You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Rehiyon 02
Dibisyon ng Quirino
Banghay- Aralin sa Filipino 9

Pebrero 07, 2019

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng maikling
panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan
ng Timog-Silangang Asya
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa mga nakitang larawan; F9-IId-47
b. Naipaliliwanag ang mahalagang mensahe na nais ipabatid sa sanaysay; F9PB-IId-47
c. Naiuugnay ang mga pangyayari sa sanaysay na binasa sa realidad:at
d. Naisasagawa ang mga Gawain.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Hindi Ako Magiging Adik ni: Manny Ledesma
Sanggunian: Panitikang Asyano Modyul sa mga Mag-aaral sa
Filipino 9, pahina 217-218
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Larawan, Roleta ng Puntos,Hashtags,Regalo

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (mananalangin)
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga Lumiban

B. Pagganyak
Naghanda ako ng isang awitin
kung saan nais kong sundan niyo
ito upang sa ganoon ay inyong
madama at mabatid ang mensahe na
nais ipabatid ng awitin. Pagkatapos
ninyong mapakinggan ay bubuo (pakikinig ng awit at pagbubuo ng Hashtag)
kayo ng HASHTAG patungkol sa
awitin ni Freddie Aguilar na
pinamagatang “Anak”.

C. Paglalahad ng Aralin
Ang awiting inyong napakinggan
ay mayroong malaking kaugnayan
sa ating tatalakayin ngayon, na
isang sanaysay ito ay pinamagatang
Hindi Ako Magiging Adik ni:
Manny Ledesma.
D. Paghawan ng Sagabal
Papangkatin ang klase sa tatlo.Ang
unang pangkat ay ang #Hindi Ako
Gagamit ng mga Ipinagbabawal na
Gamot pangalawang pangkat ay
ang # Hindi ko sisirain ang buhay
ko at ang panghuling pangkat ay #
Hindi ako magiging Adik. Bawat
pangkat ay pipili ng limang
miyembro upang kinatawan sa
kanilang grupo. Bawat miyembro
na maglalaban-laban ay mayroong
kaakibat na isang salita kung saan 1. Adik
bibigyang kahulugan ang mga ito
batay lamang sa mga larawan,
unahan ang pagpindot sa inyong
buzzer at kung sino ang makakuha
ng tamang sagot ay siyang
magpapa-ikot ng roleta para sa
kanilang puntos. 2. Panganib

3. Biktima

4. Droga

E. Pagbibigay sa mga Gabay na


Tanong
1. Tungkol saan ang tekstong
Bago natin basahin ang akda
binasa?
bigyang pansin muna natin ang mga
2. Ano ang layunin ng may-akda sa
gabay na tanong para sa ating
binasang sanaysay?
pagbabasa sa akda.
3. Isa-isahin ang mga dahilan ng
may-akda kung bakit ayaw
niyang maging adik.
4. Ano ang mensaheng nais ipabatid
ng may-akda?

F. Pagbasa sa Akda
Ngayon ay atin ng basahin ang
akda. Sundan niyo ang teksto sa
pamamagitan ng inyong mga mata,
pakinggan ito at unawaing mabuti
ang akda.
G. Pagtalakay
Balikan natin ang mga katanungan
kanina at atin na itong sagutin.
Ma’am ako po.
Para sa unang katanungan, sino ang may 1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
gustong sumagot. Ang tekstong binasa ay tungkol sa
Sige. masamang epekto ng pagiging adik at kung
paano ito maiiwasan.

Mahusay! Ito rin ay patungkol sa hindi


mabuting maidudulot ng mga
ipinagbabawal na gamot kapag ito’y
ginamit lalong-lalo na sa mga kabataan.

Sunod ay, Ano naman ang layunin ng may- Ang layunin ng may-akda sa sanaysay ay
akda sa binasang sanaysay? nais niyang ipabatid at ipaalam ang mga
masamang epekto o negatibong naidudulot
sa mga kabataan lalong-lalo na sa
kasalukuyan maraming mga kabataan ang
nasasangkot sa mga Raid o Tokhang na
isinasagawa ng mga Pulisya.
Napakagaling! Layunin din ng may-akda
na pangaralan ang mga kabataan na huwag
na huwag susubukang gamitin ang mga
ipinagbabawal na gamot upang sa ganoon
ay hindi mawasak ang kanilang buhay at
hindi sila maging adik.

Naintindihan ba klas? Opo Ma’am.

Magaling!

Ngayon naman ay Isa-isahin ang mga


dahilan ng may-akda kung bakit ayaw
niyang maging adik? Isa na rito ay ayaw niyang mawasak ang
kaniyang buhay nang dahil lamang sa droga.
Natatakot sa mga nabanggit na epekto ng
Tumpak! Mayroon pa ba? droga kung ito ay gagamit.

Natatakot ng karangalan o integridad o


karangalan.

Napakahusay! Di ba alam naman natin na


kapag tayo ay gagamit ng ipinagbabawal
na gamot ay bababa ang tingin ng mga tao
sa atin, mawawala yung espeto nila sa atin.

Ano pa?
Gusto niyang maging modelo o huwaran
kapag siya ay tumand o magkapamilya at
kung tatanungin siya kung sumubok ba siya
ng droga noong kaniyang kabataan ay
maipagmamalaki niya ang kaniyang sagot na
“hindi”.
Napakahusay ng iyong kasagutan, iyan ang
gusto ko nag-iisip.
Gusto lmang ng may- akda na maging
isang mabuting huwaran sa kaniyang
pamilya o sa kapwa tao.
Ano ang mensaheng nais ipabati ng may-
akda? Ang mensaheng nais ipabatid ng may-akda
ay dapat tayong mga kabataan ay mangun,
tayong mga kabataan ang maging mabuting
ihemplo sa mga kapwa tao lalong-lalo na sa
mga mas bata sa atin at nawa’y tayong mga
kabataan ang maging sandata ng bansang ito
o tayo ang maging dan para sa ikakaunlad n
gating bansa, hindi yung ikalulubog o
Napakagaling! Dapat tayong mga kabataan ikawawasak ng Pilipinas.
ang manguna o magsulong ng paraan o
programa para sa pag-iwas at pagsugpo ng
ipinagbabawal na gamut,upang sa ganoon
ay hindi maranasan ng mga kapwa natin
kabataan ang masamang epekto ng droga,
na yaong nabanggit sa akda.

Sa tingin niyo klas, may kaugnayan ba ang


sanaysay na ating binasa sa realidad? Opo Ma’am.

Bakit?
May kaugnayan ang sanaysay na binasa sa
kasalukuyan dahil mga kabataan sa ngayon
ay nagiging kriminal na, marami ang
namamatay at napapatay dahil sa droga na
iyan.
Tama! Kung titignan natin pawang mga
kabataan ang nagngunguna sa paggamit
sa mga ipinagbabawal na gamot.

Naunawaan ba klas?

Mabuti naman kung ganoon. Opo Ma’am.

H. Pangkatang Gawain
Ang inyong pangkat kanina ay
mananatili at tinatawagan ko ang
mga lider sa bawat pangkat at
mangyaring humugot para sa
kanilang Gawain.
Mga Gawain.
Bumuo ng dalawang
saknong na tula
tungkol sa akdang
binasa
Gumawa ng isang skit
(maikling dula-
dulaan) na mayroong
kaugnayan sa
sanaysay
Gumawa ng isang
komersyal tungkol sa
hindi magandang
dulot ng
ipinagbabawal na
gamot kapag ito ay
ginamit.

Pesentasyon ng bawat pangkat.


I. Pagpapahalaga

Ano ang aral na napulot sa akda? Ang aral na napulot ko sa akda ay huwag
gagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil
maraming hindi mgandang epekto o
maidudulot nito sa atin. Sinisira rin nito ang
ating kinabukasan.
Napakahusay!

Batid kong naunawaan niyo na ang


akda.

IV. Pagtataya .

Maglabas ng isang-kapat na bahagi


ng papel para sa inyong maikling
pagsusulit.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel.

1. Sino ang may-akda sa sanaysay na “Hindi


Ako Magiging Adik”?
a. Julieta U. Rivera
b. Manny Ledesma
c. Manny Rivera
2. Ang pamagat ng sanaysay na binasa ay?
a. Hindi Ako Naging Adik
b. Hindi Ako Magiging Adik
c. Hindi Ako Adik
3. Batay sa sanaysay na binasa ang dating
bahagdan ng mga kabataang sumusubok sa
ipinagbabawal na gamot ay ____?
a. 40.5
b. 40.6
c. 40.7
4. Nabanggit sa sanaysay na panganib din
ang sakit na maaaring maidulot ng maling
paggamit ng mga gamot maski ito’y legal.
Ano ang mga gamot na ito?
a. Mga Cough Syrups
b. Mga Cocaine
c. Mga Ecstasy
5. Nabanggit sa sanaysay ang mga panganib
na dulot ng ipinagbabawal na gamot.
a. Mali
b. Tama
V.Takdang-Gawain c. A at B

Ilabas ang kwaderno at


kopyahin ang inyong takdang-
aralin. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano ang kahulugan ng
Pangangatwiran?
2. Ano ang mga dahilan ng
pangangatwiran?
3. Ano ang mga Kasanayang Nalilinang
sa Pangangatwiran?
4. Ano ang mga uri ng Pangatwiran?

Inihanda ni: NINA RICCI G. RETRITA

You might also like