You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN:
A. KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Pamantayang Pangnilalaman:
A. Naipamamalas ng mag-aaral an gang pag-unawa sa nilalaman at mahalagang
kaisipang nakapaloob sa NOLI ME TANGERE

Pamantayan sa pagganap:
A. Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng pagtatanghal ng dualang panteatro
tugkol sa ilang panglipunan sa kasalukuyan.
II. NILALAMAN:
A. PANITIKAN: Paksa: Ang Bayan ng San Diego,Kabanata 10
Isinulat ni: Jose P. Rizal
Talasanggunian: Ang pinaikling bersiyon ng Noli
Kagamitang Pampagtuturo: mga manila paper,pentelpen,aklat at sipi ng akda
Kahalagahang Pangkatauhan: Ang pagmamalasakit sa bayan ay tanda ng mapagmahal na
mamamayan.
III. PAMAMARAAN:

PANIMULANG GAWAIN:
*Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan, Malayang Pagsasalita .
A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG ARALIN AT PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN
Pagganyak:
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung paano makakatulong ang mga kabataang katulad
nila sa pagpapanatili at pagpapayaman ng likas na yaman ng Pilipinas?

B.PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN


Upang mas lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang mga malalalim na salita ay magbibigay ang guro
ng isang Gawain.
Panuto: Isulat ang kasalungat ng bawat salitang may salungguhit sa at gamitin sa pangungusap.
1.Ang mga naaning gulay at palay ay ipinagbibili sa mga mapagsamantalang Intsik.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
2.Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na bukirin.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
3.May isang dampa ang nabubukod sa karamihan.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
4.Ang mga puno rito ay masinsin at malaki.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
5.Naglaho ang matandang Kastila na parang bula.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
6.Matatas managalog an gang matandang Kastila.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
7.Siya ay paminsan minsan na mabagsik.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
8.Ang mga maiilap na hayop ay nangaglipana sa gubat.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
9.Iniibig na siya'y magpapalumagak sa pook na iyon.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
10.Pinilit niyang matunton ay pinagtataguan ng isang hayop.
Kasalungat na Salita
Pangungusap
C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

Pagbabasa sa mga Mag-aaral


Ipapabasa sa mga mag-aaral ang sipi ng akda ng tahimik.Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng
5-6 na minuto sa pagbabasa
D.PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN
Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pangkatang gawain at sila ay mahahati sa APAT na pangkat.
UNANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay susuriin ang mga tauhan gamit ang Character chart.
IKALAWANG PANGKAT: Ang mga mag-aaral ay gagamitin ang Story Ladder para sa pagbubuod ng akda.
IKATLONG PANGKAT:Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng munting dula tungkol sa pangyayaring
pinakatumatak sa isipan o ang pinakamahalagang pangyayari sa akda.
IKAAPAT PANGKAT: Ang mga mag-aaral ang magsisilbing feedbacker sa naging presentasyon ng kanilang
kamag-aral.
Bago magsimula ang mga mag-aaral ibibigay ng guro ang pamantayan sa pagpupuntos.Bibigyan lamang
ang mga mag-aaral ng 5-7 minuto upang gawin ang nakaatang na Gawain.

E. PAGLINANG NG KABIHASAAN TUNGO SA FORMATIVE ASSESSMENT


Ang guro ay magbibigay ng isang Gawain na kung saan dudugtungan nila ang mga sumusunod na
pahayag.Ang bawat mag-aaral ay kukuha ng isang buong papel at sasagutan ang mga sumusunod na
katanungan.
Natutuhan ko na ang kabataan ay maaring makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Nalaman ko na ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at mas lalo itong mapapaunlad sa
pamamagitan ng __________________________________________________
Naunawaan ko na nararapat lamang na pangalagaan natin an gating likas na yaman
upang_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Makakatulong ako sa pagpapayaman ng isang lugar sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang liham na
kinapapalooban ng isang plano na kung saan ang pangunahing layunin
ay____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

F. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARA NA BUHAY


Sa iyong palagay, ang mas mainam na kontribusyon mo bilang kabataang may
pagmamahal sa bayan?
IV. Takdang-Aralin
Basahin ang Kabanata 11-Ang mga Makapangyarihan,pahina 64-66 at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan:
1.Sino-sino ang makapangyarihan sa bayan ng San Diego? Bakit sila tinawag na makapangyarihan?
2.Paano mo ilalarawan si Padre Bernardo Salvi?
3.Paano ginagampanan ng mga makapangyarihang tao ang kanilang tungkulin sa San Diego?

INIHANDA NI:

ROSSEL DANCIL-
TABINGA
Guro sa Filipino

You might also like