You are on page 1of 13

Masusing

Banghay Aralin
sa Filipino 9

Inihanda ni:
Christian Paul Subido

Ipinasa kay:
Gng. Romelynn Funclara
Instruktor
I. Layunin
Pagkatapos ng 45-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay kinakailangang:
A. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng dalawang tauhan sa akdang
“Ang Parabula ng Banga”;
B. Napahahalagahan at nakapagbibigay ng iba’t ibang mga karanasang may kinalaman sa
parabula; at
C. Nakalilikha ng sariling salawikain patungkol sa aral na napulot sa parabulang nabasa.

II: Paksang Aralin


a. Paksa: Parabula ng Banga
b. Sanggunian Aklat
Peralta, Romula N. et. al (2014). Panitikang Asyano 9 p.
197-199. Republika ng Korea, Prinpia Co, Ltd.
Elektroniko
May ari ng ubasan
https://www.youtube.com/watch?v=_EDvyOxVIEs&t=34s
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
https://www.youtube.com/watch?v=TDJvWB3Um1s&t=2s

c. Kagamitang Pampagtuturo Cardboards, mga banga, Power Point Presentation, visual


aids, spiker at Smart TV.
d. Pagpapahalaga Pagsunod sa utos ng magulang

III: Pamamaraan

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


1. Panimulang Gawain

a. Panalangin

Estratehiya: Ang Itinakda


Teknik: Magtatawag ang Guro sa kaniyang
klase at pangungunahan ang panalangin.

Tinatawag ko si G. Cacayorin upang


pangunahan ang panalangin
(Pupunta sa harap ang mag-aaral)
Manatiling nakatayo, klase.

b. Pagbati

Estratehiya: Genie-nga
Teknik: Ang guro ay kakatok sa hangin at ang
mga mag-aaral ay uupo sa baba nang
panandalian at lulutang nang parang ginie na
galing sa banga at babati ng “Magandang
umaga, Sawadika, HA, HA, HAAAAA”

Ayaaan! (kakatok sa hangin) “Magandang umaga, Sawadika, HA, HA,


HAAAAAA”
Maraming salamat, klase. Maaari na kayong
umupo.

c. Pagtala ng Liban

Estratehiya: Ang Banga mo!


Teknik: Ang guro ay magbibigay ng kapirasong
papel at susulatan ng mga mag-aaral at ilalagay
ang kanilang pangalan. Matapos nito ay
ihuhulog sa banga at ito ang magsisilbing
kanilang pagdalo sa klase at magagamit din sa
mga gawaing pang-mag-aaral.

Pakisulat sa kapirasong papel ang inyong mga


pangalan at matapos niyan ay ihulog sa
mahiwagang banga upang magsilbing gabay na
kayo ay dumalo sa klase.
(Isinulat ng mga mag-aaral ang kanilang
pangalan at ihinulog sa banga)

d. Paglatag ng Alituntunin
Estratehiya: Bangalituntunin
Teknik: May mga alituntuning nasa banga at
ang guro ay magtatawag sa kaniyang klase
upang ipakita ito sa kapwa mag-aaral.

Ngayon naman, bago tayo magpatuloy ay nais


kong ipaalala ang mga alituntunin natin sa
klaseng ito. Maaari mo bang iharap nang tig-
iisa ang mga alituntunin, Bb. Velasco?
Opo, Guro

Ano na ulit ang unang alituntunin?

(Iniharap ang unang alituntunin)


(Babasahin nang sabay-sabay)
Bilin ni Genie na dapat ay manahimik tayo sa
loob ng klase upang mas maunawaan ang Mana-Ge-
talakayan. nik
Ano naman ang ikalawang alituntunin?
Gie
Kung nais sumagot o may gustong sabihin ay
itaas lamang ang kamay upang matawag ko. na Gie ang kamay

(Huwag mag-Gielphone)

Huwag mag Gel-


phone

At ang panghuling alituntunin?

Ang panghuling bilin naman ni Ginie ay huwag


gumamit ng cellphone upang kayo ay
magkaroon ng pokus sa ating talakayin.
Maliwanag ba ito klase? Kung inyong
naintindihan, sabihin niyo ang mahikang
hininga ni Ginie: “HA, HA, HAAAAAA” “HA, HA, HAAAAAA”

Mahusay! Nawa’y ang mga ito ay maisagawa


bago, habang at pagkatapos ng ating talakayin.

e. Pagsasanay
Estratehiya: Ang Banga ng Kasulatan
Teknik: Ang guro ay naghanda ng mga
kasulatang nasa loob ng banga. Matapos
magpanood ng guro, bubunot siya sa banga ng
mga dumalo upang bumunot muli sa isa pang
banga ng kasulatan. Bibigyan ng isang minuto
ng guro ang mga nakabunot sa banga ng
kasulatan upang pag-isipan ang mga salitang
kanilang nabasa sa papel at maalala ang mga
ito na galing sa nakaraang talakayan.
(Pupunta sa harap ang mga nabunot ng guro
upang bumunot muli sa Banga ng Kasulatan)
Bago magsimula ang ating pagsasanay, nais
kong panoorin niyong muli ang maikling clip ng
bidyo. Pagkatapos nito, kayo ay bubunot ng
papel sa Banga ng Kasulatan at nais kong
kayo’y mag-isip ng pagpapaliwanag sa mga
salitang inyong napili at mamaya ay iisa-isahin
ko kayong tatanungin. Bibigyan ko kayo ng
isang minuto upang makapaghanda ng
pahayag.

(Oorasan ng guro ang mga nakabunot)


Tapos na ang isang minuto. Batid kong kayo’y
handa upang ipahayag at ipaliwanag ang mga
salita kung sakaling kayo ay mabunot.

f. Balik-aral
Estratehiya: Kabanga-banga
Teknik: Ang guro ay magbabanggit ng mga
salitang galing sa nabunot sa banga at dapat
masagutan ito ng kaniyang napiling
magpaliwanag base sa napanood na clip.

Kung talagang nakinig kayo sa ating nakaraang


talakayan, Bb. Jocelle, ano nga ba ang iyong
napiling mga salita?
May ari ng ubasan po, guro
Base sa iyong nabunot, ano ang simbolikong
kahulugan nito sa parabulang inyong nabasa
noong nakaraan talakayan?
Ang may ari po ng ubasan ay si Hesus. Kaniya
lamang na binanggit na may nagmamay ari nito
upang makita ang tunay na determinasyon ng
mga tao sa kaniyang iniuutos.

Napakahusay ng iyong pagpapaliwanag


binibini!

Ginoong Daryl, ano naman ang iyong nabunot


na mga salita? Salaping pilak po, guro

Kung gayon, ano ang ipinahihiwatig nito sa


parabulang inyong nabasa?
Ito po ang napagkasunduan ng may-ari at ng
mga manggagawa. Nang magkasundo ang
may-ari at ang mga manggagawa sa isang
salaping pilak, pinapunta na po sila sa kaniyang
ubasan. Dito na nangyari ang pagkadismaya ng
mga naunang manggagawa.
Magaling! Tunay ngang naaalala niyo pa ang
nakaraang talakayan!

Para naman sa ikatlong mga salita, ano ang


iyong nabunot, Bb. Eljane?
Ang mga manggagawa po, guro
Ngayon naman, ano sa palagay mo ang iyong
naaalala sa parabulang iyong nabasa nang
makita mo ang mga salitang “Ang mga
manggagawa?”
Nagkaroon na po ng pagtataka at pagdududa
ang mga naunang manggagawa, bakit daw po
ay parehong tig isang salapi ang lahat gayong
ang mga nagtrabaho ng alasingko hanggang
gabi ay hindi naman naghirap sa ubasan at
kami ang nahirapan sa pagtatrabaho.

Siyang tunay, Binibini! Palakpakan ninyo ang


inyong mga sarili! Talaga namang napaka
aktibo ng aking klase!
(Magpapalakpakan ang mga mag-aaral)
g. Paghawan ng Sagabal
Estratehiya: Katukin mo ang Banga Ko
Teknik: Mula sa mga nahuling natawag ang
pangalan, pipili sila ng tigdalawang kakatukin
sa likod upang siyang magtungo sa harap at
bumunot ng mga salitang ididikit sa pisara.
Kailangan nilang mai-ugnay ito sa kabilang
hanay na sa tingin nila ay katumbas na
kahulugan ng napiling salita.

Tinatawagan ko ng pansin sina Bb. Jocelle, G.


Daryl at Bb. Eljane na humanap ng kakatuking
kamag-aral upang magtungo rito sa harap at
idikit sa nararapat na hanay ang nabunot sa
banga. (Ang mga natawag na mag-aaral ay kakatok
ng dalawang kapwa mag-aaral)

Sa kanilang mga kinatok, maaari lamang na


kayo’y magtungo rito sa harap upang ihanay (Ang mga natawag ay tutungo sa harap at
ang mga salita sa angkop na kahulugan nito. magdidikit ng mga imprentang salita sa pisara)

Panuto/utos/payo

Matikas/kaaya-
aya

Binigyang hugis

Lalagyan

Nagkahiwa-
hiwalay

Lumipas

Tagubilin Panuto/utos/payo

Elegante Matikas/kaaya-
aya

Hinulma Binigyang hugis

Sisidlan Lalagyan

Nagkahiwa-
Nagkalamat
hiwalay

Lumaon Lumipas
2. Paglinang ng Gawain
a. Pagganyak
Estratehiya: Toktok, Makikinood po!
Teknik: Ang guro ay hihingi ng hudyat sa
kaniyang klase upang katukin ang banga nang
sa gayon ay magsimula na ang kanilang
maikling panonood.

Handa na ba ang lahat na manood ng isang


maikling bidyo?
(HA, HA, HAAAAAAA, opo, guro)

Kung gayon ay hihingi ako sa inyo ng hudyat


upang makatok ko na ang banga na
magsisilbing simula ng ating panonood.
Sabihin ang “Toktok, Makikinood po!” (Sabay-sabay ang mag-aaral)
“Toktok, makikinood po”

Mahusay! Tinatawagan ko ng pansin ang lahat


upang magbigay ng atensyon sa aking
ipanonood dahil maaaring may mga
katanungan akong ibabato sa inyo mamaya.

Nagustuhan niyo ba ang panonood ng maikling


bidyo? Opo, guro!

Mahusay!

b. Paglalahad
Estratehiya: Ipakita mo kung sino ka!
Teknik: Ang guro ay may mga inihandang
katanungan mula sa pinanood na bidyo.

Base sa iyong napanood G. Michael, tungkol


saan ang bidyo?
Patungkol po ito sa pagsuway ng mga
kababaihan sa tagubilin ng kanilang ama.

Tama! Ano naman ang mga katangian ng Ama


at ng kaniyang mga anak? Bb. Joana? Ang kanilang ama po ay maalalahanin at ang
kaniyang mga anak naman ay suwail at hindi
nakikinig sa utos ng magulang.

Bakit ng aba sila sumuway sa utos ng kanilang


Ama? G. Jeric? Sila po ay nasilaw sa mga inihandog ng mga
kalalakihan sa kanila kung kaya’t sumama po
sila sa mga ito kahit hindi tiyak na mahal nila
ang mga lalaki.

Mahusay! Ano naman ang nangyari sa mga


babae dahil sa kanilang paglabag sa tagubilin Sila po ay inalon at namatay. Di lumaon ay
ng kanilang Ama? Bb. Jocelle naging mga Isla na nagsisilbing kanilang
kasalanan dahil sa kanilang paglabag sa
tagubilin ng Ama.

Tama, at iyon nga ang kanilang naging parusa


dahil sa paglabag sa nais mangyari ng Ama na
para rin naman sana sa kanilang kapakanan.

Sa mga pagkakataong ito, nagkakaroon na ba (Ang mga mag-aaral ay manghuhula ng mga


kayo ng ideya sa ating paksang tatalakayin? maaaring pamagat ng ikukuwento)

Patungkol po ba ito sa pagsuway sa


magulang? Mga Banga? Parabula?

Tumpak! Nadali niyo! Napakahusay dahil


nagkaroon kayo ng paghihinuha sa ating paksa
sa araw na ito!

Ang pamagat ng ating paksa ay “Parabula ng


Banga”

c. Gabay na tanong
Estratehiya: Sabay-sabay tayo!
Teknik: Ang guro ay ipababasa ang mga
gabay na tanong na nasa pisara.

Ngayon naman, bago magpatuloy-tuloy sa


naturang paksa ay nais kong basahin ninyo
nang malakas at sabay-sabay ang mga gabay Mga gabay na tanong:
na tanong sa pisara. 1. Ihambing ang katangian ng bangang yari sa
lupa at yari sa porselana.
2. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa
lupa? Ng bangang yari sa porselana?
3. Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan
sa kaniyang layunin?
4. Anong aral o mensahe tungkol sa reyalidad
ng buhay ang nais ipabatid ng parabula?

d. Pagtatalakay
Estratehiya: Sa Dula Makikita
Teknik: Ang guro ay magkukuwento habang
ang telebisyon ang magsisilbi nitong
background na may kasamang tunog.

Handa na ba ang lahat upang matunghayan


ang aking inihandang presentasyon? Handang handa na po, Guro!

Ayos! Kung gayon, nais kong makinig kayo


nang mabuti, klase!

(Ipanonood na sa klase ang inihandang


presentasyon sa Smart TV at kasabay ng
pagsasadula ng guro)

Nagustuhan at naunawaan ba ninyo ang


kuwento? Opo, guro! Kaso po ay nakalulungkot ang
nangyari sa bangang yari sa lupa.
Oo nga. Nakalulungkot ngang isipin.

Gayon pa man, batid kong naunawaan ninyo


ang kuwento! Kung tunay ngang naunawaan
niyo ito ay atin nang sagutin ang mga gabay na
tanong na inyong binasa kanina. Bubunot ako
sa mahiwagang banga ng mga sasagot sa
gabay na tanong.

Para sa unang katanungan, Ihambing ang


katangian ng bangang yari sa lupa at yari sa
porselana. Ikaw ang masuwerteng nabunot,
Bb. Shaina.
Ang porselanang banga ay nak ila at
napapalamutian ng magagandang disenyo at
matitingkad na kulay ng pintura.
Ang porselanang banga ay higit na matibay
kaysa bangang nak ila lupa dahil nang sila ay
nagkabangaan, ang bangang gawa sa lupa ay
nagkaroon ng lamat at tuluyang nasira.
Samantala, ang bangang gawa sa porselana ay
nanatiling buo.

Tumpak! Mahusay ang iyong pagpapaliwanag!

Para naman sa ikalawang katanungan, sino


ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa? Ng
bangang yari sa porselana? G. Jeric. Ang bangang nak ila lupa ay maaari po nating
maihalintulad sa Mahirap na tao dahil ito po ay
isang mababang uri lamang na banga
samantalang ang bangang yari naman sa
porselena ay isang mayayaman dahil po sa
anyo nitong makinis, pantay-pantay na
pagkahulma, magarang disenyo at matitingkad
na mga kulay ng pintura.

Napakahusay Ginoo! Maayos ang iyong


pagpapakahulugan!

Sa ikatlong tanong naman, nagtagumpay ba Hindi po guro dahil hindi naman niya sinunod
ang pangunahing tauhan sa kaniyang layunin? ang payo ng kaniyang nak il dapat ay
Bb. Angielyn? makisalamuha lamang siya sa kaniyang kauring
banga. Nakisama pa rin siya sa porselanang
banga na nagresullta sa kaniyang pagkabasag.

Tumpak! Malinaw ang iyong punto!

Para naman sa huling katanungan, anong aral


o mensahe tungkol sa reyalidad ng buhay ang
nais ipabatid ng parabula? G. Daryl? Ang aral o mensahe tungkol sa realidad ng
buhay nak ila ipabatid ng parabula ay maging
masunurin sa payo ng mga magulang sapagkat
wala silang ibang hinahangad para sa atin kundi
ang ating kabutihan. Huwag din tayong basta-
basta na mag tiwala sa mga taong hindi pa natin
lubos na kilala.

Gayong nabanggit natin ang mga aral tungkol


sa reyalidad ng buhay na napulot natin sa
parabula, nais ko pang magbigay kayo ng mga
aral na may kinalaman sa parabulang ating
nalaman sa araling ito.
Kilalanin muna ang mga taonga ting
pakikisalamuhaan upang mabatid natin kung
sila ba ay makatutulong sa ating paglago o
makasisira ng ating pagkatao dahil masamang
Mahusay! Ano pa? impluwensiya ang kanilang ibabahagi sa atin.

Laging isipin na ang pagsisisi ay laging nasa


huli. Bago mo muna gawin ang isang bagay,
pag-isipan mo ito nang milyong beses upang
hindi ka magsisi sa huli.
Ang gagaling ng inyong mga halimbawa!
Talaga namang kayo ay tunay na nakinig sa
kuwento.

Maihahalintulad natin ang ating mga sarili sa


porselanang lumaki at lumago at nakatagpo ng
iba’t ibang uri ng banga na maaari nating
maihalintulad sa iba’t ibang uri rin ng tao. Dahil
tayo ay tumatanda, nais din nating maranasan
ang pagiging malaya at magawa ang ating mga
gusto sa buhay. Panigurado rin akong may mga
bangang kumakatawan sa ating mga magulang
na sumisimbolo sa paggabay sa atin at
nagbibigay ng tagubilin upang tayo ay hindi
mapahamak. Patunay lamang na ang mga
parabula ay natatangi sa ibang akdang
pampanitikan dahil ang mga pangyayari ay
makatotohanan at nakasaad ito sa banal na
kasulatan. Ang mga mensahe rito ay isinulat sa
paraan na gumamit ito ng matatalinhagang
pahayag.

Naunawaan ba, klase?


Naunawaan po, guro!
e. Paglalahat
Estratehiya: Hulmain mo ako
Teknik: Ang guro ay may inihandang laruang
putik na kailangang hulmain ng mga mabubunot
na mag-aaral nang pabilog upang makasagot sa
mga katanungan ng guro.

Ngayon naman klase ay may inihanda akong


mga katanungan at kailangang masagot niyo ito.
Bubunot ako gamit ang mahiwagang banga ng
dalawang mag-aaral at paunahang makahulma
ng bilog gamit ang laruang putik at saka lamang
ang hudyat na kayo ay maaaring sumagot.
Maliwanag ba klase?
Opo, guro! HA, HA, HAAAAA

Ano ang tagubilin ng inang banga sa kaniyang


anak? Isa, dalawa, tatlo!
Bilin po ng kaniyang ina ang makisalamuha
lamang sa kauring banga at alalahaning siya
ay gawa lamang sa lupa
Magaling!

Ano ang sinisimbolo ng salitang “elegante” sa


parabula? Matikas po guro. Maaari rin pong malakas ang
dating
Nadali mo! Mahusay!

Kung ang bangang ordinaryo ay gawa sa lupa,


paano naman hinulma ang iba pang uri ng mga
banga?
Hinulma po sila nang pantay-pantay. Iba’t
ibang materyal ang ginamit sa kanila at iba’t
ibang kulay rin na nagsisimbolo sa
pagkakaroon nang kaaya-ayang disenyo.
Tumpak!

May makisig na porselanang banga ang sa


kaniya’y nag-imbita upang maligo sa lawa
subalit tumanggi siya. Nang lumaon, ano ang
kaniyang ginawa?
Siya po ay pumayag dahil base sa kaniyang
pananaw ay pantay-pantay lang naman ang
mga banga. Naakit din po siya sa porselanang
banga kaya siya sumama.
Magaling ang iyong pagpapaliwanag!

Para naman sa panghuling katanungan, bakit


nagkalamat ang bangang yari sa lupa?
Sapagkat sila po ay naligo at habang naliligo
sila ay nagkaroon ng alon. Sila ay nagbungguan
na nagresulata ng paglamat ng bangang gawa
sa lupa.

Ang huhusay ng inyong mga kasagutan! Talaga


namang may Magandang bunga ang paksang
ating natalakay!

f. Paglalapat
Estratehiya: Likharal
Teknik: Ang guro ay magpapagawa ng sariling
salawikain ng mga mag-aaral na maiuugnay sa
parabulang nabasa.

Pakibasa ang panuto sa telebisyon nang sabay-


sabay klase
“Lumikha ng sariling salawikain na may
kinalaman sa paksang ating tinalakay. Gawin
lamang ito sa loob ng dalawang minuto”

Pamantayan:
Aral – 40%
Kaugnayan sa paksa – 30%
Orihinalidad – 20%
Pagsunod sa oras – 10%

IV: Pagtataya
TAMA o MALI: Isulat ang BANGA kung ang pangungusap ay tama at SUWAY naman kung ito
ay mali.

____________1. Nakinig siya sa kaniyang Inang banga sa bilin nito na huwag makisalamuha
sa hindi kapwa bangang gawa sa lupa.
____________2. Noong una ay tumanggi siya sa alok ng makisig na porselanang banga ngunit
kalauna’y pumayag din ito sa pagligo sa lawa.
____________3. Ang porselanang banga ay napalilibutan ng matitingkad na disenyo at kulay.
____________4. Nang magbanggan ang bangang gawa sa lupa at porselanang banga ay
pareho silang nabasag.
____________5. Habang nabibitak ang bangang gawa sa lupa, naalala niya ang kaniyang ina.
____________6. Madalas na inuulit-ulit ng inang banga sa kaniyang anak ang mga paalala
upang hindi ito mapahamak at magsisi sa huli.
____________7. Ang bawat likhang banga ay may kani-kaniyang kahalagahan.
____________8. Kasabay na nagtampisaw sa lawa ang inang banga sa anak na banga at
porselanang banga.
____________9. Ginusto ng bangang gawa sa lupa na mapalapit siya sa porselanang banga
dahil may gusto ito sa kaniya.
____________10. Ang pagsuway sa utos ng magulang ang siyang maghahatid sa atin sa
kapahamakan.

Susi sa pagwawasto:
1. SUWAY
2. BANGA
3. BANGA
4. SUWAY
5. BANGA
6. BANGA
7. BANGA
8. SUWAY
9. SUWAY
10. BANGA

V. Kasunduan
Panuto:

Kung ikaw ay papipiliin, bangang gawa sa lupa o bangang gawa sa porselana? Ipaliwanag nang
maayos ang iyong punto upang ang iyong napili ay iyong maipaglaban base sa iyong
interpretasyon. Isulat ito sa kapirasong papel.

You might also like