You are on page 1of 6

Ma. Kristina N.

Cabarles Filipino 3
BSN 2C Report( pag-uulat)

a. Dalit

Iba't ibang santo't santa ang pinagdadalitaan. May dalit kay Maria
na naging kaugalian na sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva
Ecija, Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Marinduque at Mindoro.
Ginaganap ito tuwing Mayo. Nag aalay ng mga bulaklak ang mga
bata habang dinadalit ang pagpupuri sa Mahal na Birhen. Sa mga
lalawigang nabanggit, nasasaulo na ng mga bata ang isasagot sa
mga namumuno. Marami-rami pa ring matatanda ang nakakasaulo
ng mga sinasabi ng namumuno bagamat hango sa buong aklat
ang kanilang dinadalit.

Ang mga pagpupuring ito'y isinulat ni Padre Mariano Sevilla na


taga-Tundo. Humalaw siya ng mga awit na Italyano ni Muzzarelli
(Il Mese di Maggio) at pinamagatan niyang "Flores de Mayo."

Sa pagpupuri't sagutan, may mamumuno na siyang dadalit ng mga


papuri at sasagot naman ang mga bata, pagkatapos, isa-isang
mag-aalay ng kanilang mga dalang bulaklak sa altar.

Ganito ang kanilang sagutan:

Namumuno: Matamis na Virgeng pinaghahandugan cami


nangangaco naman pong mag-alay nang isang guirnalda bawat
isang arao at ang magdudulot yaring murang camay.
Mga Bata:
Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit sa mahal mong noo'y aming
icacapit, lubos ang pag-asa't sa iyo'y nananalig na tatanggapin mo
handog na pag-ibig.

Namumuno:
Halina at magsidulot at nating tanang tibubos cay Mariang ina ni
Jesus nitong Poong Mananacop; sintahin nati't igalang yamang
siya'y ating Ina.

Mga Bata:
Halina't tayo'y mag-alay nang bulaclac cay Maria.

Namumuno:
O mariang sacdal dilag! dalagang lubhang mapalad tanging pinili
sa lahat nang Dios Haring mataas.

Mga Bata:
Itong bulaclac na alay nang aming pagsintang tunay palitan mo
Virgeng Mahal, nang toua sa kalangitan.

Halimbawa lamang ang mga nasa unahan. Mahaba ang pagpupuri


kay Maria at paulit-ulit na kinakanta ng mga ang huling saknong,
pagkatapos ng mga ipinahayag ng namumuno. Naiibigan din ng
mga bata ang pag-aalay na bata ito kay Maria. Nagkakasama-
sama sila sa bisita o sa simbahan, nag-aalay ng mga bulaklak at
nakapagbibihis nang maganda
ganda kaysa sa pang-araw-araw nilang kasuotan. May ibinibigay
pa sa kanilang mga biskuwit o kendi pagkatapos.

Si Padre Francisco Salazar ay sumulat ng Meditasyon sa Kastila


noong 1643, isinalin ito sa Tagalog ni Padre Pedro de Herrera
noong 1645 sa pamagat na "Meditaciones cun manga mahal na
Pagninilay na sadia sa santong pag Exercicios."

Bukod sa mga nabanggit na pagdadalit, maisasama rin

ang mga akda ng mga sumusunod:

1. Ang "Infiernong Nabuksan" ni Pedro Clain noong 1730 at gayon


din ang kanyang "Saltario de Ejemplos a Nuestra Señora."

2. Ang Libro ng Panalangin at Pagbubulaybulay ni Padre Antonio


Velasco noong 1851. Siya ang nagsalin ng akda ni Padre Luis de
Granada na "Combate Espiritual."

3. "Usa ca bulan nga hinalad can Maria pagdangat


sa pagpanghimalic sa Dios sa mga macacasala" sa
Bisaya ni Padre Demetrio Navascua noong 1887.

4. "Naduduma a cararag nga pagdevocion quen Apo


San Jose" ng taong 1887 sa Ilokano.

5. "Nangon Sanayan ning tauong biniñagan diquil qng pamanimba,


pangcumpisal, pemaquinaban at aliuapang panalangin a pauang
meangungan qñg Ejercicios" ng taong 1887 sa Kapampangan.
b. Mga Nobena

Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katutubo'y isa ring uri ng
pagnonobena sapagkat may mga araw rin silang binibilang sa
pagdaraos ng kanilang mga pagdiriwang na may kaugnayan
halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o
paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa
kanilang tribu, o pagpapaalis ng sakit ng kabilang sa pamilya, o
paglilibing sa mga yumao na.
Ang nobena'y mga katipunan ng mga panalangin na kailangang
ganapin sa loob ng 9 na araw, maaaring sunud sunod na araw o
tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo).
Batay na ito sa santo't santa ng namimintakasi.

Maisasama rito ang mga sumusunod na akda bilang kasalukuyan,


halimbawa ng mga isinulat noon sapagkat sa napakarami nang
mga nobenang nakikitang itinitinda sa malapit sa mga simbahan.
Maaaring ang iba rito'y hango sa mga akda noong panahon pa ng
mga Kastila gaya ng "Virgen nang Capayapaan" at "Mabuting
Paglalayag" (1891) ni Pa dre Joaquin Tuazon na hanggang sa
ngayo'y walang kupas na pinipintakasi sa Antipolo, Rizal.

May mga nauna sa akdang ito tulad ng Novena kay Santo


Domingo de Guzman (1889) sa wikang Bikol ni Fran cisco
Borondia na pinamagatang "Novena nang Calinis linisang Paglilihi
cay Mariang Cabanalbanalan Ina nang Dios at Panginoon natin
Pintacasi sa simbahan nang Cagalanggalang na Orden Tercera
nang ating Amang si S. Francisco de Asis sa Bayan nang
Sampaloc" sa matamis na pamagat na "Peregrina" (1890) ni
Joaquin de Coria at marami pang iba.

Noong 1893, nagpalabas naman si Padre Modesto de Castro ng


"Novenang hain nang Bayan nang Biñang cay San Isidro
Labrador."

C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo't Santa

Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon, sumulat


sila ng mga nauukol sa buhay-buhay ng mga santo't santa para
gawing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang-diing nasa
pagpapakasakit ang walang hanggang kaluwalhatian kaya
nararapat na magpakasakit ang mga tao upang huwag mabulid sa
impiyerno ang kanilang kaluluwa. Mabibilang dito ang "Pasyong
Mahal" na buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Jesucristo
upang matubos ang tao sa pagkakasala. Ngunit hindi tatalakayin
sa bahaging ito ang nauukol doon.

Maibibigay na mga halimbawa rito ang mga sinulat nina Padre


Francisco Bencuchillo na "Vida de Rita" (1747), Joaquin Tuazon
na Buhay ni San Francisco na hango sa "Flor Sanctorum" ni R.
Rivadeneira at "Ang cay Maria, i, Magsacdal pilit Sasacloban
Bohay ni Isidro, ni Maria, ni Luisa na Pagcacaquitaan nang
Pagcacandili nang Ina ng Aua" (tula 1889) at Francisco Valencia
sa pagsasalin ng "Buhay at No vena ni San Juan de Dios" (1889).
Si Joaquin Tuazon ay may hinango sa "Luz Del Menestral" ni
Padre Francisco Butina na pinamagatang "Buhay ng Santo nang
Bouan ng Febrero Sta. Margarita de Cortona" (1888) na
matatagpuan sa Pambansang Aklatan sa kasalukuyan. Mababasa
rito ang pinakabuod at ang panimula'y buhat sa akda niya upang
makita ang pananagalog niya:

Si Sta. Margarita de Cortona, na ganito ang itinatawag sa caniya,


sapagcat, pinagdaanan nang maraming taon nang caniyang buhay
ang cuidad ng Cortona, at sapagcat, doon din naman siya
namatay, ay ipinanganac sa Labiano, Lugar nang Diocesis sa
Chiusi, sa Toscana, nang taong 1250. Ang caniyang ama't ina ay
mabubuting cristiano at may puring magpapaupa; at sila ang
nagturo cay Margarita nang manga bagay na ayon sa cabanalan.
Bahagya pa lamang natututo ang batang magsalita, ay tinuruan na
nang caniyang ina nang manga banal na pananalangin na hindi
quinalimutan ni Margarita cailanman, at dinarasal pa niya nang
daquilang cataimtiman sa manga huling taon nang caniyang
pangingibang bayan dito sa bayan cahapis-hapis.

Si Margarita'y naulila sa ina. Nag-asawang muli ang kanyang ama.


Nabulid siya sa pagkakasala dahil sa masamang pagpapalagay sa
kanya ng asawang kauli ng ama. Isang binatang Caballero sa
malapit na Siudad ng Montepulsiano ang nagdala sa kanya sa
pagkakasala. Pinukaw siya ng Diyos sa mahalay niyang lugod
nang magkaroon ng malagim na kamatayan ang kanyang
kasintahan. Umalis ito at sa pamamagitan na lamang ng kanilang
aso napag-alaman ang naging wakas nito. Pinilit

You might also like