You are on page 1of 61

Babang-luksa

ni: Diosdado Macapagal

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw


Tila kahapon lang nang ika'y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di - malilimutan.

Kung ako'y nasa pook na limit dalawin


Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa'y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo'y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay


Na kung saan unang tayo'y nag-ibigan ;
Sa bakura't bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluwa'y hinahanap ikaw.

Sa matandang bahay napuno ng saya


Sa araw na iyo'y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit , kung nababalik pa
Ang ipapalit ko'y ang aking hininga.

Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan


At iniwan akong sawing - kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo'y para ring namatay ?

Marahil tinubos ka ni bathala


Upang sa isipa'y hindi ka tumanda ;
At ang larawan mo sa puso ko't diwa
Ay manatiling maganda at bata.

Sa paraang ito kung nagkaedad na


Ang puting buok ko'y di mo makikita
At ang larawan kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina

At dahil nga rito, ang pagmamahalan


Ay hanggang matapos ang kabataan,
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.
Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw
Tayo'y nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang ating pagsintang masidhi't marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan

Ang kaugalian ng ninuno natin


Isang taon akong nagluluksa mandin;
Ngunit ang puso ko'y sadyang maninimdim;
Hanggang kalangitan tayo'y magkapiling.

Ang Aking Pangarap


ni: Kiko Manalo

Pangarap kong magbakasyon


Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.

Sa lungsod ko siya igagala


Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.

Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.

Ililigid ko siya nang masigla


Sa mga bundok at gubat,
Na ginawang pugad
Ng mga tumakas sa siyudad.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na ang mga punong matatayog,
Na pinutol at nililok
Ay naging santong bantayog!

Upang siya’y malibang


Makapag-unwind, ma-relax,
At hindi na makapaminsala
Sa bayan kong Pilipinas!

Ito ang aking pangarap.

Silang Mapapalad
ni: Kiko Manalo

Mapapalad ang mga walang pangarap


Dahil hindi nila kailangang hagilapin,
Ang mga “x” ni Math
Na kaytagal nang hinahanap
Hindi pa rin mahagilap.

Mapalad ang mga walang pangarap,


‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan
Kung ano ang kahulugan
Ng Statistics at Trigo
Sa buhay ng tao.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang magpasya,
Kung ano ang pipiliin
Aklat ba o DOTA,
Facebook ba o Algebra.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang magpumilit,
Na magsalita ng English,
At dila’y mamilipit
Kapag kausap si Masungit.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
Ang mga bayani ng bayan
At magkakasalungat na istorya,
Sa libro ng akademya.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
Ng mga uno at dos,
Sa ilang gurong nakasentro
Sa pagtitinda ng tocino.

Mapalad ang mga walang pangarap,


Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
Ng matataas na grado,
Sa nanay at tatay,
Na umaasang ang buhay,
Ay maiaahon ng mahinusay...

Silang mapapalad...

Oh, Pag-ibig ...


ni: Sweet Lapuz

Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,


Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,


Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,


Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling


Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,


Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!
Pansit Na Mahaba
ni: JML

Kung itakda man ng kung sino


Ang itatagal ng buhay ko,
Isang buwan at eksakto,
Walang labis o diskuwento,
Ang lahat ng pansit,
Sa restawran ng Instsik,
Lalantakan ko ng mabilis,
At hihintayin kung epektib
Na ang spaghetti at canton,
Saka pansit Malabon,
At pers klas na bihon
Ay pampahaba daw ng panahon.
Aba, kung pati na ang Viagra
Ay ganu’n ding nakakapagpahaba,
Sampu ang lulunukin ko kapagdaka
Kaipala’y tsumatsamba,
Na madagdagan pa
Kahit isang segundong hininga
Ang puso kong giba-giba.
Ang buhay kong sira-sira…
Sige, isasalalay ko ang buhay,
Sa kasabihang sumasablay,
Baka sakaling magtagumpay,
At hinding-hindi maglubay.
Igagawa ang mga palad,
At isisikad ko ang pakpak,
Upang makasinghap,
Ng kapiraso pang sarap...

Ngunit ‘yan naman ay “kung lamang”


Na mawala ako sa sarili ko’t mabuwang,
Sa loob ng saktong isang buwan
Sa pagitan ng buhay ko’t kamatayan.
Kaya nga iiwas-pusoy na magkasala
Ipananatili pa ring nakatingala,
Sa itaas nitong lupa,
Ang puso ko at unawa,
'Pagkat alam kong may higit na dakila
Kaysa sa pansit na mahaba...
Kahit
ni: Ariana Trinidad

Binagyo ang Pilipinas


kahit wala namang bagyo!
Umikot ang mga tubig
kahit hindi naman trumpo!
Lumutang ang mga bahay
kahit hindi naman barko!
Natumba ang mga puno
kahit hindi naman lumpo!

May nagsabing apektado


kahit hindi naman sila!
Lumikas din ang marami
kahit hindi naman baha!
Humingi pa ng abuloy
kahit hindi naman luksa!
Sinisi pa ang gobyerno
kahit hindi naman gawa!

Bayani ay naglitawan
kahit hindi naman Rizal!
Dagsa ang nagsitulong
kahit hindi naman kawal!
At naging madasalin
kahit hindi naman banal!
Nagwika ng panalangin
kahit hindi naman dasal!

Ako’y Wika
Orihinal na tagalog na tula ni: Kiko Manalo

Wikang Filipino ang aking pangalan,


Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!

Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw


Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!
Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa


Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!

Sinalita ako at gamit ng lahat,


Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!

At nakamit mo na ang hangad na laya,


Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,


Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!

PAGBABAGO
ni: Nene Cristobal

Sa tigang na lupa,
Ipapatak
ang luha ng langit,
Sa bitak ng bukid,
Ibubuhos,
ang dusa ng dibdib.

Matitighaw ang uhaw


Ng pagdaralita,
At pagdurusa
Sa ligayang tunog,
Ng kulog
Na bubusog!
Mapapawi ang pagkatuyot ng labi
Ng pagkatao’t sarili,
Na lugami
Sa pagsisisi
At lalagi sa diwa
Pagbabago ng budhi.

Babasain ng mga patak,


Ang init at alab
At hihintayin ang aliwalas,
Ng langit,
At ang sakit
Na naitatak ng lupit.

Upang matanaw
Ang bahagharing nakaguhit
At nakaukit,
Sa dilim ng parisukat
Na mundong may lamat,
At hindi nasusukat!

Babangon ang lamig


Sa ligalig
Upang masakop
Ng halakhak,
Hindi ipagkakait
Pagkat sabik…

Pagkat sabik!

Aking Ama
Nang ang diwa ko'y magising sa Daigdig ng Himala,
May narinig akong tanong na sa isip ko'y nabadha:
"Ang tahanan daw bay ano? Ang tahana'y ano kaya?
Ang tahanan kaya'y itong nagisnan kong munting dampa?"
Ang tugon ng aking ina: "Sa tahanan ginagawa
Ang pagsintang sa isipa'y napabinhi't napapunla."
Ang pakli ng aking ama: "Sa tahanan nagmumula't
Sa tahanan nagwawakas ang buhay ng Sangnilikha."

Maligaya ako kapag nakakapiling


Ang lahat ng aking kaisang-damdamin;
Nalilimutan ko ang mga hilahil,
Ang sumasa-puso'y banal na hangarin;
Kaya't sa tuwa ko'y malimit sabihing
Ang Diyos ay sadyang malapit sa akin.

At nang ako ay lumaki, noon ko na napagtuos


Na ang mundo'y isa palang Tahanan ng Sangkinupkop,
Sa tahanan tinutuwid ang isip na pabaluktok,
Sa tahanan pinapanday mga isipang marupok,
At ang aking mutyang ama ang matibay na kalupkop,
Na sa aming kahinaa'y nagbibigay ng panlusog,
Kaya pala't ang tahana'y nang likhain na ng Diyos,
Ang nilikhang unang tao'y isang amang maalindog.

Ang tahanan, ang kawangki'y isang munti't abang lunday


Na nabunsod nang di oras sa laot ng kapalaran,
Sinisiklot ng habagat, hinihigop ng amihan,
Binabalot ng daluyong sa gitna ng kalautan;
Nguni't habang ang piloto'y nasa-huli't naninimbang,
Darating din sa ibayo ang gitna ng kasawian,
Ay pilotong umuugit sa lunday ng kabuhayan.

Sa tahanan naming dukha, kahit dampa't walat-walat,


Kahit datnan at panawan ng sakuna't pananalat,
Kaming mga tumitira'y naliligo rin sa galak,
Pagka't kami kahit dukha'y payapa't di naghahanap,
Isang munting bigkis kaming kaipala'y nalalansag,
Kung ang bilang na panali ay masita at makalag:
Kaya pala, pag may amang sa tahana'y lumiliyag
Ang tahana'y sumisinop, umaayos, dimirilag.

Kung sa aming paminggalan ay dumalaw ang hinagpis,


Sa palad ng aking ama'y nagpapalay ang tulyapis;
Kung sa aming inumina'y magtagsalat pati tubig,
Sa pawis ng aking ama'y may tubig na tatagistis;
Kung makitang kami'y hubad at ni walang pananamit,
Baging man sa kagubata'y nahihibla't nalalapnis;
Kaya nga ba't pag ang ama ang lubusan nang umidlip,
Nagdidilim ang tahanan, nagluluksa ang daigdig.

Ako'y Pilipino
Pilipino ako sa anyo, sa kulay,
sa wika, sa gawa at sa kalinangan.
Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan,
kilala sa ganda at sa iwing taglay na yaman.

Sa mga ugat ko ay nananalaytay,


magiting na dugo ng raha at lakan;
ang kasaysayan ko'y di malilimutan
ng aking kalahi't liping pinagmulan

Maraming bayaning nagbuwis ng buhay,


di nag-atubili sa tawag ng bayan,
nabuwal sa dilim at nagdusang tunay
upang kalayaan ay aking makamtan.

Ikararangal ko itong aking lahi,


di ikahihiya sa alinmang lipi;
busilak ang puso, malinis ang budhi
mamatay ay langit kung bayan ang sanhi.

Taas noong aking ipagmamalaki


Pilipino akong may dangal na lahi,
Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi,
dinilig ng dugo ng mga bayani.

Ala-ala Ng "Ika-30 Ng Disyembre"


Labingwalong angaw: isang puso.
Isang diwa, isang buhay.
May isang watawat;
Malaya! Malaya!

Sa araw ng ito ang gunitang banal:


Isang Noli't Fili
Isang Balintawak,
Isang Bagumbayan.
Nalibing ang Martir.
Subali't bumangon
Ang diwang Magiting!

Ang dibdib ng bayan ay biglang nayanig,


Putok! Sigaw! Putok!
Dumanak ang dugo -
Sa dugo namuo
Ang isang Malolos!

Labingwalong angaw: isang puso,


Isang diwa, isang buhay;
Dr. Jose Rizal.

Pagkawala ni Bunso

“Saan ka ba pupunta?” iyan ang palagi

Niyang naririnig sa akin.

Itinuturing ko siyan iba sa aking paningin,

Lagi kaming nag-aaway.

Segundo,minute at oras ang lumipas,

Hindi ko siya binabantayan.

Hanggang sumapit ang oras na hindi ko

Na siya nahanap sa paligid.

Hanggang sa nakumpirma kongnawala

Na siya sa aking paningin.

Saan ba siya maaaring pumunta?

Natapos ang buong arw hindi ko siya

Nahanap, natulog ako ng hindi siya ang kaharap.

Salamat sa diyos at nahanap siya kinabukasan.

Pangako hindi na kita pababayaan.

Ang Aking Guro


Masdan mo ang guro, ang taong dakila,
Mapagtiis siya't laging matiyaga;
Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa,
walang tigil siya sa maghapong gawa.

Guro ko ang siyang nagturo sa akin,


Na ang ating lupa ay aking mahalin,
Ako raw'y gumawa at aking sikaping
Mapaunlad itong mutyang bayan natin.

Siya ang nagturo ng kabayanihan


Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar;
Siya ang nag-ulat ng buhay ni Rizal,

Siya ang nagturong ako'y maging tapat


Sa mga tungkuling aking ginaganap
Nagtatagumpay raw yaong masisipag,
Di raw giginhawa yapng taong tamad.

Siya ang maysabing ating tangkilikin


Yaong mga bagay na yari sa atin;
Sino pa raw yaong tutulungan natin
Kundi kababayan at kalahi na rin.

Guro ko ang aking tunay na huwaran


Siya ay maayos sa kanyang katawan,
Sa pagsasalita, siya ay magalang
At sa diwa niya'y may matutuhan.

Iyang aking guro'y isang mamamayang


Dapat ding tawaging bayani ng bayan;
Ang mga pinuno sa kinabukasa'y
Nangagdaang lahat sa kaniyang mga kamay.

Bulag Ka, Juan


ni: Ariana Trinidad

Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita,


Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.

Tahimik sa buong taon


Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.

Ang bulsa ng pagkatao


Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.

Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.

Bundat ang bulsikot


Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.

Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.

Ang hahatol ay bulag


Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.

Kailan ititigil ni Juan


Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?

Ako’y Wika

Tula ni Kiko Manalo

Wikang Filipino ang aking pangalan,


Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!

Ako rin ang ama at naging haligi,


Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa


Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!

Sinalita ako at gamit ng lahat,


Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!

At nakamit mo na ang hangad na laya,


Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,


Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!

Wikang Filipino

Tula ni Marvin Ric Mendoza

Ito ay punyal na ubod ng talim


Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.

Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa


Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.
Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino
Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.

Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat


Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas
Na sa isang sarili ay nagpapalakas.

Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito


Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo
At dahil tayo ay kapwa Pilipino
Yakapin natin ang wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas


Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.

Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan


Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw
Medaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.

Sa bukas na darating ay ating mamamalas


Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.

Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay


Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay..
Sa tuwid na landas ay walang mawawalay
Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino

Tula ni Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,


Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.
Ang wika ay tubig – na nagpapaputi,
Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,


Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay,
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato – na siyang tuntungan,


Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,


At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipino’y matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

Ang Teknolohiya at Ang Wika

Tula ni Avon Adarna

Pinagkaitan nga ng mga patinig,


Mga pangungusap – kulang sa katinig,
At kung babasahin sa tunay na tinig,
Ay mababanaag ang kulang na titik!

Sa sulating pormal at mga sanaysay,


Ano’ng pakinabang kung putol at sablay,
Kulang na ang letra’y mali pa ang baybay,
Ang akala yata’y lubhang mahinusay.

Sa paglalahad ng totoong damdamin,


Hindi ba nagkulang sa ibig sabihin?
Sa pagsusulit ba at mga eksamin,
Makapasa kaya kung letra’y kulangin?

Mundong makabago at teknolohiya,


Anong naidulot sa ating pag-asa?
Kabataang dugong mag-aahon sana,
Tila katunggali ng sariling wika.
Ngayo’y nagtatampo – Wikang Filipino
Sa wari’y nasunog ang tunay na mundo,
Ang wika na dapat ay isinasaulo,
Ay lubhang nalimot at nagkalitu-lito!

Laging Pana-Panahon

Tula ni Avon Adarna

Umuusok ang lupa,


Umaso’t, nagbabaga,
Bumibirit ang liyab,
Muntik na ngang magsilab!

Ang araw’y naglalatang,


Harapan ay buyangyang
Saka nakapamaywang,
Nakanguso’t mayabang!

Nag-alsa ang ligamgam,


Bumabangong mainam,
Ang hanap ay kalaban,
Sa mundo ng kawalan…

Isasaboy ang init


At pawis na malagkit
Na tila isang pagkit,
Sa balat – kumakapit!

Tameme lang ang ulan,


Ayaw munang lumaban
Ayaw mabilaukan,
Sa silab na initan…

Hintay muna ng tugma


Maglaro ng gunita
Saka punta sa gitna,
Ilabas na ang handa.

Pagkat talo ang alab,


Kung hindi pa sasalag,
Hintayin na tumalab
Saka na lang pumalag.
Umulan sana bukas…
Panalangin ng pantas
Ganyan nga ang paglutas
Sa pagpapakataas!

Luha ng ulan doon,


Na nagbuhat sa Poon,
Layang gaya ng ibon
Sadyang pana-panahon…

Wikang Pambansa, Wikang Panlahat

Tula ni Gerlie L. Palmenco

Luzon, Visayas, pati na sa Mindanao


Tuwing Agosto’y sabay-sabay humihiyaw
Grupong etniko sa ‘Pinas nagkakaisa
Pinagyayaman pang lalo ang wika nila.

Ilokano, Bisaya, maging ang Tausug


Sa wikang-ginto, Pilipinas ay busog.
Chavacano, Cebuano, Ilonggo’t marami pa
Pagsaluha’t mahalin, bigay ng Dakilang Lumikha.

Iba’t ibang salita man ang banggit


Sa puso’t kaluluwa’y iisa lang ang gamit
Buong pagmamahal itong ipagpunyagi
Kayamanan ng buhay, dugo, at lahi.

Mayamang kultura, kanyang sinasalamin


Makulay na tradisyon, ipinamamahagi din
Wikang Pambansa ay Wikang Panlahat
Gamitin ng tama’t paglingkurang tapat.

Sagisag ng kalayaan, sandigan ng katapatan


Wikang Pilipinong noo’y ating ipinaglaban
Nawa’y ingatan at laging alagaan
Lubos na mahalin, kailanma’y huwag pabayaan.

Ang Wikang Pilipino

Mula sa website na Pinoyedition.com


Wikang pilipino ay ating mahalin
Ito ang sagisag nitong bansa natin,
Binubuklod nito ang ating damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.

Wikang pilipino ay maitutulad


Sa agos ng tubig na mula sa dagat,
Kahiman at ito’y sagkahan ng tabak
Pilit maglalagos, hahanap ng butas.

Oo, pagkat ito’y nauunawaan


Ng Wikang Pambansa sa baya’y ituro,
Tatlumpu’t dalawang taong sinapuso
Ng bata, Matanda, lalo na ng guro.

Napasok na nito’y maraming larangan


Ng mga gawain na pampaaralan,
Transaksyon sa bayan at sa sambayanan
Mga paaralan sa sandaigdigan.

Wikang Pilipino’y dapat ipagtanggol


Lalo’t iisiping dito’y ginugugol,
Ang maraming hirap, Salapi’t panahon
Ng pamahalaan at ng masa ngayon.

Wikang pilipino, ikaw ay mabuhay


Itataguyod ka sa lahat ng araw.

Pilipinong Banyaga sa Wikang Filipino

Mula sa website na Pinayunlimited.wordpress.com

Ikaw kabataan, binibini, ginoo


Sa lahat ng Pilipinong makakabasa nito
Maalam ka ba sa Wikang Filipino?
O isa kang banyaga sa wika mo?

Kamusta o kumusta?
Ano nga ba ang tama sa dalawa?
Tagalog o Filipino ba?
Ano rito ang pambansang wika?
Magaling, kay galing!
Ang isip sa wika ng iba’y matulin
Kapag Wikang Filipino ang usapin
Bakit ba ika’y nagiging antukin?

Sa Ingles kay husay, o napakahusay


Ngunit sa Filipino ika’y nawawalan ng kulay
Nauubusan ng tinig, tinatakasan ng salita
Hala siya sa sariling wika niya ay banyaga!

O kahindik-hindik, kagila-gilalas
Paanong nangyaring di ka matatas
Kung nububuhay lamang si Balagtas
Tiyak mabubuwisit sa’yo ang pantas.

Nasaan na ang bakas ng wika sa pananalita?


Bakit di na kilala ng iyong dila?
Napakarikit naman ng ating wika
Sana lang ito’y iyong nakikita.

Buksan lamang ang iyong kamalayan


Ang wika nati’y makulay kung mamasdan
May kapangyarihang magbuklod ng mamamayan
Ng mga mamamayang niyayakap nitong bayan.

Ang Pilipinong banyaga sa Wikang Filipino


Ay di dapat tawaging isang Pilipino
Mahal mo lang ang Pilipinas kapag gusto mo
Ngunit hindi ba dapat mahalin mo ang lahat ng tungkol dito?

Iniibig Ko Ang Wikang Filipino

Mula sa website na Pinayunlimited.wordpress.com

Ginulo mo ang isip ko sa paraang gusto ko


Pinilit ko mang umiwas ngunit sinuyo mo ako
Itinakas sa ‘king mundo dinala sa’yong palasyo
Aking nadarama hindi ito ordinaryo.

Hanap ko’y salita, angkop na salita


Sa paglalarawan nais ko sanang ipakita
Angkin mong kulay o kay iga-igaya
Bakit ang iba’y hindi ito makita?
Musmos nang ika’y unang makapiling
Ang makilala ka ng malalim yan ang aking hiling
Sana’y makita ka saan man bumaling
Akin kang makikilala gamitan man ng piring.

Naaalala mo ba galak ko sa paligsahan?


Unang sabak ko noon sa talumpatian
May pagdiriwang noon Agosto ang buwan
Nabigo man ang dilag ngunit ako’y may natutunan.

Ang iyong pagkasilang ay dakila pala


Binuklod mo ang mga taong nais magkanya-kanya
Ikaw ang sinag na piniling di makita
Aming lampara sa dilim ng umaga.

O aking Wika nasa puso ka ba nila?


Sa tibukan ng buhay ko’y mabubuhay ka
Mahal ko ang Pilipinas at ang lahat sa kanya
Kaya ikaw Wikang Filipino di ka mag-iisa.

FILIPINO: Wika ng Pahkakaisa

Tula ni Jennifor L. Aguilar

Pagkakaisa ano ba ang iyong diwa?


Ito ba’y para sa iba’t ibang lahi at bansa?
Wika, ano ba ang iyong makakaya?
Matibay ka bang sandata sa pagbibigkis ng diwa?

Wika ng pagkakaisa ang isinisigaw mo


Habang ang bayan ay nagdidiliryo
Ninakawan ng kampon ng mga manggagantso
Una sa Hudisyaryo, Lehislatibo at ngayo’y Ehekutibo

Nalilito, nahihilo, utak ay gulong gulo


Saan ba nagmula wika ng tao sa mundo?
Iba’t ibang teorya sa kaisipa’y nabubuo
Wika ko’t wika mo, saan nga ba hinango?

Panawagan ng pagkakaisa sa bawat Pilipino


Wika raw ang magbubuklod, ikaw oh, Wikang Filipino
Ito nga ba’y katotohanan o itinusok lang sa palaso
Upang pagtakpan, pagkitil sa wika ng bayan ko?
Nagbabadya ang kaunlaran sa 2015 ASEAN
Unti-unting ginagapang, pagiging sandaigdigan
Natatangi umanong solusyong maiahon, maliliit na bayan
Magsasama-sama’t magbubuklod, itatakwil sariling pagkakakilanlan

Preparasyon ito sa malawakang globalisasyon


Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao, Malaysia, Singapore,
Myanmar, Thailand, Vietnam at Pilipinas ay nagtipon
Binuo ang ASEAN upang gawing matatag na rehiyon

Globalisasyon at Rehiyonalisasyon natatanging solusyon?


Ito ba’y maka-Diyos at sa bawat baya’y mag-aahon?
O ito’y preparasyon ng diyablo’t kaniyang kampon
Na sukat pang naitala sa aklat ng rebelasyon?

Noon pa mang una, batid na ang kalooban ng Maylikha


Iniutos kay Adan at Noah na punuin ang buong lupa
Maging sa tore ng Babel sangkatauha’y sinawata
Nais nilang maging isa ngunit binigyan ng iba’t ibang wika

Pagkat bawat wika’y kinapaloloban ng sariling kultura


Kailangang pagyamanin sa sarili’t angking lupa
Likas na tumutubo’t nililinang sa kaugalia’t pakikipagkapwa
Tunay na hanguan ng diwang epistemolohiya

Nagbabadya ang pagkitil sa pagkatao’t pagkakakilala


Unti-unting tatabunan kalikasan ng bawat bansa
Pipintahan ng mapagkunwang kaunlaran at pag-asa
Nang maisakatuparan pagwawakas at pagkawasak na naitala

Wika ng bawat bansa, dapat na dinadakila


Minamahal, ginagamit, nililinang, inaaruga
Natatanging sandata sa preserbasyon ng kultura
Na tunay na diwa at kasangkapan ng pagkakaisa!

Dagli

“Kuwatro Siyentos”

Isang hapon, papauwi ako galing sa konstraksiyon na pinagtatrabahuhan ko tuwing wala akong pasok sa
eskuwela. Bagong sahod. Limandaan na tig-iisandaan na malutong at amoy bangko pa. Naisipan kong
dumaan sa isang restwaran para bilhan ng pansit ang nanay.

Nang biglang may sumitsit sa’kin.


“Boy. Baka gusto mo, yung babaeng naka-asul. Maganda ‘di ba? Kaka-debut lang nyan.” Sabi sa’kin ng
isang babae na sa tantsa ko’y mga kwarenta y singko hanggang singkuwenta anyos na ang edad.

“Ay hindi po. Estudyante lang po ako.”

“Kuwatro siyentos lang hijo, ikaw na ang bahala kahit iuwi mo pa ‘yan. Perstaym lang yan ni Baby
kailangang kailangan lang daw talaga sabi sa’kin ng nanay nya.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Si Baby. Lumapit siya sa akin at binulungan niya ‘ko, hinding hindi
ko makakalimutan ang tagpong iyon ng aking buhay.

“Sasama ako sa’yo kahit saan mo gusto. Parang awa mo na, ser.”

Agad kong dinukot ang aking pitaka at kinuha ang pera. Ibinigay ko iyon sa babaeng bugaw at niyaya ko
na si Baby na umalis sa lugar na iyon.

Walang araw na hindi ko naaalala ang parteng iyon ng buhay ko. Si Baby, inosente, biktima ng sistema.

Sa ngayon, hindi ang malaki kong bahay, magagarang sasakyan at milyun-milyong pera ang itinuturing
kong kayamanan. Si Baby, na simula nang ako’y nangangarap pa lang, ay kasama ko na.

Si Baby. Ang ilaw ng tahanan. Ang reyna ng aking pamilya.

WAKAS

“PROPOSAL FAIL”

“You’re proposing without a ring?” nakatingin ang mga kaibigan kay Toti at sa nobya nitong si Marie.
Nakaabang ang lahat sa mga susunod na mangyayari.

Nagtatakang niyuko ni Toti ang singsing sa kanyang palad habang nakaluhod. At muli niyang tiningala
ang nobya.

“Alam ko singsing yan. Pero bakit walang bato?”

Katahimikan.

“Hindi naman sa ano, pero lagi ka kasing nagmamadali Toti. Magsi-six years pa lang tayo. Ang buong
akala ko naman e nag-iipon ka kaya sobrang tipid mo.”

“Pasensya ka na, Marie.”

“Then I’m sorry too. It’s a no.”

***

Makalipas ang tatlong araw.

“Kuneng, kamusta na ang kaibigan mo? Malungkot ba?” si Marie.


“Hindi naman ayos lang siya. Bakit?”

“E kasi nga napahiya siya nung Sabado ‘di ba? Para namang wala ka ron.”

“A. Ayos lang si Toti. Mamaya pupunta ko ron tutulungan ko siyang mag-ayos.”

“Mag-ayos?”

“Oo. Tapos na kasi yung pinagawa niyang bahay.”

“Bumili siya ng bahay namin?”

“Bahay niya lang. Feelingerang ‘to.”

WAKAS

“UNKSINKABLE”

“Tol. May problema.” Mensahe ni Kuneng kay Toti sa Messenger.

“Bakit ano yon?” si Toti.

“Ayaw lumubog ng jerbacks ko tol. May naghihintay ba sa labas ng C.R?”

“Oo meron. Tarages ka ang laki ng problema mo. Lumabas ka na lang na parang walang nangyari bilisan
mo malayo pa biyahe natin.”

Lumipas pa ang sampung minuto at hindi pa rin lumalabas si Kuneng mula sa banyo.

“Kuneng ano na? Anak ng boogie humahaba na pila sa banyo andaming naghihintay. Lumabas ka na
dyan.”

“Madami na ba? T*ngina ‘pag minamalas talaga oo. Kala ko ba isa lang?”

“Kanina ‘yon gago ka kase sabi ko sa’yo kanina lumabas ka na dyan ang arte mo!”

Labinlimang minuto pa ang lumipas at tinawag na ng isang customer ang Manager ng restawran.

“Kuneng. Yung kumakatok nang malakas, yung manedyer yan hayop ka buksan mo na yang pinto baka
tadyakan pa nila ‘yan.”

“Teka teka p*tangina naman kase. E pano ko lalabas nakakahiya. T*anginang tae ‘to!”

“May bintana ba dyan?”

“Wala. Exhaust fan lang. Tibagin ko na kaya yung exhaust tapos dun ako dumaan?”
“Ano ka tuta? Ulo mo lang ang magkakasya dyan gago. Lumabas ka na dyan kingina mo. Nakaabang na
lahat ng tao dyan sa pinto.” Hindi na mapakali si Toti dahil pati sa kanya ay sumusulyap sulyap na rin ang
mga tao bilang alam nila na sya ang kasama ng taong huling pumasok sa banyo.

“Sir? Sir may problema po ba? Sir?” Kumakatok pa rin ang manedyer ng restawran.

“Kuneng! Ano na? Bahala ka dyan lalabas na ‘ko hihintayin na lang kita sa parking area.”

Nasa mismong pintuan na si Toti nang makita nyang tumayo si Jay Santos. Isang kilalang newscaster sa
isang panggabing programa.

“Ano po ba problema dyan sir?” Tanong ni Jay sa manedyer.

“Kuneng. P*tangina may reporter sa labas ng banyo. Lumabas ka na dyan. Ito na lang ang huling paraan
na naiisip ko, dakutin mo na ‘yan at ibato mo sa labas dun mo padaanin sa exhaust fan. Dali!”

“T*angina Toti. Makulong na ‘ko pero hindi ko gagawin ‘yon.”

“T*angina mo wala pa ‘kong narinig na nakulong dahil hindi lumubog ang tae nya sa inidoro. Lumabas ka
na dyan!”

“Rick. Kunin mo yung camera may situation tayo rito. Sir kailangan na po nating sirain ‘tong pinto.” Si
Jay.

Ganun na lang ang gulat ni Toti nang marinig si Jay. Pag nagkataon ay baka mapanood pa sa telebisyon
ang kaibigang si Kuneng. Kahihiyan ang aabutin ng kaibigan kung hindi nya ito tutulungan.

“Sir Jay. Ayun ho, kasama yan nung nasa loob.”

Sabay sabay na bumaling ang tingin ng lahat kay Toti. Isang buntunghininga ang pinakawalan ni Toti at
dahan dahan na syang naglakad patungo sa mga tao na naghihintay sa paglabas ni Kuneng.

“Ah. Mga ser/mam. E palabas na ho yung kaibigan ko kung maaari lang po, i-clear natin yung area muna
nagkaproblema lang ho.”

“I-clear ang area? Prinsipe ba yan? Ihing-ihi na ‘ko rito kakahintay a. Bakit kanino bang anak ‘yan?!”
Pabalagbag na sagot ng isang mama na malaki ang katawan.

Matapos magsalita ng mama ay sabay sabay nang umangal ang mga tao.

“A sir, Rick kuhanan mo nga kami rito. A sir, may problema ho ba? Kasi ayon sa mga kasamahan natin
dito e kanina pa raw ho nasa loob yung kaibigan nyo at hindi raw ho sumasagot. May pinagdaraanan ho
ba ang kaibigan nyo?” si Jay.

“Oo.” Matipid na sagot ni Toti.

“Kuneng! Lumabas ka na nga dyan?” Buwisit na buwisit na si Toti habang kinakalabog ang pinto.
Jay Santos: Live po tayo ngayon dito sa **** at kasalukuyan pong may konting kaguluhan dito at
mayroon pong nagkulong sa loob ng banyo. Mag-iisang oras na po at nangangamba na kami na may
nangyari na sa loob at…

“Tama na!”

Tinginan ang mga tao kay Toti.

“Anong sitwasyon ang sinasabi mo, may nagpakamatay?! Walang problema ‘tong tarantadong nasa loob
ng banyo. Ayaw lang lumubog ng tae nya okey?. Ayaw lumubog ng p*tanginang tae!”

Dahan-dahang umatras papalayo ang mga tao. Ngunit bukod sa camera ni Rick ay nakatutok rin sa pinto
ang mga cellphone ng mga nakaantabay na kustomer.

“Kuneng? Kuneng. Wala nang tao. Pwede ka nang lumabas.”

Wala pang isang oras matapos ang insidente ay sikat na si Kuneng sa Social Media.

WAKAS

“HACIENDA”

“Miguel Anak, tingnan mo ang buong paligid.” ang nakangiting paanyaya ni Ruben sa anak na lalaki.

“Napakaganda po.” Tumingala si Miguel sa amang si Ruben habang nakatayo ang mag-ama sa tuktok ng
burol.

“Tama ka. At tingnan mo nang maigi ang buong lupain anak. Ito ang tatandaan mo, magmula ngayon,
ang buong lupain na ito, hanggang sa kung saan ang marating ng mga mata mo – “

Sabik na muling tumingin si Miguel sa ama.

“Diyan ka magtatrabaho.”

At iniabot ni Ruben ang kanyang regalo para sa ika-sampung taong kaarawan ng anak. Ang kanyang
bagong salakot at itak.

*****JB*****

“PLANO”

“Toti anak, magbe-bertdey ka nanaman bukas, matanong nga kita, ano ba talaga ang mga plano mo sa
buhay?”

“E ‘Nay, simple lang naman mga ambisyon ko sa buhay e, magkaron ng magandang trabaho, makapag
asawa, magkaron ng milyones sa bangko at makabili ng magarang kotse. Kapag natupad ko nang lahat
ng ‘yon ‘Nay, makakapag relaks na tayo habambuhay.”
Napaiyak na lamang si Aling Mena sa tinuran ng anak.

“Nay?”

“Anak ka ng ama mong magulang, treinta y siete anyos ka na bukas, tatlumpu’t pitong taong ka na ring
nagre-relaks dito sa bahay! Animal na ito…”

*****JB*****

“TAWAD”

“Nay magkano ho yung talong?”

“Beinte limang piraso iho. Kakapitas lamang ng mga iyan.”

“Pwede ho bang sampu na lang?”

“O sige iho.”

Paalis na sana si Toti nang muling magsalita ang matanda.

“Iho ang gamit mo!”

Muntik na maiwan ni Toti yung bagong bili niyang Jordan 11 na sapatos.

*****JB*****

“WITH WINGS”

“Tiya Andeng!Pabili nga po ng dalawang Napkin. Yung pinakamanipis po. Saka iyong ano daw ho, a…
With Wings!”

Sisipul-sipol pa si Toti habang hinihintay ang kanyang binibili nang marinig nya ang hagikhikan ng isang
grupo ng mga lalaki’t babae sa silyang mahaba.

“Bakit? Palibhasa hindi kayo mautusan bumili ng Napkin ng mga nanay at ate nyo. Mga gunggong na
‘to.” Singhal nya sa mga tinedyer.

“Pasensya na po kuya Toti. Hindi naman po. Sa totoo lang e humahanga nga kami sa inyo dahil hindi
kayo nahihiya.” Sambit ni Lily.

“Aba’y bakit ako mahihiya? Unang-una, gunggong lang ang mag-iisip na para sa’kin ang mga Napkin na
‘to dahil lalake ako. Pangalawa, masama pakiramdam ng ate ko dahil may dalaw nga raw sya. Siya,
maiwan ko na kayo dyan. Magsiuwi na nga kayo at nang mapakinabangan naman kayo ng mga magulang
nyo.”

Nang makauwi si Toti ay diretso sya sa kuwarto upang magbihis. Matapos maisuot ang kanyang
kamiseta’y isinuksok na nya sa kanyang magkabilang kili kili ang dalawang Napkin na binili.
“Punyetang mga deodorant kay mahal mahal mga walang silbi.”

At lumakad na si Toting Baskil para umakyat ng ligaw.

*****JB*****

“Kuyog”

‘Magnanakaw magnanakaw! Habulin nyo yung


magnanakaw!” Halos mapatid ang litid ng
tindera sa pagtili habang itinuturo ang
taong nananakbo nang matulin.

Nahablot ng mga tambay sa palengke ang


magnanakaw at agaran itong kinuyog ng mga
tao hanggang sa ito’y mawalan na lamang ng
malay sanhi ng tinamong suntok, tadyak at
hampas mula sa taumbayan.

Paglapit ko para umusyoso, dahan-dahang


gumulong sa paanan ko ang dalawang botelya
ng mga gamot na itinakbo ng batang si Teryo
mula sa botika.At nasaksihan ko ang pagkalagot
ng kanyang hininga, may dalawang minuto bago
dumating ang ambulansya.

*****JB*****

“Buwena Mano”

“Barbekyu, murang mura, bili na kayo.” Sisipul-sipol pa si Jok Jok habang inaayos ang kanyang mga
paninda.

Makalipas ang limang oras, nagtungo si Jok Jok sa tindahan upang hikayating bumili ang nag-iinumang
kapitbahay ng kanyang Barbekyu. “Kuya Ron, mukhang napapasarap na ang inuman a. Bumili muna kayo
ng pulutan. Buwena mano lang pampabuwenas.” Sabi ni Jok Jok dahil mag aalas-otso na’y wala pa ring
bumibili ng kanyang mga paninda. Magalang namang tumanggi ang mga tambay.

Sa sobrang sama ng loob ng batang si Jok Jok ay iniligpit na nya ang kanyang mga paninda at mangiyak-
ngiyak na pumasok na sa loob ng kanilang bahay. At tuluyang na syang napaiyak habang ibinabalik sa
pridyider ang mga ihawin. Walang bumili kahit isa sa mga paninda ng batang awang-awa sa sarili. Noo’y
naabutan sya ng kanyang ama.

“O. Anong iniiyak mo dyan?”


“Wala pong bumili ng barbekyu.” Hihikbi-hikbing sambit ng anak.

“Sabi ko naman sa’yo kahapon ‘di ba? Nyemas kang bata ka sayang ang pera. Hindi bale’t tatlong araw
natin uulamin yan magsawa ka sa lamanloob. Sya. Matapos makapag hapunan ay samahan mo ‘ko
ngayong gabi. Madami tayong trabaho.”

At matapos ngang makakain ay gumayak na ang mag-amang embalsamador.

*****JB*****

“Nene”

– dad! Sabi ko naman sa’yo e di ba? IPhone 6! Cherry Mobile gosh! I’d rather be seen lying dead by my
friends than seeing me holding that crap. I told you months ago before my Birthday di ba?

– hindi ko naman kasi alam anak. Ang sabi ng nagtitinda yan daw ang maganda. Pasensya ka na Princess,
anak.

At padabog na lumabas ng bahay si Princess.

Iyon ang kahuli-hulihang pagkakataon na nagkausap ang mag-ama. Kinabukasan ng hapon ay nabalitaan
na lamang nya mula sa isang kapitbahay na-hit ‘n run si Mang Fred. Ang kanyang “Street Sweeper” na
ama…

*****JB*****

“Ay-Bol”

– “Ano tol musta ‘Ay-Bol’ nyo?”


-“Nagtago ako tol di ako nagpakita.” Sagot ni Rico.
-“Bakit?”
-“Ampangit tol. Nag-aksaya lang ako ng pamasahe’t pabango. Tangina talaga nagagawa ng teknolohiya
ngayon e ‘no. Nakaka-gago.Amputi at ang kinis sa piktyur, pagkakita mo sa personal
puta nakakadismaya.”

Makalipas ang dalawang Linggo.

-“Ano tol musta yung bagong ‘ka-ay-bol’ mo?”


-“Di ako nagpakita tol. Nagtago ako.” Sagot ni Rico.
-“Nanaman? Ang malas mo tol. Pangit ba?”
-“Hindi. Puta ampangit ko! Parang artista sa personal.”

Dali dali si Rico sa computer shop upang mag-Peysbuk.

“Dilit dis shit. Bagong Propayl, bagong pag-asa. Ayos!”

*****JB*****
“Tatawagan na lang kita”

“Ano ba problema? Bakit lagi kang ganyan? Hindi ka nag-rereply sa mga text messages ko, sa Facebook
message ako nang message hindi ka nag-rereply e ‘seen’ naman.” Ang tanong ni Abel sa kanyang
nobyang si Dani.

“Tatawagan na lang kita.” Ang matipid na sagot ng babae.

“Tangina talagang buhay ‘to! Iyon lang ba ang papel ko sa punyetang mundong mapanghusga? Mga
putangina nyong lahat ayoko na!”

***

Hindi makapaniwala si Dani na nagawa iyon ng nobyong si Abel. Mahal nya ito. Subalit sumama ang
kanyang loob nang makalimutan nito ang kanilang unang anibersaryo. Wala siyang natanggap na kahit
anong regalo.

“Diyos ko Abel. Bakit mo ginawa ‘to?” Sambit ng nagluluksang si Dani.

***

“Tangina. Anibersaryo na namin ni Dani bukas. Hanggang ngayon wala pa din akong trabaho. Si-sisenta
na lang ang pera ko puta. Huling pag-asa ko na’to.” Bulong ni Abel sa sarili habang naghihintay na muling
tawagin ng sektretarya ang kanyang pangalan.

“Mr. Abel Rodriguez? Tatawagan na lang po namin kayo.”

Walang lingon-likod na umalis si Abel. Alam na nya ang ibig sabihin noon, hindi sya napili bilang
empleyado ng kumpanya.

“Mga putanginang kapitalistang tarantado! Mas mabuti pang sabihin na lang nilang hindi ako tanggap,
ayaw nila sakin, hindi nila trip yung suot kong polo, madumi sapatos ko. Pero putangina. Tatawagan na
lang? limang beses na ‘tatawagan na lang’ sa loob ng isang linggo. Putangina nyong lahat bagsakan sana
ng eroplano mga building nyo.”

***

“Tatawagan na lang kita.” Ang matipid na sagot ni Dani.

Hindi inaasahan ni Abel ang sagot na iyon ng nobya. Namanhid ang buo nyang katawan.

“Humarap ka sa salamin at sabihin mong wala kang kuwentang tao.” Bulong ni Abel sa sarili at
lelempang-lempang na tumayo mula sa higaan.

“Walang kang kwentang tao. Tangina mo!”

At kasunod nang pagputok ng kanyang baril ay ang agarang paglagapak ni Abel sa sahig.
*****JB*****

“Kometa”

“Anong nangyayari?” Bulong ni Niño habang nakatingala sa kalangitan.

“Oras na siguro upang wakasan ng Lumikha ang kanyang obra maestra. Ang tao.” Sambit ng
estranghero.

“At bakit naman? Tayong mga tao ang tagapag-pangalaga ng mundong ito hindi po ba?”

Tama. Ipinagkaloob Nya sa atin ang pinakamataas na uri ng karunungang higit sa lahat ng nilalang na
nabubuhay sa mundong ibabaw. At hindi naglaon, nagawa nating lumipad na parang mga ibon,
lumangoy na kasing husay ng mga isda, umandar nang matulin na higit pa sa bilis ng mga kabayo at
marami pang iba. Subalit wala tayong kakuntentuhan sa buhay Niño. Naging mas mabagsik tayo higit pa
sa mga leon at buwitre. Sinasakmal na natin ang isa’t isa. Dinadakma na natin ang dangal ng iba para sa
ating makasariling mga hangarin. Tayong mga tao ang mga pinakawalang konsensyang nilalang sa balat
ng lupa.

“H’wag kang matakot Niño. Humawak ka lamang sa aking kamay.”

At sabay na muling tumingala ang batang palaboy na si Niño at ang estrangherong iyon sa kalangitan
upang harapin nang buong tapang, ang rumaragasang kometa na tatapos sa sangkatauhan…

*****JB*****

“Belyas”

“Basta ito ang tatandaan mo, yung mga mukha nila Kristine Hermosa at Anne Curtis? Tindera lang ng
mga prutas yun dito…”

Hinding hindi makakalimutan ni Toto ang tinuran na iyon ng kanyang ‘Seaman’ na pinsan. Kaya naman
magmula nuon ay nangarap na siyang makasampa ng barko. Bukod sa kung saan-saang bansa na
nakarating ang kanyang pinsang si Henry ay iba’t-ibang naggagandahang babae na din ang nai-kama
nito.

“Hindi mo naman kailangang maging guwapo, sa bawat pagdaong ng aming barko ay nag-aabang na ang
mga ‘belyas’ para sa kaunting dolyares na iaabot mo. Minsan pa nga’y kahit tuwalya’t sabon lang ay
pumapayag na sila.” Pagbibida pa nito.

Subalit isang araw ay nagimbal ang kanilang buong angkan sa kanilang nabalitaan. Patay na si Henry.
Tumalon daw ito mula sa barko. Mula unang gabi ng lamay hanggang sa libing ni Henry ay palaisipan sa
lahat ang dahilan ng pagpapatiwakal nito. Hanggang sa kausapin si Toto ng nanahimik sa isang sulok na
si Katherine, ang asawa ng kanyang pinsan.
Tiningala ni Katherine si Toto at sinabi, “sana hindi ko na lang siya pinadalhan ng mensahe na positibo sa
HIV ang kapatid ko. Ang mga putanginang ‘yon. Pwede ko naman siyang hintayin na lang makabalik at
sabay na lamang silang katayin sa kanilang pagtulog…”

*****JB*****

“Bingot”

“Bingot!” Sigaw ni Rolly. “Bertdey mamaya ni boss. Lahat daw imbitado.”

Kilala ng lahat si Bingot bilang tagatimpla ng kape ni Mr. Luis. Ang may ari ng kumpanyang pinapasukan
nila Rolly. Isa ito sa mga pinakamayamang negosyante sa Maynila. Mabuting tao si Mr. Luis, biyudo,
kilala ding matulungin at aktibo sa mga kawanggawa. Kaya naman hindi na nagtataka ang mga
empleyado doon kung paano napasok si Bingot para magtrabaho. Kahit ngo-ngo ang binatilyo sanhi ng
kanal sa kanyang labi. Kahit kadalasa’y pakalat-kalat lang ito sa gusali at wala naman halos ginagawa
maliban sa pagbibigay ng kape kay Mr. Luis tuwing umaga at hapon. At kahit mag-iisang buwan pa
lamang si Bingot sa kumpanya ay nakasisiguro sila Rolly na wala namang kaso kung dadalo ang binata sa
kaarawan ng CEO.

\m/

Nang gabi ding iyon ay may isang oras nang nakatitig si Debbie sa salamin ng kanyang kuwarto. Maganda
si Debbie, at desperado. Handa siyang gamitin ang kanyang ganda at alindog upang maabot ang kanyang
mga nagtatayugang ambisyon sa buhay.

“Kapag hindi mo pa ko mapansin mamaya. Ibig sabihin bakla ka.” bulong niya sa sarili. Nagwisik siya ng
pabango at lumabas na ng kuwarto matapos marinig ang sunud-sunod na busina ng kanyang sundo sa
labas.

\m/

Ang lahat ay kasalakuyang nagkakainan at naghuhuntahan sa isang mahabang lamesa sa hardin ng


mansyon ni Mr. Luis, at hindi inaasahan ng lahat ang sumunod na eksena.

“Nges Hu!” sambit ni Bingot habang tinakpan nito ng magkabila niyang palad ang mga mata ni Mr. Luis
mula sa likuran.

“Sir. Guess who daw!” matapos magsalita ni Rolly ay sabay-sabay na nagtawanan ang mga bisita. “Sir
kapag nahulaan niyo kung sino yan may kiss ka sakin.” si Debbie. At umalingawngaw ang kantiyawan sa
paligid.

“Si Noel. Ang kaisa-isa kong anak. Inampon ko siya magdadalawang buwan na.” si Mr. Luis.

Nagyukuan sila Rolly. Ang iba’y hindi malaman kung ano ang gagawin. Ang iba nama’y tila ba gusto na
lamang biglang maglaho sa kanilang kinauupuan. Pero hindi si Debbie. At muling humirit ang magandang
dalaga. “Hi Noel! Ikaw ha, anak ka pala ni sir hindi mo sinasabi sa amin.”
“Mga mutang ina niyo ang mamangit niyo! Makyu!”

*****JB*****

“Temats”

Alas-siyete ng gabi. Ngayon pa lang ako babangon sa aking higaan para harapin ang araw na ito, at
katulad ng mga nagdaang araw, wala nanamang pakinabang sakin ang mundo. Lalabas ako ng bahay,
maglalakad lakad at maghahanap ng maha-hassle sa kalye. Nanginginig na naman ako, hindi dahil sa
gutom. Putsa! Kailangan ko ng ‘temats’. Yung ‘yellowish’. Yung panalo ang pagkakatarya. Kaya lang, may
utang pa ako kay Estong, hindi ako bibigyan ng gagong tulak na ‘yon. Baka nga patayin pa ko kapag
nakita ako ‘non.

Nagsisindi ako ng yosi nang may lumapit sa aking lalaki. “Tol. Tara batak tayo”. Sabi sakin ni tarantado e
ngayon ko lang nakita sa lugar namin ‘to. Lamang lang ng konting linis at kaputian ang lalaki sa isang
taong grasa. Mahaba ang buhok at malago ang balbas na namumuo na at tila hindi nabasa ng tubig sa
loob ng ilang buwan, o isang taon. Madumi, mabaho, at mukhang mamamatay na bukas. “Teka. Sino ka
ba?”

Nakatitig lang sakin si baho. Nakangisi. Nang bigla kong napansin yung magkabila niyang tattoo sa mga
braso. “Amelia” sa kaliwa, at disenyong “Taurus” sa kanan. “Bakit pareho tayo? huwag mong sabihin
Taurus ka din at Amelia pangalan ng nanay mo.”

– Tangina tol. Ambilis mo namang makalimot. Hindi mo ba kilala ang ngiting ‘to? Sabagay, ang adik
droga agad ang naaalala sa tuwing gigising sila. Pero sa loob lamang ng ilang buwan o isang taon,
nakakalimutan na nila ang lahat-lahat. Ultimo mga sarili nila.

Biglang balikwas ko sa higaan. Panaginip lang pala. Ngayon ang huling araw ko dito sa rehab. At
ipinapangako ko sa sarili ko, paglabas ko ng pagamutang ito, mapapakinabangan na ‘ko ng mundo…

*****JB*****

“Walang Hugutan”

Isang gabi naglalakad ako sa isang napakadilim na eskinita. Sisipul-sipol pa ko habang bitbit ang pancit na
pasalubong para sa mag-iina ko, nang bigla na lang akong undayan ng saksak ni Berto. Kilalang adik at
tulak sa lugar namin. Tangka na niyang huhugutin ang ‘ice pick’ mula sa pagkakabaon nito sa bandang
ilalim ng aking tiyan nang hablutin ko ang kanyang kamay.
– “Pare. Parang awa mo na huwag mong huhugutin.” Sabi ko.
– At bakit hindi?
– Kapag hinugot mo ‘tong ice pick, maiuuwi ko pa itong pancit sa bahay, pero hindi na ‘ko aabot ng
ospital.
– At kapag hindi ko hinugot?
– Aabot pa ko sa ospital. At ‘pag dinalaw ako ng mag-iina ko, may pagsasaluhan pa silang pancit.
– Sinasabi mo ba sakin na kapag namatay ka hindi na makakakain ng pancit kahit kailan ang pamilya mo?
– Oo pare.
Agad akong itinakbo ni Berto sa ospital. At magmula nuon hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami…

*****JB*****

17th Dec 2012, 23:44

Supresa

.
..

"hon, bad news." bungad niya sa kaniyang asawa sa telepono. "nalulugi ang kumpanya, kaya kailangan
magbawas ng mga tao. Kasama ako sa mga matatanggal. I'm sorry."

"it's okay hon. Wala ka dapat ipagpasensiya, ginagawa mo ang lahat para buhayin ako." mahinahong
sagot ng kausap sa kabilang linya. "mahal na mahal kita. Alam ko kaya natin 'to. Malaki ang tiwala ko
sayo hon, makakahanap karin ng trabahong para sayo. Nandito lang ako laging sumusuporta sa'yo."

"maraming salamat hon. Hindi talaga ako nagkamali na pakasalan kita. Maliban sa pagiging tapat mo sa
akin, lagi kang nandiyan sa tabi ko."

"oh tama na ang drama! Uwi ka na hon, may surprise ako sayo!"

Dinig niya ang pagtili sa boses ng asawa, tantiya niya ang pagkasabik sa tono nito. Napangisi siya at
bahagyang napaisip kung ano ang supresang sasalubong sa kaniyang pag-uwi.

"hi hon!" mabilisang halik ang pinagsaluhan nilang mag-irog pagpasok palang niya sa tarangkahan ng
kanilang bahay. "halos liparin ko ang kahabaan ng expressway maka-uwi lang kaagad. Sabik ako sa
surprise mo, ano ba iyon?"

"hmn, hulaan mo." pilyang sagot ng kausap.

"sirit."

"not fair, kailangan hulaan mo para may thrill."

"hmn, bagong damit?"

"hindi."

"sapatos?"
"nope."

"bagong necktie?"

"actually hindi siya bagay hon." hinalikan siya ng asawa sa pisngi. "isang good news!"

"really? What is it?" yapos niya sa kabiyak, bakas sa kaniyang mukha ang pagka-enganyo.

"magiging tatlo na tayo sa bahay!" tiling sagot ng kausap. "magiging tatay ka na! buntis ako hon!"

Biglang nagdilim ang kaniyang paningin. Nasundan pa ng panibagong tili ang loob ng bahay, isang
masakit na hiyaw.

"pu&$@?#na ka! Baog ako!"

Supladoako

17th Dec 2012, 23:47

Ang Hiling ni Nanay

.
..

Pabalik-balik ako sa paglalakad. Hindi mapakali. Nakatingin sa akin ang malamig na tasa ng kape sa gilid
ng lamesa, nagmamakaawang sayarin ko na ang laman.

"oh kamusta si nanay?" bati ko kay Celso, ang nakakabata kong kapatid, pagkaluwa sa kaniya ng pinto ng
kwarto ni nanay.

"malubha na kuya." naluluha niyang tugon. "ayaw ko man harapin ang katotohanan at ayaw ko 'tong
paniwalaan, pero....."

Tumigil siya sa paglalahad. Naudlot din ang aking paghinga.

"naghihingalo na siya kuya."

"dalhin natin siya sa hospital! Walang problema sa gastos! Madami akong pera! Kayang-kaya natin siya
ipagamot sa mga magagaling na espesiyalista!"

"ayaw na niya pumunta sa hospital kuya. Hindi na niya raw matiis ang dami ng karayom na tinutusok sa
kaniya." malumany niyang sagot, ngunit dama ang pagkadalamhati sa kaniyang boses. "meron siyang
isang hiling sa'yo kuya."
"ano iyon?" tila huminto sa pagkabog ang puso ko.

Binuksan niya ang pinto ng kuwarto ni nanay. Tumambad sa akin ang tuyo't payat na payat niyang
katawan. Nakakapangalambot sa tuhod ang dulot ng kaniyang imahe.

"simple lang kuya." panimula niyang usal sa katanungan ko. "gusto niyang maramdaman ang yakap mo
sa huling pagkakataon."

Nanikip ang dibdib ko. Nagtampisaw ang luha sa aking mga mata.

"kailan ka ba uuwi ng pinas kuya?" dugtong niya, habang nakikipagtitigan sa akin sa monitor ng
kumpyuter.

Supladoako

17th Dec 2012, 23:49

Negosyo

.
..

"ano pang ginagawa mo? Maghubad kana. Mag-uumaga na oh, marami pa akong customer na nakapila."

Pinitik niya ang upos sa sigarilyong naka-ipit sa pagitan ng kaniyang mga daliri, kasabay sa pagkalas ng
lock sa suot na bra gamit lang ang isang kamay.

"150 sa subo. 300 pag all the way." sinalpak niya sa bibig ang yosi at hinila pababa ang bulaklaking panty.
"kailangan ko pa bang sabihin sa'yo 'to? Sa tingin ko memorize mo na 'to e, araw-araw ba naman
nandito ka."

"oh, hindi ka pa ba hubad? Ano ba! Nagmamadali ako! Marami pang naka-abang na parokyano sa
labas." humilata siya sa kama pagkatapon sa filter ng sigarilyo, ibinuka ang mga hita. "Ta$¥&@#na wag
mong ipuputok sa loob ah! Para sigurado."

Umiyak ang lalake sa nasaksihan. Sinapo ang ulo at pinigilan sa abot ng kaniyang makakaya ang mga
hikbing kumakawala sa dibdib.

"sige na, dalhin niyo na siya. Pupuntahan ko na lang ang opisina niyo bukas ng umaga para sa mga
papeles." uminom siya ng tubig at pinakalma ang sarili bago ituloy ang sasabihin sa mga bisitang naka-
unipormeng puti. "please, gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para gumaling ang anak ko."
"Bryan!" tahol niya sa isa sa kaniyang mga tagapaglingkod. "tawagin mo ang mga pulis. Isusuko ko na
ang negosyo natin."

Supladoako

17th Dec 2012, 23:54

Habang Buhay

.
..

Maliban sa ikot ng electricfan, tanging mga ungol nilang dalawa ang maririnig na ingay sa loob ng
kwarto. Hapong-hapo silang magkapatong sa ibabaw ng kama. Basa ang katawan sa laway at
pinagsaluhang pawis.

"sigurado ka bang gusto mong gawin 'to?" wika ng lalake nang kumalas mula sa pagkakayakap sa babae.
"i mean, kahit saan handa kitang samahan. Kahit sa kabilang buhay pa."

"mahal na mahal kita. Sa kabilang buhay lang tayo magiging malaya at masaya." sagot ng babae, muling
niyakap ang lalake at saka binitawan ng isang malambing na halik sa labi. "gusto kitang makasama
habang buhay ng ubod ng saya. Ito lang ang paraan na alam ko."

"naiintindihan ko. Lahat ay gagawin ko para sa'yo."

Magkasabay silang umupo sa gilid ng kama pagkakuha sa tubig na inalukan ng lason. Nagkatinginan pa
ang mga 'to na sinundan agad ng isang ma-alab na halikan. Pinalaro ang dila at ginalugad nila ang
kalaliman ng bibig ng bawat isa.

"handa ka na ba?" pangungusap ng lalake, kasabay sa paglapit ng baso sa kaniyang labi. "sabay nating
gawin."

"handa na ako. I love you so much. Sa wakas, makakasama na kita ng walang hanggan, ng buong saya at
pagmamahalan. Kung saang walang tutol sa relasyon nating dalawa. Kung saang walang bawal o
patakaran sa pag-iibigan ng dalawang tao. Mahal na mahal kita, kuya."

Supladoako

17th Dec 2012, 23:56

Partihan

.
..
"patay na ba?" kakaba-kaba nitong tanong. Isinuksok ang baril sa beywang at lumapit sa pwesto ko.
"suriin mong mabuti tol."

"bullseye pre, wala na siyang pulso." tumayo ako mula sa pagsalat sa leeg ng lalakeng butas ang sentido,
buhat sa bala ng kwarenta'y-singko na armas. "apir! Wala na ang swapang! Tayong dalawa nalang ang
magpapartihan!"

"medyo naguguilty ako tol." bumunot siya ng sigarilyo at agad humitit ng usok pagkabaga nito. "sama-
sama tayong tatlong nangholdap sa bangkong iyon. Nagpakahirap. Kaso, nakuha natin siyang treydorin
at patayin. Sa palagay mo, hindi kaya tayo ang swapang?"

"pu&%£#@! Ngayon kapa naduwag!" binuksan ko ang limang bag na pinagkukublihan ng limpak-limpak
na pera. "kilala mo iyang ulol na iyan! Ganid yang pu€£@#nang yan e! Sigurado ako na lalamangan lang
tayo sa hatian niyan!"

"pare, kung gusto mong umasenso, utak ang gamitin mo! Huwag puso!" hindi magkamayaw ang mga
kamay ko sa pagbilang ng mga salapi. Sinasabayan pa ng pagning-ning ng aking mga mata. "sa dami nito,
mamumuhay hari tayo pare!"

Hinarapan ko siya para pakita ang mga perang nakulimbat namin. Sabik na pag-usapan ang tungkol sa
pagpapartihan naming dalawa.

"tayo?" usal niya, kasabay sa pagtutok sa mukha ko ng kwarenta'y-singko. "pasensiya na tol, pero tama
ka. Simula ngayon, utak na ang gagamitin ko."

PadrePio

18th Dec 2012, 00:20

Love these vignettes. And I specially love the surprising twists at each end. Keep 'em coming. :thumbsup:

demon spade

18th Dec 2012, 00:42

agree ako sa sinabi ni padre,natawa ako sa unang kwento haha :rofl:


paramihin mo pa sana ito atleast para sa ibang naghahanap ng mabilisang kwento :approve:..

kevin94

18th Dec 2012, 07:09

kala ko iisa. Madami pala. Natwist mo lahat ng ending sir. Maagang pamasko ata to hahaha
Amphie88

18th Dec 2012, 15:52

ayos, mala eros atalia lang idol :D keep sharing :salute:

Supladoako

18th Dec 2012, 20:26

Love these vignettes. And I specially love the surprising twists at each end. Keep 'em coming. :thumbsup:
-
salamat po padre sa pagbasa at pagtatak ng komento :salute:, pasyal ka ulit sir pag nadagdagan na ulit
ang mga dagli :salute:

agree ako sa sinabi ni padre,natawa ako sa unang kwento haha :rofl:


paramihin mo pa sana ito atleast para sa ibang naghahanap ng mabilisang kwento :approve:..

-
sir spade :salute: thank you sa pagbasa ah :thumbsup: siguro susundan ko pa 'to ng mga karagdagang
bilang. Plano ko na imbakan ng dagli 'tong thread. Mga Tatlong dagli siguro sa bawat update.
:thumbsup:

kala ko iisa. Madami pala. Natwist mo lahat ng ending sir. Maagang pamasko ata to hahaha

-
sinipag sumulat ng marami sir ehe thank you sa pagbisita :thumbsup:

ayos, mala eros atalia lang idol :D keep sharing :salute:

-
wuy napadaan ka idol ampz! :salute: thank you sa pagbisita idol ampz! :thumbsup: sama na natin si sir
Jun Balde kay sir Eros, yang dalawang yan ang para sa akin ang batikan o (master?) na sa larangan ng
dagli sa phil. Lit. Enjoy na enjoy talaga ako gumawa ng mga dagli, bukod sa mabilis na ang daloy sa
kwento, mabilis din syang buuin :rofl: magahan pang basahin. Parang portable short story o PSS? :rofl:
(pabulong: maiba ako, wala na ba talagang naninirahan sa tcaf? Wala na kasi masyadong gumagawa ng
storya/tula dun, at wala na masiyadong readers :rofl:)

Amphie88

19th Dec 2012, 11:09

mga alam ko pang dagli ay yung mga comic jokes eh, tulad ng si juan at si pedro :lmao: wala na nga tao
dun. lumipat lahat sa wattpad :D

purplesummer06

22nd Dec 2012, 13:11

Galing. :clap: Bilis pero di naman ganun na nakakabitin. :D


Medyo naguluhan dun sa pangatlong istorya, kinailangan ko pang basahin ulit. :slap: Haha.
At kung nakita mo lang sana reaksyon ko nung matapos ko yung pang-apat. :ohno:
:upset:

:rofl:
Abangan ko iba pa, gudjab! :D

Supladoako

23rd Dec 2012, 11:14

Galing. :clap: Bilis pero di naman ganun na nakakabitin. :D


Medyo naguluhan dun sa pangatlong istorya, kinailangan ko pang basahin ulit. :slap: Haha.
At kung nakita mo lang sana reaksyon ko nung matapos ko yung pang-apat. :ohno:
:upset:

:rofl:
Abangan ko iba pa, gudjab! :D

-
:pacute: ang saya ko naman nadagdagan ng masisipag na reader (ang malayang pamamahayag sa
symbianize? :rofl:) ang stories and essays :pacute: may bonus pang kagandahan :pacute: thanks po mam
sa pagdalaw, hayaan mo, imbitado ka ulit sa ribbon cutting ng mga bagong story na ipopost ko dito :rofl:
:thumbsup:

Circuited Soul

23rd Dec 2012, 12:39

Ganito pala ang vignettes. Maikli pero malaman. Walang masyadong palabok. Added bonus ang
kakaibang ending. Ang galing mo Sir! Idol! :salute:
Aabangan ko na din ang iba mo pang mga likha. :hat:

Supladoako

24th Dec 2012, 00:51

Ganito pala ang vignettes. Maikli pero malaman. Walang masyadong palabok. Added bonus ang
kakaibang ending. Ang galing mo Sir! Idol! :salute:

Aabangan ko na din ang iba mo pang mga likha. :hat:

-
wuy sir! :salute: natuwa naman ako at dumalaw ka :thumbsup: salamat sa pagbisita sir! :thumbsup:
dalaw ka ulit kapag nadagdagan na sila. Medyo busy lang sa okasyon (abala sa paghalukay ng ube at
kalamay :rofl:) kaya hindi ako makapagpost ng bago. :thumbsup:

Supladoako

21st Jan 2013, 19:09

Pagtakas

"handa ka na Brad?" binulungan niya ang kaniyang kasama, habang pilit na sinusupil ang hingal mula sa
mahabang takbuan. "tiyak na ang takas natin sa presong 'to, pagkatawid sa bakod na 'yan."

"sa wakas tol, laya na tayo! Dalawampung-taon kong inaasam 'to!"

"ssshhhhh..Hinaan mo ang boses mo brad, marami paring gwardia sa paligid." sinenyasan niya ang
kaniyang kasama na magbantay sa likuran habang inaakyat niya ang pader na pumapagitan sa loob at
labas ng kulungan.

Matiwasay niyang naabot ang dulo, subalit, agaran din itong bumaba. Namumutla at gulantang ang
hitsura.

"balik na lang tayo brad, mas gusto ko sa loob ng kulungan." nangangatal niyang sambit sa kasama, nang
walang tigil sa pagtulo ang kaniyang pawis.

"ano bang pinagsasabi mo tol? Konti na lang at makakalaya na tayo sa mabahong kulungan na'to!"
"magsisisi ka brad, hindi mo magugustuhan ang makikita mo sa labas."

"wala akong pakialam! Tatakas ako nang kasama ka o hindi! Gusto ko nang makita ang pamilya ko!
Tabi!" mabilisang inakyat ng kasama niya ang tuktok ng bakod, subalit kagaya sa kanina, agaran din itong
bumaba na may sambukol na takot sa mukha. "tama ka tol! Bumalik na lang tayo!"

"oh, tapos na kayo magpa-araw? Ang dali niyo naman ata? Papasok na kaagad kayo sa loob?" bati sa
kanila ng isang lalakeng nakaputi.

"opo doc! May nakita kami! may mga alien sa labas! Ang dami-dami nila! Lulusubin nila tayo! Papatayin
nila tayo!" halos magkasabay nilang palahaw.

"okay sige, inumin niyo na 'tong mga gamot niyo, tapos matulog kayo, sigurado wala na ang mga alien
pagkagising niyo. Okay?"

Supladoako

21st Jan 2013, 19:19

Bahay-Bahayan

"bakit ka ba ganyan anak! Ano ba ang problema mo? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?!" masakit na
pagtangis ni ina. "wala akong alam na pagkukulang sayo! Lahat ng gusto mo ay ibinibigay ko!"

Impit ang aking tinig. Naka-upo lang sa isang sulok at humahagulgol, akap-akap ang dalawang tuhod.

"wala rin akong natatandaang pagkukulang sayo!" halos himatayin si ina sa pagsabog ng sama ng loob.
"bakit mo ba sinisira ang buhay mo?! Ano bang problema mo?! Kababae mong tao, kaso dinaig mo pa
ang mga tambay sa kanto dahil sa mga bisyo mo!"

Wala parin akong tugon. Hindi ko malaman kung bakit hindi ako makasagot. Hilong-hilo pa ang aking
diwa dulot ng paglapa sa usok buhat sa durog na gamot na nirolyo sa foil. Lumalangoy parin ang utak ko
sa kawalan dala ng litrong alak sa aking tiyan.

"ano bang nangyayari sayo, Miriam? Hindi ka naman dating ganyan." dire-diretso ang daloy ng luha sa
mukha ni ina. Paminsan-minsan ay naghahabol pa ito ng hangin sa bibig at yayakap sa kaniyang asawa,
na taimtim na nakikinig sa aming dalawa. "wala ka nang ginawang tama! Puro kahihiyaan na lang ang
dinadala mo sa bahay na ito! Nagpapakahirap ako maglako sa palengke para pang matrikula mo! Tapos
heto pa ang igaganti mo?!"
"wala kang alam! Huwag mo akong pagsasabihan ng ganyan!" pabulusok kong sagot, nagkandahila-hila
pa ang aking mga ugat sa leeg.

Isang malutong na sampal ang agad na dumapo sa pisngi ko, dahilan para lalo pang magwala ang
kalooban ko kay ina.

"huwag mo ako pagtataasan ng boses! Anak lang kita!"

"may AIDS ako Ma!"

"ano?! Kailan pa yan?! Agad ba akong maahawa diyan?! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin nung mga
nagdaang araw at kagabi?!" biglang bulalas ng aking ama, bago himatayin.

Supladoako

21st Jan 2013, 19:22

Torpe

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa tatlong piraso ng rosas. Sinasabayan pa ng sipol ang mga dagang
nagpapapintero sa kaniyang dibdib, paraan niya para matangal ang nerbiyos na humahalina sa kaniyang
emosyon. Maya't-maya ang pagpunas sa mala mantikang kumukumot sa mukha dahil sa tindi ng init.
Lagare naman ang mga mata niya sa pagtunton at pagtanaw sa dalagang hinihintay.

"magtatapat na talaga ako." bulong niya. "matagal na kitang mahal. Sana masabi ko na sayo ang
nararamdaman ko, para matapos na 'tong paghihirap ko."

Tila tinamaan ng kidlat ang kaniyang katawan pagkakita sa alindog ng napupusuan, tumirik at hindi
makagalaw sa kinatatayuan. Nagrambulan na ang mga alaga nito sa dibdib. Hindi mapigilan ang
hulagpos ng pawis sa kaniyang mukha.

"Sophia!" buong tapang niyang bulalas, subalit nilamon ng mga nagkukumpulang tao at rumaragasang
sasakyan ang tinig niya.

"Sophia!" muli niyang subok sa pagpalahaw sa dalaga, ngunit malayo na ito sa kaniyang tingin. Hindi
nagtagal, nakisama na sa agos ng maraming tao ang dilag, hanggang sa tuluyan na itong nawala sa
kaniyang tuon.

Dala ng pagkadeterminadong magtapat, nahanap niya ang dalaga na naka-upo sa gilid ng isang kalsada.
Kinulong niya ang pagkakataon. Agad siyang nagmadali, nangalamukot pa ang dala nitong mga rosas
dahil sa tindi ng pagkakasakmal. Nalaglag ang iilang talulot sa sahig sa liksi ng kaniyang mga paa.
"Sophia." panimula niyang sambit pagkalapit sa dilag.

"hoy!"

napakislot ang diwa nito sa biglang narinig na boses sa may gawing kanan niya.

"Tara na. Pinapasundo ka na ni boss." dagdag nung tinig.

"mamaya nalang sir." sagot niya sa bagong dating. "magtatapat na ako. Konting-konti na lang."

"araw-araw mo nalang kinakatwiran iyan, pero hindi mo naman nagagawa." naglabas ng panyo ang
kausap at marahang pinunasan ang noo nito. "tapos na ang isang buwang palugit mo. Pinapa-akyat ka
na ni San Pedro."

SobrangWaxxy

24th Jan 2013, 13:42

ayos,dagdag pa idol..

demon spade

26th Jan 2013, 06:32

.natawa ako dun sa pagtakas haha :lmao: mga baliw pala sila haha,nice sir. :more::more::more:

Supladoako

26th Jan 2013, 22:43

.natawa ako dun sa pagtakas haha :lmao: mga baliw pala sila haha,nice sir. :more::more::more:
-
:thumbsup: salamat sa muling pagbasa sir! :thanks: balik ka ulit kapag naupdate ko na! :salute:

ayos,dagdag pa idol..

-
yes sir :salute: para sa inyo :thumbsup: :thanks: sa pagbasa.

Supladoako

27th Feb 2013, 21:50

Isang Gabi sa Library


.
..

Mag aalas-siyete na ng gabi nang matapos ko ang pagbabasa sa mga makakapal na libro sa library ng
school namin. Luminga-linga ako sa paligid. Ako na lang ang mag-isa sa loob. Maski ang receptionist ay
wala na din. Sa paggala ng mata ko sa mga estante ng libro, ay siyang pagtaas ng aking mga balahibo.
Naalala ko bigla ang tsismis tungkol sa multo ng matandang babae na nagpapakita sa lugar na 'to kapag
madilim na. Agaran kong isinauli ang lahat ng gamit ko sa loob ng aking bag, at nagmadaling lumabas ng
pinto.

Subalit sa pagpihit ko sa doorknob, ay siyang biglang pagpatong ng isang kamay sa balikat ko! Nanlamig
ang aking buong katawan! Tambol-puso ko 'tong hinarapan!

"may nakalimutan ka." bungad ng isang babaeng nakaitim. Dumudugo ang mata habang ina-abot ang
isang itim na libro!

Bigla akong napaigtad mula sa pagkakahiga. Habol hininga kong pinagmasdan ang paligid ng kuwarto ko.
"panaginip lang pala." buntong-hininga ko, sabay sa paglapag ng mga mata ko sa aking binti, na
pinapatungan ng isang itim na libro.

Supladoako

27th Feb 2013, 21:54

Ang Rebelde
.
..

"Talaga Sir?!" nanlaki pa ng husto ang mga mata ko buhat sa mga kwentong ibinabahagi ng hepe namin.
"kayo ang nakapatay sa sikat na kriminal na yon? Kay Rodrigo? Alyas Doding Daga?"

Tumingin siya sa akin sabay sagot ng maiksing ngisi. Binuksan ang isang boteng beer at saka ipinatong na
magka-ekis ang dalawang paa sa itaas ng lamesa. "dahil dun, nakuha ko ang rangkong 'to. Ang maging
chief of pulis sa bayan na'to."

"you deserved it Sir!" tumayo ako mula sa pagkakasandal sabay tapon ng mabilisang saludo. "malaking
bawas sa krimen ang p**ang inang NPA na yun!"

Isang ngisi muli ang gumuhit sa kaniyang maputlang labi.

"paano niyo po siya napatay, Sir?"

"lumusob kami sa kuta nila. Nagkabarilan. Granada rito, ratrat doon. Hanggang dumating sa puntong
nagkaharap kami."
Walang kurap ko siyang pinakinggan.

"pinaki-usapan ko siya na yumukod na sa batas nang bumaba ang sintensya niya. Ang kaso..."

Itinuro niya ang pilat sa kanang bahagi ng kaniyang pisngi. "kita mo 'to?, pinaputukan niya ako imbes na
sumuko."

"at dun mo siya binaril at napatay Sir?"

Ngisi muli ang ginanti niya sa akin.

"bagay lang sa p**ang inang yun ang kamatayan Sir! Dapat sa mga g*gong yun ay tinotorture at isalvage
ang buong lahi! Lalo na ang mga magulang niya! Nagpalaki sila ng walang kuwentang tao!"

Pansin ko ang pamumuo ng butil ng tubig sa mata niya, kasabay pa ulit ng isang ngisi. "wala talagang
kuwenta ang anak kung yun, mula pa pagkabata, sakit na siya ng ulo sa akin."

Supladoako

27th Feb 2013, 21:58

Ang Kapatawaran
.
..

"Hon, gaano kabait ang diyos?" yakap niya sa nobyo. Kapwa sila magkahagkan sa kama at natatakluban
ng kumot.

"anong ibig mong sabihin?" himas sa mukha ng kaniyang karelasyon, pababa sa malulusog nitong dibdib.

"i mean, kahit gaano ba kalaki ang kasalanan mo sa diyos, handa parin ba siyang magpatawad?"

Hinalikan siya ng kasiping. Madiin. Hanggang sa magtagpo ang kanilang mga dila. Sinupsop ang labi ng
isa't-isa, wari'y may hinahagilap sa loob. "kayang ibigay sayo ng maykapal ang kapatawaran. Basta handa
mong tanggapin ang kamalian mo at mangumpisal ka sa kaniya."

Hindi na siya nakakibo pa, bagkus napangiwi ito sa ginawang paghila ng kaniyang katipan sa suot niyang
panty.

"isang round pa huh? Tapos bihis na tayo." pagpatong ng kaniyang nobyo sa kaniya. "magmimisa pa
ako."
darkhunter1986

28th Feb 2013, 03:19

Nice flash-fiction. Sinong mentor mo sa malikhaing pagsulat? Have you been to a workshop? Magaganda
yung mga obra mo e. Kudos! :salute:

demon spade

28th Feb 2013, 07:40

1st story medyo kinilabutan ako dahil kagabi ko siya nabasa,


2nd story medyo nalungkot ako dun nararamdaman ko yung emosyong nais ipakita sa kwento
3rd story yung medyo uhm haha.naimagine ko na yung kasunod kahit di na ituloy ang kwento..
:more:
sulit ang pagbisita dito everytime may update.. :approve:

Supladoako

28th Feb 2013, 08:42

Nice flash-fiction. Sinong mentor mo sa malikhaing pagsulat? Have you been to a workshop? Magaganda
yung mga obra mo e. Kudos! :salute:

-
sir, salamat sa pagbisita at pagbasa :thumbsup: minsan pinangarap ko na mag-attend sa mga ganyan
klase ng gawain para naman humusay naman ako kahit papaano sa pagsusulat. Kaso wala talagang
pagkakataon ehehe siguro nakahiligan ko nalang talaga ang mangulit sa mga libro para magbasa,
magbasa at magbasa pa. Samahan narin ng konting kurot ng imahinasyon :thumbsup:

1st story medyo kinilabutan ako dahil kagabi ko siya nabasa,


2nd story medyo nalungkot ako dun nararamdaman ko yung emosyong nais ipakita sa kwento
3rd story yung medyo uhm haha.naimagine ko na yung kasunod kahit di na ituloy ang kwento..
:more:
sulit ang pagbisita dito everytime may update.. :approve:

-
wuy sir, salamat lagi kang present kapag dinadagdagan ko sila :thumbsup: napapasmile ako kapag
nababasa ko na comment mo. :thumbsup:

demon spade

28th Feb 2013, 11:58


-
sir, salamat sa pagbisita at pagbasa :thumbsup: minsan pinangarap ko na mag-attend sa mga ganyan
klase ng gawain para naman humusay naman ako kahit papaano sa pagsusulat. Kaso wala talagang
pagkakataon ehehe siguro nakahiligan ko nalang talaga ang mangulit sa mga libro para magbasa,
magbasa at magbasa pa. Samahan narin ng konting kurot ng imahinasyon :thumbsup:

-
wuy sir, salamat lagi kang present kapag dinadagdagan ko sila :thumbsup: napapasmile ako kapag
nababasa ko na comment mo. :thumbsup:

walang anuman po sir.

Circuited Soul

28th Feb 2013, 14:52

As always, mahusay ka pa din. Nabitin ako dun sa may itim na libro. May chance bang masundan yun?
Haha! Pwede pang magkaroon ng sequel e. Parang pambungad pa lang kasi e.

Supladoako

1st Mar 2013, 11:17

walang anuman po sir.

-
:thumbsup:

As always, mahusay ka pa din. Nabitin ako dun sa may itim na libro. May chance bang masundan yun?
Haha! Pwede pang magkaroon ng sequel e. Parang pambungad pa lang kasi e.

-
wuy sir, salamat sa pagbasa.. Sa susunod gawan ko sya ng short story sige, ide- dedicate ko sayo
:thumbsup:

chibubu

3rd Mar 2013, 09:26

ang gaganda naman. Maikse, pero hindi sila nakakabitin actually. Mabilis yung phase pero bonga yung
ending hehe. Dagdagan mo pa sila otor. Heto yung mga story na worth reading at hindi waste of time.
Bkit hndi kpa mag publish ng libro mr writer? Hehe
Supladoako

4th Mar 2013, 08:47

ang gaganda naman. Maikse, pero hindi sila nakakabitin actually. Mabilis yung phase pero bonga yung
ending hehe. Dagdagan mo pa sila otor. Heto yung mga story na worth reading at hindi waste of time.
Bkit hndi kpa mag publish ng libro mr writer? Hehe

-
salamat po sa pagbabasa at pagcomment :thumbsup:

Supladoako

18th Mar 2013, 13:33

"Interbiyu"

"manong pwede po ba kayong ma-interview?" usisa ng isa sa mga babaeng naka-unipormeng pang-
eskuwela. "school project lang po namin tungkol sa mga taong nakatira dito sa cemetery."

"nakow ineng, ako nalang ang kausapin mo, aba e wala kang makukuhang impormasyon diyan.
Mangyari kasi, bagong lipat lang yan kahapon." singit ng isang matandang lalakeng payat.

"ai, ganon po ba. Sige po, kayo nalang po ang tatanungin namin." pagpunas sa pawis ng dalagang may
hawak sa kamera, kasabay sa pagtutok ng lente nito sa matanda. "ilang taon na po ba kayo naninirahan
dito sa sementeryo?"

"aba'y matagal na! Hindi ka pa ata pinapanganak nandito na ako."

"mahirap po ba ang pamumuhay sa ganitong lugar?"

"ayos lang naman. Medyo may kalungkutan nga lang. Lalo na puro puntod lang ang natatanaw namin
araw-araw. May mga kapitbahay akong masiyahin at jolly kausap. Pero halos karamihan ng mga tao dito
ay malungkutin at maramdamin. Siguro dahil narin sa napakatahimik dito sa lugar namin. Aba'y kung
hindi pa magno-november 1 ay hindi sisigla 'tong sementeryo."

"meron po ba kayong mga something na paranormal eksperiyens dito sa sementeryo?" tuglong na


tanong ng isa pa sa mga nag-iinterbiyu.

"paranor ano?" pagkamot sa ulo ng may edad na.


"iyung pong mga nakakatakot na karanasan. Mga multo po ganyan."

"ah multo ba kamo? Nakow ineng hindi uso yan dito sa amin. Kung gusto mo tumira dito sa sementeryo,
dapat matapang ka!"

"pero may nakita na po ba kayo o nakaranas man lang ng kababalaghan dito?"

"sa pagkakatanda ko wala naman akong naengkwentrong nakakatakot simula noong tumira ako dito."
tumayo ang matanda sa pagkaka-upo atsaka nagpagpag ng dumi sa puwet. "maiwan ko lang kayo saglit
mga iha, may mga bisita ako."

Naglakad patungo sa mga bagong dating ang matanda. Pinagyayakapan niya ang mga ito at
pinaghahalikan. "yung letter A sa pangalan ng lapida ko kumupas na, paki-pintahan ulit anak. Tapos
pakiputulan narin yung mga damo sa tabi ng puntod ko, makakapal na e, kinakati na'ko sa mga 'yun."

Supladoako

18th Mar 2013, 13:37

"Brutal"

Sumambulat sa sahig ang dugong bumulwak sa tiyan ng matabang ale. Kasabay sa paghandusay ng
babae, ang mabilis na pagtakbo ni Nestor sa malayo, tangan-tangan pa ang kutsilyong may limang
pulgada ang haba. Hingal-kabayo niyang pinagtrabaho ang nangangalit na mga binti, ni hindi na
nagawang lumingon pa sa pinangyarihan ng krimen na kinasasadlakan nya. Maya-maya pa ay may
narinig syang pumalahaw mula sa bahay ng matabang aleng pinunlaan nya ng saksak sa tiyan.

"Puta! Puta! Puta!" pagtaranta niyang wika sa sarili, na hindi alam ang tinatahak, balisa at tuliro.

Ngunit hindi pa sya tuluyang nakakatakas ng makaramdam sya ng matinding pagpitik sa kaniyang
tagiliran. Bumalikwas sya at nagpagulong-gulong sa masukal na sahig. Pinilit nyang tumayo pero matindi
ang pagkirot sa kaniyang duguan na tagiliran, buhat sa bala ng baril na pinakawalan sa kung saan.
Nawawalan na sya ng ulirat ng maaninag niya ang mga anino ng mga taong maliksing tumutugis sa
kaniya. Dama nya ang pagbuhat nito sa kaniyang katawan. Dinig pa nito ang mga bulungan habang akay-
akay sya patungo sa kung saan.

"tatakas kapa hayop ka! Hala sige, isabay ng pakuluhan yan sa mga kasamahan nyang turista. Gusto ko
lechon ang luto sa isang iyan."

"opo Apo. Nakatali na po sa kubo iyon pong kasintahan nito, gigilingin na po ba namin?"
"huwag muna. Maputi at maamo ang mukha non. Pagsasawaan ko muna bago iluto."

Supladoako

18th Mar 2013, 13:39

"Mahal Kita"

Ang saya ko nang magkabalikan tayong muli mahal ko. Walang araw na hindi nagliliyab ang puso ko,
maniwala ka, lalo na kapag magkahawakan tayo ng kamay. Walang mapagsidlan ang bugso ng
damdamin ko sa tuwing hinahalikan ko ang makinis mong pisngi, kasabay sa pagbulong na "Mahal na
mahal kita". Hindi ko na muli hahayaang mag-away tayong dalawa at magkahiwalay. Asahan mong hindi
kita iiwan. Iintindihin kta at aalagaan magpakailanman. Alam mo naman kung gaano kita kamahal hindi
ba? Pinatawad kita kahit na pinagpalit mo ako sa ibang lalake. Ang mahalaga naman ay ang pagmamahal
natin sa isa't-isa hindi ba? At kahit na gaano pa kasakit ang kasalanan mo, handa parin kitang tanggapin.
Pagpapatawad naman kasi ang pinaka-importanteng bagay sa mundo. Kaya't sana, sampo sa mga anghel
na kasama kong nakayakap sa malamig mong katawan, patawarin mo ako sa nagawa ko sa'yo. Ang
mahalaga, akin kana habang-buhay.

demon spade

19th Mar 2013, 00:23

nov.na ba?.ba't parang pang november yung mga update?. :think: aha gusto ko yung "interbiyu" atsaka
yung "mahal kita" di ko makuha yung story ng "brutal" eh naguluhan ako sa kalagitnaan hanggang
katapusan..

singkit_1588

19th Mar 2013, 00:44

nice stories..
di ko pa nababasa lahat pero ayos ung nabasa ko..
galing..
unga bout sa negosyo.hehe

Circuited Soul

19th Mar 2013, 06:31

May 3 bago na pala ulit. Nagustuhan ko sa 3 'yung "Interbiyu". Kaluluwa na pala 'yung kausap nila. 'Yung
brutal, well, medyo kinilabutan ako. :lol:
Keep sharing! :more:

Supladoako

19th Mar 2013, 09:53

nov.na ba?.ba't parang pang november yung mga update?. :think: aha gusto ko yung "interbiyu" atsaka
yung "mahal kita" di ko makuha yung story ng "brutal" eh naguluhan ako sa kalagitnaan hanggang
katapusan..

-
ehe napansin ko nga sir, pang halloween yung mga naidagdag ehe 'di bale babawi nalang ako sa next
update ehe :thumbsup:

May 3 bago na pala ulit. Nagustuhan ko sa 3 'yung "Interbiyu". Kaluluwa na pala 'yung kausap nila. 'Yung
brutal, well, medyo kinilabutan ako. :lol:

Keep sharing! :more:

-wui thanks sir sa pagbisita ulit. Dahan ka ulit kapag may bago :thumbsup:

Supladoako

19th Mar 2013, 09:56

nice stories..
di ko pa nababasa lahat pero ayos ung nabasa ko..
galing..
unga bout sa negosyo.hehe

-
wui, thanks po sa pagbasa :thanks: sana mabasa at matapos mo lahat, konti palang naman sila kaya
hindi ka mauuyam at tatamarin basahin :thumbsup:

Supladoako

10th Apr 2013, 18:23

Si Manong Roger

"Ako na po ang bahala sa kape at biskwit ng mga naglalamay." pamewang sa akin ng isang Mamang
nangangalang Roger. "Sagot ko narin ang libing."

"Naku! Maraming salamat po Manong! Kahit na hindi tayo magkakilala, lubos-lubos na ang naitulong mo
sa amin!" yakap ko sa Mama, na agad naman gumanti ng yapos sa aking likuran. "Matatahimik na rin sa
wakas ang kaluluwa ni Ima."

Kinabig niya ako palabas ng pinto. Kumalas ako ng yakap sa kaniya, umakbay naman siya sa akin. "Sino-
sino pa ba ang magtutulungan, kung hindi tayo-tayo lang magkakabayan at magkakabarangay."
nagpalakpakan ang mga taong nakikipaglamay sa amin.

"Ka Roger, umalis na po yung mga taga barangay hall." dinig kong bulong ng isa sa mga kasama ng
Mamang tumulong sa amin. "Oras na din po, may pitong lamay pa tayong pupuntahan."

"Kung ganon, ipamigay mo na yung mga sobre." wika ng Mama. Hinarapan niya ako, inabot ang isang
puting sobre at kinamayan. "Roger Cruz po, For Mayor. Asahan ko po ang boto niyo bukas."

Supladoako

10th Apr 2013, 18:25

Kuwarto

Namimilipit na ang mga daliri niya sa paa. Napapakagat pa siya ng labi. Bumibilis ang pintig ng kaniyang
puso, humahalo ang sabik at sarap sa kaniyang pakiramdam. Initsa niya sa kung saan ang pornong
magasing pinagpipiyestahan ng kaniyang mga mata. Pumikit ito at inimagin nalang na totoo ang mga
imahe at pinapatungan niya ang mga ito. Lumangit-ngit ng pagkalakas-lakas ang kaniyang kama, dahil sa
tindi ng pagbayo ng puwetan niya.

"Hmmmmmmmnnnnnnnn...Heto na...Lalabas na...." ang nasa isip niya. Napatingala pa siya sa kisame.

"Litoooo?!" biglang palahaw ng kaniyang Ina sa labas ng kanilang bahay. "Bumaba ka nga rine at
tulungan mo akong magsampay ng mga nilabhan ko!"

Parang bula lang, mabilis na naglaho ang init at sabik na kaninang dumadaloy sa kaniyang katawan.
Nakakunot 'tong nagtaas ng short at padabog na lumabas ng kuwarto.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nagkukulong sa kuwarto mo?" salubong sa kaniya ng Ina.

"Wala po, gumagawa lang ako ng assignment."

"Ganon ba. Pagkatapos mo diyan, pakitangal yung maliit na bilog na nilagay ng Kuya mo sa kuwarto mo.
Sa palagay ko ay pinagti-tripan ka nanaman niya. Loko talaga ang batang iyon." pag-ipit ng kaniyang
magulang ng damit sa sampayan. "Papakita niya raw sa akin mamaya yun e. Kaya pinapa-alam ko na
sayo ngayon, baka kasi mag-away nanaman kayo."

"Ano po ba iyong nilagay niya sa kuwarto ko, Nay?" usisa niya.


"Nakalimutan ko na ang tawag dun e. Teka, nasa dulo na ng dila ko. CCTV nga ba ang tawag doon?"

demon spade

10th Apr 2013, 18:26

1st update :
wahaha may kilala akong ganito, pero di ko sasabihin haha.500 ang laman nung sobreng binigay niya.

Supladoako

10th Apr 2013, 18:27

Sa Pagkulog at Pagkidlat

Nakikisabay sa lakas ng ulan ang matitinding pagkulog at pagkidlat sa labas. Madilim sa loob ng kuwarto
ni Miguel. Tanging pahabol na ilaw na nanggagaling sa kidlat lang ang minsanang nagpapaliwanag sa
kaniyang silid. Ilang sandali pa, biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto. Tumambad sa kaniya si
Letty, ang maglalabing-apat na dalaginding niya.

"O what's wrong Iha? Bakit hindi ka pa natutulog?" pagbangon niya sa kama upang salubungin ang anak.

"Wala po ba si Mama?" usal ni Letty.

"Nasa trabaho pa ang Mama mo, bukas pa ng umaga ang uwi niya."

"Puwede niyo po ba ako ulit samahan sa pagtulog Papa?"

"Oo naman anak! Natatakot ka ba sa kulog at kidlat?" tanong ni Miguel, kasunod ang mababagal na
pagtango ng dalagita. "Halika pasok ka Iha."

Agaran namang nahiga sa kama si Letty, niyakap ang Ama at hinalikan sa pisngi bago nagpa-alam ng
magandang gabi.

"Pa." bulalas ng dalagita.

"Hmn?"

"May problema po ako."

"Ano iyon?"

"Tatlong buwan na po akong delay."


Nahinto sa paghimas sa hita ng anak ang mga kamay ni Miguel, kasabay ang paglambot bigla ng matigas
na umu-umbok sa manipis niyang short.

Supladoako

10th Apr 2013, 18:30

wahaha may kilala akong ganito, pero di ko sasabihin haha.500 ang laman nung sobreng binigay niya.

-
ako naghihintay ako na may dumantay sa mga palad ko ehehe

demon spade

10th Apr 2013, 18:37

2nd update :
haha natawa ako dun ang sakit siguro ng tiyan ng kuya ni lito sa kakatawa haha.
3rd update :
mukhang may foul play sa ending ah may rape case na naganap, yun ang tingin ko.

Supladoako

10th Apr 2013, 19:31

2nd update :
haha natawa ako dun ang sakit siguro ng tiyan ng kuya ni lito sa kakatawa haha.
3rd update :
mukhang may foul play sa ending ah may rape case na naganap, yun ang tingin ko.

-
:thumbsup: salamat talaga sa pagsubaybay dito! :salute:

lokalz000

10th Apr 2013, 20:31

napaparami incest sa mga kwento ninyo. Nakakahalata na ako ha. Hahaha. . . Papuri ule para sa inyo sir!

demon spade

10th Apr 2013, 21:25

-
:thumbsup: salamat talaga sa pagsubaybay dito! :salute:
alang anuman po,more updates to come

Circuited Soul

11th Apr 2013, 06:26

Naghihintay din ako na may dumapong sobre sa kamay ko! :laugh:

Nakakatuwa din 'yung "Kuwarto". Nagsasariling sikap na nga lang, may scandal pa. :rofl:

Dun sa "Sa Pagkulog at Pagkidlat", may "foul play" nga. :slap: Lokong ama 'yun ah :slap:

More stories to come! :more:

Supladoako

12th Apr 2013, 13:48

napaparami incest sa mga kwento ninyo. Nakakahalata na ako ha. Hahaha. . . Papuri ule para sa inyo sir!

alang anuman po,more updates to come

Naghihintay din ako na may dumapong sobre sa kamay ko! :laugh:

Nakakatuwa din 'yung "Kuwarto". Nagsasariling sikap na nga lang, may scandal pa. :rofl:

Dun sa "Sa Pagkulog at Pagkidlat", may "foul play" nga. :slap: Lokong ama 'yun ah :slap:

More stories to come! :more:

-
thank you mga idol sa pagbisita! :thumbsup: :salute:

majix216
17th Apr 2013, 16:01

Mahusay po ang pagkksulat kada storya.


Paborito ko po yung "ang rebelde".
Marami pa po sanang susunod.

Supladoako

17th Apr 2013, 17:12

Mahusay po ang pagkksulat kada storya.


Paborito ko po yung "ang rebelde".
Marami pa po sanang susunod.

-
salamat po sa pagbasa sa mga dagli! :thumbsup: really apprciate po! Dalaw ka po ulit kpag nadagdagan
na sila :salaute:

Supladoako

18th Apr 2013, 08:00

Tatay

"Anong gusto mo paglaki mo?" usisa ng kaniyang kalaro, habang masinop nilang kinokortean ang
kastilyong gawa sa buhangin.

"Gusto kong maging katulad ng tatay mo paglaki ko!" pautal-utal nitong sagot sa kasama, kasabay sa
pagpunas niya sa uhog sa ilong, na kanina pa nakasilip.

"Gusto mo maging magaling na ingynir?"

"Hindi."

"Magkaroon ng pulang kotse kagaya kay Daddy?"

Umiling ito ng paulit-ulit, kasunod sa paghigop papasok sa muling dumungaw na sipon.

"Eh ano gusto mo gayahin kay Daddy?"

"Gusto ko maging malaki at matigas ang mga muscles!" pumusto ito na para bang nagmomodelo sa
isang gym.

"Eh ang liit lang ni Daddy ah? Ang payat-payat pa!"


"Hindi kaya!" pamewang nito sa kalaro. "Narinig ko sila nag-uusap kagabi ni Mommy, sabi ni Mommy sa
Daddy mo; Ang laki-laki talaga ng sayo, at ang tigas-tigas pa!"

Supladoako

18th Apr 2013, 08:11

Ang Mabuting Balita ng Anak

"Pa, may good news ako!"

Napangiti si Melvin. Nagkumpulan ang ideya sa utak niya, pilit inuhulaan ang ibabalita ng kaniyang
sampung taong gulang na anak na babae.

"First honor ako sa klase namin!"

Tuluyan nang umukit ang napakalaking ngiti sa mukha ni Melvin. "Talaga?! Nakow! Ang talino talaga ng
anak ko! I'm so proud of you!"

"Sa susunod na linggo na ang recognition day Pa, ikaw ang magsabit sa akin ah!"

Natahimik si Melvin, napakamot ng noo kasabay ang mahabang buntong-hininga. "May trabaho sa araw
na 'yon ang Papa mo anak."

"Ganon ba. Sayang naman Pa. Si Tito Edgar na naman niyan ang kasama namin ni Mama."

"Sino si Tito Edgar anak?" napakunot ng kilay si Melvin.

"Iyong kapit-bahay natin na laging bisita ni Mama tuwing gabi."

"FUCK!" bulalas bigla ni Melvin.

Napangiwi ang bata sa tinis na boses ni Melvin, inalayo pa nito sa tenga ang tangang cellphone.
"Matagal ka pa ba diyan sa saudi Pa?"

Supladoako

18th Apr 2013, 08:13

Muling Subok

"Putang ina mo!" masakit na pagtangis niya, kasabay sa pagtutok ng baril sa kaibigan, nang makorner
niya ito sa isang sulok. "Pinagkatiwalaan kita! Pero inahas mo ko!"
"Nagsusumamo ako Pare, huwag mong iputok yan! Maawa ka sa akin! Isipin mo ang mga inaanak mo!"
naglumuhod sa sahig ang kasama nito, mangiyak-ngiyak niyang pinagdikit ang mga palad na animo'y
nagdarasal sa altar.

"Iniputan mo ako sa ulo ulol ka! Tinuring kita na parang kapatid, tapos 'to pa ang gaganti mo sa akin!"

"Please pare, maghunos-dili ka! patawarin mo na ako! Nagmamakaawa ako! Hindi na ako uulit!"

"Huwag mo akong tatawaging pare, wala akong kilalang traydor!" sinentro niya ang hintuturo sa gatilyo.
"Mamatay ka na!"

Umalingaw-ngaw sa hangin ang putok ng baril, kasabay sa pagbagsak sa katawan ng kasamahan niya sa
sahig.

"CUT!" palahaw ng isang matandang bakla mula sa sulok ng isang kuwarto. "Ilang beses ko bang
sasabihin, suntukin mo muna siya sa mukha bago barilin! Mahirap bang gawin iyon?! Ilang beses pa ba
natin uulitin ang scene na 'to my golly! Another take tayo!"

demon spade

18th Apr 2013, 08:55

itong mga last updates mo natawa ako nang sobra lalo na sa una at pangatlo, medyo nakaramdam ako
ng awa sa pangalawa pero reality bites ika nga maraming ganitong istorya na pilit itinatago ng iba.
Yung sa unang update eh haha dapat talaga siguruhing tulog ang mga bata bago gumawa ng "boom
boom, shake shake" haha :dance: yung last medyo sadista si direk haha.

Supladoako

20th Apr 2013, 21:22

itong mga last updates mo natawa ako nang sobra lalo na sa una at pangatlo, medyo nakaramdam ako
ng awa sa pangalawa pero reality bites ika nga maraming ganitong istorya na pilit itinatago ng iba.
Yung sa unang update eh haha dapat talaga siguruhing tulog ang mga bata bago gumawa ng "boom
boom, shake shake" haha :dance: yung last medyo sadista si direk haha.

-
ehe wala ako maisip na ikuwento ngaun, kaya may pitik nalang muna ng comedy :rofl: salamat sa
pagbasa ulit :thumbsup:

Circuited Soul

24th Apr 2013, 06:39


Ang taray ni Direk! :laugh:

Mukhang iba ang mood mo sa paggawa ng mga kwentong ito. May halong comedy ngayon e. :lol:

More!! :more:

Supladoako

24th Apr 2013, 10:49

Ang taray ni Direk! :laugh:

Mukhang iba ang mood mo sa paggawa ng mga kwentong ito. May halong comedy ngayon e. :lol:

More!! :more:

-
kinapos ako sa mga eksena e, wala ako maisip, pero kailangan ng iupdate, matagal na kasi nakatambay
'tong thread :laugh:

redsky28

25th Jun 2013, 13:20

Supresa

.
..

"hon, bad news." bungad niya sa kaniyang asawa sa telepono. "nalulugi ang kumpanya, kaya kailangan
magbawas ng mga tao. Kasama ako sa mga matatanggal. I'm sorry."

"it's okay hon. Wala ka dapat ipagpasensiya, ginagawa mo ang lahat para buhayin ako." mahinahong
sagot ng kausap sa kabilang linya. "mahal na mahal kita. Alam ko kaya natin 'to. Malaki ang tiwala ko
sayo hon, makakahanap karin ng trabahong para sayo. Nandito lang ako laging sumusuporta sa'yo."

"maraming salamat hon. Hindi talaga ako nagkamali na pakasalan kita. Maliban sa pagiging tapat mo sa
akin, lagi kang nandiyan sa tabi ko."

"oh tama na ang drama! Uwi ka na hon, may surprise ako sayo!"
Dinig niya ang pagtili sa boses ng asawa, tantiya niya ang pagkasabik sa tono nito. Napangisi siya at
bahagyang napaisip kung ano ang supresang sasalubong sa kaniyang pag-uwi.

"hi hon!" mabilisang halik ang pinagsaluhan nilang mag-irog pagpasok palang niya sa tarangkahan ng
kanilang bahay. "halos liparin ko ang kahabaan ng expressway maka-uwi lang kaagad. Sabik ako sa
surprise mo, ano ba iyon?"

"hmn, hulaan mo." pilyang sagot ng kausap.

"sirit."

"not fair, kailangan hulaan mo para may thrill."

"hmn, bagong damit?"

"hindi."

"sapatos?"

"nope."

"bagong necktie?"

"actually hindi siya bagay hon." hinalikan siya ng asawa sa pisngi. "isang good news!"

"really? What is it?" yapos niya sa kabiyak, bakas sa kaniyang mukha ang pagka-enganyo.

"magiging tatlo na tayo sa bahay!" tiling sagot ng kausap. "magiging tatay ka na! buntis ako hon!"

Biglang nagdilim ang kaniyang paningin. Nasundan pa ng panibagong tili ang loob ng bahay, isang
masakit na hiyaw.

You might also like