You are on page 1of 2

PINO, Clarkvinz A.

11- Agape B (HUMSS) 03/09/22

GAWAIN: PAGSULAT NG REBYU

Panuto: Pumili ng isang Akda ni Jose Corazon De Jesus na iyong susuriin sa ibaba at gawan
ito ng isang rebyu ukol sa mga hinihingi sa ibaba.
 Isang Punongkahoy
 Ang Pamana
 Bayan Ko
 Kalupi ng Puso
 Manggagawa
 Sa Pamilihan ng Puso
 Mga Tugtuging Hindi ko Malimot

A. Pamagat ng Akda na Sinuri:


Kalupi ng Puso
B. Anyo ng Pampanitikan o Literary Genre:
Tula
C. May-akda:
Jose Corazon de Jesus

D.
KALAKASAN NG AKDA/MAY-AKDA KAHINAAN NG AKDA/MAY-AKDA
1. Malawak ang imahinasyon ng may-akda 1. Mayroong malalalim na salitang ginamit
2. Mayaman ang talasalitaan 2. Hindi konsistent ang tugma ng mga linya
3. Mahusay ang pagkakagamit ng mga 3. May mga inulit ng salita sa bandang huli
tayutay

4. Nangingibabaw ang emosyon ng may- 4. Hindi magkapare-pareho ang sukat ng


akda bawat linya

5. Kawili-wili at madaling makapagbibighani 5. May kaunting pagkamalabo pagdating sa


sa puso ng mga mambabasa paggamit ng mga kulay at kaakibat nitong
implikasyon

E. Magsaliksik ng mga sipi o quotation at ng iba pang datos o impormasyong iyong


nagamit sa Pagsulat ng Rebyu.
 Ikalawang Saknong
“…ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.”

 Ikaapat na Saknong
“…isang dapithapo’y nagugunam-gunam
Sa mga mata ko ang luha’y umapaw.”
PINO, Clarkvinz A.
11- Agape B (HUMSS) 03/09/22

F. Isulat ang burador ng iyong rebyu.

Hindi maitatangging nanatiling isa sa mga pangunahing ipinagdiriwang na


manunulat si Jose Corzaon De Jesus dahil sa kaniyang galling sa larangang ito. Ang
kaniyang mga nailimbag na mga obra maestra ay patuloy na binibigyang halaga ng
kaniyang kapwa manunulat at maging ng mga nagpapakadalubhasa sa mga
unibersidad at pamantasan dahil sa nakapaloob nitong kapuri-puring detalye. Isa na sa
mga akdang ito ay ang Kalupi ng Puso na hindi maitatangging tunay na nakapag-antig
sa puso ng nakararami.
Ang Kalupi ng Puso ay tula na isinulat ni Jose Corazon de Jesus noong 1956,
kasabay ng iba pa niyang mga akda na kinilala sa buong bansa. Sa mga panahong ito
ay naging sandigan ng madla ang mga akdang pampanitikan na wari naging daluyan
din ng konektadong emosyon ng may-akda at ng mga mambabasa. Dahil dito, hindi
maitatangging naging isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng inspirasyon ng mga
manunulat ang kanilang kaparehong nararamdaman.
Ito ang siyang nagpapatunay sa kalakasan ng akda dahil madali nitong
nabibighani ang mga mambabasa dahil sila mismo ay nakaranas na ng sakit na ito.
Bilang isang mambabasa, mas nakakaenganyo na basahin ang isang piyesa na hindi
nalalayo sa aking karanasan kung kaya mas napapalapit ako sa nais iparating ng may-
akda. Bukod pa rito, malawak din ang imahinasyon ng manunulat at ito ay lantarang
makikita sa mahusay na paggamit ni De Jesus ng mga tayutay. Ang mga simpleng
salita na karaniwan naririnig ng karamihan mula sa ordinaryong pakikipagtalastasan
ay nababahiran ng kakaibang kulay dulot ng malalim na kahulugang nakaukit dito.
Hindi maipagkukubling tunay na nangingibabaw ang emosyon mula sa kaibuturan ng
manunulat.
Subalit, kagaya ng maraming akdang nakalimbag, mayroon ding iilang
kahinaan ang piyesang ito. Bilang isang baguhan sa panitikan at mambabasang hindi
gaanong sanay sa paggamit ng wikang Filipino, nahirapan akong intindihin ang ibang
mga salitang ginamit ng manunulat sa kaniyang akda. Kinailangan ko pang ulitin ang
linya upang lubusang makuha ang imahe na nais ipinta ng may-akda. Bilang
karagdagan, hindi rin konsistent ang manunulat sa kaniyang sukat sa bawat linya at
gayundin ang muwestra sa bawat saknong nito. Bagaman mahusay ang pagkakalahad
ng kaniyang malayang emosyon at imahinasyon, hindi maiwasang mawala rin ang
mambabasa sa direksyong tinatahak ng piyesa.
Ang mga tulang ibinahagi ng mga beteranong manunulat kagaya ni De Jesus
ay hindi maipagkukubling ehemplo ng kontemporaryong panitikan. Kung kaya,
nararapat lamang na ito ay patuloy na pag-aralan ng nakararami dahil malawak ang
nakapaloob sa bawat salita at linya nito na wari’y kumakatawan sa damdaming
karaniwan sa nakararami.

You might also like