Professional Documents
Culture Documents
Sa bawat araw na dumarating sa ating buhay, nariyan lagi at bumubungad sa atin ang
mga iba’t ibang kultura ng mga dayuhan na pilit tayong tinatawag at iniimbita. Pagtawag na
sila’y tangkilin natin at pag-imbita nilang sumanib tayo sa kanila at makiisa. Ngunit sa
paglaon ng panahon, habang tumatagal ako sa pagiging isang Pilipinong mag-aaral ay
napakarami ko ng natutunan pagdating sa pagkakaiba-iba ng ating mga kultura at lalo na
kung gaano kahalaga ang isang kulturang kinagisnan.