You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


The Premier University in Zamboanga del Norte
Dipolog Campus, Dipolog City

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
a. nakasusuri ng salawikain at ang mga kaisipang nakapaloob,
b. nakapagbibigay sa mga kasingkahulugan ng mahihirap na salita at nagagamit sa sariling
pangungusap;
c. nakapagsasagawa ng sariling poster, awit, dula, at slogan na nagpapakita ng pagiging
matatag sa kabila ng hamon sa buhay; at
d. napahahalagahan ang mga aral na napupulot mula sa araling tinalakay.
II. PAKSANG – ARALIN
Paksa: Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari
Sanggunian Aklat: Ibong Adarna interpretasyon nina Glady A. Gemina at Leslie S. Navarro
III. Kagamitan: Manila paper, pentel pen, larawan, at iba pang kagamitang panturo.
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral
A. Paghahanda
Panalangin
“Magsitayo ang lahat para sa pambungad na
panalangin. Maaari mo bang panguluhan,
Rodelyn?”

(Tumayo ang lahat at nanalangin)


Pagbati
“Magandang umaga mga mag – aaral.
Kamusta ang inyong mga araw?”

“Magandang umaga din po, Ma’am. Mabuti


naman po.”

“Bago magsiupo ay ayusin muna ninyo ang


mga upuan at pulotin ang mga kalat sa inyong
paligid.”
(Inayos ang mga upuan at pinulot ang mga
kalat sa paligid)

Pagtatala ng Liban
“Bawat kalihim ng hanay may liban ba?
Unang hanay?
“Wala po, Ma’am.”
"Pangalawang hanay?”

“Wala po”

" Pangatlong hanay?"

“Wala rin po Ma’am.”


“Mabuti naman kung ganoon.”

Kasunduan
“Sino ang nakaalala sa ating kasunduan?
Magbigay ng isa, Marjorie?”

“Huwag makipag – usap sa katabi habang


nagsasalita ang guro.”
“Maraming salamat. Ano pa,
Karen?”

“Iligpit ang mga gamit na walang kinalaman


sa klase.”
“Magaling! At ang panghuli ay Dawn?”

“Itaas lamang ang kanang kamay kung nais


sumagot.”

“Tama!

Maaasahan ko bang susundin ninyo ang


lahat ng mga alituntuntuning nabanggit?”

“Opo ma’am.”
B. Pangganyak

“Ngayon, bago tayo tuloyang pumunta sa


ating panibagong paksa ay magkakaroon
muna tayo nga laro. Gusto niyo ba ng laro
klase?

“Opo ma’am.”
Ang larong ito ay tinatawag na "Gintong
Kasabihan, Gintong Karunungan."
Bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang
suriin ang bawat salawikain na ibinigay
ko sa inyo. "Handa na ba kayo klas?

“Opo ma’am”
“Ngunit bago ang lahat pansinin niyo
muna ang ating pamantayan”

Pamantayan
Kriterya 5 3 2
a. Aktibon Aktibon Walang
Pagkaka g g namama
isa nakikilah nakikilah sid na
ok ang ok ang aktibong
lahat ng ilan sa pakikilah
mga mga ok sa
kasapi. kasapi. bawat
kasapi.
b. Hindi
Presenta Maayos gaanong Magulo
syon mayos
c. Buong- Hindi Kulang
Nilalam buo ang gaanong ang
an pagbibig komplet pagbibig
ay ng o ang ay
interpret pagbibig interpret
asyon ay asyon
interpret
asyon
Kabuua 15
n
(Ang bawat pangkat ay binigyan ng
salawikain na kanilang susuriin.)

(Ang mga mag-aaral ay sinuri ang


“Mahusay klas, ang lahat ng inyung salawikain.)
pagsusuri ay tumpak kaya bibigyan ko
kayo ng 30 puntos palakpakan ninyo ang
inyung mga sarili ng mahusay clap.”

(Ang mga mag-aaral ay nagpapalakapakan.)


C. Paglalahad
“Batay sa ginawa ninyong pagsususri
klas,ano kaya ang tatalakayin natin
ngayong araw?”

“Sige nga, Rejane.” (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng


kamay.)

"Sa ganang akin, ang tatalakayin ngayong


“Magaling! Bigyan ng magaling clap.” araw ay patungkol sa Pamilya."

“Sapagkat ang tatalakayin natin ngayon (Nagpapalakapakan)


ay ang isang tula patungkol sa Pag-asa sa
kabila ng mga pagsubok sa buhay.”

“Klas maari niyo bang basahin ng


sabay-sabay ang pamagat ng ating
tatalakayin ngayong araw?”

"Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari"


Pagpapakita sa mga layunin

“Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang ating


layunin.”

(Ipapakita ng guro ang mga layunin.)

Mga Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag –
aaral ay inaasahang:
a. nakasusuri ng salawikain at ang mga
kaisipang nakapaloob,
b. nakapagbibigay sa mga
kasingkahulugan ng mahihirap na
salita at nagagamit sa sariling
pangungusap;
c. nakapagsasagawa ng sariling poster,
awit, at slogan na nagpapakita ng
pagiging matatag sa kabila ng hamon
sa buhay; at
d. napahahalagahan ang mga aral na
napupulot mula sa ataling tinalakay.
Paghahawan ng Sagabal

“Pero bago natin babasahin ang


nilalaman ng tulang “Kabanata 2: Ang
Karamdaman ng Hari”, bibigyan muna
natin ng kahulugan ang mga mahihirap na
salitang matatagpuan sa akda. Basahin ng
sabay-sabay ang panuto.”

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang


kasingkahulugan ng salitang nasa Hanay
A at gamitin ito sa sariling pangungusap.

Hanay A Hanay B

1. Talinghaga A. Balisa

2. Lumbay B. Kalupitan

3. Dalamhati C. Tayo na

4. Bagabag D. Nagpapatuloy

5. Nililo E. Pag-iisip

6. Tampalasan F. Habag
Mga inaasahang sagot ng mag-aaral:
7. Matarok G. Traydor
1. Mahiwaga
8. Lunos H. Mahiwaga 2. Tamlay
3. Hinagpis
9. Gunamgunam I. Tamlay 4. Balisa
5. Nilinlang
J. Nilinlang 6. Traydor
7. Mabatid
K. Hinagpis 8. Habag
9. Pag-iisip
L. Mabatid
D. Pagbasa

Bago Magbasa

“Batay sa ating paksa ngayong araw


mayroon ba kayong inisyal
nakatanungan ukol dito?

(Ang guro ay pinasulat ang tanong ng


mag-aaral sa pisara.)

“Ang lahat ng inyung katanungan ay


ating sasagutan sa pag-usad ng
talakayan.”

Habang Nagbabasa

“Tatawagin natin itong Pagbasa ng


maalam, ang unang pangkat na mag
babasa ay pangkat 1 at unawain itong
mabuti klas dahil mayroon akong
katanungan pagkatapos basahin ng unang
pangkat ang 1-6 na saknong.”

(Binabasa ng mag-aaral.)

“Mahusay! Batay sa inyung binasa klas


ano ang napanaginipan ng hari?”

(Ang mag-aral ay nagtaas ng kamay.)


“Sige nga, Maricel?”

"Napanaginipan po ng hari na ang kaniyang


anak pinakamamahal na si Don Juan ay nililo
at pinaslang ng dalawang tampalasan."
“Magaling! Ano kaya ang mangyayari sa
Hari, gusto niyo bang malaman klas?”
“Ngayon ay babasahin ng pangkat 2 ang "Opo maam"
karugtong mula 7-11.”

(Ang mag-aaral ay nagbabasa.)

“Mahusay! Ano nga ulit ang nangyari sa


Hari?”

"Ang hari po ay nangayayat at naging buto't


balat ang hari dahil hindi na halos kumakain
at hindi narin makatulog."

“Tumpak! Bakit naman labis ang pag-alala ng


Reyna at ng tatlong Prinsipe?”

"Dahil walang sinuman ang makapagbibigay


ng lunas sa hari."
“Mayroon bang nakuhang manggamot na
nakakaalam sa dinaranas ng hari?”

"Opo guro, sa kalooban ng Dios ay mayroong


medikong paham na nagsabing ang sakit ng
hari ay bunga ng kaniyang napanaginipan."
“Tama, klas magagamot pa kaya ang hari?
Upang ating malaman ay babasahin ng
pangkat 3 ang 12-16 na saknong.”

(Ang mag-aaral ay nagbabasa.)

“Magaling! Ano naman ang


makapagpapagaling sa hari?”

"Ang tanging lunas po ay ang awit ng ibon na


matatagpuan sa bundok Tabor na nakadapo sa
“Tumpak! Kailan naman maaring matagpuan kumikinang na puno ng Piedras Platas."
ang ibon?”
"Sa gabi po dahil sa umaga ay nasa burol ito
upang manginain kasama ang iba pang ibon."

“Mahusay! Bigyan ng dalawang bagsak.”

(Nagpalakpakan)

Pagkatapos Magbasa

“Base sa inyung binasa Klas, sino-sino ang


mga tauhang binanggit sa Kabanatang ating
tinalakay?”

"Ang mga tauhan po ay sina Don Fenando,


ang tatlong prinsipe, reyna, at ang
manggagamot."

“Ano ang suliranin sa kabanatang ating


tinalakay?”

"Ang suliranin Po ay ang panaginip ng hari na


labis niyang dinamdam kaya diya siya ay
nangayayat at nagkasakit."

“Magaling! Sino ang makapagbabahagi ng


pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kabanata?”

(Ang mga mag-aaral ay naglahad ng sagot.)

“Kung ating iuugnay klas sa panahon ngayon


ang pinagdaanan ng hari ay ang tinatawag
nating Depression.”

(Itinalakay ang bilang ng mga taong may (Ang mga mag-aaral ay nakikinig.)
depresyon)

“Ngayon klas, kung kayo ang nasa


sitwasyon bilang anak ng hari ano ang
inyong gagawin para sa inyong ama?”

“Mahusay! Kaya mong mag sakripisyo


para sa ikakabuti ng iyong ama, talaga
naming ang isang pamilya ay kailangang
nagtutulongan upang ang problema’y
maibsan.”

“Ngayon klas ay ating bibigyang


kasagutan ang inyung mga katanungan
kanina”

“Naintindihan niyo ba ang paksang ating


tinalakay klas?” "Kung ako po ang nasa sitwasyon bilang
anak, gagawa po ako ng paraan upang ang
aking ama ay mapagaling at maging maayos
ang kaniyang pakiramdam."
E. Paglalapat

"Ngayon naman ay mayroon akong


pakikipagsapalarang ibibigay sa inyo.
Bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang
tapusin ang pagsubok na ito"

"Nasa inyo na klas kung gusto ninyong


tumula, sumayaw, sumulat, o gumuhit."

"Handa naba kayo?" (Ang mga mag-aaral ay aktibong nakilahok.)

"Ngunit bago ang lahat pansinin niyo


muna ang ating pamantayan." "Opo ma'am."
"Opo Ma'am."

PAMANTAYAN
Pangkatang Gawain

Krayterya 10 7 4

a.Pagkakais Aktibong Aktibong Walang


a nakikilahok nakikilaho namamasid na
ang lahat ng k ang ilan aktibong
mga kasapi. sa bawat pakikilahok sa
kasapi. bawat kasapi.
b.Presentasy Maayos Hindi Magulo
on gaanong
maayos

c.Nilalaman Buong – Hindi Kulang ang


buo ang gaanong pagbibigay
pagbibigay kompleto interpretasyon.
ng ang
interpretasy pagbibigay
on. interpretas
yon
Kabuuan 30 Puntos

Unang Pangkat: Sa pamamagitan ng isang


"Tapos na ang 10 minuto at ngayon ay poster gumuhit ng larawan na sumasalamin sa
itanghal niyo na ang inyung mga gawa." pagtulong sa mga taong nakakadanas ng
Depresyon.
(Ang guro ay nagbibigay puntos.)
Pangalawang Pangkat: Gumawa ng awit na
may temang pagiging matatag.
F. Pagpapahalaga/Paglalahat
Ikatlong Pangkat: Gumawa ng sariling slogan
"Batid kong lubos niyo ng naunawaan patungkol sa pagbangon sa kabila ng mga
ang tulang ating binasa ay magkakaroon dagok sa buhay.
muna tayo ng #POTD o pulot of the day."
Iba pang gawain maaring gawin ng mag-
"Ano ang inyung natutunan o napulot na aaral: Pagsasadula sa pagiging matatag sa
aral sa ating arilin?" gitna ng hamon sa buhay lalo na sa pamilya.

(Ang mga mag-aaral ay ipinakita ang kanilang


gawa.)

Inaasang sagot ng mga mag-aaral:


“Naintindihan niyo ba ang paksa na ating
tinalakay?” “Ang lahat ng pamilya ay dumaraan sa
pagsubok ang kailangan mo lang ay maging
matatag."

“Wala na ba kayong mga katanungan?” "Sa kabila ng kahirapan ng ating mga


suliranin, mayroon tayong mga paraan para
malunasan ito basta’t tayo’y magtiwala,
magpursigi, at huwag mawalan ng pag-asa."
“Kung gayon ay magbibigay ako ng
maikling pasulit upang malaman ko kung "Ang bawat problema ay may kaukulang
talaga bang naunawaan ninyo ang solusyon."
nilalaman ng tula. Kumuha ng isang
kalahting papel at sagutan ang mga "Kahalagahan ng determinasyon at pagtitiyaga
sumusunod na katanungan.” sa pagharap sa mga hamon ng buhay."

“Opo Ma’am.”
“Wala na po Ma’am.”

“Opo Ma’am.”

V. EBALWASYON
Panuto: Ibigay ang angkop na kasagutan na hiningi sa bawat katanungan.

1.) Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?

2.) Ano ang makapagpapagaling sa sakit ng hari?

3.) Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?

4.) Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na Ibong Adarna?

5.) Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng hari?

Mga Sagot
1. Piedras Platas
2. Ang awit ng Ibong Adarna
3. Bundok Tabor
4. Korido
5. Berbanya

VI. TAKDANG- ARALIN

Panuto: Isulat sa isang malinis na ½ crosswise na papel.

Paano mo maipapakita ang pagtulong sa mga taong nakakaranas ng Depresyon.


Inihanda ni:

Kim Gel C. Ingad

You might also like