You are on page 1of 10

KABANATA 1: KULTURANG PINOY AT KULTURANG POPULAR

MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
A- Nabibigyang pagpapahalaga ang Kulturang Pinoy at Kulturang Popular bilang isang Pilipino.
S-Nakagagawa ng bidyong nagpapakita ng mga Kulturang Pinoy na isinasagawa noon hanggang ngayon.
K- Komprehensibong naipaliliwanag ang kontekstong kulturang Pinoy at kulturang popular.

ANO ANG KULTURA?


 Ang kultura ay ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng tao o komunidad. Sa
Pilipinas naman, ang kultura ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng mga
dayuhang sumakop at ang mga katutubong Pilipino.
 Ang lahat ng lugar sa mundo ay may sariling kultura na magsisilbing pagkakakilanlan ng isang
lugar.
 Ito rin ang paraan ng pamumuhay ng mga taong nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining,
sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

ANO NGA BA ANG KULTURANG POPULAR?


Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso,
anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na
para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit
kanina at idinagdag pa ang internet.
Bakit ba napakaimportante sa mga taong makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular?
Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sa
kanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila
sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng
mga kumpanya at modernong mga bansa.
Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang
katanggap-tanggap. Ito ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga
pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit
ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin
maipakilala ang kanilang sarili.
Ilan sa mga bagay na bumubuo sa kultura:

 Awit
 Sining
 Kasabihan
 Kagamitan
 Mga Selebrasyon
Karamihan sa kultura ng Pilipino ay nakuha mula sa mga Espanyol na sumakop sa bansa. Subalit, kahit
matagal ang pagsakop nila sa Pilipinas, ang kulturang Pilipino ay patuloy pa ring makikita.
Halimbawa:

 Bayanihan o pagtulong sa kapwa


 Malaking pagpapahalaga ng Pilipino sa pamilya

MGA BAGAY NA NAKAIIMPLUWENSYA SA KULTURA


Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia,
Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at
Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga
Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay
maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay
pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng
pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Tsino.

RELIHIYON

 KRISTIYANISMO
Naimpluwensyahan ng Kristiyanismo ang kulturang Pilipino sa halos lahat ng mga tapyas, mula sa visual
art, arkitektura, sayaw, at musika. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay isa sa dalawang nakararaming
Katolikong Romanong (80.58%) nasyon sa Asya-Pasipiko, East Timor ang isa pa.

 ISLAM
Dumating ang mitolohiyang Islam sa Pilipinas noong ika-13 siglo sa pamamagitan ng mga daan ng
pangangalakal sa Timog-Silangang Asya. Itinatag ang paglago ng Islam ng iba't ibang uri ng mga sistema
ng paniniwala, lalo na sa mga timog-kanlurang bahagi ng kapuluan, kung saan niyakap ang sistemang
sultanato ng mga katutubo nang walang pangangailangan ng sapilitang pagbabagong-loob, dahil hindi
binalak ng mga relihiyosong mangangalakal na sakupin ang kapuluan. Sa kasalukuyan, halos 6% ng
populasyon ay Muslim at nakatipon ang karamihan sa rehiyong Bangsamoro sa Mindanao. Nasa ilalim ng
Sunni Islam ang karamihan ng mga Pilipinong Muslim ayon sa paaralan ng Shafi'i.
ARKITEKTURA
Bilang kolonya ng Imperyong Kastila nang 333 taon, ipinakilala ng mga Kastila ang Europeong
arkitekturang kolonyal sa Pilipinas. Naging dahilan ang pagkilala ng Kristiyanismo sa pagdala ng mga
Europeong simbahan at arkitektura na naging sentro ng karamihan ng mga bayan at lungsod sa bansa.

SINING-BISWAL
Nagsimulang lumikha ang mga Pilipino ng mga pinta sa tradisyong Europeo sa panahong Kastila noong
ika-17 siglo. Ang mga pinakamaaga sa mga ito ang presko sa simbahan, larawang relihiyoso mula sa mga
sangguniang Biblikal, pati na rin ang mga pag-ukit, iskultura, at litograpiya na nagtatampok ng mga
imaheng Kristiyano at kamaharlikaan ng Europa. Karamihan sa mga pinta at iskulutra mula sa ika-19 at
ika-20 siglo ay nakalikha ng halo ng mga likhang-sining na relihiyoso, pampulitika, at paisahe na may
mga katangian ng katamisan, kadiliman, at katingkaran.

SINING NG PAGGANAP

 PAGSASAYAW
Kabilang sa mga Pilipinong katutubong sayaw ang Tinikling at Cariñosa. Sa timugang rehiyon ng
Mindanao, ang Singkil ay isang sikat na sayaw na nagpapahayag ng kwento ng isang prinsipe at prinsesa
sa gubat. Nakaayos ang mga kawayan sa isang huwarang tic-tac-toe kung saan kumakasangkapan ang
mga tagasayaw sa lahat ng mga posisyon ng mga magkasalungat na kawayan.

 MUSIKA
Itinampok ng antigong musika ng Pilipinas ang pagkahalo ng tunog katutubo, Islamiko, at iba pang tunog
Asyano na yumabong bago ang kolonisasyong Europeo at Amerikano sa mga ika-16 at ika-20 siglo.
Tumugtog ang mga dayuhang Kastila at mga Pilipino ng mga iba't ibang instrumentong pangmusika,
kabilang ang mga plauta, gitara, yukulele, biyolin, trumpeta, at tambo.

PANITIKAN
Magkakaiba at masagana ang panitikan ng Pilipinas, at nagbabago nang nagbabago ito sa mga siglo.
Nagsimula ito sa mga tradisyonal na alamat na nilikha ng mga sinaunang Pilipino bago ang panahon ng
mga Kastila. Nakatuon ang panitikang Filipino sa tradisyong kultural ng bansa bago ang kolonisasyon at
ang mga kasasayang sosyo-politikal ng kanyang kolonyal at kapanahong tradisyon.

SINE AT MIDYA
Ang mga taon ng paghubog ng pelikulang Pilipino, na nagsimula noong dekada 1870, ay naging panahon
para sa pagkatuklas ng pelikula bilang bagong paraan para ipahayag ang mga likhang-sining. Nagmula
ang mga iskrip at karakterisasyon sa mga pelikula sa mga sikat na dulaan at panitikang Pilipino.
Dahil sa mabilisang paglabas ng mga pelikula sa nakaraan, lumitaw ang iilang mga artista sa higit sa
100+ papel sa Pelikulang Pilipino at ikinalugod ang pagkilala sa kanila mula sa mga tagahanga at
manonood.
LUTUIN
Nagluluto ang mga Pilipino ng sari-saring pagkain na naimpluwensyahan ng Indyano, Tsino, at ng mga
katutubong sangkap.

RITWAL NG PAGTULI
Bawat taon, madalas sa Abril at Mayo, pinapatuli ang libu-libong mga Pilipinong batang lalaki. Ayon sa
Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO), halos 90% ng lalaking Pilipino ay natuli, isa sa
pinakamataas na antas ng pagtutuli.
EDUKASYON
Naimpluwensyahan ang edukasyon sa Pilipinas ng mga ideolohiyang at pilosopiyang Kanluranin at
Silanganin mula sa Estados Unidos, Espanya, at ng kanyang mga karatig na Asyanong bansa.
LARO
Ang arnis, isang uri ng sining panlaban, ay ang pambansang laro sa Pilipinas. Kabilang sa mga
pinakasikat na laro ang basketbol, boksing, putbol, bilyar, ahedres, ten-pin bowling, balibol, karera ng
kabayo, Sepak Takraw at sabong. Sikat din ang dodgeball, badminton, at tenis.
Ang isang laro ng lahing Pilipino ay ang luksong tinik. Ito ay isang napakasikat na laro sa mga kabataang
Pilipino kung saan kailangang lumundag sa tinik at tumawid sa kabila nang hindi masaktan. Kabilang din
sa mga ibang laro ng lahing Pilipino ang yo-yo, piko, patintero, bahay kubo, pusoy, at sungka.
PAGDIRIWANG
Nagmula ang mga pagdiriwang sa Pilipinas, kilala bilang mga pista sa Pilipinas mula sa kapanahunang
kolonyal ng Espanya noong ipinakilala ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa bansa. Mayroong
nakatalagang patrong santo ang karamihan ng mga Pilipinong bayan at lungsod. Panrelihiyon o
pangkultura ang mga pista sa Pilipinas.

MGA KATANGIAN NG ISANG INDIBIDWAL NA 100% PINOY


BAYANIHAN
 Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o
saan man kailanganin ng tulong.
 Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at
ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa
man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang
inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay
bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong
madama ang kabigatan nito.
 Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.

MATINDING PAGKAKABUKLOD-BUKLOD NG MAG-ANAK


Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang
pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira
malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring
mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga
lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala

PAKIKISAMA
Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting
pakikitungo sa iba.

HIYA
Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na
kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; at kung sila ay nakagawa ng
kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi
kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda
kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ang isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay
nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.

UTANG NA LOOB
Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang
dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.

AMOR PROPIO
Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. 

DELICADEZA
Isang ugali na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar. Kailangang ang pagkilos ay tanggap
ng lipunan upang hindi marumihan ang dignidad ng mag-anak.

PALABRA DE HONOR
"May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita
o pangako.

PAGTAWAG NG “ATE” AT “KUYA” SA NAKATATANDANG KAPATID


Kung sa ibang bansa ay sa pangalan lang tinatawag ng mga bata ang mga nakatatanda nilang kapatid, dito
sa Pilipinas, ang tawag sa kapatid na matandang babae ay “ate” habang “kuya” naman ang tawag sa
kapatid na matandang lalaki. Simbolo ito ng respeto sa mga nakatatandang kapatid. Isa ito sa mga
ipinagmamalaking tradisyon ng mga Pilipino.

PANGHAHARANA
Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng
lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa
mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng
kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. Kaya kung naghahanap ka kung ano
ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko, harana ang sagot d’yan.

MALUGOD NA PAGTANGGAP SA BISITA


Gustong-gusto ng mga banyagang bumibisita sa Pilipinas ang magandang asal ng mga Pilipino gaya ng
malugod na pagtanggap sa bisita. Sa katunayan nga, kilalang isa sa pinaka hospitable locals ang mga
Pilipino. Dahil dito, talagang binabalik-balikan nila ang Pilipinas. Ang malugod na pagtanggap sa bisita
ay isa sa mga kaugalian ng Pilipino na ipinagmamalaki.

PAGGALANG SA MATATANDA
Lubos na magalang ang mga Pilipino, mapamatanda man o bata, kahit sino pa ang kausap, magalang ang
pananalita ng mga lokal. Ilan sa mga tanda ng paggalang sa matatanda ay ang pagmamano, pagsasabi ng
“po” at “opo”, pagtulong sa kapwa, at marami pang iba.

PAGMAMANO
Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ayon ay hindi pa rin nawawala ay ang pagmamano.
Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay
sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa
lang ay tinuturuan na ng matatanda ang kaugalian na ito.

PAMAMANHIKAN
Isinasagawa ag pamamanhikan kapag ang isang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na
hinihingi ng lalaki ang kamay ng kaniyang nobya sa harap ng kanilang mga magulang at iba pang
malalapit na kaanak o kaibigan. Pagkatapos nito ay may salo-salo at sa hapag pinag-uusapan ang detalye
ng kasal. Bagamat moderno na ang panahon ngayon, isa ito sa nananatili pa ring mga kaugalian ng mga
Pilipino.

PAGDARASAL BAGO KUMAIN


Bago kumain, nakagawian na ng mga Pilipino ang pagdarasal. Dito ay nagpapasalamat sila sa mga
pagkaing nakahain, ang pagsasama-sama nila, at iba pang mga biyayang natanggap nila. Likas kasing
relihiyoso ang mga Pilipino kaya isa ito sa magagandang halimbawa ng kultura sa bansa.

PINOY KA KUNG….
1. Lumilingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo.
8. May dalawang malalaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng
hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may
vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at
ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag Sabado at Linggo, pati na rin Lunes, Martes, Miyerkules…. araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa
kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang
gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Nag-uuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa
alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

KAKAIBANG GAWAIN NG ISANG PINOY

PAMAMANHIKAN
Isa ito sa mga mahahalagang tradisyong Pilipino. Kalimitang ang pamilya ng babae ang nangangasiwa
nito. Ang ikakasal na lalaki at ang kaniyang mga magulang ay dadalaw sa pamilya ng babae para pormal
na hingin ang kamay ng dalaga bilang mapapangasawa at para mapag usapan ang darating na kasalan.
Kaugalian nang may dalang regalo ang bumibisitang pamilya. Isang magandang daan ito para sa
dalawang partido na magkakilala.

HINDI PAGPAPAKITA NG LALAKI SA BABAE BAGO ANG KASAL


Ang hindi pagpapakita ng lalaki sa babae bago ang kasal ay kaugalian ng mga taga Mindanao at maging
ng mga taga ibang rehiyon. Paniniwala kasi ng mga Pilipino, malas daw kapag nagkita ang magsing-irog
bago ang kanilang kasal.

PAGSAMA-SAMA NG PAMILYA
Karaniwang sa mga pagtitipon nagkakasama-sama ang pamilya gaya ng Pasko, kasalan, pagkamatay ng
isang mahal sa buhay, Bagong Taon, at araw ng kapanganakan. May mga pamilya namang nagtitipon-
tipon kahit walang espesyal na okasyon. Layunin ng pagtitipon-tipon na mapanatili ang malapit na pag-
uugnayan ng mga kasapi ng pamilya na lubhang pinahahalagahan ng mga Pilipino.

PAGKAHILIG SA PISTA
Karaniwang may handaan tuwing pista sa isang lugar. Maliban sa salo-salo ng pamilya at bisita, may
misa, parada, at iba-iba pang programa tuwing pista.

TALASANGGUNIAN

Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakilanlang Pilipino. (2016, October 8). Slideshare.


https://www.slideshare.net/edithahonradez/araling-panlipunan-yunit-ii-aralin-15-ang-kultura-at-pagbubuo-ng-pagkakakilanlang-
pilipino 

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas (n.d). Pilipinas bid. https://www.pilipinas.bid/2019/06/ang-pambansang-awit-ng-


pilipinas.html

Ano Ang Kultura? – Kulturang Pilipino. (2020, January 6). Philippine News. https://philnews.ph/2020/02/06/ano-ang-kultura-
kulturang-pilipino-philippine-culture/
Awitin noon at ngayon (n.d). Wordpress. com. https://kulturanoonbuhaypabangayon.wordpress.com/2019/02/24/mga-awitin-
noon-at-ngayon/

Dableo, W. (n.d). Top 10 Relihiyon sa Pilipinas. AffordableCebu.com.


https://www.affordablecebu.com/load/spiritual_religion/top_10_relihiyon_sa_pilipinas_at_kanilang_paniniwala/12-1-0-30883

IQuestionPh. (2020, August 18). Ano ang mga Kasuotan sa Pilipinas na Bahagi ng Ating Kulturang Materyal? [Video]. Youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=2mdMo3kWSWc

You might also like