You are on page 1of 5

College of Teacher Education

Matina Campus, Davao City


Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

MASUSING BANGHAY ARALIN


Ika-9 na Baitang
Mataas na Paaralan ng Maa
Maa, Lungsod ng Dabaw

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga
sumusunod na layunin:

a. Naipahahayag ang damdaming nangingibabaw sa tulang “Kung Tuyo na ang


Luha Mo, Aking Bayan”;
b. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pagpapasidhi ng damdamin;
c. Nasusuri ang mga paraan kung paano maipahahayag ang masidhing damdamin;
at
d. Nakapagtatanghal ng sabayang pagbigkas na nagagamit ang mga natutuhan sa
pagpapasidhi ng damdamin.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagpapasidhi ng Damdamin
B. Sanggunian:

Aklat: Pinagyamang Pluma 9 – Aklat 1

Internet: Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan | Tula ni Amado V. Hernandez |
Isinatinig ni Maestra Rejina. Mula sa
https://youtu.be/YnF-Az792_s

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo


TV, Laptop, PowerPoint Presentation, Graphic Organizer

IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain 1. Pambungad na Panalangin
1. Pambungad na Panalangin Magsisitayo ang lahat bilang pagbibigay
2. Pagbati -galang sa maikling panalangin.
3. Pagpapaayos ng Upuan 2. Pagbati
4. Pagtala ng Liban “Magandang umaga po, Bb. Nicolle.
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

Ang kapayapaan ay sumasainyo at


mabuhay!”
3. Pagpapaayos ng Upuan
Aayusin ng mga mag-aaral ang
kanilang upuan.
4. Pagtala ng Liban
(Checking of attendance with a twist)
Isisigaw ang salitang “Darna!” sa halip
na “Narito po, Ma’am.”

B. Pagganyak
Pakikinig: Kung Tuyo na ang Luha Mo, Pakikinggan ng mga mag-aaral ang
Aking Bayan ni Amado V. Hernandez nasabing tula.
 Emoji Check

Ipapaskil ang mga emojis/emoticons na Mamimili ang mga mag-aaral sa mga


kumakatawan sa mga damdamin sa sumusunod na emojis/emoticons:
pisara.

Panuto: Matapos mapakinggan ang


tula, suriin ang mga damdaming
nangingibabaw dito. Piliin ang angkop
na emojis/emoticons na kakatawan sa
mga damdamin na namamayani sa
napakinggang tula.

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na


sasagot sa pamamagitan ng First/Last
Man Standing na teknik (magbabanggit
ang guro ng bilang ng hanay (column) o
hilera (row) na kumakatawan sa
inuupuan ng mga mag-aaral. Kapag Magiging alisto at makikinig nang maigi
sinabing “last man standing”, ang huling sa babanggiting bilang ng hanay o
tatayo ang siyang tatawagin. hilera ng guro.
Samantala, kapag sinabi namang “first
man standing”, kung sino ang unang Sagot:
tatayo ang siyang isa sa mga tatawagin) Mga damdaming naghahari sa tula:
at ipapaliwanag ang sagot. 1. kalungkutan
2. poot/galit
Pagkatapos, magbibigay ang guro ng 3. pagdadalamhati
maikling pagsusuri hinggil sa tula. 4. pagtitimpi/pagtitiis
(Iba-iba ang inaasahang paliwanag sa
bawat damdamin.)

C. Pagtalakay sa Aralin
Papahulaan muna sa mga mag-aaral
ang aralin sa pamamagitan ng isang
laro.

Panuto: Kailangang ninyong mabigkas


College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

ang tamang sagot na KATUNOG ng


mga salitang inyong babasahin. Paulit-
ulit itong basahin sa isipan upang
makuha ang sagot na katunog nito.

FOG FOE FOE SEED HE NUMB


DUMB DUBM MAIN

Tamang sagot: PAGPAPASIDHI NG


DAMDAMIN

Pagpapasidhi ng Damdamin –
tumutukoy sa pagpapahayag ng
saloobin o emosyon sa paraang
papataas na antas o tindi ng salita.

Mga Paraan sa Pagpapasidhi ng


Damdamin

1. sa pamamagitan ng pag-uulit ng
pang-uri
 Magandang-maganda ang tinig
ng mga Pilipino kapag binibigkas
ang sariling wika.
2. sa pamamagitan ng paggamit ng
panlaping napaka-, nag-an, pagka-, at
kay-, pinaka, ka-an upang mapasidhi
o maipakita ang pasukdol na
katangian ng pang-uri
 Napakaganda ng wika nating
mga Pilipino.
3. sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang gaya ng, ubod, hari,
sakdal, tunay, lubhang, at ng
pinagsamang walang katangian ng
pang-uri
 Walang kasingsarap sa pandinig
ang wikang Filipino.
4. sa pamamagitan ng pagpapasidhi
ng anyo ng pandiwa
 Paggamit ng panlaping
magpaka-
 Paggamit ng panlaping mag- at
pag-uulit ng unang pantig ng
salitang ugat
 Pagpapalit ng panlaping -um sa
panlaping mag- at nagkakaroon
ng pag-uulit sa unang pantig
 Pagpapalit ng panlaping -um sa
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

panlaping magpaka-
5. sa pamamagitan ng paggamit ng
mga pangungusap na walang paksa
gaya ng…
 Padamdam – Nagpapahayag ng
matinding damdamin ang mga
ito.
 Maikling Sambitla – Ang mga
sambitlang tinutukoy ay mga
iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding
damdamin.

D. Pagtataya Sagot:
 Gawain sa Pagkatuto 1. Kahangang-hanga
Panuto: Punan ng akmang anyo ng 2. Napakarami
pinasidhing anyo ng salita o pahayag 3. magpakatapang
ang patlang upang mabuo ang diwa ng 4. magtanong
pangungusap. 5. Napakahusay

1. (hanga) ________________ ang


taong nagmamalaki at nagmamahal sa
kanyang bayan.
2. (marami) ________________ ng
magagandang dahilan upang ating
mahalin ang sariling bayan.
3. Ang mga Pilipino ay dapat
(tumapang) ________________ upang
magawa ang mga bagay na nagawa
nina Rizal at Gandhi.
4. Bukod sa pag-aaral ay ugaliin mo
ring (matanong) ________________
upang mas marami kang matutuhan at
maibigay para sa iyong bayan.
5. (Mahusay) ________________ ang
mga Pilipinong gumagawa ng
makakaya para sa bayan.

V. Takdang Aralin
 Gawaing Pagganap: Sabayang Pagbigkas
Nagdiriwang na namang muli ang inyong paaralan ng Pista ng Katalinuhan at
naglunsad ng mga patimpalak, at isa na riyan ang Sabayang Pagbigkas. Kayo ay
napiling maging kalahok ng inyong klase. At ang napili niyong piyesa ay ang tula ni
Amado V. Hernandez na “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”. Gamitin ang
inyong natutuhan tungkol sa pagpapasidhi ng damdamin upang makapagtanghal ng
sabayang pagbigkas.
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat at bibigyan ng marka batay sa sumusunod


na pamantayan:
Naipahayag ang damdaming nais ipahiwatig – 10 puntos
Nabibigyang diin ang mga kataga/pahayag na nagpapasidhi ng damdamin – 5
puntos
Naging kawili-wili at nahikayat ang lahat na makinig – 5 puntos
KABUUAN – 20 puntos
(Para may ideya ang klase higgil sa gagawin, ipapanood ng guro ang isang
halimbawang presentasyon ng Sabayang Pagbigkas.)

Inihanda ni:

KRISTINE NICOLLE E. DANA


Pre-Service Teacher, University of Mindanao

Sinuri:

LEONISA ESCAMIS
Teacher III

You might also like