You are on page 1of 9

Ang Kasalukuyang Estado ng Wikang Filipino sa Orihinal na Musikang Pilipino at Pagiging Popular nito

sa mga Kabataan

Introduksyon

Bago pa dumating ang mga banyagang mananakop, ang ating mga ninuno ay mahilig na sa
musika at awitin. Ang Musika ay isang mahalagang parte na ng buhay ng mga Pilipino mula noon
hanggang ngayon. Ang musika at awitin na ang siyang naging tulay ng ating mga ninuno at mga bagong
henerasyon upang maipakita nila ang kanilang nararamdaman, saloobin at pinagdadaanan. Lingid sa
kaalaman ng lahat, kahit anong klasing genra ang makarating sa Pilipinas, ito ay tinatangkilik ng mga
Pilipino dahil lubos ang pagmamahal ng mga Pilipino sa Musika.

Ang Musika ay naging paraan na din ng ating mga guro noong tayo ay nagsisimula pa lamang sa
ating pagaaral. Ito ay naging estilo ng mga Guro upang makuha ang atensyon, mapasaya, maging masigla
at magkaisa ang kanilang mag-aaral. Sa Musika din tayo natuto kung paano magsimulang magsalita at
makaramdam ng saya. Malaki ang naging kahalagahan ng Musika sa buhay ng bawat isang Pilino.

Natunghayan natin ang paglago ng Musikang Pilipino at pagpasok ng Musikang Banyaga sa ating
bansa, na naging inspirasyon sa mga manunulat at mga mang-aawit na Pilipino. Nang dahil sa pagunlad
ng Musika sa buong mundo, napukaw nito ang interes ng mga Pilipinong makikinig, at ito ang naging
dahilan upang makilala ng bawat isa ang iba’t-ibang kultura at talento sa paglimbag ng musika at sa
sining ng pag-awit.

Ang Wikang Pilipino ay mas naging maunlad at nagbigay kulay sa ating kultura ng dahil sa mga
nilimbag na musika ng ating mga ninuno at makabagong henerasyon. Musika ang naging tulay upang
mahalin lalo ng mga Pilipino ang ating Wika. Ang mga kabataan ngayong henerasyon ay unti-unting
nahihikayat na lumimbag ng kanta at umusbong ng dahil sa makulay na kasaysayan ng Musika sa ating
bansa. Nagiging inspirasyon ng kabataan ang pakikinig ng mga lokal na musika na nagkekwento ng
karanasan at buhay ng bawat isa, kagaya ng mga Rap Song na may makabuluhang kahulugan.
Layunin ng Pag-aaral

Pahayag ng Tesis

Ang pahayag ng aming pananaliksik ay nagpapabatid nang kahalagahan ng mga impormasyon kung saan
nagsimula ang sining ng musika sa mga tao ,at kontribusyon ng ating wika sa paghatid ng mga mensahe
gamit ang obra ng musika o ng mga kanta. Ihahatid namin sa aming tesis kung papaano naging malaking
impluwensya ang mga nag b-biral na kanta sa sosyal media sa kasalukuyang panahon at sa mga ibang
plataporma. Kagaya ng telebisyon, radyo, internet at mga application na tumatangkilik sa mundo ng
bulwagan (musika).

Kahalagahan ng Pananaliksik

Lawak at Delimitasyon ng Papel

Ang mga impormasyon ng makikita natin batay sa aming mga pananaliksik ay magpopokus sa
pinagmulan ng ating mga nakagisnang panitikan.
I. Depinisyon ng musikang Pilipino

Ang musikang Pilipino ay isang halo ng Europeo, Amerikano at katutubong mga tunog.
Naimpluwensyahan ang musika sa Pilipinas ng 377 taong-haba ng pamanang kolonyal ng Espanya,
Kanluraning rock and roll, hip-hop at popular na musika mula sa Estados Unidos, ang katutubong musika
ng populasyong Austronesian at musikang Indo-Malayan Gamelan.
(tl.wikipedia.org/wiki/Musika_ng_Pilipinas)

Ang malaking bahagi ng ating Musika ay impluwensya ng ating Katutubo, at ang pananakop ng mga
Kastila at Amerikano. Nang dahil dito, umunlad ang ating kakayahan at kaalaman sa larangan ng pagbuo
ng musika at pagkanta na siyang magiging parte na ng araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.

II. Maikling kasaysayan sa Musikang Pilipino noon and ngayon

NOON

Ang sinaunang musika sa kabuuan ay sinasabing may katangiang nagpapahiwatig ng mga saloobin
pangarap, kahilinagn at gunita ng mga katutubo. Ang musika ng katutubong tradisyo ay may
impluwensya ng tradisyong Islam. Mababanaag ang bakas ng Tribal Music sa Mindoro sa pangunguna ng
mga katutubong Mangyan. Ang musika noon ay instrumental na ginagamitan ng instrumento na tambol,
gong at bamboo. Ito ay sinasabayan ng isahang tinig o sabayang tinig. Nabubuo ang Tribal Chant dahil sa
tunog at galaw ng kapaligiran. Ang yugto naman ng pamumuhay ng mga katutubo ang siyang nagiging
tema ng kanta ng sinaunang Musika. Ang ibat-ibang yugto ng pamumuhay ng mga katutubo ay mula sa
pagsilang, pagsibol at pag-usbong ng isang katutubo hanggang sa kamatayan. Umiikot din ang tema ng
Musika sa pagkakaroon ng araw at gabi at mga ordinaryong pangyayari sa buhay tulad ng kasalan
anibersaryo at araw ng pasasalamat. Ang ilang tugtugin patungkol sa kabuuang yugto ng buhay ay ang
mga oyayi. Nakilala rin noon ang tunog epiko na naglalarawan ng buhay ng mga bayani. Ilan sa mga ito
ay Olaginon at Agyu ng Bukidnon, Radia Madaya sa Maguindanao at Darangen ng Maranao. (Rose ann
Il/MUSIKA/scribd.com)

PANAHON NG KASTILA

Sa kanilang pagdating noong 1521 ay naabutan ng mga Kastila ang uri ng musikang kumakatawan sa
esensya at ritmo ng buhay katutubo. Ang bawat gawain, okasyon, at pagtitipon ay kinapapalooban ng
musika na umaalala sa kanilang mga dios (Blairand Robertson 69). Dahil dito ay ipinagbawal at binura sa
kaisipan ng mga katutubo ang musikang nag-uugat sa kanilang kultura (Mirano 5) at kasabay nito ay
inihasik ng mga Kastila ang isangpananampalatayang base sa Judeo-Kristiyano. Kung ang binura ay mga
awiting nagsasaad ng mga buhay at gawa ng mga ninuno at anito ng katutubo, ang ipinalit naman ay
mga awiting nagsasaad din ng buhay at gawa ng pundasyon ng Iglesya-Katolika sa Kapuluan—ni Marya,
ng Dios, ni Kristo/Santo Niño at iba pang mga santo. Bilang mahusay na instrumento sa pagsasalin ng
kaalaman at tradisyon, ang musika at awit ng katutubo ay pinalitan ng musika at awit ng ritwal ng
simbahang Katoliko (Bañas 29) upang gamitin sa pagsamba (noong una, ipinakilala ng mga Kastila at
ipinaawit sa mga katutubo ang plainsongs o Gregorian chants; nang lumaon, sa mga huling dekada ng
ika-19 dantaon—dahil na rin sa pagkahilig ng huli sa musika ng teatro—mga musika naman mula sa
opera) (Lala 161; Gironiere 39).

Isa sa mga unang pagtatangka ng mga Kastila sa pormal na pagsasanay ng mga katutubo sa arte ng
Kanluraning musika ay matatagpuan sa Lumbang, Laguna. Sa pangunguna ni Padre Juande Garovillas,
noong 1606, ay nagtayo ang mga Fransiskano ng isang seminaryo sa nabanggit na lugar. Dito ay sinanay
sa pag-awit at pagtugtog ang 400 batang lalaki mula sa iba’t ibang probinsya.

Ang mga batang ito na rin ang nagkalat ng impluwensiyang kanilang nakalap mula sa seminaryo,
sapagkat sa kanilang pagtatapos ay muling pinabalik ang mga ito sa pinanggalingang lugar upang ibahagi
at gamitin ang bagong kaalaman (Bañas 29). Sa kabila ng malawakang pag-ampon ng mga katutubo sa
musika ng dayuhan ay napanatili ng mga katutubo ang ilan sa mga katangian ng kanilang musika.
Masasabing di madaling sumuko ang katutubong praktika sa musika, sa halip ito ay nakipagbuno at
kinalaunan ay nagbunga ng mga tugtugin at awiting halo ng sinauna at makabagong katangian. Ang
makabago ay ang ritmo, porma, atmelodi ng Kanluran (Mirano 117-37).

Marami ring porma at ritmo ang taos na tinanggap ng mga katutubo. Ang habanera, polka, villancico, at
iba pa ay makikilala sa mga rehiyunal na mga awitin. Halimbawa, ang Balitaw ng Kabisayaanay may
pagkakahawig sa Jota; ang habanera ay makikilatis sa La Flor de Manila (Sampaguita) ni Dolores Paterno
(1880s). At ang Villancico na higit na popular sa Kabikolan ay inampon naman ng Simbahang Aglipayan.
Ani Rubio, “[t]he locally made villancicos were almost the exact replicas of the Spanish”.

PANAHON NG AMERIKANO

Ang panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas ay nagdala ng maraming pagbabago sa nakagisnang kultura
ng katutubo. Ang mahigit tatlong dantaon ng Espanya sa Kapuluan ay nag-ugat na sa maraming aspeto
ng kulturang Pilipino. Ang pampubliko ng edukasyon bilang ahente ng kaisipan at kulturang Amerikano
ay agad na ipinatupad (Chamberlin 80-1) di lamang upang masimulan ang panibagong pagkolonisa kundi
upang buwagin ang nakaraang nakagisnan at nakagawian ng mga Indio sa ilalim ng mga Kastila.

Dahil sa tumitinding pagsiklab ng damdamin laban sa mga dayuhan at para sa Pagasa sarili ng bayan, ang
panahon ng rebolusyon laban sa mga Kastila noong 1890s at pakikibaka laban sa mga Amerikano nang
mga sumunod na taon, ang mga musikong Pilipino ay nakilaban, kasama ng mga rebolusyunaryong
Pilipino, sa pamamagitan ng kanilang talino sa paglikha. Kaagapay ng mga manunulat sa larangan ng
literatura, nagluwal ang mga ito ng mga subersibong katha na nagpaliyab ng damdamin ng mga Pilipino
para sa sariling bayang sinakop. Ngunit ang iba, katulad ni Julio Nakpil, ay tuwirang nakilahok sa pag-
aalsa (Alzona, Julio Nakpil n.p.). Di pantay, walang katiyakan, at naglalaban ang ekspresyon ng mga
tambalan ng Pilipinong kumpositor at manunulat sa literatura. May mga grupong pumupula sa mga
bagong mananakop at may pumapanig din dito. Bunga ng huling tambalan ay mga obrang ginanap na
nagpapahiwatig ng pagtanggap sa mga dayuhan. Noong ika-16 ng Agosto, 1902, ay itinanghal ang
operang Sandugong Panaginip sa Zorilla Theater, ang unang opera na nilikha ng Pilipino. Ang teksto ay
isinulat ni Pedro Paterno at nilapatan ng musika ni Ladislao Bonus. Ang istorya nito ay umiikot sa
kolaborasyon ng mga Pilipino at Amerikano. Mahalagang banggitin na ang opera ay nagwawakas sa
tugtuging Pambansang Awit ng Pilipinas (“LupangHinirang”) habang ang mga artista sa entablado ay
nakayakap sa estatwa ng Liberty na nagrerepresenta sa bansang Estados Unidos. (Bañas 203)

1980’s

Sa pagdating ng 1980’s dito nagsimulang gamitin ang musika upang maghimagsik laban sa gobyerno lalo
na noong EDSA Revolution. Musika ang naging paraan nila upang ipaglaban ang karapatang pantao
noong panahon ng EDSA Revolution at upang hindi na dumanak pa ng dugo. Oktubre 27, 1989 noong
itinatag ng isang pamahalaan na naglalayong maisalungat at mabigyan ng proteksyon ang OPM music sa
Pilipinas, ang organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit o OPM.

1990’s

1990’s noong nagsimula ng lumabas ang mga bandang Pinoy na hanggang sa ngayon ay kinikilala pa rin
ng mga Pilipino at nag-iwan ng malaking impluwensya para sa mga pausbong na mga musikero,
manunulat at mang-aawit. Sa kasalukuyan, marami na ang naglabasang banda at solong mang-aawit sa
iba’t ibang sulok ng bansa na gumagamit ng iba’t ibang istilo sa pagbuo ng awit. Dito din nauso ang mga
Rap songs na kinagiliwan ng mga makikinig dahil sa makata at mabilis nitong musika at pagkanta.

20th Century

Ayon kay Walker sa Music Education: Cultural Values, Social Change and Innovation (2007), ang
terminong popular sa larangan ng musika ay nagpapatungkol sa pagtangkilik ng karamihan ng tao sa
particular na musika.

Ang “Popular Music” sa kultura ay nangangahulugang musikang kumite ng Malaki, Nakagawa ng


madaming kopya ng Compact Dics o CD at kinanta g isang Pop Idol.

Maraming bagong istilo ng musika ang umusbong pa noong 20 th Century, maraming mang-aawit at
manunulat ang umusbong dahil sa lalong pagsikat ng Musika sa Pilipinas na hinaluan ng mga Banyagang
musika na nagbigay inspirasyon para sa mga lokal na manunulat at mang-aawit. Dito na din umusbong
ang mga mang-aawit na nirerepresenta ang bansang Pilipinas upang lumahok sa ibang bansa sa
pamamagitan ng pagkanta kagaya na lang ni Apl De Ap, na ibinida ang naging buhay niya sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pagkanta. Nang dahil sa mga Pilipino Artist na ito ay mas lalong nakilala ang bansang
Pilipinas at wikang Pilipino.

III. Mga ibat-ibang uri ng Genra ng Musika ngayon at bakit ito tumatak sa mga Kabataan

Mayroong labing isang (11) Genra ng Musika sa Pilipinas, Ito ay Music of the Philippines, Philippine Folk
Music, Pinoy Pop, Kundiman, Pinoy Rock, Manila Sound, Pinoy Hip-Hop, Pinoy Reggae, Kapanirong,
Bisrock at Kulintang.

Ang mga Genra na tumatak sa mga Pilipino noong 1990’s hanggang ngayong henerasyon ay Pinoy Pop,
Pinoy Rock, Pinoy Hip-Hop at Pinoy Reggae. Madaming kabataan na makikinig ang nahumaling sa mga
Genrang ito dahil sa nakakaindak na tugtugin, sa makatang liriko at sa ibang klasing istilo ng pag-awit. Ito
ang nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino upang maging masaya ang mga alaala nila noong kabataan
nila. Kagaya na lang ng mang-aawit na si Francis “Kiko” Magalona na siyang nagbigay ng malalim na
inspirasyon at kahulugan sa kulturang Pilipino, sa Kasaysayang Pilipino at sa Wikang Pilipino na hanggang
ngayon ay nakatatak pa rin sa mga Pilipino.
IV. Ang pinagka-iba ng Musikang Pilipino noon sa Musikang Pilipino ngayon

Noong dating henerasyon, ang Genrang kundiman ang sumikat sa Musikang Pilipino na mayroong
swabeng daloy ng himig at malumanay na ritmo ng musika. Ang kundiman ay isang tradisyonal na
musika na ginagamit upang umakyat ng ligaw ang isang lalaki sa kanyang iniirog. Ito ay mayroong
malalim na liriko tungkol sa kwentong pag-ibig.

Ngayong Henerasyon, ang Genrang Pinoy Pop, Pinoy Rock at Pinoy Hip-Hop ang sumikat sa Musikang
Pilipino. Ang Pinoy Pop ay kapanahunang uri ng musika na pinasikat ng mga lokal artist na sumasabay sa
mga aktwal na banda na may mataas na tono o himig. Mayroong iba’t ibang uri ng liriko ang Pinoy Pop,
liriko na tungkol sa pag-ibig, liriko na tungkol sa buhay at liriko tungkol sa bigong pag-ibig. Ito ay sumikat
sa mga kabataan na may kahalintulad ng nararamdaman.

Ang Genrang Pinoy Rock ay sumikat na Musikang Pilipino, at ito ay binubuo ng isang grupo o banda na
mayroong gitarista, pianista, drummer at mang-aawit. Ang Pinoy Rock ay may iba’t ibang tema ng liriko
tungkol sa buhay, pag-ibig, kultura at kabiguan sa pag-ibig. Madaming kabataan ang nahumaling sa
Pinoy Rock dahil sa iba’t- ibang uri at nakakasindak na tono na mayroon ito.

Ang Genrang Pinoy Hip-Hop ay isang uri ng musika na mayroong makatang liriko tungkol sa buhay pag-
ibig, kultura at karanasan sa buhay. Napa-ibig ng Pinoy Hip-Hop ang mga kabataang Pilipinong tagapa
kinig dahil sa kakaibang bilis na pagbigkas ng liriko at mabilis na tono nito. Lahat din ng tagapakinig na
kabataang Pilipino ay napapaindak sa musikang ito.

V. Ang Epekto ng Musika sa mga Kabataan Ngayon

Mayroong Positibo at Negatibong epekto ang musika sa kabataan ngayon. Ayon sa DepEd, 2010 Sa
pamamagitan ng mataas na kalidad at kasiya-siyang programa, patuloy ang pag-unlad ng mga guro at
mag-aaral sa paggawa ng musika. Ilan sa mga patunay nito ay ang pagkakaroon nila ng mataas na
pagpapahalaga sa sarili, tiwala sa sarili, positibong pananaw sa buhay, at makabuluhang karanasan ng
pag-aaral. Ang musika ay nagsisilbing tulay na nagdurugtong ng bawat henerasyon.

Maraming mga kabataan ang kumukuha ng inspirasyon sa Musika, ito ang paraan nila upang mag-
tanggal ng stress sa pag-aaral, isa din ito sa nagiging katuwang nila sa pag-aaral. Nagiging sandigan ng
maraming kabataan ang Musika upang magpatuloy sa kanilang mga pangarap. Madaming kabataan na
din ngayon ang gumagamit ng musika upang mai-ekspres ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng
pag-kanta. Dahil sa mga makabagong paraan, mas nagiging kyumpansa ang mga kabataang Pilipino na
maging Mang-aawit at ipakita ang kanilang talento sa musika, dahil dito mas nagkakatinig ang mga
kabataan sa pamamagitan ng kanilang Musika.

Mayroong mga artist o mang-aawit na lumilikha ng liriko na medyo hindi kaaya-ayang pakinggan, pero
pinapakinggan ng ilang kabataan na nagiging repleksyon sa kanilang masalimuot na pinagdaanan sa
buhay. May mga Musikong mayroong liriko na minsan ay tungkol sa ipinagbabawal na gamot, may
lirikong bumabastos sa mga kakabaihan na hindi dapat tinatangkilik pero pinapakinggan ng ilang
kabataan na nakukuha ang mga ganitong ekspresyon ng musika at yung ibang kabataan na tumatangkilik
sa ganitong uri ng musika ay mga kabataang huminto sa pag-aaral o di kaya lumayas ng kanilang mga
tahanan dahil sa bisyo na kanilang hinaharap. Ngunit mas lamang naman ang mga gumagawa ng Musika
na nagiging inspirasyon sa nakakarami.
Bibliograpiya:

Wikipilipinas. (2021). Musika ng Pilipinas: Impluwensya at Kaugalian.

Nairetribo sa:

https://fil.wikipilipinas.org/view/Musika_ng_Pilipinas:_Impluwensiya_at_Kaugalian

Wikipedia. (2021). Musika ng Pilipinas.

Nairetribo sa:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Musika_ng_Pilipinas#:~:text=Ang%20katutubong%20musika%20ng
%20Pilipinas%20ay%20naimpluwensiyahan%20ng%20uri%20ng,habang%20ito%20ay%20tunog
%20Europeo

Scribd. (2020). Musika.

Nairetribo sa:

https://www.scribd.com/presentation/432290029/MUSIKA-ppt

Ang Musika sa Pilipinas: Pagbuo ng Polisi, 1898-1935. Assistant Professor at the Conducting and Choral
Ensemble Department of the UP College of Music. Raul Casantusan Navarro.

Nairetribo sa:

https://www.academia.edu/22721848/Ang_Musika_sa_Pilipinas

Pdfcoffee. (2022). Epekto ng Patuloy na Pagtangkilik ng mga Kabataan sa Makabagong Awitin.

Nairetribo sa:

https://pdfcoffee.com/docx-1--pdf-free.html

You might also like