You are on page 1of 8

SELF-LEARNING KIT PARA SA

FILIPINO 7
MGA ELEMENTO NG MAIKLING
KWENTO

ANJIE MAE A. LEGASPINO


MANUNULAT

TAÑON COLLEGE
PAARALAN

1|Page
PAUNANG SALITA

Ang mga pagsasanay at gawain sa Self Learning Kit na ito ay

binibigyan ng pagkakataong ang mag-aaral na magsagot nang walang

patnubay ng guro. Ito ay tutulong sa bawat mag-aaral sa ika-pitong

baitang upang lubos na maunawaan ang bawat bahagi ng araling ito sa

pamamagitan ng mga babasahin at gawain na inihanda ng guro para sa

elemento ng maikling kwento. Matututuhan dito kung ano ano ang mga

elemento ng maikling kwento at mga kahulugan nito.

Dahil sa nabanggit na kahalagahan nito, ituring mo ang SLK na ito

na isang kaibigan. Mahalin at pagkaingatan mo sana ang paggamit nito.

Ang SLK ay ipagagamit sa tulad mong mag-aaral na nasa ika-pitong

baitang at inaasam na malilinang nito ang iyong kaalaman tungkol sa

maikling kwento.

2|Page
LAYUNIN

Ang layunin ng SLK na ito ay:

 Matutukoy ang mga elemento ng isang maikling kuwento

 Makapagbibigay kahulugan sa mga elemento ng kuwento

 Makapagpapakita ng lubos na pagkatuto sa mga elemento ng

kuwento

LEARNING COMPETENCY

Sa pagtatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng kit, ikaw ay maari

nang

 Makatukoy ng mga elemento ng iba pang maikling kwento

 Makakabasa at makakaunawa ng maikling kwento at iba

pang akda

 Makapakita ng lubos na pagkatuto sa mga elemento ng

kwento

I. ANO ANG NANGYARI?


Ano pang hinihintay
mo kaibigan ?
simulan mo na ang
Handa ka na ba sa ating leksyon kaibigan? iyong bagong aralin.
Sa SLK na ito ay pag-aaralan natin ang
mga Elemento ng Maikling Kwento

3|Page
PAUNANG PAGSUBOK

1. Pinakaluluwa ng maikling kwento

a) Kasukdulan

b) Paksang diwa

c) Suliranin

d) Maikling kwento

2. Mensahe ng kwento

a) Kaisipan

b) Panimula

c) Banghay

d) Kakalasan

3. Tulay sa wakas

a) Tagpuan

b) Kaisipan

c) Kakalasan

d) Kasukdulan

4. Pangyayari sa kwento

a) Panimula

b) Tauhan

c) Banghay

d) Kaisipan

5. Karakter na gumaganap sa kwento

a) Tauhan

b) Banghay

c) Kasukdulan

d) Kaisipan
ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Unawain mong 4|Page


Madali mo bang natapos ang aking mabuti ang ating
inihandang Gawain? Magaling dahil yan aralin. Handa ka na
ay may kinalaman sa ating paksang ba? Magaling!
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Mayroong walong(8) elemento ng maikling kwento. Ang mga ito

ay ang tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan, suliranin, tunggalian, at

paksang diwa.

Sa modyul ito, ating tatalakayin ang walong(8) elemento ng

maikling kwento at kanilang mga kahulugan.

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari sa kwento.

Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

5|Page
 Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.

 Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng

mga tauhan sa kwento.

 Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.

 Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang

naaayos ang problema.

 Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang

kwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan

sa kwento.

7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao

laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento

I. ANO ANG NATUTUNAN?

6|Page
Subukin mo…

Subukin natin kung hanggang saan sa kabuuan ang iyong natutunan.

A. Ilagay ang tamang letra ng sagot sa unahan ng numero.

1. Tauhan A. Makakamtam ang

katuparan o kasawian
2. Tagpuan

B. Karakter na gumaganap sa
3. Kasukdulan
kwento
4. Climax
C. Lugar na pinangyayarihan
5. Wakas
ng mga aksyon

D. Pataas na aksiyon o ang

kasukdulan

E. Resolusyon o ang

kahihinatnan ng kwento

B. Pumili ng isang maikling kwento at ibigay ang bawat elemento ng

maikling kwento na iyong napili. Isulat sa buong papel ang iyong sagot.

7|Page
SLK 1

SUSI SA PAGWAWASTO ARALIN

PAUNANG PAGSUBOK

1. B

2. A

3. C

4. C

5. A

SUBUKIN MO

A. .

1. B

2. C

3. D

4. E

5. A

B. (Maaring magkaiba ang sagot)

8|Page

You might also like