You are on page 1of 5

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 10

Ikatlong Markahan
Ika-11 ng Abril, 2023
2:45 - 5:00 ng hapon (Hera/Zeus/Poseidon)

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-


Pangnilalaman unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat


Pagganap tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
batay sa binasang akdang pampanitikan.

C. Mga Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga


kasanayan elemento nito
sa Pagkatuto F10WG-IIIc-73

II. NILALAMAN Mga Elemento ng Tula

III. MGA
KAGAMITANG
PANTURO

Mga Sanggunian

1. Mga Pahina
sa Gabay ng
Guro

2. Mga Pahina Panitikang Pandaigdig pp. 278


sa Kagamitang
Pang Mag-
Aaral

3. Mga Pahina
sa Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan
Mula sa LR
Portal

5. Iba Pang
Kagamitang Laptop, Printed Materials, at Illustration
Panturo Board.

IV. PAMARAAN

Mga Tanong:

A. Balik-aral sa Ano ang tinalakay natin noong nakaraan?


nakaraang - Tuwiran at Di-tuwiran
aralin/o
pagsisimula ng Paano natin masasabi na ang isang
bagong aralin pahayag ay tuwiran?
- Kapag nilalapatan ng ebidensiya
Hal. Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang 5.8 na
lindol sa probinsiya ng Abra.

Paano naman natin masasabi na ang


pahayag ay di-tuwiran?
- Kapag ito ay ayon sa kuro-kuro o
opinyon ng nagpapahayag
Hal. Sa aking pananaw, ang mga Amerikano
ang unang sumakop sa ating bansa.

B. Paghahabi sa Sa araw na ito, ating uuriin ang iba’t ibang


layunin ng tula at ang mga elemento nito
aralin
F10PB-IIIc-82

IPASA ANG MENSAHE - Ang klase ay hahatiin


C. Pag-uugnay sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay
ng mga gagawa ng linya. Ang guro ay pupunta sa
halimbawa sa hulihan ng linya at magbibigay ng salitang may
bagong aralin kaunayan sa aralin. Paunahang ipapasa ito ng
mga mag-aaral. Ang mag-aaral na nasa
unahan ang siyang magsusulat sa pisara ng
salitang ibinigay ng guro.

Mga salitang gagamitin:


1. Sukat
2. Tugma
3. Kariktan
4. Talinhaga
D. Pagtatalakay Ano ang pagkakahalintulad ng mga
ng bagong salitang ating ginamit sa palaro kanina?
konsepto at (Mga Elemento ng Tula)
paglalahad ng
bagong Buksan natin ang ating mga libro sa
kasanayan #1 pahina 278. Dito natin mauunawaan ang mga
element ng tula.

E. Pagtatalakay ng Ngayon na naunawaan na natin ang


Bagong tungkol sa mga elemento ng tula. Ating suriin
konsepto at ang tulang “Kundiman” ni Jose Rizal.
paglalahad ng
bagong Tunay ngayong umid yaring dila't puso
kasanayan #2 Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,
Bayan palibhasa'y lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapuwa't muling sisikat ang araw,


Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Ibubuhos namin ang dugo't babaha


Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.

1. Ilan ang sukat ng tula?

2. Ano ang tugma ng tula?

3. Ano ang kariktan ng tula?

4. Ano ang talinhaga ng tula?

F. Paglinang sa PANGKATANG PAGSUSULIT - Ang klase ay


Kabihasaan hahatiin sa apat na pangkat. Ang bawat
(Tungo sa pangkat ay bibigyan ng illustration board. Ang
Formative guro ay magbibigay ng mga tanong at ang
Assessment) bawat pangkat ay magtatala ng kanilang sagot
sa ibinigay na illustration board. Ang pangkat
na may pinakamataas na puntos ang siyang
mananalo.

G. Paglalapat ng
aralin sa pang- Ano ang magandang maidudulot ng pagka-
araw araw na unawa sa iba’t ibang elemento ng tula?
buhay

Ano ang mga elemento ng tula?


H. Paglalahat ng
Aralin Ilang pantig mayroon ang taludtod na:
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin

Ano ang tugma ng Ikatlong saknong ng


tulang Sa Aking Mga Kababata?

I. Pagtataya ng Panuto: Sa isang malinis na papel, itala kung


Aralin ano ang elemento na tinutukoy ng pahayag.

1. Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat


taludtod.

2. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang


kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-
akda.

3. Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.

4. Ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang


ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.

5. Kailangang magtaglay nito ang isang tula


upang masiyahan ang mambabasa gayon din
mapukaw ang damdamin at kawilihan.

J. Takdang Aralin
1. Ayus lamang ba kung walang sukat at
tugma ang isang tula?

2. Itala sa inyong mga kwaderno at pag-


aralan ang tungkol sa matatalinhagang
pahayag o pananalita at simbolismo ng tula. Ito
ay matatagpuan sa pahina 284 hanggang 285.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan pa
ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakakatulong ba
ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong
ng aking ________ .
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:

Alvin N. Garcia
Estudyanteng Guro

Nabatid ni:

Rubeline P. Belches
Gurong Tagapamatnubay

You might also like