You are on page 1of 11

Ang Mga Hindi Nakarating

By Kristoffer Aaron Tiña


February 11, 2021

Kinukulog ng makulimlim na langit


ang tambol ng sikmura, 
at sa ulol niyang paghiraya,
ang bawat dagundong ay katok
sa pinto ng puwedeng dulugan

habang nag-aabang sa ayudang tulad ni Godot,


tatawag siya sa misis na nahimpil sa siyudad.
Sinusubukang tumawid ng mga tinig sa selpon,
yaring mga kinurakot na kumustahan,
mga lata ng kuwentuhang napanis at nais ipainit,
mga sobra sa hinog nang paglalambing.

Subalit berdugong lambat itong trapiko ng signal.


Nilukot na papel ang boses ng pag-ibig.
Hanggang ang ligalig ng salop ng puso
ay nandayuhan sa mga likot ng binti.
Parang pagsunod sa aguhon 
itong paggalugad para sa malinaw na linya.

Subalit sa gitna ng mga ligaw na hakbang, 


walang hiling na nakauwi,
hindi ang ayuda o aruga ng sinta,
kundi ang singhal ng pulis
at ang balang itinanim sa sikmura.

Hinugasan ng ulan ang aspalto,


ang piping kuwento ng bangkay
na doble ang katay.
Bulag Ka, Juan
ni: Ariana Trinidad

Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita,


Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.

Tahimik sa buong taon


Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.

Ang bulsa ng pagkatao


Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.

Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.

Bundat ang bulsikot


Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.

Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.

Ang hahatol ay bulag


Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.

Kailan ititigil ni Juan


Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?
Ang Aking Pangarap
ni: Kiko Manalo

Pangarap kong magbakasyon


Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.

Sa lungsod ko siya igagala


Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.

Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.

Ililigid ko siya nang masigla


Sa mga bundok at gubat,
Na ginawang pugad
Ng mga tumakas sa siyudad.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na ang mga punong matatayog,
Na pinutol at nililok
Ay naging santong bantayog!

Upang siya’y malibang


Makapag-unwind, ma-relax,
At hindi na makapaminsala
Sa bayan kong Pilipinas!

Ito ang aking pangarap.

-(likod-bahay 2012)
Sa May Divisoria
By Jules Yuan Roldan
February 11, 2021

Nauna na kaming bitbitin


ang mga bagahe ng pangamba
sa may bangketa. Sa Divisoria
kung saan nanahan ang mga gunita-
Nang minsang dinidikdik
ng mga puwersa,
itinaboy na parang mga peste
sa malinang na kabukiran
nilimas, nilampaso
wika nila’y:
mga sagabal sa daan.
Matagal mo nang binaybay
ang kahubdan ng lungsod.
Ngayong ika’y iniluklok,
bakit wika nila’y wika mo na rin?
Patutunguhan
Tula ni Judy Ann Omar

Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin,


Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin,
Marami pang problema ang kailangang kayanin,
Mga pagsubok ay dapat nating harapin.

Dalawang daan, ang kailangang pagpipilian,


Ang tuwid na daan at makipot na daan,
Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan,
Makiipot ma’y sa tamang landas naman.

Ngunit, ako’y nalilito kung saan ako patungo,


Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito,
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Bahala na sa sarili kung saan gustuhin ko.

Aking mga paa’y napapagod na’t nanginginig pa,


Buong katawan ko ri’y mababagsak na,
Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata,
Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit kinakaya.

Nagpapasalamat ako sa pinagtunguhan ko,


Bagaman alam ko na, kung ano ang haaharapin ko,
Lakas ng loob para sa kinabukasan ko,
Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko.
Ang Ibon na Kinulong sa Haula
By Nathaniel Anthony T. Jubac

Ako ay katulad sa ibong kinulong sa haula.


Kinulong ako dito ng aking sariling pamilya.
Pinanganak at lumaki, malungkot at magisa.
Tanging ako ng, nagtanda ng walang kasama.

Ang aking haula ay maganda.


Iwan ng magulang, ito ay pamana.
Perpekto itong lahat sana,
kung meron akong kasama.

Lumaking malamig sa tao, kahit sa sariling pamilya,


ayaw kong ganito, magbago ako sana,
sa salang ito ako ay nakokonsensiya,
Puso ko tigilan mo na ito, ako’y nagmamakaawa.

Nayong panahon nakalaya na ako sa haula,


pero di ko parin matigil ang panlalamig sa aking pamilya.
Ito ang pagsisikapan ko, ito ang aking pangako.
Ang relasyon ko sa aking pamilya ay magbabago.
PANDEMYA
By Trisha Pereyna

Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan


ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito

Sa bawat pagpatak ng pawis


dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha
nakatago na dahil sa mga maskarang suot mo

Sa bawat pagtakbo ng oras


dalangin ng lahat ay lunas
takot, pangamba, pag-aalala
iyan and dala-dala ng madla

Sa bawat paglabas ng tahanan


dala-dala ang pangamba
dahil baka pag-uwi mo ng tahanan
nahawaan ka na pala

Ang birus, na isang matinding kalaban


mabagsik, nakapangingilabot
hindi makita, hindi sigurado
ito ang kalabang maaari kang matalo

Bangon, inang bayan


bangon kababayan
mga katagang paulit-ulit nating sasambitin
nang walang pag-aalinlangan
Ang Aking Pamilya
Ni Ellyismyname (2011)

Siguro, hindi na ako makakakita pa


Ng pamilyang kasimbuo ng isang tula,
Yung sama sama ang mga talinghaga
Sa hirap man o sa ginhawa

Yung kapag binabasa mo’y kumakanta


Sa sala’y naglalaro’t nagpapatawa
May pag-ibig na nadarama
Sa bawat pahayag o taludtod nya.

Yung hindi kayang ilipad ng hangin


Ang kanyang himig o adhikain
May bagyo man o may rilim
Matatag, umiindayog pa rin.

Yung ang mga salita ay may bisa 


Sa isip at galaw ng mga bata
May paggalang sa mga matatanda
Mga kapitbahay at mga bisita.

Pero ako ay nalulungkot


Panahon nati’y iba ang ikot
Sa mga mataka ay may dulot
Na paglayo at pagkalimot
Ang Kahirapan
By Mga Tulang Tagalog PH (2017)

Kahirapan,kahirapan,
Isang malaking problema ng bayan,
Maraming naaapektuhan na mamamayan
Lalo’t higit ang mga kabataan.

Kahirapa’y pwede namang matugunan,


Tumulong lang gobyerno’t pamahalaan,
Isama na rin ang mamamayan,
Upang ang kahirapan ay masolusyonan.

Kahirapa’y atin ding problema,


Lalo na’t tayo’y mga bata pa,
Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa,
Dahil balang araw,Aahon rin tayo sa kahirapang ating problema.

Sabi nga ni Gat Jose Rizal,tayo ang pag-asa ng bayan,


Tayo ang mag aahon sa ating kahirapan,
Ngunit dapat natin itong pagsikapan,
Upang lahat ng dadating na pagsubok,ating matagumpayan.

Ako’y isang batang nangangarap din,


Ngunit hindi ang kahirapan ang siyang hahadlang sa akin,
Pag-aralan ko lang ang mga aralin,
Upang walang dudang makakamit ang aking mga mithiin.

Para sa inyong nangangarap katulad ko,


Sana’y huwag lalaki ang ulo niyo,
Dahil mga magulang nati’y nagsisikap ng husto,
Upang lahat ng ating mga pangarap ay walang duda nating matamo.

At iyon lang po,


Sana’y nagustuhan niyo,
Ang handog kung tula para sa inyo,
Na tungkol sa kahirapan na ngayo’y problema ng lahat ng tao.
Mukha ng Kahirapan
Tula tungkol sa kahirapan ni Zephalexia

Araw araw ikaw ay tinatalakay


Minsan sa labas o loob ng bahay
Na para bang itoy parte na ng buhay
Di namamalayan ikay sumasalakay

Anu nga ba itong aking tinutukoy


Huwag na tayong magpaligoy ligoy
Katumbas ito ng yong mga panaghoy
Sa kabila nitoy kailangang magpatuloy

Bakit nga ba mayroong kahirapan


Maraming taong nakikipagsapalaran
Minsan hindi mapalad ang kapalaran
Ang paghihikahos walang hangganan

Anu nga ba ang tunay na dahilan


Kung bakit may taong nahihirapan
Ito ba ay dahil sa kanyang katamaran?
O sadyang siyay napapagsamantalahan

Ika nga nilay buhay ay di perpekto


Minsan ikay talo , minsan ikay panalo
Pero dapat tandaan huwag manloloko
Maging mabait ang maging totoong tao

Marahil tayoy may ibat ibang opinyon


Mayroong kokontra at may sasang ayon
Anupaman sa buhay ang yong pagdadaanan
DIYOS ay nariyan yan ang lage mong tandaan
21st Century Literature
from the Philippines
and the World

POEMS

Chiero M. Zerna
Grade 11- Alexandrite

You might also like