You are on page 1of 2

JHON DAVE NEMENZO BAYON-ON BSED FILIPINO III

LIT 316 –PANULAANG FILIPINO

Gawain #4 – Sagutin at ibigay ang hinihingi

1.) Limang (5) Bugtong - Isulat ang sagot sa katapusan ng bawat bugtong.

Hindi tao, hindi hayop,buto't balat nakalilipad.

SAGOT: SARANGGOLA

Hindi hari, hindi pari, magdamit ay sarisari.

SAGOT: SAMPAYAN

Maliit pa si Nene, marunong na manahi.

SAGOT: GAGAMBA

Walang diprensya ang mga paa, lumpo pa rin sa tuwituwina.

SAGOT: MESA

Lagi siyang kinukwentuhan, di naman nakikipagsagutan.

SAGOT: MIKROPONO

2.) Limang Kasabihan - Maikling paliwanag sa bawat kasabihan.

Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa mga magulang.

 Isa sa pinakamahalagang asal ang pagiging magalang sa mga magulang.

Ang kayamanan na galing sa kasamaan, kapahamakan ang maidudulot.

 Kapag hindi galing sa mabuti ang iyong pera, ikaw ay talagang sisingilin sa anong

paraan man.

Ang batang malinis sa katawan, ay malayo sa karamdaman.

 Ito ay literal na nagsasabing ang paglilinis sa ating mga katawan ay isa sa mga

paraan upang tayo’s mapalayo sa mga sakit.

Ang katotohanan ang magpapalaya sa may kasalanan.

 Kapag ikaw ay may kasalanan, sabihin mo ang totoo sapagkat ito lang ang

magpapalaya sa iyo.

Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.

 Sa buhay, mahalaga ang magsumikap lalong-lalo na kung ikaw ay ipinanganak na

hindi mayaman.
JHON DAVE NEMENZO BAYON-ON BSED FILIPINO III

2.) Limang (5) Salawikain – Maikling paliwanag sa bawat salawikain

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

 Mabilis mapasa-pasa ang balita mabuti man ito o masama kapag nakarating na sa

taenga ng tao at lumalabas na sa mga bibig.

Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.

 Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang

mga masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.

Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.

 Ang mga ginagawa ng bata, mabuti man o masama, kadalasan ay nadadala nila sa

kanilang pagtanda kung kaya’t bata pa lamang, dapat ay iwasto na ang dapat

iwasto.

Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.

 Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.

Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.

 Hindi nananalo ang mga umaayaw. Kung gusto mong manalo o magtagumpay,

dapat patuloy lang sa buhay hanggang sa makamit ang inaasam.

B. Sa iba’t-ibang uri ng tula na natalakay natin, alin ang nagustuhan mo at bakit?

Para sa akin, ang tulang pandamdamin o liriko ang nagustuhan ko dahil itoy nagpapakita

ng damidamin ng sumulat nito, at gusting gusto ko rin ang ganitong uri ng mga tula na

kung saan ay umaapaw sa emosyon at damdamin na nagpapaiyak at nagpapamahal sa

akin.

You might also like