You are on page 1of 4

FIL 322 (8578): Panunuring Pampanitikan

Takdang Aralin

Ipinasa ni:
Kristine Nicolle E. Dana

Ipinasa kay:
Bb. Maria Edna Porras
Abril 20, 2022
1. Ano ang kritiko?

Ang salitang kritiko ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong nagbibigay puna
sa isang bagay. Malawak ang sakop ng pagiging kritiko, at kadalasan ay mayroon
silang malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa bagay na kanilang binibigyang
puna. Halimbawa, may mga kritiko sa pelikula, kritiko ng libro, kritiko ng
pamahalaan, at iba pa. Dahil sa kanilang karanasan at kakayahan, sila ay
nirerespeto sa bagay na binibigyan nila ng puna.  

Mga halimbawa ng kritiko:

Kritiko sa palabas - nagbibigay puna sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Sila


ang nagsasabi kung angkop ba ito sa mga manonood.

Kritiko ng pamahalaan - kabilang dito ang mga mamamayan, mga raliyista at iba pa.

Kritiko ng edukasyon - sila ang nagsasabi kung maayos o epektibo ba ang mga
programa sa edukasyon.

2. Ano-ano ang dapat isa alang-alang ng mga kritiko sa akda?

Bilang kritiko ng alinmang akdang pampanitikan, dapat isaalang-alang ang mga


magagandang katangian na dapat taglayin. Ang mga sumusunod ay mga katangian
ng isang mahusay na kritiko:

1. May malawak na kaalaman sa paksa.

Bilang isang manunuri ng panitikan, higit na mahalaga kung mayroon kang sapat na
kaalaman at impormasyon hinggil sa paksa ng iyong akdang sinusuri.

2. Matapat sa sariling itinuring ang panunuri ng mga akdang pampanitikan


bilang isang sining.

Ang isang kritiko ay nararapat na maging matapat sa kaniyang akdang sinusuri at


kakikitaan ng pagsangguni sa mga alitutuntunin na nagpoprotekta sa intelektwal na
pag-aari ng may akda. Gayundin, mahalaga na maisa-isip at maisapuso ng isang
kritiko ang proseso ng panunuring pampanitikan bilang sining.

3. Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at


hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o idelohiya.

Sa panunuring pampanitikan, mahalaga na masuri ang akda gamit ang mga dulog
kritisismo o teoryang pampanitikan kung kaya't lubos na kinakailangang isaalang-
alang ang iyong kakayahan sa pagsusuri. Kilalanin ang iyong gampanin bilang
tagasuri ng akda. Huwag magmalabis sa pagsusuri na kung saan maaaring
humantong sa pamumuna sa paniniwala ng may akda. Tandaan na ang sinusuri ay
ang akda mismo hindi ang may akda.

4. Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.

Bilang isang mahusay na kritiko mahalagang isaalang-alang na walang permanente


sa larangan ng panitikan, ang lahat ay maaaring magbago.

5. Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa


ibang disiplina.

Ang isang kritiko ay magalang na sumasangguni sa iba't ibang larangan kagaya ng


linggwistika, kasaysayan, sikolohiya at maraming pang ibang larangan.

6. Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan


ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin o batas.

Kinakailangan ding ang manunuri ay may obhektibong pananaw laban man o katig
sa katha, kaya mahalagang siya ay matapat.

7. Kailangan ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na


kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla higit na kinakailangan ng isang kritiko na magtaglay


ng tigas ng damdamin nang sa gayon ay maging makabuluhan at kapaki-
pakinabang ang kaniyang isanagawang panunuring pampanitikan at maipakita ang
kaniyang pagmamalasakit.

8. May kakayahang ipakita ang pagkakaiba ng isang obra sa iba pang likhang
sining.
Kabilang sa katangian ng isang mahusay na kritiko ang kaniyang kakayahan na
maipakita ang pinagkaiba ng isang katha sa iba pang katha. 

3. Bakit nagiging tanyag ang mga kritiko?

Nagiging tanyag ang mga kritiko dahil sa kanilang karanasan at kakayahan sa


pagsusuri ng panitikan. Nakikilala ang mga kritikong Pilipino at dayuhan dahil sa
kanilang husay sa paghihimay ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo.

Bukod pa riyan, natatangi rin ang kanilang galing sa pamumuna kung saan
naipapahayag nila ang kanilang sariling hinuha o obserbasyon, laban man o katig sa
katha. Lubos na nauunawaan ng mga kritiko na sa pamumuna, naipapakita ang
kagandahan, kahalagahan at implikasyon ng akda sa tunay na buhay.

Higit sa lahat, isa sa mga mahalagang katangian na dapat taglayin ng isang kritiko
ay ang pagiging matapat. Kinakailangan na siya ay tapat sa pagsusuri sa buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo.

You might also like