You are on page 1of 2

ANJIE MAE A.

LEGASPINO BSED FILIPINO III

LIT 316 –PANULAANG FILIPINO

Gawain #4 – Sagutin at ibigay ang hinihingi

1.) Limang (5) Bugtong - Isulat ang sagot sa katapusan ng bawat bugtong.

 Gupitin mo ma'y hindi namamatay, maputol man ay patuloy na nabubuhay.

 SAGOT: KUKO

 Isang reynang maraming mata, nasa gitna ang mga espada.

 SAGOT: PINYA

 Yamang galing sa ilalim, kumikinang kahit kulimlim.

 SAGOT: GINTO

 Hindi tao, hindi hayop puro hangin ang laman ng ulo.

 SAGOT: LOBO

 Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa.

 SAGOT: GANSA

2.) Limang Kasabihan - Maikling paliwanag sa bawat kasabihan.

 Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.

 Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng

masaganang pamumuhay.

 Kung may tiyaga, may nilaga.

 Kapag matiyaga ka at masipag, paniguradong may magandang bunga ito.

 Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.

 Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka ang kaginhawan ng iyong buhay. Ito

ay nakabase sa kung gaano ka kasaya sa buhay.

 Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.

 Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may kaakibat na kahirapan na kailangang

lampasan.

 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.

 Kapag mabuti ang iyong gawain, kailanma’y hindi ka matatakot sa mamatay at

husgahan sa kabilang buhay.


ANJIE MAE A. LEGASPINO BSED FILIPINO III

3.) Limang (5) Salawikain – Maikling paliwanag sa bawat salawikain


 Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

 Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang

tao, pawang mga kabutihan lang mangyayari.

 Kung ano ang puno, siya ang bunga.

 Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy

sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

 Kung walang tiyaga, walang nilaga.

 Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

 Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.

 Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan

ang relasyon.

 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

 May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa

buhay. Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.

B. Sa iba’t-ibang uri ng tula na natalakay natin, alin ang nagustuhan mo at bakit?

 Sa iba’t-ibang uri ng tula na natalakay natin ang nagustuhan ko ay ang tulang psalaysay o

buhay dahil gusting gusto kong basahin ang mga ganitong uri ng tula lalong lalo na kapag

isang epiko katulad nalang ng biag ni lam ang. At gusto ko rin ang ibat ibang sina unang

awit at balad.

You might also like