You are on page 1of 11

AWIT(DALITSUYO)

KAHIT SAAN
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iyay ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ikay awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit namay may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iyay ako, Mutya!
Kung ikawy magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iyay ako, Sinta!
Kung nagdarasal kat sa matang luhaan
ng Kristoy may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yaoy ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libingat doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!

DUNGAWIN MO, HIRANG


Giliw ko'y pakinggan
Awit na mapanglaw
Na nagbuhat sa
Isang pusong nagmamahal.
Huwag mong ipagkait,
Awa mo'y ilawit
Sa abang puso kong
Naghihirap sa pag-ibig
Dungawin mo, hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay
Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong
dahil sa 'iyo'y nabubuhay

Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo


I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbot sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,
Ikaw ay pirasot nagkadurog-durog na sultanang buwan!
II
Buhat sa malayo,

Ikawy dambuhalang busilak ng bagwis,


Na kung ibuka moy parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyot may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!
III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhanginay limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na ibig ko na ring akoy maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganyay lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!
IV
At ang mga bulong
Sa akiy di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animoy kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa akiy di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig
Niring kaluluwang di man lumuluhay may piping hinagpis!

SONETO

Soneto ng Paghihiwalay
Naghunos na lungkot ang mga halakhak,
Pumutit naumid na hamog na natak;
At nagsabula ang tamis ng halik,
Pinalis ng kamay ang dating kaniig.
Nagngitngit na hangin ang kapanatagang
Pinatay ang apoy sa matang sumilay;
At alab ng libog ay naging babala
At ang walang tinag ay naghunos dula.
Walang ano-anoy napalitan lahat
Ang sintay nahubog tungo sa pighati;
Yaong kaluguran ay anot iisa.
Matalik sa pusoy lumayo nang ganap,
Lumaboy kung saan ang buhay na hati
At sa isang iglap, wala ang kasama.

****************************************************************************************************
********
SONETO PARA SA MAKATANG MAKABAYAN
kung wika ang sandata at tugmaan ang digma
gawan ng sarswela ang aping magsasaka
ikuwento ang buhay ng nasa selda
at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya
kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma
sumulat ng tula para sa mga nawawala
gawan ng dalit ang pinatay na walang aba
at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka
kayat pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan
pagkat tula moy di lang pang silid-aklatan
ang sinulat moy mumulat ng kaisipan
makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan
ang obra mo ngayoy di na lang pang libangan
makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!

Oda (DALITPURI)
Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng gintot bulakiak
Pa-ibig ang sa kanyang palad,
Nag-alay ng gandat dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nangahalina
Bayan ko binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag,
Ang di magnasang makaalpas,
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya.
********************************************************************************************

Manggagawa - ni Jose Corazon de Jesus


MANGGAGAWA
ni Jose Corazon de Jesus
16 pantig bawat taludtod, may caesura sa ikawalong pantig
Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa / nitong buong Santinakpan

Nang tipakin mo ang bato / ay natayo ang katedral,


nang pukpukin mo ang tanso / ay umugong ang batingaw
nang lutuin mo ang pilak / ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo / kaya ngayo'y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap / ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, / tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata / ay kamay mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo / ang kurus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat / dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan.
Bawat patak ng pawis mo'y / yumayari ka ng dangal
dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka ng buhay na / walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo pag namatay.

Elehiya
AKO PALA ITONG ILILIBING NINYO!
ni: Avon Adarna
Ang nilalang na sumakabilang buhay
Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay?
At ang kaluluwa ng buting nilalang,
Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang?
Nagising akong puno ng pag-asa,
Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga,
Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa,
Igting ng paligid ang bumulaga!
Ngunit ano itong nangyari sa amin?
Magulo ang tao, parang sa may piging,

Aba at nabigla, nagkaduling-duling,


Ako pala itong inyong ililibing!

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam!

ISANG PUNONG KAHOY


JOSE CORAZON DE JESUS

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...

Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan niyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,


Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

At iyong isipin nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

PASTORAL (DALITBUKID)
KAPALIGIRAN
Sa Aming Bukid
Don Bustamante
Dati rati,
Ang aming bukid ang pinagmumulan
ng mga pagsuyong umaagos sa mga
pusong umiibig,
May lantay na kariktang humahagod
sa likas na yaman ng kalikasan.
Dati rati,
Nakikipagniig ang mga maginoong daloy
ng ilog sa malawak na anod na sumasanib
sa mga tarangkahan ng dagat
upang muling punuin ng mga awitlagaslas ng mga batis.

Dati rati,
Tundos ng mga ginintuang hibla ng palay
ang humahapyaw sa pisngi ng lupaan.
Humahalimuyak ang mga talulot ng
sariwang ani
na hininog ng panahong nilisan ng
nagmamadaling
tag-ulan.
Ngayon,
Ang aming bukid ay ginahasa ng mga taong
nakikipag
habulan sa nagkukunwaring sibilisasyon.
Mga isda ay nagpupusagan sa mga ilog na
naglasang
karbon at kemikal.
Ang mga bulubundukin ay pinatag ng mga

halimaw
na binusog ng gasolina.
Ang dating marikit na bukid ay nabitag ng
mapanirang
modernisasyon.

masipag, mabilis at talaga namang sanay


pagsasaka'y pinagbubuting tunay
(dahil) kabuhayan dito lang nakasalalay
Araw-araw ay nasa kabukiran
mga pananim ay inaaruga't binabantayan
kung minsan ay doon narin nanananghalian
pinapangarap ang nalalapit na anihan
isinisiguro pagkain ng sambayanan
maging kapakapakinabang ang
pinagpaguran
Paglipas ng mga araw ay nangangamba
kinakatakuta'y ang bagyo't baha
baka mga pananim ay masalanta
dumadalangin at lagi ng umaasa
kalikasan sana'y laging mapayapa
upang aanihi'y 'di masayang at mawala

MAGSASAKA

Hari ng kabukiran , Bayani ng bayan


Ni Demetrio Bong Rafanan
Madaling araw pa ng simulan
malakas na kalabaw ang nasa harapan
kahit pagod na't pinapawisan
pag-aararo'y 'di parin tinitigilan
paghahanda sa lupa'y kailangan
nang mahabol panahon ng taniman
Pagsikat ng araw 'di na hinintay
kahit katawan ay nananamlay
(sa) pagpupunla'y panay at napakahusay

Araw na pinakahihintay ay dumating din


para nang may kapistahan sa bukirin
kasama ang mga anak at asawang butihin
pagkahapo't init ng araw 'di na pinapansin
masayang nagsimulang anihin
mga pananim alay sa bayan natin

Magsasaka tunay kang maasahan


sa bisig mo galing pagkain ng bayan
nagtatrabaho sa bukid para sa mamamayan
sakripisyo't pagpapagod dapat parangalan
haring naturingan ka ng kabukiran
tunay kang bayani ng ating bayan

AWIT(DALITSUYO)
KUNDIMAN NG PUSO
-

Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas,


upang magkadiwa ang aking panulat,

Ikaw ang may sala! Bulaang makata


ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa,
bulaang damdamin ang di magtiwala

Yamang ginulo mo ang aking isipan

Napakatagal nang ikaw'y natatago


sa p
ang iyong larawa'y talang walang labo

ang kabuhayan kong walang kasayahan,


kung masasamid ka'y iyo nang asahan
na ikaw ang aking laging gunamgunam.

ang isang makatang hibang sa pagibig,


at mababakas mong ako'y umaawit.

DALIT(DALITSAMBA)
PAPURI SA DIYOS
Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan (2x)
Sa mga taong kinalulugdan N'ya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak
Panginoong Diyos Kordero ng Diyos
Anak ng Ama
Papuri sa Diyos (2x)Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka (2x) sa amin
lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan (2x)
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama maawa Ka (2x) sa amin
Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan
Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataastaasan
Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen (2x)
Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan

******************************************************************************************************************
DIYOS AY PAG IBIG
Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso't kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa
Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magkawalay
Koro:
Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin

Na may Diyos tayong nagmamahal


Sikapin sa ating pagsuyo
Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop
Sa bawa't pusong uhaw sa pagsuyo

You might also like