You are on page 1of 34

r a l i

Anlipunan n g
Pa Quarter 3 Week
3-4
Balik Aral
Ano ang ating itinalakay noong nakaraang
linggo?
LIKE OR DISLIKE
IC E B R E A K E R G A M E
LIKE OR DISLIKE
LIKE OR DISLIKE
LIKE OR DISLIKE
LIKE OR DISLIKE
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
• Nasusuri ang pagbabagong kultural ng
mga Pilipino sa panahon ng Espanyol;
• Napahahalagahan ang kultura ng mga
Pilipino; at
• Naihahambing ang mga pagbabago
sa kultura sa panahon ng Espanyol at
kasalukuyan
“Baryo San Antonio”
ni Hazel V. Cruz
Sa aming baryo na tawag ay San Antonio
Kung saan maraming alaalang aking maikukuwento
Mga tao na nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaunawaan
Isang baryo na di maikakaila ang kagandahan

Mga larong tunay namang napakasayang balikan


Sipa, patintero, palo-sebo, piko, tumbang preso’t taguan
Tatakbo nang tatakbo hanggang maramdaman ang tiyan
Kakain ng masarap na luto ni lola na empanada’t leche flan
“Baryo San Antonio”
ni Hazel V. Cruz
Sa kapistahan ng aming Patron, marami dito’y dumadayo
Mga handang binalik-balikan kaldereta, paella’t menudo.
Mga bandang lumilibot sa aming munting baryo
Tunay na nagbibigay ng saya sa aming mga puso.

Mga iba’t ibang pagdiriwang akin ding inaabangan


Tulad ng Simbang Gabi sa tuwing sasapit ang kapaskuhan
Prusisyon ng mga naggagandahang babae sa Santacruzan
At Mahal na Araw na kailangan nating pagnilayan.
“Baryo San Antonio”
ni Hazel V. Cruz
Sa pagbabalik ko sa aking sintang baryo
Maraming natantong mga pagbabago
Dahil sa sakuna at trahedyang natamo
Na ngayon ay bumangon at inspirado

Mga bahay na payak noon at simpleng mga kubo


Ngayo’y naglalakihan at napakagarbo
Gayonman hindi naalis ang mga paniniwala sa aming mga
puso
Mga Katanungan
1.Tungkol saan ang tula?
2. Paano inilarawan ng may akda ang baryo San Antonio?
3. May pagkakahalintulad ba ito sa inyong lugar o baryo? Kung meron
ano-ano ang mga ito?
4. May mga naganap din bang mga pagbabago sa iyong pamayanan?
Isalaysay ito.
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang iyong baryo
na iyong kinabibilangan?
Araling Panlipunan 5 (Quarter 3 - Week 3 & 4)

“ Mga Pagbabagong
Kultural sa Panahon ng
Espanyol “
Handa na ba kayo?
Panahanan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay nagtayo ng mga tirahan na
malapit sa mga baybayin at sa tabing ilog. May mga nanirahan din sa
mga kabundukan. Ito ay upang malapit sila
sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.
Ang disenyo ng mga tirahan ng mga Pilipino
ay kadalasang yari sa mga likas na
materyales tulad ng kawayan, buho, cogon at
ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang
tirahan ng mga Pilipino ay tinatawag na
bahay kubo.
Panahanan
Sa pagdating ng mga Espanyol nagbago rin ang estruktura
ng tirahan ng mga Pilipino. Ipinakilala ng mga Espanyol
ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang
unang palapag nito sa bato at ang ikalawang palapag
naman ay yari sa matigas na kahoy. Kung susuriin ang
bahay na bato na ipinakilala ng mga Espanyol ay halos pareho
ng bahay kubo. Mas matibay lamang dahil ginamitan ito ng
bubong na tisa, batong adobe, semento, baldosa at
matitibay na kahoy. Malalaki at maluluwang ang bintana
upang malayang makapasok ang hangin. Mayroon din
itong azotea o balkonaheng na ginagawang pahingaan at
pagtanggap ng bisita. Marami pa rin ang ganitong bahay sa
Pilipinas.
Lutuin
Ang impluwensiya ng mga Espanyol sa pagkaing
Pilipino ay makikita pa rin hanggang sa
kasalukuyan. Natutuhan ng mga Pilipino ang
pagluluto ng longganisa, tocino, embutido,
bistek, callos, torta, pochero, eschabeche,
menudo, afritada, relleno, mechado, caldereta
at estefado na madalas makikita sa tuwing may
pagdiriwang. Nariyan din ang arrozcaldo,
empanada, paella, chirachon at leche flan.
Pananamit
Unti-unting natutuhan ng mga Pilipino ang magsuot ng mga damit na may mga istilong
Espanyol. Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at
sapatos. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng sombrero, mahabang
pantalon, dyaket, camisa chino, ropilla at sapatos. Ang mga kababaihan naman
ay natutong magsuot ng saya (mahahabang palda) at kimona (blusang yari sa
pinong tela). Minsan sinasamahan nila ito ng panuel a o malaking panyo na
ipinapatong sa balikat at mantilla o alampay. Naimpluwensyahan din ng mga
Espanyol ang pagsusuot ng panyeta o panggayak na suklay sa buhok.
Nakagawian din nilang magdala ng abaniko at panyolito.
Pananamit alampay

panyeta

mantilla

tsinelas
Edukasyon
Sa panahon ng mga Espanyol, ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ay pinasimulan. Ang mga
prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Layunin nito na turuan ang mga Pilipino na
mamuhay sa pamamaraang Kristiyano. Dito nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang paaralan at kolehiyo.
Ang pagtuturo ng asignaturang tulad ng katekismo o relihiyon, pagsulat, pagbasa at aritmetika ang
tanging pokus ng mga paaralan. Ang mga paaralang ito ay eksklusibo lamang sa mga kalalakihan
bago pa man sumapit ang ika-19 na siglo. Noong ika-19 siglo lamang sila unang tumanggap ng kababaihang
Pilipino. Ang mga paaralan para sa kababaihan ay nakapokus ang mga aralin sa mga gawaing bahay at
paglilingkod sa simbahan. Layunin ng mga kolehiyong ito na ihanda ang kababaihan sa pag-aasawa at
pagpasok sa kumbento. Itinuturo dito ang kagandahang asal, musika, pananahi at pag-aayos ng
tahanan.
Edukasyon
Edukasyon

May mga paaralan ding bokasyonal kung saan itinuturo ang mga kasanayan
tulad ng agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero at pagkukulay ng tela.
Laro
Marami ring mga larong Pilipino ang
naimpluwensya ng mga Espanyol. Ang
mga larong ginagamitan ng kard ay
nakuha natin sa mga Espanyol tulad ng
Juego de prenda, Pangguinggui,
Kuwaho at Siete-siete. Mga larong
panlabas naman ang mga Patintero,
Sipa at Palosebo.
Pagpapangalan
Batay sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso
Clavera Bautista, binigyan ng apelidong Espanyol
ang mga Filipino tulad ng Dela Cruz, De los
Santos Santiago at iba pa. Mayroong nakatalang
mahigit na 61,000 na pagpipiliang apelido sa
Catalogo Alfabetico de Apellidos. Binago rin ng
mga Espanyol ang pangalan ng mga pook, pueblo
na kalimitan ay hinango sa pangalan ng mga
patron at santo tulad ng San Isidro, San Antonio,
Del Rosario, Sta. Maria at iba pa.
Trivia
“Claveria Time!
Decree of 1849”
Isa sa mga gobernador-heneral na namuno sa bansa si Gobernador-heneral Narciso Claveria y Zaldua (nagsilbi mula 1844-1849). Hindi ganoon
katunog ang kanyang pangalan ngunit siya ay may malaking kontribusyon sa mga Pilipino na dama natin hanggang ngayon. Isa sa pinakamahalagang
kontribusyon ni Claveria sa kasaysayan ng ating bansa ay ang kanyang decree na inilabas noong November 21, 1849. Sa naturang dikri, iniutos ni
Claveria ang pagkakaroon ng apelyido ng mga Filipino. Dahil walang isang sistemang umiiral ukol sa apelyido noon, nahihirapan ang mga
Espanyol sa paniningil ng buwis maging sa mga sensus. Ang mga katutubong Filipino na nagpa-convert sa Kristiyanismo ay nakaugalian ring
gumamit ng mga apelyido mula sa mga santo – gaya ng De Jesus, De la Cruz, De los Santos, at Del Rosario, na nagdudulot ng kalituhan. Bilang
reporma, kasabay ng paglalabas ni Claveria ng dikri noong November 1849, inilabas rin niya ang ‘Catalogo alfabetico de apellidos’ (Alphabetical
catalogue of surnames). Ang ‘Catalogo’ ay talaan ng higit 61,000 apelyidong pagpipilian ng mga tao alinsunod sa dikri ni Claveria. Binubuo ito ng
higit 141 na mga pahina at ipinakalat sa buong bansa sa pamamagitan ng mga gobernador ng bawat lalawigan. Ilan pa sa mga apelyido na
pagpipilian doon ay medyo kakatwa tulad ng Baboy, Onggoy, Baca (cow), Balbon (hairy), Balbas, Bangcay, at Dilangbutiqui (lizard tongue), Dilis,
Dilangbaca, Dilangusa (deer tongue). Mahigpit na ipinatupad ang dikring ito ni Claveria. Ipinagpatuloy ito ng mga sumunod na gobernador-heneral.
Katunayan, isa ang ina ni Rizal sa mga inaresto at pinarusahan dahil sa hindi pagsunod sa dikring ito.
Musika
Madaling natutuhan ng mga Filipino ang pagtugtog
ng mga instrumentong pangmusika tulad ng pluta,
biyolin, harpa, at piano na dala ng mga espanyol
sapagkat kahalintulad ito ng mga instrumentong
katutubo sa kanila. May ilang relihiyosong tradisyon sa
musika na nabuo sa labas ng simbahan. Sa paghahalo ng
sinaunang tradisyob at mga bagong natutuhang musika
mula sa mga Espanyol ay sumibol ang tradisyon sa
pabasa, Flores de Mayo, santacruzan, panunuluyan at
salubong. Sa panahon ng Espanyol ay napatanyag din
ang Harana - isang uri ng kundiman o awit ng
pagsinta na inaawit sa aharap ng tahanan ng
dalagang nililigawan.
Sayaw
Nahaluan din ng impluwensiyang Kanluran ang mga
katutubong sayaw ng mga Pilipino. Sinayaw ang Itik-
Itik at Tinikling sa indayog at tempo ng la jota at
polka. Ang dinala nilang sayaw na jota ay nagkaroon
ng magkakaibang bersiyon sa iba’t-ibang rehiyon ng
Pilipinas. Ang sayaw nilang Fandango ay kinilala sa
bansa na pandanggo sa ilaw. Kapuwa naging sikat na
sayaw sa mga pista at pagdiriwang sa panahong iyon ang
la jota at pandanggo. Maliban sa mga ito ay nakilala rin
ang mga sayaw na rigodon, pasakat, lanceros,
mazurka at surtido.
Panitikan
Upang mapabilis ang pagpapalaganap ng mga aral ng
Kristiyanismo, dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas ang
sistema ng palimbagan. Ipinasunog ang ilang nasulat na
katutubong panitikan at napalitan ng mga kuwento ng
pagpapakasakit ni Kristo at ang pangako niyang buhay na
walang hanggan.

Noong 1593, nalimbag ang Doctrina Christiana , ang


unang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng mga dasal.
Isinalin ito sa wikang Tagalog. Ang mga tagasalin na
Filipino ang siyang naging mga unang manunulat sa
wikang Espanyol. tinawag silang ladino. Ipinakilala
rin ng mga espanyol ang dasal, nobena, talambuhay
ng mga santo, mga awit, korido, tula, kuwento, at
sarsuwela.
Panitikan
Lumaganap at naging limitado sa temang panrelihiyon ang mga likhang pinta at
estruktura sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo. Kalimitang ipininta at
inukit ang wangis ng mga santo, Birheng Maria, ang Banal na Santatlo, at ilang
mahahalagang tagpo sa Bibliya. Nag-ukit din sila ng mga disenyo sa pintuan, haligi,
sulok, pulpito ng simbahan, gayundin sa carroza o sasakyang ng mga imahen ng
santo tuwing may prusisyon.
Mula sa paglilihok ng anito ng anito ay naging imahen ng mga santo at retablo o
altar ng simbahan ang kanilang ginawa. Isang halimbawa ng retablo ay
matatagpuan sa Simbahan ng San Agustin na inukit ni Juan de los Santos noong
1617.
Sining
Lumaganap at naging limitado sa temang panrelihiyon ang mga likhang pinta at
estruktura sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo. Kalimitang ipininta at
inukit ang wangis ng mga santo, Birheng Maria, ang Banal na Santatlo, at ilang
mahahalagang tagpo sa Bibliya. Nag-ukit din sila ng mga disenyo sa pintuan, haligi,
sulok, pulpito ng simbahan, gayundin sa carroza o sasakyang ng mga imahen ng
santo tuwing may prusisyon.
Mula sa paglilihok ng anito ng anito ay naging imahen ng mga santo at retablo o
altar ng simbahan ang kanilang ginawa. Isang halimbawa ng retablo ay
matatagpuan sa Simbahan ng San Agustin na inukit ni Juan de los Santos noong
1617.
Arkitektura
Noong simula ay yari lamang sa kawayan, pawid, at nipa ang mga simbahang
ipinagawa ng mga prayle. Sa pangambang madali itong masira ng sunog, lindol at
ulan, at bilang paraan na rin ng panindak sa mga Filipino, ay gumamit sila ng higit
na matibay at matatag na mga materyales. Ang San Agustin Church at Manila
Cathedral sqa Intramuros ay dalawa lamang sa maraming simbahang Katoliko na
itinayo ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang mga estrukturang tulad ng simbahan, gusaling pampubliko, at bahay na bato
noong panahon ng kolonyalismo ay ipinatayo batay sa estilong Antillean. Ang
estilong ito ay buhat ng Antilles sa Central America at hindi mula sa Spain.
Pinagsama nito ang impluwensiyang arkitekturang Byzantine, Baroque, Gothic, at
Moro.
WIKA AT SISTEMA
NG PAGSULAT
Noong 1593 ay inilimbag ang kauna-unahang aklat sa Pilipinas, ang Doctrina
Christiana - isang aklat-dasalan na nasusulat sa Spanish at may kasamang
pagsasalin sa wikang Tagalog - na para lamang sa prayleng Espanyol. Isa sa
pinakatanyag na ladino ay si Gaspar Aquino de Belen, ang manunulat ng Mahal na
Pasion ni Hesu Cristo, isang patulang salaysay sa pasyon, kamatayan at muling
pagkabuhay ni Hesus.
Sa malaking pagkakatulad ng tunog Spanish at mga katutubong wika tulad ng
Tagalog, Ilokano, at Bisaya, naging madali para sa Filipino na matutuhan ang wika
ng mga Espanyol. Kinalaunan, ang ilang salitang Spanish ay naging bahagi na rin
wikang Filipino tulad ng mesa, silya, litrato, pamilya, at kamusta. Samantala,
ipinagbawal din ng mga Espanyol ang paggamit ng baybayin sa pagsulat.
QUIZ TIME
A. Magbigay ng halimbawa ng impluwensiyang Espanyol sa kultura ng mga
Pilipino.
1. Lutuin
2. Pananamit
3. Laro
4. Musika
5.
Written Work
Sa isang buong short bondpaper, sumulat ng 1-5 pangungusap na
sumasagot sa katanungan sa ibaba. Lagyan ng disenyo ang iyong awtput.
Tanong:
“Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang impluwensiyang Espanyol
sa kulturang Filipino?”

You might also like