You are on page 1of 32

Aralin 3.

4
Usok at Salamin:Ang
Tagapagligkod at ang
Pinaglilingkuran
Sanaysay-Israel
1. Tungkol saan ang iyong pinanood?
2. Ano ang layunin ng
dokyumentaryong palabas na
pinanood mo?
3. Ano ang minsaheng nais iparating
ng dokyumentaryong pinanood mo?
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na
kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay
maaaring magkaroon ng mga element ng
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon,
kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-
ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang
tao.
Mga Uri ng Sanaysay
Sulating Pormal o Maanyo
 Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang
tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng
bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa
Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang
mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling
isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay
ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
Sulating Di-pormal o Impormal
 Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal
ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at
paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring
nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang
kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang
pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di
pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan
tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na
nakikita at nararanasan ng may akda.
Tungkol saan ang akdang "Usok at
Salamin: ang Tagapaglingkod at ang
Pinaglilingkuran "
 Ito ay tungkol sa karanasan ng may-
akda tungkol sa magulo na
pamamahala ng bansang Israel at hindi
pantay-pantay na turingan ng mga tao
na may iba't ibang kultura at relihiyon
Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at
ilahad ang mga sumusunod na elemento ng sanaysay.

Paksa Tono Kaisipan


  
Patunay Patunay Patunay
  

You might also like