You are on page 1of 4

Uri ng Paglalahad

1. Ang Panuto

Ang panuto ay tinatawag na “proseso” ni Rorabacher. Ang karaniwang pagkaunawa natin sa panuto
ay iyong pagbibigay ng direksyon o instrakston sa eksam, kung ano at paano ang dapat gawin sa
wastong pagsagot sa mga tanong. Ngunit kapag sanaysay na panuto ang pag-uusapan, hindi ito
payak lamang na pagbibigay ng direksyon. Ang paglalahad na ito’y nagpapaliwanag ng isang paraan,
proseso, sistema o teknik sa pagsasagawa.

Halimbawa:

pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglalaro ng isang uri ng laro o isports.

Ang panuto na sanaysay ay mayroong dalawang layunin.

1. Pagbibigay ng ispisipik na direksyon o panuto.


2. Pagbibigay ng panlahat na impormasyon.

Ito ay ang sumusunod na mga patnubay ang mga paalala ni Rorabacher:

1. Pumuli ng angkop na paksa- Iyong proseso na aktwal na nagawa o naranasan mo na


mainam piliin.
2. Ibigay ang kumpletong detalye- laging tandaan na kahit alam mo na ito, ang sinusulat mo ay
para doon sa mga taong hindi pa nakakaalam nito.
3. Bigyan ng depinisyon o kahulugan ang mga salitang di karaniwan- Maaaring kabisado moa
ng kahulugan ng salita dahil sa karanasan mo sa prosesong sinusulat ngunit di karakarakang
mauunawaan ng iyong mambabasa.
4. Ipaliwanag ang katwiran para sa mga dapat isagawang hakbang- Kailangang maging
malinaw ang bakit at paano upang maiwasang gumawa ng mapanganib na syorkat ang iyong
mambabasa.

Halimbawa: Paano gawin ang Lumpiang Shanghai

Mga sangkap:

1/2 kilo giniling na baboy

40 piraso pambalot ng lumpia (wrapper)

1 sibuyas (hiniwa)

4 cloves bawang (hiniwa)

2 piraso karot (hiniwa)

2 piraso patatas (hiniwa)

Asin at paminta panimpla

Paraan ng Paghahanda:

1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa wrapper.


2. Sa isang wrapper ilagay ang pinaghalong karne at i-roll ito hanggang sa mabuo ang lumpia.

3. Sa isang kawali initin ang mantika at prituhin ang lumpiang Shanghai hanggang sa maluto.

4. Ihain ito kasama ng paborito mong sawsawan.

Huwag gumamit ng harina at itlog sa lumpiang shanghai, para hindi magdry.

5. Isama pati negatibong panuto- Ang “Payo na huwag” ay mabuting babala sa mga
mambabasa tungkol sa masamang bunga kung sakaling gawin ang di dapat.
6. Gumamit ng pantulong na drowing- para maiwasang maging Malabo ang dating sa
mambabasa ng iyong panuto, gumamit ng kailangang iskets o dayagram para maging
konkreto, tiyak at malinaw.

Halimbawa:
2. Pagbibigay Katuturan – Ito ay paglalahad na kung ano ang isang bagay o isang salita.
Napalilinaw nito ang pag-uunawang isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.

Dalawang Uri ng Pagbibigay-Kahulugan

a. Katuturang Maanyo (formal definition)


b. Sanaysay na Pangkatuturan (essay of definition)

Halimbawa: ALAK

Katuturang Maanyo (formal definition)

Alak- isang inuming nakakalasing na nabubuo sa prosesong “fermentation”. (Mimir Diksyunaryo)

Sanaysay na Pangkatuturan (essay of definition)

Ang alak ay isang downer, na tulad ng ibang droga, ay nakakapagbigay ng kasiyahan, at


manandaliang nakakalimutan ang mga problema.

3. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro,pananaw, paniniwala at damdamin


ng manunulat, hango sa kanyang karanasan at sa inaakalang palagay niya sa katotohanan.

Piksyon- Layuning magsaad ng kwento na karaniwang nagmumula sa malikhaing imahinasyon ng


isang tao.

Di-piksyon- Kabaliktaran ng piksyon. Nakapaloob ditto ang pawing katotohanan lamang.

Halimbawa:

Histori, anekdota, Talambuhay ni Jose Rizal

4. Pitak- karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin.Naglalaman ng reaksyon, kuru-


kuro at pansariling pananawhinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaringnagaganap sa
kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.
Inihanda ni: Clarisse Jane O. Baysac 2nd year BSED FILIPINO

Sanggunian

Dizon, R, B etl. (2017). Ang Panuto. Sanaysay.

https://prezi.com/rakrbw6d8iwr/apat-na-paraan-ng-pagpapahayag-ng-diskurso/

https://www.academia.edu/6002352/Paglalahad

https://www.coursehero.com/file/12777480/Paglalahad-isang-paraan-ng-paraan-ng-pagpapahayag/

https://www.google.com/amp/s/www.chess.com/fil/amp/article/learn-to-play-chess

You might also like