You are on page 1of 3

TV BROADCASTING SCRIPT:

(Intro: Wholesome Music)

(BGM: Fast-paced News Music)

Headlines: (QUINN) Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita,

(QUINN)* Peru nahaharap ngayon sa shortage ng pagkain at kakulangan sa gasulina dahil sa walang
humpay na protesta.

(QUINN)*Magnitude 6 na lindol sa Davao De Oro nakapagtala na ng mahigit 22 after-shocks, ilang gusali ng


gobyerno at bahay napinsala, ang latest na lindol, tutokan!

(MANIELA)*Labanan ng NCAA Beach Volleyball, puspusan na!

(MANIELA)* at Korean superstar na si Song Joong-Ki nagpakasal na at maging tatay na!

(BGM: Fast-paced News Music)

(BGM: Pre-recorded: “Live mula sa DBC news center, Ito ang ”Saksi Pilipinas”! )

News Anchor 1: Magandang Araw, Pilipinas!

News Anchor 2: Maayong Adlaw, Cagayan!

News Anchor 1: Ngayon ay Biyernes, ika-labing-pito ng Enero, taong kasalukuyan.

(Insert BGM)

News Anchor 2: Naghahanap na ngayon sa kakulangan ng pagkain at gasulina ang bansang Peru, dahil sa
walang humpay na protesta na humuhiling na pagbibitaw ng kanilang Prisedente na si Dina Boluarte. Dose-
dosenang roadblocks ang inilagay sa daanan ng mga protestor.

(Insert BGM: protest noises)

News Anchor 2: dahil dito isinara ng Peru ang sikat na destinasyong turista sa mundo na Machu Picchu
habang nakikipaglaban ito sa mga protesta laban sa gobyerno. Lumaganap ang mga protesta sa buong
bansa, na ikinamatay ng halos 50 katao.

Ang sitwasyon sa Lima ay tensiyonado matapos maglakbay ang mga nagpoprotesta mula sa mga kanayunan
upang igiit ang pagbibitiw ni Pangulong Dina Boluarte. Noong Biyernes, dose-dosenang mga tao ang
nasugatan sa mga sagupaan sa pulisya.

News Anchor 1: Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Davao region.  Ilang bahay ang nasira at patuloy na
sinusuri ang iba pang gusali na posibleng napinsala ng pagyanig. Alamin ang detalye kay _____________.

Local: Sa datos ng PHIVOLCS, higit 345 aftershocks na ang naitala na may lakas na magnitude 1.5 hanggang
3.6. Kabilang sa napa-ulat ang landslide sa bayan ng munta vista.

(Insert BGM: statement of PDRRMO)

Ayon sa PDRRMO, posibleng manatili ang suspension ng klase at pasok sa mga opisina ng gobyerno
hanggang sa masiguro na ligtas nang pasukan ang mga paaralan at gusali at ya’n muna ang latest mula dito
sa Davao City. ___________, DBC Network.
News Anchor 1: Abangan, Labanan ng NCAA Beach Volleyball sa Subic, Zambales, ating tutokan, Live. At
Korean superstar, Song Joong-Ki, ikinumpirma na siya’y ikinasal na. Susunod na yan sa pagbabalik ng
mapagkakatiwalaang Saksi Pilipinas

(Insert BGM: News Music)

(Insert BGM Infomercial: atleast 25 sec/depending)

(Insert BGM: News Music)

News Anchor 2: Labanan ng NCAA Beach Volleyball sa pagitan ng University of Perpetual Help System DALTA
at Colegio de San Juan de Letran women's teams ating tutokan, Live mula Subic Zambales, si _______,
________?

Sports: ______, naka tutok tayo dito ngayon sa sand court ng Subic Bay Freeport Zone sa Zambales kung
saan ginaganap ang NCAA beach volleyball.

Sa labanan sa pagitan nina Janine Padua at Mary Rhose Dapol ng Perpetual Lady ALTAs at Letran Lady
Knights na sina Cha Cuada at Lara Silva. Ang Letran Lady Knights NCAA Season 98 Women's Beach Volleyball
Champions.

(Insert BGM: V-ball play on youtube)

Nasungkit ni Cha Cuñada ng Queen of the Sand Letran ang MVP award sa NCAA Season 98 Women's Beach
Volleyball noong Sabado!

(Insert BGM: Cha Cunada receiving an award, video on youtube)

(Insert BGM: Showbiz News Music)

News Anchor 1: Si Song Joong-ki, isang aktor sa South Korea, at si Katy Louise Saunders, isang artista sa
Britanya, ay kasal at inaasahan ang kanilang unang anak na magkasama. Ang balita ay kinumpirma ng
pamunuan ni Song. Narito ang kwento ni __________.

Showbiz: Sa kanyang liham para sa mga fans nitong January 30, ibinahagi ng aktor ang kanyang
pagpapakasal. “Today, I am greeting you because I want to share a promise that is happier and valuable to
me than anything. I have promised to continue life together with Katy Louise Saunders, who has been by my
side supporting me and who I have spent valuable time with while cherishing each other,” ani Song Joong Ki.
Noong nakaraang buwan lamang kinumpirma ng aktor ang kanilang relasyon ni Saunders. ________,
___________, DBC Network.

News Anchor 2: At yan ang mga balitang nakalap sa oras na ito.

News Anchor 1 at 2: Kami ang iyong tagapaglingkod;

News Anchor 1: ______________.

News Anchor 2: ______________.

News Anchor 1:

News Anchor 2:

News Anchor 1: Ito ang pinagkakatiwalaang;

News Anchor 1 at 2: Saksi Pilipinas.


ROLES:

News Anchor 1: Maniela

News Anchor 2: Quinn

Sports: Prince

Local: Biwag

Showbiz: Kina Mari

You might also like