You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN

“BALIK TANAW”

Narrator: Magandang araw mga bata!

Alam nyo ba na tayong mga Pilipino ay mayroong ibat-ibang Kultura at Tradisyon dito sa
Pilipinas?!

Halina kayo’t tunghayan ang aming maiksing palabas na nagpapakita ng ibat-ibang uri
ng Kultura at Tradisyon ng Pilipinas.

Pero bago kami magsimula ay hayaan nyo muna akong maglahad ng kaunting
kasaysayan tungkol sa Kultura at Tradisyon ng Pilipinas:

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga


katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito
noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng España, na
tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang
Wikang Filipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita
galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong
Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang
mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga
Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay
kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang
sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng
mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay
nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa
India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura
ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong
paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal
na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa
wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay
pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at
pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Tsino.
Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng
kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

NARRATOR: Para sa aming pagtatanghal, narito po ang aking mga ka-grupo na


sina Ylane, Julia Emiko, Kyle, Kurt at Gian para ipakita ang ibat-ibang kulturang
Pilipino.

Ang unang Kultura na aming ipapakita ay ang pagdiriwang ng Fiesta or Pista……… (play
music “Pista sa Nayon and start acting)

Nagluluto sina Kurt at Gian sa bakuran…….Naghahanda ng pagkain si Kyle at Emiko sa


kanilang bahay. (Darating naman sina Julia at Elaine……)

Julia at Elaine: tao po! Tao po! Mareng Emiko! Pareng Kyle! Tao po!........Mare happy
fiesta!......(lumabas si Emiko)…..

Emiko: Uy Mareng Julia at Elaine! Tuloy kayo! Buti naman at nakarating kayo sa aming
kapistahan…pasok kayo sa aming munting tahanan

Julia: oo naman mare, talagang ginagawan namin ng paraan na makarating dito…..alam


mo namang matagal na naming panata na magsimba dito sa lugar nyo tuwing araw ng
kapistahan ng mahal na Sto Nino……..

Kyle: ay sya maupo muna kayo at ipaghahanda namin kayo ng makakain…..(pagkatapos


makapaghanda ng pagkain sa lamesa) pagpasensyahan nyo na ang aming handa
ha……hala sige kain muna kayo at mamaya na tayo magkwentuhan baka lulamig pa ang
pagkain,

(babasahin ng narrator habang kumakain sila)


NARRATOR: Ang piyesta o pista ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa isang
mahalagang araw na karaniwang kaarawan ng mga patron ng isang lugar o bayan. Ito at
isa ng tradisyon ng mga Pilipino, ipinagdiriwang ang pista bilang pasasalamat na rin para
sa mga biyaya na ipinagkakaloob sa mga tao ng mga santo at santa ng simbahan, bahagi
na rin ito ng ating kultura. Ang mga pista ay karaniwang tungkol sa relihiyon dahil sa
impluwesa ng mga Kastila. Ito ay ang panahon ng kasiyahan at galak para sa mga tao.

NARRATOR: Tunghanyan naman natin ang isa sa nakakakilig na kulturang Pilipino


na tinatawag na paghaharana at pagliligawan:
(Sina Gian, Kurt at Kyle ay tutugtog ng gitara sa harap ng bahay kubo ng magpipinsang
dalagita na sina Ylaine, Julia at Emiko)
Ang pamagat ng kanilang aawitin ay “Sa Lumang Simbahan”---------(play music)………
NARRATOR: Hayan! Nakita nyo naman kung papaano pakiligin ng ating mga binata ang
mga kadalagahan noon……sana all!
NARRATOR: Isa pang Kulturang Pilipino na ating tutunghayan ay ang Katutubong
Sayaw na Itik-Itik. (Dancers position then play music)
(babasahin habang sumasayaw sila)
Ang ítik-ítik ay isang sayaw na nagsimula sa masiglang pagsayaw ng Sibay sa saliw ng
musikang Dejado ni Cayetana (na mas kilala sa palayaw na Kanang) para sa mga bisita
sa isang binyagan sa Carmen, Lanuza, Surigao. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasayaw
ay napansin niya ang nakatutuwang galaw ng mga itik sa paligid na kaniyang ginagad.
Dahil nakatawag-pansin ang mga galaw ni Kanang, nagsimula na rin siyang gayahin ng
iba pang mga bisita. Sa masayang tagpong ito iniluwal ang mimetikong sayaw na itik-itik.
Idinaraos ang sayaw sa saliw ng rondalya. Ngunit kung minsan, maaari ring saliwan ang
pagsayaw ng awitan. Narito ang simpleng titik ng awit na sumasaliw sa pagsayaw: (Si
itik-itik ang babae at si Aliwaros naman ang lalaki)
Karaniwan, ang mga mananayaw na babae ay nakasuot ng patadyong kapag
sinasayaw ito. Barong tagalog o camisa de chino at puting pantalon naman ang suot ng
kalalakihan.

NARRATOR: Hayan! Nakita nyo na naman kung gaano kagaling sumayaw ang aming
grupo ng isang katutubong sayaw na tinatawag na Itik-Itik.
Ngayon naman ay tunghayan natin ang kanilang pag-awit ng isang katutubong kanta na
may pamagat na “Magtanim ay di biro” (play music)
(pagkatapos ng kanta ay humilera ang lahat sa unahan)
NARRATOR: At dito po nagtatapos ang aming munting pagtatanghal….sana po ay
may napulot kayong aral…..maraming salamat po….(Sabay-sabay magbow)

You might also like