You are on page 1of 3

BANDILYO NGAYON

6-MINUTES BROADCAST
March 27, 2023

ANCHOR’S SCRIPT
SEQUENCE VIDEO AUDIO
1 STATION I.D. TEXT: MOVING GRAPHICS [BANDILYO
NGAYON]
2 SLUGS ANC1: Para sa ulo ng mga nagbabagang balita
ANC2: North Korea Muling Nagpalipad Ng Ballistic
Missiles
ANC1: Oil spill sa Oriental Mindoro, umabot ng ₱1.1
billion
ANC2: SHS Bakunawa Nasungkit Ang Kampeonato.
ANC1: DSPC 2023, kasalukuyang ginaganap!
ANC2: High Speed Hitters Taob Sa Cargo Movers
3 OBB Bandilyo Ngayon, Bisyon ng Masa, Misyon ng Bansa
Para sa makadaigdigan pambalitaan, kakampi ng bayan
kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa
Bandilyo Ngayon
4 FULL BODY ANC1:
SHOTS ANC2:
5 [GREETINGS] BOTH ANC1 & ANC2: Ito ang istasyon ng
katotohanan, Bandilyo Ngayon
6 MCU: ANC1: Isang Mapagpalang hapon, Novo Vizcayano. Ito
ANC1 & ANC2 ang inyong tagapagbalita, CJ Acosta
ANC2: Ito ang inyong kaagapay, Lorraine Bunagan
7 WHOLE BODY ANC1: North Korea Muling Nagpalipad Ng Ballistic
Missiles.
8 REPORT 1 ANC1: Muling nagpakawala ang North Korea ng
ballistic missiles sa karagatan ng east coast. Ito ay
kinumpirma nang South Korea military ngunit hindi na
sila nagbigay pa ng anumang detalye. Ito na ang
pinakahuling serye weapon tests ng North Korea
kabilang ang pagpapakawala nila ng ilang cruise
missiles noong nakaraang Miyerkules.
9 WHOLE BODY ANC 2: Oil spill sa Oriental Mindoro, umabot ng ₱1.1
billion.
10 REPORT 2 ANC 2: Nagreresulta mula sa napakalaking oil spill sa
Oriental Mindoro na dulot ng lumubog na MT Princess
Empress ay maaaring lumampas sa mga inihain kasunod
ng paglubog ng isa pang oil tanker sa Guimaras noong
2006, sinabi ni House Tourism Committee Vice Chair
Representative Marvin Rillo noong Linggo. Dahil
naganap ang insidente sa MT Solar nang labing pitong
taon na ang nakaraan, sinabi ni Rillo na ang inflation-
adjusted claims para sa pinsalang dulot ng pagtagas ng
MT Princess Empress ay posibleng lumampas sa ₱1.1
billion. Ang tanker na may kargang 900,000 litro ng
industriyal na langis ay lumubog sa bayan ng Naujan
noong Pebrero 28. Hindi bababa sa 149,000 katao ang
naapektuhan, kabilang ang mahigit 13,000 mangingisda.
11 WHOLE BODY ANC1: SHS Bakunawa Nasungkit Ang Kampeonato.
Para sa karagdagang detalye, Jerome Balcita, Bandilyo
Ngayon.
12 REPORT 3
13 WHOLE BODY ANC1:
14 INFOMERCIAL GIRL BOY BAKLA TOMBOY.... SHOKOY
AH BAKLA BAKLA BAKLA
OP OP OP 2023 NA! PARANG DI KA NAMAN NAG
GRADE 2
Oras-oras, patuloy na diskriminasyon ang natatangap ng
komunidad ng LGBT
Taon-taon, patuloy na minamaliit ang mga kababaihan
Handa na ba kayo sa pagbabago?
Halina't sumama sa aming plano
Pagkapantay-pantay, ating ipalaganap
Patungo sa tulay ng tagumpay!
15 WHOLE BODY ANC1: DSPC 2023, kasalukuyang ginaganap.
16 REPORT 4 Kasalukuyan ngayong ginaganap ang Division
Journalympics 2023 na kinabibilangan ng ilang paaralan
ng Nueva Vizcaya kagaya na lamang ng Saint Mary’s
University, NVGCHS, Solano High School at Diadi
National High School. Ang mga mananalong grupo para
sa Radio Broadcasting, TV Broadcasting, Online
Collaborative at Desktop Publishing ay muling
makikilahok sa Regional School Press Conference. Ang
petsa sa nasabing kompetisyon ay hindi pa inaanunsiyo.
Kasama ko ngayon ang isa sa mga estudyanteng lalahok
sa TV Broadcasting Filipino, Lorraine Bunagan.
Ano ang mga paghahanda na iyong ginawa para sa
kompetisyon na ito?
Pinaghandaan namin ito nang sobra-sobra, kahit na
weekend ay handa kaming mag-ensayo.
Maraming Salamat!
Goodluck sa ating campus journalists!
Ito si JC Balcita, Bandilyo Ngayon.
17 WHOLE BODY ANC2: High Speed Hitters Taob Sa Cargo Movers
18 SPORTS ANC 2: Mabilis na nakabangon ang F2 Logistics sa
mabagal na simula para kurbahin ang panalo kontra sa
PLDT Home Fibr sa Game 1 ng best-of-three, brnze
mdeal series sa Premier Volleyball League (PVL) All-
Filipino Conference kahapon sa Mall of Asia Arena sa
Pasay City. Nagsanib-pwersa sina opposite hitter Kim
Kianna Dy at middle blocker Aby Marano para tulungan
ang Cargo Movers na makalapit sa podium finish.
19 MCU: ANC1: Iyan po ang anim na minutong pagbabalita mula
ANC1 & ANC2 sa istasyong tanging naghahatid ng katotohanan
ANC2: Ito ang inyong tagapagbalita, CJ Acosta
ANC1: At lagi ninyong kaagapay, Lorraine Bunagan
ANC2: Balitang Tapat
ANC1: Balitang Sapat
BOTH ANC1 & ANC2: Lahat ihahayag, sa inyo’y
ilalayag
ANC1: Bandilyo Ngayon, Bisyon ng Masa, Misyon ng
Bansa
ANC2: Bandilyo Ngayon, ang istasyon ng katotohanan.
ANC1: Tatlong daan at dalawampung araw na lang,
Pasko na
20 GRAPHICS MOVING GRAPHICS

You might also like