You are on page 1of 2

AL Francis L.

Mazon

BSED-Filipino 2-A4

Ang Paglikha ng Bagong Pagtuturo ng Panitikan

Panahon na para pag-usapan kung paano mapapabuti ang pagtuturo ng panitikan. Kailangang maging makabuluhan
at systematiko ang pagtuturo nito. Tandaan nating walang aklat na magsasabi kung paano ito ituturo. Ang kailangan
natin ay mga akdang pampanitikan na ituturo natin bilang isang likhang sining. Sa ganitong paraan lamang tayo
makalilinang ng mga mag-aaral na magkukusang magbasa, maglahad ng kanilang mga binasa hanggang sa tuluyang
makalikha sila ng babasahin para sa kanilang sarili.

Huwag nating kalimutang maging malikhain, ito ay isang pambihirang katangian na dapat taglayin ng isang guro
upang ang pagtuturo at pagkatuto ay maging magaan, mabilis, makahulugan, mabisa at kasiya-siya. Ang
pagkamalikhain ay nagpapahayag ng pagiging orihinal. Ngunit ang pagkaorihinal sa lahat ng bagay ay hindi
nangangahulugan ng lantay nitong pagkakaiba sa lahat.

Sa paglikha ng isang bagong pamamaraan sa pagtuturo, mahalaga ang paggunita sa ilang makabuluhang bagay na
nasaksihan sa kapaligiran, nabasa sa mga aklat at babasahin at natalakay sa mga seminar at sa iba pang gawaing
pampagtuturo. Maaaring gumawa ng pagbabago o mag-angkop ng isang pamamaraan ayon sa layuning nais makamit
at sa kaisipang nais maipahatid upang ang dating natutuhan na ay mabigyan ng bagong kaanyuan at sa gayon ay
mabigyan ng naiibang pagtingin.

Tandaan na makalilikha tayo ng bagong pamamaraan mula sa mga karaniwang pamaraang ginagamit sa kasalukuyan
upang higit itong makatugon sa kawilihan ng mga mag-aaral.

Mga Mungkahing Istratehiya sa Pagtuturo ng mga Akdang Pampanitikan

Makabubuting unawain na hindi tuwirang “maituturo” o “matututuhan” ang panitikan: mararanasan ito. sa pag-aaral
ng isang akda, tungkulin ng guro na iparanas sa mga mag-aaral ang akda. Dapat kinikilala ng guro na may sariling
pagtanaw sa akda ang bawat mag-aaral. Ito’y maaaring gumulat, magbigay-sigla o di-kaya’y magbigay-galak sa kanya.
Ngunit hindi sapat ang mga karanasang ito upang ganap na malaman ang kabuuan ng akda. Kailangang makabuo ang
bumabasa ng makabuluhang kamalayang hatid ng karanasan. Pagkatapos “maranasan” ng mag-aaral ang akda, ano pa
an gating maaaring ituro?

Ang Pagtuturo ng Maikling Katha

Nagbigay si Sage (1987) ng mga mungkahing gawin sa pagtuturo/pag-aaral ng maikling katha.

1. Kilalanin/hanguin sa karanasan ng mag-aaral ang dating alam sa pamamagitan ng pagkukwento o pakikinig


nila bago talakayin ang akda (pre-reading activity).
2. Maging holistic o ganap ang pagtatalakay ng akda sa pamamagitan ng pagmamasid ng mga ugnayan sa mga
aspekto ng kwento.
3. Isaalang-alang ang natural na daloy ng kwento bilang patnubay sa pagtuturo nito. Ito ba’y kwento ng tauhan?
Tagpuan? Simbolo? Katutubong kulay?
4. Magbigay ng sapat na kaligirang talakay bago pag-aralan ang kwento. Tungkol sa bokabularyo? Kultura? Mga
idyomang pagpapahayag? Haba ng pangungusap? Estilo ng pagkakausap at iba pa.
5. Patnubayan ang mag-aaral (tungkol sa paano at kung kalian dapat basahin ang kwento).
a. Maaaring pumili ng bahagi ng kwento na babasahin nang malakas upang mapasimulan ang pagtalakay
(para bang binibigyang diin ang key comment o climax ng kwento).
b. Hayaang basahin ng mag-aaral ang kwentong dalawa o mahigit pang ulit upang masuri at mabigyan ito ng
malalim na kahulugan.
6. Ipaliwanag ang katuturan ng mga terminong pampanitikan upang mapagaan ang diskusyon.
7. Ipakita o ipadama sa mag-aaral ang matulaing bahagi ng isang akda.

You might also like