You are on page 1of 9

PETSA: Ika-15 ng Marso taong 2023

DETALYADONG BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 10


IKATLONG MARKAHAN
I. LAYUNIN:
A. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79);
B. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa
kahalagahan ng akda sa: - sarili - panlipunan pandaigdig
(F10PS-IIId-e-81); at
C. Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagsulat ng talata o
tekstong naglalarawan
II. PAKSANG – ARALIN
A. Paksa: Ang Alaga
i. Panitikan: Maikling Kuwento
ii. May – Akda: Barbara Kimenye
B. Sangguniaan: Modyul para sa Mag – aaral – Filipino 10, pp.:
291-294
https://www.statista.com/statistics/1320690/philippines-pet-
ownership-by-pet-type/#:~:text=According%20to%20a
%20survey%20on,other%20aquatic%20animals%2C%20and
%20birds
https://www.youtube.com/watch?
v=14KMNAvTWiU&t=26s&ab_channel=MAESTRAREJINA
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Bidyo, TV, tisa, pisara at
Aklat.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin:

Maari mo bang
pangunahan ang ating
panalangin ngayong
araw, Bb. Cruz? Aming Diyos na nasa langit,
salamat po sa panibagong araw na
iyong ipinagkaloob sa amin. Nawa’y
mabusaksan ang isip ng lahat nang
sa gayon ay makasabay ang lahat
sa ituturo ni Sir. Marami pong
salamat. Amen.

b. Pagbati:
Magandang umaga sa Magandang umaga rin po Aming
ating lahat! (mga) guro!

c. Pagtatala ng lumiban sa Kumpleto po kaming lahat sir!


klase:

Maari ko bang
malaman kung sino ang Sir hindi po pumasok ngayon si
lumiban sa klase? Reynaldo.

Siya lamang ba ang Opo sir!


lumiban ngayong araw?

d. Pagbabalik – aral:

Ang tinalakay natin


kahapon ay ang tula na
pinamagatan na “Ang
Matanda at ang Batang
Paruparo” ni Rafael
Palma.

Maaari ka bang tumayo


Ginoong Dela Cruz. Ano
ang ginawang aksyon
ng batang paruparo na
naging dahilan ng
kaniyang pagkasawi? At
ihambing mo nga ito sa
suliraning panlipunan
na nararanasan ng mga Sinuway po ng batang paruparo ang
kabataan ngayon? kanyang ina at na naging dahilan
upang siya ay mamatay. Tulad po
ng mga mapupusok na kabataan
ngayon, dahil sa kanilang
kuryosidad ay nasisira ang kanilang
buhay tulad na lamang ng
pagpasok sa masasamang bisyo
tulad na lamang ng ilegal na droga
Mahusay! Tunay ngang at alak.
nakinig ka sa aralin na
natalakay kahapon.
Maari ka nang umupo

e. Pagganyak:
Hindi ba’t pamilyar
kayo sa noontime show
na Family Feud? Ang
gawain natin ngayon ay
tulad din sa Family
Feud, ang kaibahan
lamang ay pipili ako ng
isa-isa upang sumagot
sa bagay na
hininihingi? Handa na Opo sir!
ba ang lahat?

Base ito sa isinagawang


serbey ang Rakuten
insight na isinagawa
noong taong 2022. Ano
ang limang
pangunahing inaalagan
na hayop sa Pilipinas?

Maaari ka bang tumayo


Bb. Cruz at subukang
magbigay ng iyong
sagot? At ipaliwanag mo
nga kung bakit ito’y sa Sir Aso po! Dahil halos po lahat ng
tingin mo ay kasali. tao sa aming lugar ay may alagang
aso.
Maraming salamat!
Maari ka ng umupo.

Ikaw G. Alvarez, ano


naman ang naiisip mo?
Tulad kanina,
ipaliwanag mor in kung
bakit ito’y sa tingin mo Sir Pusa po! Malalambing po kasi
ay kasali. ang pusa at nakawawala ng stress.
At marami rin po sa social media
ang nakikita kong may alagang
pusa.
Maraming salamat
maari ka nang umupo.
Maraming salamat sa
mga tumugon sa
gawain na ito. Ngayon,
akin nang ilalabas ang
limang pangunahing
alagang hayop ayon sa
isinagawang serbey

Lumabas sa pag-aaral
na 81% ay tumutugon
na aso ang
pinakakaraniwang
alagang hayop sa
Pilipinas, sinusundan
ito ng pusa na
mayroong 50%, isda na
mayroong 12%, ibon na
mayroong 9%, kuneho
na may 3%, at
sinundan pa ng ibang
alagang hayop.

Sinong mga nakakuha


ng tamang sagot?
Mahusay! Sa mga hindi
tumama, paghusayan
pa sa susunod.

B. Paglalahad ng Aralin

Bago tayo dumako sa ating


aralin, atin munang kilalanin
ang sumulat sa akdang “Ang
Alaga”. Si Barbara Kimenye
ay kilala bilang isang
mahusay na manunulat sa
kwentong pambabata sa
silangang Aprika. Siya ay
isinilang noong ika – 19 ng
Disyembre taong 1929 sa
Halifax, Britain.

May alaga rin ba kayong


hayop sa inyong mga Meron po Sir
tahanan?

Ang alaga ay nagsisilbing


pamilya rin natin. Tulad ng
mga manok, kambing, at
baboy ay nagsisilbing ulam o
pagkain natin. Kung kayo ang
tatanungin, nararapat lang ba
silang makain kahit ang mga Sir Hindi po, dahil masakit sa
ito’y napamahal na sa atin? damdamin na makitang nasa
ganong kalagayan ang aking alaga.
Maraming salamat! Sino
naman dito ang Sir ayos lang po sa akin na kainin
sumasalungat sa kaniyang natin ang ating alaga dahil ito
sagot? naman po ang kanilang tungkulin
sa kalikasan.

C. Pagtatalakay ng aralin

Mga Gabay na tanong:

1. Paano Nawala ang lungkot


ni Kibuka nang sapilitan
siyang magritiro sa
kaniyang trabaho?
2. Bakit hindi pa rin
nagagawang ipagbili ni
Kibuka ang kaniyang
alagang baboy kahit siya
ay gipit na sa kaniyang
buhay?
3. Nasiyahan ba si Kibuka
nang matikman niya ang
kaniyang alaga? Sa anong
dahilan?
4. Iyong subukang alalahanin
ang pagkasunod-sunod ng
kuwento.

Ngayong nabasa niyo na ang


mga ito. Ako’y magpapanood
sa inyo ng bidyo na
tinatalakay ang maikling
kuwento na “Ang Alaga”.
Tumahimik na ang lahat at
unawain ang bidyong ito.
D. Paglalapat

Naunawaan ba ng lahat ang


konteksto ng akda? Kung
gayon ay magbibigay ako ng Hindi ko po susundin ang desisyon
mga katanungan na kaugnay ng iba dahil mas matimbang pa rin
sa inyong pinanood na ang aking desisyon at sarili ko lang
maikling kwento. ang aking masisi kung ako man ay
magkamali.
1. Kung ikaw ay dumaan sa
isang kritikal na
sitwasyon, nararapat lang
bang sundin ang gusto ng Ang aral na mapupulot sa maikling
iba o mas nararapat na kwento ay ang pagtanggap sa mga
sundin ang iyong sariling sitwasyon kahit masakit pa ito. Sabi
pasya? nga po nila, “Everything happens
for a reason”.

2. Ano ang aral na


mapupulot sa akda na
maaari mong magamit sa
pang-araw-araw na
pamumuhay? Nawala ang lungkot ni kibuka dahil
nagkaroon siya ng alagang baboy na
naging kasama niya sa pang-araw-
araw.
E. Paglalahat

1. Paano nawala ang lungkot


ni Kibuka nang sapilitan
siyang magretiro sa
kaniyang trabaho? Hindi pa rin po nagagawang ipagbili
ni Kibuka ang kaniyang alaga dahil
hindi lamang isang hayop ang
turing niya rito kung di isang
2. Bakit hindi pa rin pamilya.
nagagawang ipagbili ni
Kibuka ang kaniyang
alagang baboy kahit siya
ay gipit na sa kaniyang Nasiyahan siya nang makain niya
buhay? ang kaniyang alaga dahil nasarapan
siya sa luto at hindi na siya
maglalakad araw-araw para ipasyal
ang kaniyang alaga.
3. Nasiyahan ba si Kibuka
nang matikman niya ang
kaniyang alaga? Sa anong
dahilan?

Gamit ang mga bahagi ng Sa simula po ng kuwento, sapilitan


banghay, ibuod ang akdang pong nagretiro si Kibuka. Ngunit
“Ang Alaga”. kahit ganon po ay patuloy pa rin
siya sa buhay. At may ibinigay pong
Una ay ang panimula. biik ang kaniyang apo na nagsilbing
Subukan mo ngang isalaysay libangan niya.
sa amin ang panimula ng
akdang inyong
binasa/pinanood Bb. Cruz.

Sa suliranin po, bumigat na po ang


biik hanggang sa wala na siyang
Mahusay! Bigyan niyo nga ng maipakain dito.
tatlong bagsak ang inyong
kaklase.

Sunod ay ang Suliranin, ikaw


nga ang sumubok nito G.
Reyes. Ang Kasukdulan po nito ay nang
mabundol po sina Kibuka at ng
Magaling. Palakpakan niyo alaga niyang baboy. Hindi
nga si G. Reyes. Maari ka napuruhan si Kibuka ngunit
nang umupo. salungat naman po ito sa sinapit ng
kaniyang alaga.
Pangatlo ay ang kasukdulan.
May ideya ka ba G. Badua
rito?
Ito po ay nang naisip ipakatay ang
alagang baboy ngunit labag sa loob
ito ni Kibuka. Upang makatulong sa
mga taong tumulong kay Kibuka,
Mahusay! Maraming salamat ibinahagi na lamang niya ang bawat
sa pagsagot! parte ng alaga sa mga kapit-bahay.
Ang Susunod na parte ay ang
kakalasan. Sige nga Bb. Rose.

Sa wakas po, natikman din po ni


Kibuka ang kaniyang alaga dahil sa
Mahusay! Bigyan niyo nga ng pagdating po ng kaibigan niyang si
tatlong bagsak ang inyong Masusi.
kaklase.

At ang huli ay ang wakas.


Subukin mo nga ito G. Ariel
IV. PAGTATAYA

Ngayong natapos na ang


ating talakayan, Subukan
naman ninyong sagutin
ang aking ibibigay na
gawain.

Panuto: Ibigay ang mga


hinihingi. Isulat ito sa
isang buong papel.
Ipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa
kahalagahan ng akda sa:
a. Sarili

b. Lipunan

c. Daigdig

Pamantayan ng Puntos
Pagmamarka
Mabisang nabigyang diin 10
ang pagpapaliwanag
Sapat lamang ang 7
pagpapaliwanag
Hindi gaanong 5
napaliwanag ang sagot
Walang kasagutan 0

V. Kasunduan

Bilang inyong takdang


aralin, sa pahina 78 ng
inyong aklat, sagutan
ninyo ang gawain 4.
May katanungan pa ang
lahat? Kung wala na, dito
na nagtatapos ang ating
aralin ngayong araw.
Maraming salamat sa inyo!
Paalam! Maraming salamat din po Sir!
Paalam po!

Inihanda ni: Iwinasto at tinunghayan:

PHILIP LEONARD DARUCA ROBERT G. MALLARE


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

You might also like