You are on page 1of 3

1. PANITIKAN NG REHIYON 9 (AIRA N.

OLIVA)
Sakop ng rehiyon IX ang Zamboanga del Norte,may apat itong lungsod,ang
Dapitan,Dipolog,Pagadian at Zamboanga.Tinagurian na ‘ZAMBANGAN” lalong kilala
sa tawag na lupain ng mga bulaklak .
Pangunahing hanapbuhay ng mga tagarito ay ang pangingisda.Hanapbuhay din
dito ang panghuhuli ng pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog
nito.Nakilala rin ang rehiyon na ito bilang Angkatan ng mga kahoy.Ang lungsod ng
Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.Ang Basilan ang itinuturing na may
pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo at ang Zamboanga del sur naman
ay kinilala sa pagtotroso.
Marami sa mga naninirahan dito ay mga muslim,Pagano at mga
Kristiyano.Marami ring mga Sebuano ang naninirahan dito kaya’t CEBUANO ay isa sa mga
diyalektong sinasalita.Mahilig sila sa mga musika at mga sayaw.Makukulay din ang kanilang
mga kasuotan
Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na RAMADAN o PAUSA. Ito ay
ang hindi pagkain ng mahabang panahon bilang sakripisyo sa kanilang at alay kay Allah,ang
Diyos ng mga muslim,Matapos ang mahabang panahon ng hindi pagkain ay nagdiriwang
naman sila ng kapistahan na kung tawagin ay HARIRAYA HADJI.
Mayroon pang isang tradisyon na ginaganap sa isang buwan sa isang taon at apat na
beses sa isang buwan.Ang mag-anak ay saby-sabay na maliligo sa dagat.Ang tawag dito ay
TULAK BALA.
May paniniwala din ang mga muslim na ang isang namatay ay dapat suotan ng
kanyang paboritong damit at bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil malayo ang
lalakbayin nito.
Ang mga muslim ay hindi din kumakain ng baboy dahil para sa kanila ito ay
marumi.
Ang mga babaeng muslim ay nararapat na magsuot ng damit na mahaba ang
manggas at ang tabas ng damit sa leeg ay makipot o “closed neck”.Ang kanilang palda ay
sarong .Ang mayayamang muslim ay nagsusuot ng sedang sarong na magaganda ang kulay at
disenyo na may palamuting perlas.Sa mga lalaki naman ang mahigpit na jacket at mahigpit
na manggas.Ang pantalon ay koton,may mahabang sash na nakapalibot sa kanilang
baywang.
Mayaman din ang rehiyon sa mga alamat,kuwentong bayan,
bugtong at awiting bayan. Sina Antonio Descallar,Ignacio Alvarez Enriquez,Olivia Acas at
Gonzalo villa ang ilan sa mga kilalang manunulat buhat sa rehiyon IX.

2. REHIYON X (IRENE OMOLIDA)


Ang rehiyon X o hilagang Mindanao ay isang administratibong
Rehiyon ng Pilipinas.Ito ay binubuo ng 5 lalawigan: ang Bukidnon,Camiguin, Lanao del
norte,Misamis Occidental at Misamis Oriental.Ang kaniserang panlalawigan nito ay ang
Cagayan de Oro,lalawigan ng Misamis Oriental.
Ang rehiyon X ay pangatlo sa pinakamalaking prodyuser ng;
mais,saging,tabako,palay,tubo,pinya,durian.chico.mangga at abaka.
Ang mga BADJAO ng rehiyon X ay may kakaibang uri ng pamumuhay.Dahil sa
nakagisnan nila sa kanilang mga magulang ang pagtira sa mga bahay na nakatirik sa
tubig,dala pa rin nila ang ganitong uri ng pamamahay.bagamat ang kanilang mga bahay ay
yari sa nipa at dahoon ng niyog,ang mga ito ay matitibay at matagal din bago masira.
Ang TOROGAN ay isa sa mga uri ng bahay na makikita rin sa ilang bahagi ng
hilagang Mindanao.Karaniwang mga Maharlika ang mga nakatira dito.Isa itong malaking
bahay na kadalasan ay lima o anim na pamilya ang naninirahan.
Popular ang mga perlas at korales sa rehiyong ito.Makukulay din ang kanilang
kasuotan.
Sa kanilang sining ipinagmamalaki nila ang kanilang mga ORKIR O OKKIL-isang
disenyo na ang ibig sabihin ay inukit na karaniwang makikita sa kanilang mga
bangka,puntod,sandata at iba pang kasangkapan.Kung minsan ay disenyo rin ito sa kanilang
mga damit lalo na sa kuwelyo nito.
Sa larangan ng musika ang rehiyon X ay mayroong tinatawag na GABBANG- isang
instrumentong pang musika na karaniwang tinutugtog ng mga babae,hugis bangka ito at yari
rin sa kawayan.ito ay tinutugtog sa mga kasalang ginaganap sa dagat./
May isang uri ng sayaw ang maharlikang taga-Mindanao.Ito ay ang tinatawag nilang
SINGKIL na karaniwan ding isinasayaw ng mga taga kanlurang Mindanao.Ang saya na ito
ay ginagawa nang mabilis upang huwag maipit ng apat na piraso ng kawayan na mabilis na
iginagalaw ng mga may hawak nito.Ang galaw ng kawayan ay itinutugma sa ritmo ng tunog
ng Gong kaya kailangan mabilis na pagkilos ng mananayaw upang huwag maipit ang mga
paa.Katumbas ito ng sayaw na TINIKLING.
Ang Bukidnon ay isa sa tagapag-ambag sa panitikan ng rehiyon X.Ang mga taga-
Bukidnon ay may isang uri ng tula na karaniwang ginagamit nila sa mga pagtitipun-
tipon.Tinatawag itong LIMBAY-binibigkas ng paawit na punung-puno ng
damdamin.Mayroon din silang tinatawag na ANTOKA- bugtong ng mga taga-Bukidnon.Ito
ay ginagawa nilang libangan kasabay ng kanilang mga Gawain.
_-Ang Cgayan de oro City ang pook na sinilangan ng mga manunulat ng Rehiyon
X.Ilan sa mga manunulat ay sina: Emmanuel lacaba,Francisco Demetriio,Jose F. Lacaba
Jr,Lina Espina-Moore,reuben Canoy,Miguel Bernard,Albert Alejo, at Agustin J.Adorme
Pagusara Jr

3. REHIYON 11 (DENISE NICOLE PANUGA)


DAVAO. Binubuo ng apat na probinsya.Davao del norte, Davao
Del sur,Davao Oriental at Compostela valley at isang charter city Davao City.Ang pangalan
ay pinaniwalaang nagmula sa paghahalo-halo ng mga salita mula sa tatlong pangkat etnikong
naninirahan sa lugar.Ang KATUTUBONG OBO-Davoh ang tawag sa ilog umaagos
patungong nayon.,DIANGAN- duhwowtawag ng mga katutubong Guianga,BAGOBO- Dabu
para sa mga katutubong tagbanuwa
Sa Taong 2001 pinangalanang Davao Region ang rehiyon at inilipat ang
Cotabato at Sarangani sa SOCCSARGEN.
Ang mga Lumad o native/indigeneous ng Davao ay ang mga sumusunod:
BAGOBO.sila ang pinakagarbong magdamit sa lahat ng mga pangkat etniko.B’LAAN-
magarbo din silang manumit ngunit bihirang gumagamit ng mga
bead,CALAGANES/MALAY-kadalasang napagkakamalan silang mga Moro ngunit
hindi.MANDAYA-sila ang unang yumakap sa sibilisasyon dahil sa maagang kaugnayan sa
mga kastila.
MANOBO-hindi sila kalakihan ang pangangatawan ngunit atletiko.kadalasan silang nakatira
sa tabi ng ilog.DULANGANES-sila ang native ng Davao na lubhang matatapang.walang
saplot sa katawan maliban sa dahoon at maliliit na sanga ng puno,kadalasan silang
naninirahan sa mga kuweba o loob ng malalaking puno at nagtataglay ng matutulis na
palaso.

4. REHIYON XII ( ROCEL PINEDA)


SOCCSKSARGEN.Binubuo ng mga lalawigan ng Cotabato,
Saranggani,Timog Cotabato at Sultan Kudarat.Tinaguriang “rice Bowl Of Mindanao” o ‘
Kamalig ng Palay sa Mindanao”.
Pagsasaka, pangingisda at industriyang pantahanan tulad ng paggawa ng
basket,paghabi ng tela at paggawa ng paso ang pangunahing pangkabuhayan sa rehiyon na
ito.Dito din matatagpuan ang plantasyon ng pinya .Plantasyon naman ng saging ang
matatagpuan sa dadiangas malapit sa lungsod ng General Santos .
Ilan sa mga panitikan sa SOCCSKSARGEN ay ang BUGTONG,
SALAWIKAIN o SANGLITAN,TULA (BALAK)-pari ang unang makata sa Cebu.Mayroon
din silang Maikling kuwento ( MUBONG SUGILANON),PROSA-
Ang prosa ng mga taga Cebu ay yaong mga sinusulat na nauukol sa meditasyon,buhay ng
mga santo at santa at mga seremonyang pananampalataya,tinatawag nila itong
BINARISBIS.Mayroon ding silang Sanaysay o GIMALAYSAY ang tawag ng mga taga
Cebu.Katulad ng ng mga sanaysay sa ibang lugar,ang gumalaysay ay nauukol sa mga
paliwanag tungkol sa pulitika,kultura,lugar at ibang kaugalian.Ang mga kilalang manunulat
ay sina: Vicente Sotto,Felimon Sotto,Vicente Rama at ibapa.Mayroon ding silang Drama
(Dula).isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado.Maaaring hango sa
totoong buhay o malayang kaisipan ng manunulat.Maaring masaya,malungkot,masalimuot at
ibapa.

You might also like