You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 10

Bb. Justine Rose B. Palomar


Bb. Icha Shailene L. Ondo Setyembre 25, 2017
Gurong Nagsasanay Petsa
Dr. Elsie T. Alvarado Lunes, 09:00 AM 12:00 NN
Gurong Tagapagsanay Oras

I. Mga Layunin: Sa loob ng isang oras at sa tulong ng mga gawain, ang mga mag-
aaral sa Grade 10 na may hindi bababa sa 80% kawastuhang ay
inaasahang:
a. nakahihinuha ng tema ng kabanata sa tunay ng mga larawan;
b. napapahalagahan ang kaisipan sa kabanata sa tulong ng
pagbabahagian; at
c. nakapagtatanghal ng isang GIF simulation tungkol sa bahagi ng
kabanatang nakaatas sa bawat pangkat.
II. Paksang Aralin
Paksa: El Filibusterismo
Kabanata 38 (Ang Kasawian)
Sanggunian: Magbaleta, C.G. et. al., (2006). El Filibusterismo (Sa Bagong
Pananaw). JO-ES Publishing House, Inc.
Kagamitan: Mga larawan, cartolina, bondpapers, laptop, video clip ukol sa
Kabanata 38 ng El Filibusterismo, speakers, projector
III. Pamamaraan
A. Aktibiti
a. Pagbabalik-Tanaw
Ang talakayan ay sisimulan ng isang panalangin na pangunguluhan
ng isang estudyante na pipiliin ng guro. Babati ang guro sa mga
estudyante at ganoon rin ang mga estudyante sa guro. Magtatanong
ang guro ukol sa kung ano ang napag-usapan sa nakaraang
pagkikita at kung ano ang kanilang natutunan mula rito. Tatawag
lamang ng isang estudyante ang guro upang magpabahagi.
Magtatanong ang guro kung mayroon pa bang mga katanungan ukol
sa naunang paksa. Kung wala na ay magpapatuloy na ang guro sa
bagong paksa.
b. Pangganyak
Magpapaskil ng anim na larawan ang guro na nasa ayos tulad ng
isang equation. Tatawag ng tatlong estudyante ang guro upang
magpahagi ng kanilang sagot gamit ang mga gabay na tanong.
B. Analisis
Ang mga larawan ay nakaayos nang parang isang equation na
siyang magiging introduksyon para sa panibagong aralin. Ang mga
ito ay susuriing mabuti ng mga estudyante sa tulong ng mga
sumusunod na mga katanungan bilang kanilang gabay.
1. Ano ang inyong napapansin mula sa mga larawang naipaskil?
2. Ano kaya ang tema ng huling kabanata ng El Filibusterismo na
inyong mahihinuha mula sa mga nasabing larawan?
3. Bakit kaya nakadarama ng kasawian ang isang tao?
C. Abstraksyon
a. Pag-aalis ng Sagabal
Upang hindi tayo mahirapan sa pag-intindi sa kabanata, atin
munang bibigyang-kahulugan ang mga mahihirap na salitang
ating mababasa mula sa kabanata.
Magpapaskil ang guro ng sampung salita na susubukang
bigyang-kahulugan ng mga estudyanteng boluntaryong
sasagot.
Iwawasto ng guro ang mga sagot ng mga estudyante at
ipaliliwanag ang mga kahulugan ng bawat salita.
b. Paglalahad sa Kabanata
Magpapakita ang guro ng isang video tungkol sa mga pangyayari sa
kabanata. Upang lubos na matalakay ang kabanata, magtatanong
ang guro sa mga estudyante gamit ang mga tanong.
Gabay na Tanong:
1. Ano-anong mga pangyayari sa kabanata ang nagpapakita ng
kasawian o mga dahilan upang maramdaman ng isang tao ang
kasawian?
2. Nakikita pa ba ang mga sitwasyon o dahilang mga ito sa
kasalukuyan?
D. Aplikasyon
Hahatiin ang klase sa limang pangkat ayon sa ayos sa mga hanay. Bawat
pangkat ay maglalahad ng isang GIF simulation ukol sa bahagi ng
kabanatang iniatas sa kanila. Bibigyan din sila ng isang parirala o
pangungusap na kanilang susuriin. Kailangang lahat ng miyembro sa
pangkat ay makapagsasalita at dapat ring ang kanilang pagsusuri ay
nakaugnay sa kasalukuyang panahon. Ang kanilang paglalahad ay
kailangang makasagot sa mga sumusunod na katanungan. Limang minuto
lamang ang ibibigay sa paghahanda ng bawat pangkat.
1. Ipaliwanag ang inilahad. Bakit ninyo nasabi na may mabigat na impak
ang pariralang ito?
2. Magbigay ng sariling karanasan kung saan nakaranas ka ng kasawian.
Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa mga tauhan sa kabanata, sino ka
sa kanila at bakit? Ano ang iyong natutuhan mula sa karanasang iyon?
RUBRIKS:
Kaugnayan sa kabanata 15 puntos
Ekspresyon ng mukha 10 puntos
Pagkakaisa 5 puntos
KABUUAN 30 puntos
Matapos ang paglalahad, magbibigay ng mga pidbak at karagdagang input
ang guro.
IV. Pagtataya
Sa kabanatang ito, may tatlong tungkulin ang nangingibabaw: tungkulin sa
pamilya, trabaho, at bayan. Sa unang hanay sa kaliwa, isaayos at ipaliwanag kung
paano pinahalagahan ang tatlong ito mula sa kabanata. 1 para sa
pinakapinahalagahan, 2 sa susunod at 3 naman sa pinakahindi gaanong
pinahalagahan. Isulat ang numero sa kaliwang bahagi ng salita at ang paliwanag
naman sa kanang bahagi. Sa kanan naman, ganoon rin ang gawin subalit iayon
na mula sa sariling paniniwala at prinsipyo. Limang minuto lamang ang ibibigay
para sa pagsagot.
RUBRIKS
Maayos na pagpapaliwanag 10 puntos
Pangagatwiran 10 puntos
KABUUAN 20 puntos

V. Takdang-Aralin
Sa isang short bondpaper, gumawa ng isang paper collage tungkol sa simbolo na
para sa inyo ay ang kumakatawan sa kabuuan ng akda. Lagyan ng maikling
paliwanag sa ibaba ng simbolo. Bigyang pansin ang rubriks.
Pagkamalikhain 15 puntos
Paliwanag 10 puntos
Pagpasa sa tamang oras 5 puntos
KABUUAN 30 puntos

You might also like