You are on page 1of 2

Departamento ng Edukasyon

Rehiyon III
Sangay ng Lungsod San Jose

STO. NIÑO 3RD NATIONAL HIGH SCHOOL


San Jose City, Nueva Ecija

Abril 17, 2023

Mala-Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 10

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang


pampanitikang ng Kanlurang Asya

I. Mga Layunin:

1. Nakikilala ang mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon;


2. Nakabubuo ng madamdaming saloobin gamit ang pagbibigay ng opinyon; at
3. Naipakikita ang wastong paggamit ng mga salitang naglalahad ng opinyon.
Gramatika at Retorika:
Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon
4. Sanggunian:
Filipino 10 Modyul 3, Kwarter 3 pahina 296-299
5. Mga Kagamitan:
Powerpoint presentation, laptop, mga kagamitang biswal, pisara, yeso, atbp.

II. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
 Pagbati
 Pagdarasal
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtatala ng mga lumiban
B. Pagbabalik-aral:
Mula sa nakaraang aralin ay tinalakay ang maikling kwento na “Ang Alaga”.
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral:
 Anong hayop ang inaalagaan ni Kibuka?
 Ano ang naging suliranin ni Kibuka nang lumaki at tumaba na ang kaniyang
alagang biik?
 Sa akdang “Ang Alaga”, anong kaisipan ang napulot mo rito?

C. Pagganyak:
Hurado pero Burado!
Panuto: Ang anim na grupo ay kinakailangan na pumili ng kalahok na magiging
hurado. Ngunit sa bawat round ay maaring magpalit ng kalahok. At sa bawat round
din ay may maaalis na grupo, sino ang pipili ng grupong makatutungtong sa sususod
na round? Kayo ring lahat.

D. Paglalahad:
Tatalakayin ang gramatika at retorika na naglalahad ng opinyon
E. Paglalapat:
Gamit ang mga salitang naglalahad ng opinyon, ilarawan ang pagmamahal ng isang
ina.
F. Paglalahat:
Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon
batay sa ipapakitang larawan sa harapan na kinahaharap na isyu ng Pilipinas.

III. Pagtataya/Ebalwasyon:
Upang matukoy kung ganap niyong naunawan ang paksang ating tinalakay, sumulat ng
isang maikling sanaysay tungkol sa iyong pananaw sa kasalukuyang presidente ng
Pilipinas. Malaya kayong magbigay ng sariling pamagat. Salungguhitan ang mga
salitang naghahayag ng opinyon. Isulat ito sa sangkapat papel.

IV. Kasunduan:
Bumuo ng isang video infomercial na nagpapakita ng mga napapanahong isyu o
sitwasyon na nakikita sa ating bansa.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

JOHN NOEL M. GARCIA ALEJANDRO T. CAMACHO

Gurong Nagsasanay Guro III

You might also like