnourished

Dalawa ang bibig – mabunganga

Haling ang bituka – salbahe

Kabiyak ng dibdib – asawa

Kusang palo – sariling sipag

Putok sa buho – anak sa labas

Mahabang dulang – kasalan


Taingang kawali – nagbingi-bingihan

Bungang tulog – panaginip

Pagkagat ng dilim – paglubog ng araw

Tayutay – ang tayutay ay sadyang paglayo sa paggamit ng karaniwang salita


upang magiging kaakit-akit at mabisa ang isang pahayag

Uri ng tayutay

1. Pagtutulad (Simile) – uri ng paghahambing ng dalawang magkaibang


bagay na ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, at iba pa.

Hal: ang mga mata mo’y sing ningning ng bituin.


Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
2. Pagwawangis (Metaphor) - dalawang uri paghahambing na katulad din
ng pagtutulad ngunit ito’y tiyakang paghahambing at hindi gumagamit ng
ng mga pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa.
Hal: ang iyong mga mata’y maningnong na bituin sa akin
Si Erica ay isang ibong humahanap ng kalayaan.
3. Pagtatao (Personofication) - Pagbibigay ng katangian ng isang tao sa bagay
na walang buhay.
Hal: Umiiyak ang langit sa pagpanaw ng butihing mamamayan.
Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
4. Eksaherasyon (Hyperbole) - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.
Hal: Nag-aapoy sa galit si Mang Berto sa kanyang anak na nagtanan.
Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
5. Pag-uyam (Sarcasm) - isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit
ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan.
Hal: Napakaganda ng iyong buhok, bagay gamiting panglinis ng bahay.
Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog
maghapon.
6. Paglilipat-wika – gumagamit ng pang-uri upang bigyang paglalarawan ang
isang bagay.
Hal: ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbibigay sa atin ng kalayaan.
7. Paglilipat-saklaw (Synecdoche) - pagpapahayag sa pamamagitan ng
pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.
Hal: Libong tao ang nawalan, nang ang gubat ay masira.
Hiningi ni Jarren ang kamay ng dalaga.
8. Pagtatawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na
malayo o wala naman.
Hal: O, Panginoon Diyos kami po ay Iyong gabayan sa bawat araw.
O, tukso layuan mo ako.
9. Tanong Retorikal - pahayag na gumagamit ng tanong na hindi naghihintay
ng sagot. Sa pamamagitan nito ay nailalahad ang katanungan at
kapamilyang kasagutan kung matatanggap o hindi ang isang bagay.
Hal: Bakit nagkaganito ang mahal kong kalikasan?
Hayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating
bayan?
10. Pagpapalit-tawag (Metonymy) – pansamantalang pagpapalit ng
pangalan na magkaugnay.
Hal: dapat nating igalang ang maputing buhok.
Si Haring Jarren ang nagmana ng korona.
11. Tambisan (Antithesis) - pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng
dalawang bagay na magkasalunagt nang mangingibabaw lalo ang
katangiang ipinahahayag.
Hal: mabuti – masama, marunong – mangmang.
12. Paghihimig (Onomatopoeia) - paggamit ng mga salita na kung ano
ang tunog ay siya ring kahulugan.
Hal: Ang sagitsit ng hangin ay nagbabadya ng paparating na panganib.
Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng
malalim na kidlat.
13. Pag-uulit (Alliteration) - nakikita ang tayutay na ito saanmang
bahagi ng taludtod o pangungusap kapag ang unang titik o pantig ng
salita ay inuulit ng ilang beses.
Hal: magsimula tayong lahat magsimula para sa pagbabago magsimula
upang kaunlaran ay makamtan.
14. Pagtanggi (Litotes) - Hindi ang pangunahing hudyat nitong salita na
sa akda ay sadyang pagsalungat, pagpigil o di pagsang-ayon, ngunit ito’y
pakunwari lamang, isang kabaliktaran, sapagkat ang hindi ay sadyang
nagpapahiwatig ng pagtulot o pahintulot.
Hal: Hindi sa ayoko sa taong minamahal mo, nais ko lamang muna ay
mag-igi ka sa iyong pag-aaral.
Si Joshua ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang
kasintahan.
15. Salantubay (Paradox) – nagpapahayag ng isang katotohanan sa
pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa
o himig.
Hal: madaling tahakin landas ng pag-unlad.
Kapagka ang tao’y sapol na ay tamad.
16. Paghahalintulad (Analogy) – tambalang pagtutulad.
Hal: ang tingin ng paru-paru sa bulaklak
Damdamin ng binate sa dalaga ang katulad.

Simbolismo – Ayon kay Landicho (1972), ang simbolo ay isang makasining na


sangkap na ang layunin ay kumtawan sa isang uri ng damdamin, bagay,
paniniwala o kaisipan. Ayon sa kanya, lahat ng akdang pampanitikan ay
nagtataglay nito dahil ito ay nagdudulot ng kaisahang-kintal o diwa sa akda.
Batay sa wastong paggamit ng manunulat, ang simbolo ay kahiwagaan at
katotohanan.

Halimbawa:
Bulaklak-pagmamahal

Puti-kalinisan

Green-kapaligiran

Black-kamatayan

Blue-kapayapaan

Red-Pakikilaban

Rosary-pagtitiwala sa Diyos

Aklat-kaalaman

Espada-katapangan

Bukang-liwayway-bagong pag-asa

Paglubog ng araw-katapusan,kamatayan

Sining o Kariktan

Tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na mga salita.


Kailangang magtataglay ang tula ng maririkit na salita upang maakit ang
mambabasa gayundin ay mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Halimbawa:

Pag-ibig koy parang ulan, hindi mo mapigilan.

Persona – tumutukoy sa nagsasalita sa tula: una, ikalawa o ikatlong panauhan.

Imahe – tinatawag itong imagery sa ingles. Ito ang mga salitang kapag
binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.

Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod sa isang saknong. Ang pantig ang
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Hal:
Isda – is da = ito ay may dalawang pantig

Nagdadalamhati – nag da da lam ha ti= ito ay may 6 na pantig

Uri ng sukat

1. Wawaluhin
Hal: Isda ko sa mariveles - is da ko sa ma ri ve les = 8 pantig
Nasa loo bang kaliskis – na sa lo ob ang ka li skis = 8 pantig
2. Lalabindalawahin
Hal: Ang laki sa layaw karaniwang hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabingwaluhin
Hal: ngunit ang pribadong sektor na sa masa'y kaytaas maningil
pinayagan kahit buhay nati'y unti-unting kinikitil

a, sadyang napakarami pang bakit ang ating masasabi


lalo't sa sistema ng hustisya sa bansa'y di mapakali

Tugma – isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling ang pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkakasingtunog. Lubha itong napakaganda sa
pagbigkas ng tula na angkin nitong indayog o himig.

Uri ng tugma

1. Tugma sa katinig (Ganap)


Paraan ng pagtutugma na kung saan ang salita ay nagtatapos sa
patinig

Hal: mahirap sumaya

Ang taong may sala

Kapagka ang tao sa saya’y nagawi

Minsa’y nalilimot ang wastong ugali.


2. Tugma sa katinig (Di-ganap)
Paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig.
a. Unang lipon – mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t.
Hal: malungkot balikan ang taong nakalipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. Ikalawang lipon – mga nagtatapos sa l, m, n, ng, r, w, y.
Hal: sapupo ang noon g kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw.
“Ang Guryon”

Ni: Idelfonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw


Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig


Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
Pagsusuri

Sukat – Laladindalawahin

Tugma – Tugma sa katinig. Sapagkat sa bawat dulo ng mga salita sa bawat


taludtod ay nagtatapos sa katinig.

Saknong – Binubuo ng anim (6) na saknong. Bawat saknong ay binubuo ng


apat (4) na taludtod.

Antas ng tugma. Karaniwan sapagkat sa dulo ng salita sa bawat taludtod ay


magkatugma ang tono.

Kariktan – nagtataglay ng mga maririkit na salita tulad ng mapapabuyong,


makipagdagitan, at mapatid.

Talinghaga – ito ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat gumagamit ito ng mga


tayutay.

Persona – isang ama

Simbolismo - Guryon
Sanggunian

https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182

https://www.scribd.com/doc/98648201/Mga-Elemento-Ng-Tula

https://www.slideshare.net/daniholic/talinghaga

https://www.scribd.com/doc/151822745/Ano-Ang-Idyoma-at-Mga-
Halimbawa

https://www.scribd.com/doc/306926961/100-Idyomatikong-Pahayag-at-Mga-
Kahulugan-Nito

https://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay

https://www.slideshare.net/JhaymieRRDagohoy/presentation1-36409576

https://brainly.ph/question/441906

https://brainly.ph/question/1010520

http://hayzkul.blogspot.com/2015/06/mga-halimbawa-ng-detonasyon-
at.html

https://brainly.ph/question/894607

https://tl.wikipedia.org/wiki/Sining

https://brainly.ph/question/282654

https://brainly.ph/question/501210

https://www.tagaloglang.com/ang-guryon/
Elemento ng Tula
Written Report

Ipinasa kay:
Prof. Angeles Y. Ysmael

Ipinasa nina:
Donna Grace S. Tangge
Joshua S. Tagose
Arnel Peco

You might also like