You are on page 1of 2

Ang Timawa

Ni A. C. Fabian
Agustin Coralde Fabian

Talasalitaan
1. Tulos
o Wala sa katinuan, lumilipad ang isip
o “Tulos pa rin ang binata sa pagkakatayo.”
2. Humahangos
o Hinigingal sa pagmamadali
o Mistulang pagod na pagod
o “Dumating na humahangos is Bill. Lagi nang humahangos ito.”
3. Maluwat
o (1) Madalas, (2) Nang panahong
o (1) “Napansin ko nga, na maluwat mo nang sinusubaybayan si Andy.”
(2) “Maluwat nang naisara ng dalaga ang pinto”
4. Nanunudyo
o Panunukso
o “Walang araw na hindi mo kami tinudyo sa isa’t-isa ni Andy. Minsa’y di na nakatutuwa.”
5. Tatalilis
o Lilisan o aalis
o “Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan ay saka ka pa tatalilis.”

Buod
Si Andres ay nagtratrabaho habang nag-aaral sa isang unibersidad sa Amerika. Noong namatay ang ama ay sumama sa isang
kamag-anak na isang kusinero sa bapor. Anim na buwan siyang nagtrabaho bilang tagahugas ng pinggan. Ang ilan sa mga naging
trabaho niya ay isang mangagawa sa California, tagahugas ng pinggan sa San Francisco, namimitas ng mansanas sa Oregon at
Washington, naglingkod sa salmonan sa Alaska at tagapatag ng bato ng daanan sa Nevada. Naulila siya sa kanyang ina sa edad na 13
taong gulang. Isang magsasaka ang kanyang ama. Sa isang pista ng bayan sumama si Andres sa ama upang tumulong sa isang
malaking handaan na gaganapin sa isang malaking bahay. Sinabihan siyang isang Timawa ng isang donya, ang asawa ng may-ari ng
lupaing kanilang sinasaka dahil kumakain na sila sa gayong hindi pa natatapos kumain ang mga panauhin. Sabi ng kanyang ama, na
ang timawa ay ay higit na pangit kaysa sa isang gutom. Ang timawa ay kahalintulad ng isang aso- sagpang ng sagpang. Nagsikap ang
kanyang ama upang makatapos siya ng pag-aaral ngunit di nagtagal ay namatay sa sakit na pulmonya ng naulanan. Ang pagkwala ng
kanyang ama ang nag-udyok sa kanya upang magtapos ng pag-aaral at magtagumpay sa larangan ng medisina.

Pagsusuri
Ang karanasan ni Andres ay nagpapatunay na ang kahirapan ay hindi kailanman magiging hadlang upang makamit mo ang
iyong mga pangarap. Naging mas malakas at matatag siya upang maabot ang mga pangarap nang mawala ang kanyang ama. Kahanga-
hanga itong kaugalian na kanyang ipinakita dahil sa totoong mundong ating ginagalawan ay karaniwang makakaranas ng matinding
pagkalumbay ang nawalan ng minamahal. Naikumpara si Andres sa isang timawa. Ipinapakita nito ang konsepto ng diskriminasyon na
hanggang sa kasalukuyan ay talamak paring makikita sa lipunan. Hinding hindi mawawala ang lantarang pagmamaliit sa mga
mahihirap ng mga mayayaman at makapangyarihan. Kung ang lahat ng Pilipino ay magiging katulad lamang ni Andres ay maaring sa
kasalukuyan ay makakamtan na natin ang minimithing paraiso ng ating buhay.

Halagang Pangkatauhan

Ang realidad ng buhay ay isang nakakatakot na katotohanan. Maraming maaaring mangyaring hindi natin inaasahan o
napaghandaan. Isang minuto, tayo ay nagsasaya, walang pakialam sa mundo, ni sa lumilipas na oras na kalianman ay walang totoong
halaga sa ating isipan, at sa sumunod na minuto, tayo ay nasiraan na ng buhay, nagluluksa, at iniisip na bakit natin hinayaang magdaan
ang oras na hindi man lang nilalasap ang bawat segundong ibiniyaya sa atin ng Diyos.
Ngunit sa kabila nito, sa kabila ng mga paghihirap na ating naranasan at mararanasan, patuloy parin ang mundo sa labas ng
sarili nating pagsasakit. Hindi ito titigil para lamang sa ating pagdurusa. At dahil dito, hindi rin natin maaring pahintuin ang sarili
nating buhay para kumulot sa isang bola, at magtago sa tinatakbuhang mga nakaraan na pangyayaring umukit ng masasakit na alaala
sa ating puso at isipan.
Kinakailangan nating kumilos at daanan lahat ng pagsubok na itinatapon sa atin ng nakataas noo— walang takot at
pagaalinlangan. Hindi maaring magpahila tayo dito patungo sa ating kasawian, sa halip, dapat hayaan nating hubugin tayo nito bilang
matatag na mga indibidual at bilang mga taong malalakas ang loob.
At hindi natin gagawin ito para lamang mapakita sa mga tao na tayo ay malakas at walang problema, na tayo ay Masaya at
kalmado— ngunit sa pagiisa natin, tayo ay masisira at magiging isang bukal ang ating mga mabibigat na damdamin. Dapat tayo
magpakatatag para sa ating sarili— dahil nais nating patunayan sa sarili natin na kaya natin ang mahirap na landas na iniharap sa atin
ng Maykapal; dahil ayaw natin maging sira at patapon na lamang ang buhay natin na kay rami nating pwedeng mapatupad na
pangarap.

Kaya kahit na ang buhay natin ay tila isa nang nagpupumiglas na lubid, patuloy parin dapat ang ating pagsisikap na kumapit
sa kahit na napakanipis na taling maiibibigay sa atin. Kailangang nating gawing motibasyon at paghihinuhan ng lakas ng loob ang
mga lubak na madaraanan natin. Patuloy ang buhay kahit na anong mangyari at nasa atin kung tayo ay kakayod pataas o kaya naman
ay gugulong pababa.

Pagkakapamagat

Ano nga ba ang halaga ng pamagat ng isang nobela? Sa aking palagay ay ito ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa
kung tungkol saan ang isang istorya. Sinusuportahan nito ang nilalaman ng isang nobela. Ang nobela na “Ang Timawa” ay tungkol sa
isang binatang dukha na nagpursigi at nakaangat sa buhay. Higit na naaayon ang pamagat na timawa dahil nangangahulugan ito sa
isang taong dukha at hamak. Isang tao na naninilbihan sa mga mayayaman, nagtatrabaho sa mga magagarang tahanan. Sila ang mga
nagpapakahirap at nagpapakasakit upang may makain lamang at makaraos sa bawat araw ng kanilang buhay. Ngunit higit sa lahat, ang
timawa rin ay isang nilalang na umangat sa kahirapan o nakalaya sa pagkakaalipin dahil sa sariling pagsisikap at pagpupunyagi. Ang
bida na si Andres Talon ang “timawa” sa istorya dahil siya ay hindi nagpadala sa mga pagsubok at paghamak sa kanya sa sariling
nayon sa halip ay binaling niya sa positibo ang lahat ng pagsubok at ginawa niya itong ispirasyon sa kanyang pagpupursigi sa buhay.
Siya ay nagtungo sa Amerika, nagtrabaho doon, at di kalaunan ay naging matagumpay sa buhay. Si Andres ay talaga namang isang
magandang halimbawa, huwaran, at inspirasyon sa mga kabataan ngayon at sa ating lahat.

Pamagat

 Timawa ang tawag sa mga malayang tao


 Hindi sila kataastaasan, ngunit hindi rin naman sila matatawag na mga alipin
 Sa kalaunan ay nag-iba na ang kahulugan nito
 Hindi na maiuugnay ang salitang ito sa kalayaan, sa halip ay nataguriang dukha na ang mga timawa.
 Bakit nga ba Timawa ang pamagat ng akdang ito?
- Pinamagatang Ang Timawa ang nobelang ito sapagkat isinasaad rito ang pakikipagsapalaran ni Andres Talon, isang
Pilipinong nagtrabaho malayo sa kanyang baying sinilangan. Hindi naging madali ang buhay niya sa dayuhang bansa.
Marami siyang dinanas na hirap at matinding diskriminasyon sa mga dayuhan at maging sa kapwa niyang Pilipino.
Ikinumpara ang buhay ni Andres Talon sa isang timawa sapagkat sa mata ng ibang taong mas nakakaangat sa kanila ay
para lang silang mga taong walang silbi sa mundong ito. Gaya na lang sa unang kabanata kung saan sinabing higit na
pangit ang isang timawa kaysa sa isang gutom at inihalintulad din sila sa isang sugapang aso. Sa isang handaang
kanilang dinaluhan, sinabihan silang mga sugapa sapagkat hindi pa raw natatapos kumain ang mga panauhin ay inunahan
na nila ang mga ito. Makikita rito ang mababang pagtingin ng mga mayayaman at makapangyarihang tao sa mga katulad
ni Andres na isa lamang ordinaryong tao. Sa kabila ng lahat ay sinikap niyang magtagumpay at iparating sa lahat na higit
pa siya sa isang timawa.

You might also like