You are on page 1of 4

DZRM

Scriptwriting and Broadcasting

September 8, 2015

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

Station ID: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

DZRM, otso otso sa palapihitan ng inyong mga radio

Anchor 1: Jeric Paglingayen

Anchor 2: Quennie De Leon

News Presenter: Jhunrey Corrales

Sports Reporter: Jhon Carlo Nadura

Scriptwriter: Rodalyn San Andres

Technical Application: Joseph Angelo Dela Torre

Infomercial: Princess Nogar

(Sound effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DZRM!

Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.

Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.

Voice: DZRM!

Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa DZRM , Narito ang
tambalng mag kasingko QJC.
Ito ang SINGKO BALITA!

(Sounds TING)

Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas ______ ng ______ , araw ng

Martes ,ikawalo ng Setyembre taong dalawang libo labing lima at isang pag bati para sa ating

Mahal na birheng Maria para sa kanyang kaarawan.

(Sounds magpapalit)
(Background music lively)

Anchor 1: Isang Mapagpalang ______ Pilipinas!

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay,_________

Anchor 1: At inyong kaagapay,___________

Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa….

SINGKO BALITA !

(Sound lalakas)

Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.

Anchor 1: Estados Unidos, mas nag palakas.

Voice: DZRM

Anchor 2: Duterte ,hindi na nag-asam ng anumang posisyon

Voice: DZRM

(dagling pagputol ng kanta)

Anchor 2: Para sa mga detalye

(Continue ng Background sound)

Anchor 1: Mas pinaigting ng Estados Unidos ang plano laban sa Islamic State .Mas pinaghandaan ng
puwersa ang pakikipagsagupaan sa Syria. Pinalaki rin ang bilang ng mga sundalo sa safer
zones at pagpapalawig ng kaalaman at kakayahan saa pakikipagsagupaan.Matapos ang
ginawang pag-atake ng Islamic State, dalawang lider ng US at ibang miyembro nito ang nabihag.
Ayon sa tagpagsalita ng US military na si Kapitan Chris Connoly alam nilang hindi magiging
madali ang misyon sa umpisa pa lamang.

Anchor 2: Duterte , hindi tatakbo sa pagkapangulo sa dadating na halalan ayon sa kanyang pahayag sa
Grand Menseng Hotel kahapon. Si Former Mayor Sara Duterte ang may posibilidad na
tumakbo sa pagka mayor sa susunod na taon habang ang isa pa niyang anak na si Sebastian
Duterte ay tatakbo bilang kongresista sa ikatlong distrito, Davao City. Nagpasalamat siya sa
mga patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanya. Sa kabilang banda patuloy ang pag
suporta niya sa kaniyang malalapit na kaibigan na tatakbo sa pagka senador sa susunod
taon, kabilang na dito sina Mark Villar ng Las Pinas, Roman Romulo ng Pasig at Samuel
Pagdillao ng ACT-CIS
(Sounds Malakas mag papalit)

Anchor 1: Korte suprema, Ipinagpaliban ang Payatas dump case.

Kasingko Jhunrey, ibahagi mo.

News Presenter: Ipinagpaliban ng korte suprema ang petisyon na inihain ng Alyansa ng mga samahang
Nag kakaisa sa Payatas na humingi ng mas pinaigting na kalinisan sa kanilang
Komunidad sa pangunguna ni Leonita Panoy dahil sa kakulangan sa mga kagamitan at
Papeles. Ang nasabing petisyon ay ipinaglalaban dahil sa masamang epekto nito sa
Kalusugan ng mga residente na nakatira malapit dito. Gayumpaman nananatiling hindi
sang ayon ang korte suprema dahil mauuri namang residente ang payatas at hindi
maaaring ituloy ang operasyon ngayon.
Anchor 1: Salamat Jhuhnrey, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang

Anchor 1&2: SINGKO BALITA

(Sandaling pag putol ng sounds)

(Bagong Sound effects)

Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang ako,
nababawasan, nauubos din.
Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan at
pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo. kaya
mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.

Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng


wasto ang tubig.
Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila water

(Malakas na pasok ng kanta Papahina)

(Pasok ng bagong kanta)

Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …

Voice: DZRM… DZZZZ… RADYO NG MASA … DZRM

Anchor 1&2: SINGKO BALITA.

(Sounds-Mag papalit)

Anchor 1: Para naman sa ating balitang isports,Mula sa Tapei, Kasingko Carlo , Ibahagi mo.
Sports Presenter: Matapos itanghal sa ikalawang puwesto ng William Jones Cup sa Taipei ang Gilas
Pilipinas na pinamumunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay naiipit sa
matinding sitwasyon sa pagkuha sa Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson para sa
final lineup na ipapasa ng Gilas hanggang ngayong tanghali para sa nalalapit na FIBA
Asia Championship. Ang pormal na desisyon para sa paglalaro ni Clarkson ay
magmumula sa SBP Executive Director Sonny Barios na siyang humiling sa pamunuan
ng FIBA sa Geneva, para makapaglaro ang nasabing LA lakers guard at ang
pangalawang pasiya ay magmumula sa LA lakers Head Coach Byron Scott. Ayon kay
Gilas Head Coach Tab Baldwin ang kumpletong lineup ay maipapasa ngayon subalit
hindi ipapaalam sa publiko . Lahat ay gagawin nila para sa Gilas at ang lineup na
ipapasa ay maari pang baguhin bago magsimula ang mga laro dagdag ni Baldwin. Ang
lineup na ipapasa ng Gilas ay ang “best choice “ para maiwasan ang “penalty roster
change” sa nasabing liga.
Mula sa Taipei, Kasingko Carlo, Naguulat.

(Sound lalakas)

Voice: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DZRM

Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang

sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Quennie De Leon

Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, Jeric Paglingayen

Anchor 2: Balitang tapat.

Anchor 1: Balitang Sapat .

Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat

Singko Balita .

Voice: DZRM, Otso-Otso.

You might also like