DCGJJ
Scriptwriting and Broadcasting
October 10, 2022
(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)
Station ID: DCGJJ! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.
Anchor 1: Janrick Panlubasan
Anchor 2: John Derrick Ayangco
News Presenter: Cyrus Cabili
Sports Reporter: DIn Lienard Dudas
Scriptwriter: Genrei De Jesus
Infomercial: Genrei De Jesus
(Sound effects malakas)
Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DCGJJ!
Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.
Voice: DCGJJ!
Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa DCGJJ , Narito ang
tambalang mag kasingko JJ.
Ito ang SINGKO BALITA!
(Sounds TING)
Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay ______ , araw ng Lunes ,Ika Sampo ng Oktubre taong dalawang libo
Dalawampu’t dalawa at isang pagbati sa ating mga mapagmahal na guro, Happy Teachers Month
(Sounds magpapalit)
(Background music lively)
Anchor 1: Isang Mapagpalang araw Pilipinas!
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay,_________
Anchor 1: At inyong kaagapay,___________
Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa….
SINGKO BALITA !
(Sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.
Anchor 1: Planong pagtakas ng napatay na 3 detainees sa Crame, pla nado na
Voice: DCGJJ
Anchor 2: ‘Undas’ posibleng maging COVID-19 super spreader event ayon sa DOH
Voice: DCGJJ
(dagling pagputol ng kanta)
Anchor 2: Para sa mga detalye
(Continue ng Background sound)
Anchor 1: Lumalabas na planado umano ang bigong pagtakas ng tatlong preso ng Custodial Center ng
Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.
yon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na patunay umano dito ang improvised knife na kanilang
ginawa, na ginamit din sa pagsaksak kay Police Corporal Roger Agustin, habang namamahagi ng
pagkaing rasyon.
Dagdag ni Azurin na ang insidente ay nangyari sa loob ng common area kung saan pinapayapagan ang
mga inmates na magpa-araw at iba pang physical activities.
At ngayon, nasa kritikal pa na kondisyon si Agustin dahil sa dami ng mga saksak na natamo nito.
Samantala, pinag-aaralan na ng PNP kung papaanu pa nila mapapaganda ang seguridad sa Custodial
Center, upang hinid na maulit ang naturang insidente.
Anchor 2: Muling nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging COVID-
19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo ngayong nalalapit na Undas.
Dahil dito, iminungkahi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kailangang parin ang
mahigpit na pagsusuot ng face mask ng bawat isa.
Mababatid na sa ngayon, optional nalang ang pagsusuot ng facemask sa mga outdoor settings.
Maliban dito, kailangan din na bakunado na ng kahit unang dose ng booster shot bilang dagdag na
proteksyon laban sa virus.
Nabatid na ngayon bumabal pero patuloy parin ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kaya malinaw na
nananatili parin ang banta ng COVID-19.
(Sounds Malakas mag papalit)
Anchor 1: Korte suprema, Ipinagpaliban ang Payatas dump case.
Kasingko Cyrus, ibahagi mo.
News Presenter: Ipinagpaliban ng korte suprema ang petisyon na inihain ng Alyansa ng mga samahang
Nag kakaisa sa Payatas na humingi ng mas pinaigting na kalinisan sa kanilang
Komunidad sa pangunguna ni Leonita Panoy dahil sa kakulangan sa mga kagamitan at
Papeles. Ang nasabing petisyon ay ipinaglalaban dahil sa masamang epekto nito sa
Kalusugan ng mga residente na nakatira malapit dito. Gayumpaman nananatiling hindi
sang ayon ang korte suprema dahil mauuri namang residente ang payatas at hindi
maaaring ituloy ang operasyon ngayon.
Anchor 1: Salamat kasingko Cyrus, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang
Anchor 1&2: SINGKO BALITA!
(Sandaling pag putol ng sounds)
(Bagong Sound effects)
Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang ako,
nababawasan, nauubos din.
Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan at
pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo. kaya
mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.
Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng
wasto ang tubig.
Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila water
(Malakas na pasok ng kanta Papahina)
(Pasok ng bagong kanta)
Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …
Voice: DCGJJ… DJJJJ… RADYO NG MASA … DCGJJ
Anchor 1&2: SINGKO BALITA.
(Sounds-Mag papalit)
Anchor 1: Para naman sa ating balitang isports,Mula sa Makati, Kasingko Dudas , Ibahagi mo.
Sports Presenter: PBA: Abueva pinangunahan ang Magnolia sa 94-92 win vs TNT
Hindi nagpatinag ang Magnolia Hotshots laban sa TNT Tropang Giga para manalo sa score na 94-92 sa
2022 PBA Commissioner’s Cup.
Kaugnay nito, nag-score si Calvin Abueva ng 15 sa kanyang 25 points sa payoff period
Sinasabing ito ang best game para sa kanya sa conference ngaon, kung saan nagbigay din ito ng 9
rebounds at nakakuha ng dalawang 2 steals, na nag-udyok para sa third straight victory ng Magnolia.
Dahil dito, tie na ang Magnolia sa Bay Area Dragons sa top ng standings.
Samantala, ang Serbian import na si Nick Rakocevic ay may double-double na 22 points at 15 rebounds
para sa Magnolia, pero nakaranas ng injury sa final quarter.
Nabatid na makapigil hininga ang huling ilang segundo ng laro nang mag-tie sa 92 ang dalawang team,
pero dahil dalawang free throw ni Paul Lee ay nagtapos ito ng 94-92 sa natitirang apat na segundo ng
laro.
Mula sa BNFM Makati, Kasingko Dudas, Naguulat.
(Sound lalakas)
Voice: DCGJJ! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DCGJJ
Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang
sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, John Derrick Ayangco
Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, Janrick Panlubasan
Anchor 2: Balitang tapat.
Anchor 1: Balitang Sapat .
Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat
Singko Balita .
Voice: DCGJJ!