You are on page 1of 5

SA W IK A I N  

O   ID Y OM A
ARALIN 1 :
Prepared By: Group 1
SAWIKAIN O IDYOMA
• Ang sawikain o idiom sa wikang ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga
na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o
pangyayari. Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng
isa o grupo ng mga tao.
• Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng
filipino. Ito’y may kahulugan na hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na
kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag. Kadalasa’y
taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan, mapagbiro at
mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral napagpapahiwatig ng
kahulugan.
• Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag
na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa
ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na
kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na
nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan
at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang
lugar.
KAHALAGAHAN NG SAWIKAIN O IDYOMA
• Ang pagkakaroon ng sawikain sa isang pahayag ay mahalaga sapagkat ito ay maaaring
magdala ng kapulutang aral. Sawikain ang tawag sa mga idyoma, moto, o kasabihan na
nakapaloob sa isang pahayag.

• Bukodsa kapulutang aral, maaari itong maghing paraan upang mas mapaunlad at
mapabuti ng isang mambabasa ang kanyang mga salita.

• Nakakatulong rin ito upang mas lumawak ang kaisipan ng isang indibidwal, at hindi
lamang umasa at magtiwala sa direktang kahulugan at sinasaloob ng pahayag.

• Sa pamamagitan ng mga sawikain ay maaaring bumuo ng sariling opinyon ang mambabasa


kung saan puwede niyang i-ekspres ang kanyang sarili at maibahagi ito sa iba.
HALIMBAWA NG SAWIKAIN O IDYOMA
• Butas ang bulsa • Alsa balutan
= walang pera = naglayas

• Ilaw ng tahanan • Basag-ulo


= ina, nanay = away

• Bukas ang palad • Dalawa ang bibig


= matulungin = madaldal

• Ibaon sa hukay • Ginintuang tinig


= kalimutan = maganda ang boses

You might also like