You are on page 1of 5

SURING-AKDA

S A N D O S E N A N G S A PATO S

Ni
L u i s P. G a t m a i t a n

I. Panimula:
Ang akdang Sandosenang Sapatos ay isang maikling kuwento ni Luis P.
Gatmaitan na nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak Palanca noong 2001. Naisulat
niya ito nang magkaroon siya ng pasyenteng ipinanganak na putol ang paa.
II. Buod ng Genra:
Sandosenang Sapatos
ni
Luis P. Gatmaitan
Sapatero ang ama ni Karina. Sa tuwing may okasyon, ginagawa siya nito ng bagong
sapatos. Natuwa ang mga magulang niya nang magkaroon siya ng kapatid. Nang
malamang babae ang kasunod niya, sinabi ng tatay niya na magiging ballet dancer ito.
Ngunit di ito nagkatotoo; isinilang ang sanggol na putol ang dalawang paa bunga ng
pagkakasakit ng ina nang ipinagbubuntis pa lang siya.
Susie ang pangalan ng bunsong kapatid ni Karina. Sa tuwing igagawa si Karina ng
sapatos ng kanyang tatay, napapatingin ito sa bunso at napapabuntung-hininga. Isang
araw, ikinuwento ni Susie na napanaginipan niyang may suot siyang sapatos. Inilarawan
pa niya ito. Sa tuwing nalalapit ang kaarawan si Susie, nananaginip siya ng sapatos.
Nang 12 taong gulang na si Susie, namatay ang kanilang ama. Isang araw, pinasok ni
Karina ang bodega upang maghanap ng mga sapatos na ibibigay sa bahay-ampunan.
Napansin niya ang ilang kahon na maingat na nakasalansan. Nang buksan niya ang mga
ito, nakita niya ang isang dosenang pares ng sapatos na may iba’t ibang laki at para sa
iba’t ibang okasyon. Laking gulat niya na may liham-pagbati pang nakasulat mula sa
tatay niya – para sa pinakamamahal na anak nitong si Susie.
Nang makita ang mga ito ni Susie, sinabi niya na ito ang mga sapatos na
napapanaginipan niya.
Mga Aral:
1. Ang pagmamahal ng isang magulang sa isang
anak ay walang katulad.
2. Hindi hadlang ang kapansanan sa pagkakaroon
ng normal at matagumpay na buhay.
III. Banghay:
Sandosenang Sapatos
ni
Tunggalian Luis P. Gatmaitan Sukdulan
Sa tuwing igagawa ng Sa tuwing sasapit ang
bagong sapatos si Karina kaarawan ni Susie,
ng ama, napapatingin ito sa nananaginip siya ng
kuna at nagbubuntung- sapatos na maganda.
. hininga.

Kakalabasan
Suliranin Namatay ang ama nang 12 taong
Ipinanganak ang gulang si Susie. Sa bodega,
sanggol na natuklasan ang 12 pares ng
walang paa. sapatos na may kalakip na pagbati
sa bawat kaarawan ni Susie.

Simula Wakas
Natuwa ang mga Nang makita ni Susie ang 12 pares ng
magulang ni Karina sapatos, napasigaw siya dahil ito ang
nang malaman nila na nakita niyang mga sapatos sa
masusundan na siya. panaginip.
IV. Suring-Akda:
A. Pamagat
(Angkop ba ang kuwento? Bakit?)
Angkop ang pamagat ng kuwento dahil, sa pamamagitan ng isang dosenang
sapatos, ipinakita ng ama ang pagmamahal niya sa anak na may kapansanan. Wala
ngang paa si Susie, ngunit minahal siya ng kanyang ama nang tulad ng pagmamahal
niya kay Karina, o masasabi nating higit pa sa pagmamahal niya sa isang normal at
malusog na anak.
B. Paksa
(Tungkol saan ang akda? Makatotohanan ba ito? Bakit?)
Tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa isang anak ang ipinakikita sa isang
dosenang sapatos. Makatotohanan ito dahil walang sukatan ang pagmamahal ng
isang magulang sa isang anak. Ibig sabihin nito, kahit na may kapansanan pa ang
isang anak, mamahalin niya ito. Ang anak ay anak, mamahalin at tatanggapin anuman
ang maging itsura o kalagayan niya.
C. Mga Tauhan
(Sinu-sino ang mga tauhan ? Anu-ano ang naging damdamin mo sa bawat isa?)
1. Ang amang sapatero – Hanga ako sa kanya dahil tunay siyang naging
huwarang ama. Hindi niya ipinagkait ang pagkakataong paunlarin ang
kakayahan ng kanyang anak na may kapansanan. Hindi niya ikinahiya ang
bata. Pinalaki niya ito nang maayos.
2. Karina – Tumupad siya sa kanyang tungkulin bilang ate ni Susie. Tulad ng
ama niya di niya alintana ang kapansanan ng kapatid. Kahanga-hanga si
Karina dahil minahal niya si Susie at naging tagapagtanggol ng nakababatang
kapatid.
3. Susie – Hindi maaawa sa kanya kundi hahanga pa nga dahil hindi naging
sagabal ang kapansanan upang makapag-aral at mapaunlad ang kakayahan.
4. Ina – Natanggap niya ang kalagayan ng anak kaya hanga rin ako sa kanya.
D. Bahagi
(Anu-ano ang magaganda at hindi nakahihinayang basahin g bahagi? Bakit?)
(Anu-ano ang hindi kanais-nais na bahagi? Bakit?)
Naibigan ko ang bahaging niyakap ng ama ang anak sa kuna at bumulong sa bata
na hindi baleng may kapansanan siya, ang mahalaga ay palalakihin siya nang maayos.
Dito mo madarama na isa siyang mapagmahal at responsableng ama.
Kapanapanabik ang pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos sa bodega. Sa loob
nito ay may sulat ng pagbati ng pagmamahal sa isang anak na may kapansanan. Sa
bahaging ito madarama mo na ang pagmamahal ng isang ama ay wagas.
Naglinaw ang buong kuwento nang sabihin ni Susie na ang isang dosenang
sapatos na nasa bodega ang napapanaginipan niya sa tuwing sasapit ang kanyang
kaarawan. Dito ko naunawaan na ang tindi ng pagmamahalan ng ama at anak ay
lumilikha ng ispiritwal na koneksyon na lumalabas kahit man lang sa daigdig ng
panaginip.
Sa totoo lang, walang di kanais-nais na bahagi ang kuwento. Ang tanging
masasabing malungkot na bahagi ng kuwento ay nang magkasakit ang ina habang
nagbubuntis, na siyang nagbunga ng pagsisilang niya ng sanggol na walang paa.
Malungkot din ang pagkamatay ng ama nang labindalawang taon pa lang si Susie.
Ngunit kung tutuusin, ang dalawang kaganapang ito ay mahalaga sa pagbuo ng
tunggalian at kakalabasan ng kuwento.
E. Wakas
(Ano ang naging wakas? Nagustuhan mo ba ang wakas ng kuwento? Bakit?)
Nagwakas ang kuwento sa pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos na may
kalakip na sulat pagbati sa minamahal na anak. Nang makita ni Susie ang sapatos,
nagulat siya dahil ang mga ito ang nakita niya sa panaginip. Nagustuhan ko po ang
wakas dahil dito lamang nagliwanag ang kabuuan at mensahe ng kuwento – ang
pambihirang pagmamahal ng ama sa anak at ang ispiritwal na koneksyong nabuo
bunga ng pagmamahalang ito.
F. Rekomendasyon
(Dapat bang irekomenda sa iba ang akda? Bakit?)
Dapat na irekomenda dahil maraming mahahalagang aral na matututuhan.
G. Opinyon
(Nagustuhan mo ba ang kabuuan ng akda o hindi? Bakit? Magbigay ng matibay
na dahilan sa pamamagitan ng mga halimbawa kung bakit naibigian o hindi
naibigan ang akda.)
Naibigan ko po ang kabuuan ng kuwento dahil dito makikita ang isang
magandang relasyon sa pamilya – ang pagmamahal ng ama sa anak at ang
pagmamahal ni Karina kay Susie – na nangingibabaw sa materyal na bigayan at
nakalilikha ng ispiritwal na koneksyon sa isa’t isa. Halimbawa, sa kabila ng
kapansanan ng anak, na kabalintunaan ng pangarap ng amang maging mahusay na
mananayaw ito ng ballet, itinuloy ng ama ang palihim na paggawa ng sapatos tuwing
kaarawan ng anak. Matatandaang ang ama ay isang mahusay na sapatero, at ang
pinakamagandang regalo na maihahandog niya sa kaarawan ng anak ay ang gawa ng
kanyang mga kamay. Kamangha-mangha naman ang mga panaginip ng anak, dahil
kahit wala sa hinagap niya ang ginagawang iyon ng ama, lumabas sa anak ang
katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga panaginip. Ito ang patibay na ang
tunay na pagmamahal ay nanunuot sa bawat hibla, sa iba’t ibang dimensyon, ng mga
likha ng Diyos. Ang pagmamahal ay di kailangang bigkasin – ito’y nadarama kahit
sa katahimikan ng paghimlay ng taong minamahal.

You might also like