DZRM
Scriptwriting and Broadcasting
(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)
Station ID: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.
DZRM, otso otso sa palapihitan ng inyong mga radio
Anchor 1:
Anchor 2:
News Presenter:
Sports Reporter:
Scriptwriter:
Technical Application:
Infomercial:
(Sound effects malakas)
Voice: Mula sa bulwagang pambalitan, himplan at sandigan ng bayan, lto ang DZRM!
Anchor I: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.
Voice: DZRM!
Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa DZRM, Narito ang
tambalng mag kasingko _____.
Ito ang SINGKO BALITA!
(Sounds TING)
Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay____ minuto
makalipas ang alas_____ ng umaga, araw ng _____ .
(Sounds magpapalit)
(Background music lively)
Anchor I: Isang Mapagpalang umaga Pilipinas!
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, ______
Anchor 1: At inyong kaagapay,_____
Anchor 1&2: At kayo'y nakikinig sa....
SINGKO BALITA!
(Sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.
Anchor 1: Estados Unidos, mas nag palakas.
Voice: DZRM
Anchor 2: Duterte hindi na nag-asam ng anumang posisyon
Voice: DZRM
(dagling pagputol ng kanta)
Anchor 2: Para sa mga detalye (Continue ng Background sound)
Anchor 1: Mas pinaigting ng Estados Unidos ang plano laban sa Islamic State. Mas
pinaghandaan ng puwersa ang pakikipagsagupaan sa Syria. Pinalaki rin ang bilang ng mga
sundalo sa safer zones at pagpapalawig ng kaalaman at kakayahan sa
[Link] ang ginawang pag-atake ng Islamic State, dalawang lider ng US at
ibang miyembro nito ang nabihag. Ayon sa tagpagsalita ng US military na si Kapitan Chris
Connoly alam nilang hindi magiging madali ang misyon sa umpisa pa lamang.
Anchor 2: Duterte , hindi tatakbo sa pagkapangulo sa dadating na halalan ayon sa Grand
Menseng Hotel kahapon. Si Former Mayor Sara Duterte ang may posibilidad na tumakbo sa
pagka mayor sa susunod na taon habang ang isa pa niyang anak na si Sebastian Duterte ay
tatakbo bilang kongresista sa ikatlong distrito, Davao City. Nagpasalamat siya sa mga patuloy
na sumusuporta at naniniwala sa kanya. Sa kabilang banda patuloy ang pagsuporta niya sa
kaniyang malalapit na kaibigan na tatakbo sa pagka senador sa susunod na taon, kabilang na
dito sina Mark Villar ng Las Pinas, Roman Romulo ng Pasig at Samuel, Pagdillao ng ACT-CIS.
(Sounds Malakas mag papalit)
Anchor 1: Korte suprema, Ipinagpaliban ang Payatas dump case.
Kasingko _______, ibahagi mo.
News Presenter: Ipinagpaliban ng korte suprema ang petisyon na inihain ng Alyansa ng mga
samahang Nag kakaisa sa Payatas na huminging mas pinaigting na
kalinisan sa kanilang Komunidad sa pangunguna ni Leonita Panoy dahil sa kakulangan
sa mga kagamitan at Papeles. Ang nasabing petisyon ay ipinaglalaban dahil sa
masamang epekto nito sa Kalusugan ng mga residente na nakatira malapit dito. Gayumpaman
nananatiling hindi sang ayon ang korte suprema dahil mauuri namang residente
ang payatas at hindi maaaring matuloy ang operasyon ngayon.
Anchor 1: Salamat _____, Para sa isang paalala, Magbabalik po ang
Anchor 1&2: SINGKO BALITA
(Sandaling pag putol ng sounds)
(Bagong Sound effects)
Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang
ako, nababawasan, nauubos din. Ikaw na nga ang nagsabi walang forever, kaya pag hindi mo
ko tinipid, iningatan at pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito
sa mundo. kaya mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.
Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng wasto ang
tubig.
Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila water
(Malakas na pasok ng kanta Papahina)
(Pasok ng bagong kanta)
Anchor: Kayo'y patuloy na nakikinig sa ...
Voice: DZRM... DZZZZ... RADYO NG MASA .... DZRM
Anchor 1&2: SINGKO BALITA.
(Sounds-Mag papalit)
Anchor 1: Para naman sa ating balitang isports, Mula sa Tapei, Kasingko Carlo, Ibahagi mo.
Sports Presenter: Matapos itanghal sa ikalawang puwesto ng William Jones Cup sa
Taipei ang Gilas Pilipinas na pinamumunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay
naiipit sa matinding sitwasyon sa pagkuha sa Los Angeles Lakers guard, Jordan Clarkson para
sa final lineup na ipapasa ng Gilas hanggang ngayong tanghali para sa nalalapit na FIBA
Asia Championship. Ang pormal na desisyon para sa paglalaro ni Clarkson ay magmumula sa
SBP Executive Director Sonny Barios na siyang humiling sa pamunuan ng FIBA sa Geneva,
para makapaglaro ang nasabing LA lakers guard at ang pangalawang pasiya ay magmumula sa
LA lakers Head Coach Byron Scott. Ayon kay Gilas Head Coach Tab Baldwin ang kumpletong
lineup ay maipapasa ngayon subalit hindi ipapaalam sa publiko . Lahat ay gagawin nila para sa
Gilas at ang lineup na ipapasa ay maari pang baguhin bago magsimula ang mga laro
dagdag ni Baldwin. Ang lineup na ipapasa ng Gilas ay ang "best choice" para maiwasan ang
"penalty roster change" sa nasabing liga. Mula sa Taipei, Kasingko ______, Nag- uulat.
(Sound lalakas)
Voice: DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DZRM
Anchor I: lyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng
balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, ________
Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, ___________
Anchor 2: Balitang tapat.
Anchor 1: Balitang Sapat .
Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo'y nararapat
Singko Balita
Voice: DZRM, Otso-Otso.