You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY


Palompon, Leyte

COLLEGE OF GRADUATES STUDIES

Pangalan: Donna Megabon- Carno Petsa:

A.
1. Ano ang Morpolohiya?
- Ang maka-aghma na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng
mga salita. Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang morpema at ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may
angking kahulugan. Ito ay maaring panlapi o salitang ugat.

2. Bakit kailangan pag-aralan muna ang mga uri ng morpema bago pa man ang
pagtatalakay tungkol sa pagbubuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap!
Patunayan.
- Ang morpema ay isang yunit ng salita. Ito ay napakamahalagang pag-aaralan
dahil sa yunit na ito ay mas nauunawaan lalo ang mga pasikot-sikot na proseso sa
pagbuo ng mga morpema.
Kinakailangan na pag-aralan muna ang morpema para makabuo ka ng
makabuluhang pangungusap. Ang pag-aaral kasi ng linggwistika ay kinakailangan
sunod-sunod, halimbawa una munang malaman kung ano ang ponema o ang
ponolohiya bago ang morpema o morpolohiya.
Kaya samakatuwid, para makabuo ng mga makabuluhang pangungusap ay pag-
aralan munang mabuti ang morpema o ang morpolohiya.
3. Ano ang papel na ginagampanan sa mga anyo ng morpema sa pasulat at
pasalitang pakikipagtalastasan? Pangatwiran.
- Marami ang ginagampanang papel ng mga anyo ng morpema, pasulat man o
pakikipagtalastasan dahil nabubuo ng maayos ang mga salita ayon sa kahulugan. Mas
napapayabong pa ng mga anyo ng morpema ang mga nabubuo nitong mga salita.
Nagbibigay ito ng mga kaliwanagan sa mga iba’t ibang salita na nabubuo , na kung
saan magagamit sa pagbuo na ng mga pangungusap.
4. Ipaliwanag kung paano nababago ang kahulugan sa mga inuulit na salita at
mga tambalang salita.
- Ang pag-uulit ng salita ay may dalawang uri ito ang inuulit na ganap at pag-uulit
na di ganap. Ang pag-uulit na ganap ang pag-uulit ng buong salitang-ugat na kung saan
may mga salita na nagbabago ang kahulugan at mayroon naman na wala. Habang ang
pag-uulit na di-ganap ay ang pag-uulit sa bahagi ng salita lamang.

Ang tambalang salita naman ay dalawang magkaibang salita na pinagsama


upang makabuo ng bagong salita o kahulugan. Mayroon ding dalawalang uri ang
tambalang ganap at di-ganap. Ang tambalang ganap nagkakaroon ng panibagong
kahulugan o ikatlong kahulugan ang dalawang salitang pinag-tambal. Habang ang di
ganap ay nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal o walang ikatlong
kahuluhang nabubuo.

5. Malaki ba ang impluwensya ng paglalapi sa pagbabago ng kahulugan ng


salita? Patunayan.
- May malaking impluwensya talaga ang paglalapi sa pagbabago ng salita dahil
ang pagbabago sa kahulugan ng isang salita dulot ng panlapi kadalasang nagagamit
natin sa mga aspekto ng isang pandiwa.

B.
Sumulat ng isang sanaysay na pumapaksa tungkol sa nangyayari ngayong pandemic.
A. Tungkol sa Covid 19
B. Tungkol sa online class
C. Tungkol sa mga suliranin ng mga guro sa paraang module na pagtuturo.
(Pumili lamang ng isa) Pagkatapos makabuo ng sanaysay ay gumawa ng talahanayan
at uriin ang mga salitang ginamit ayon sa “Mga Bahagi ng Pananalita”
PIGHATI DULOT NG PANDEMYA

Alam nating lahat na masama ang epekto ng pandemya sa aspeto ng

kabuhayan,trabaho ng bawat isa sa’tin,ekonomiya at maging ang pag-aaral ng mga

kabataang .Sa panahon ng pandemya alam kong lahat ay nag-hihirap at nawawalan ng

pag-asa.

Ang marahil na pagsiklab ng pandemya sa bansa ay nagbunsod ng malalaking

hamon na aking kinaharap sa panahong ito. Nariyan ang takot at pangamba sa aking

kaligtasan gayundin ng aking pamilya sapagkat ang sakit na kumakalat sa bansa ay

labis at lubhang nakahahawa. Kung kaya naman ito ay nag-iwan ng takot sa aking

isipan. Sa usaping edukasyon, ako ay kumakaharap ng isang matinding hamon sa

pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo gayundin ang paggamit ng mga

kinakailangang materyal. Hindi madali ang matuto ng leksyon sa sariling mga kamay

sapagkat may mga kaalaman na hindi pa abot ng aking kaunawaan. Sa paggamit

naman ng cellphone at internet,mara hil hindi rin naging madali sapagkat ito ay

nakadaragdag sa gastusin ng aking pamilya. Batid kong lahat ay nahihirapan sa

panahon ng pandemya subalit ang mga pagsubok na ito ay hindi natin dapat sukuan.

Malaki ang naging pinagbago ng mundo nang dahil sa pandemya. Naging mahirap ang

buhay at ultimo pati paglabas sa bahay. Maging ang pag-aaral ng mga estudyante at

paghahanap-trabaho nga bawat magulang naging limitado at apektado. Sa kadhilanang

ito, mga pangarap at pananaw ng kabataan ay naging malungkot at nawalan ng buhay.


Mas maproduktibo pa rin ang pag-aaral na may gabay nga mga guro. Kaya’t sana ang

pandemya dulot ng sakit na Covid ay matapos na nang panibagong buhay ay

masimulan na.

Ang pandemya ang masasabi kong nagpatigil sa mundo. Ang lahat ay tuliro,

takot at hindi alam ang gagawin o kung paano haharapin ang pagsubok na dala ng

Covid 19. Siguro, tayo ay ginising ng Diyos upang pagnilayan ang mga pangyayari sa

ating buhay na nakakaligtaan natin.

BAHAGI NG PANANALITA

PANGNGALAN PANGHALIP PANG-URI PANDIWA PANG-ABAY

Pandemya atin masama Pagtuturo nang panahon


Bansa aking malalaki Ginising marahil na
pagsiklab
Edukasyon ito takot Kinakaharp Marahil hindi
madahil
Pamilya Kong pangamba Nilakad Sa paggamit
ng cellphone
Estudyante Tayo nakakahawa Nag-iwan Na hindi
paaabot
Guro Natin Matindi Malaki ang
naging
pinagbago
Covid-19 ako Mahirap Mas
produktibo
Diyos Malungkot Sa
kadahilanang
ito,

You might also like