You are on page 1of 4

Anchor 1 (Darwina) : Ito ang numero unong radyo ng masang Pilipino

(Music)

Anchor 2 (Val) : Sandigan balita, serbisyong pansapat na radyo

(Music)

Anchor 1: 1.75 sa inyong mga radyo

(Enter music sound TV patrol introduction)

Anchor 2: Magandang araw pilipinas

Anchor 1: magandang araw Cebutech

Anchor 2: Ako ang inyong lingkod bayan, Val Kristine Isugan

Music

Anchor 1: At ako naman ang inyong kabalitaan, Darwina Piedad

Anchor 1 and 2: Ito ang radyo Aktibo

( enter Sounds headline)

Headlines

Anchor 1: Sa ulo ng mga nagbabagang balita

(Music)

Anchor 2: Anim na put limang bahay nasunog sa lapulapu city

(Music)

Anchor 1: Ilang magsisibuyas ibinahagi sa senate hearing ang kalbaryo sa pagtatanim

(Music)

Anchor 2: Anim na put limang bahay nasunog sa lapulapu city. Para sa mga detalye narito si Mary Ann
Cañete.

(Music for headline)

Reporter 1 (Mary Ann): Ayon sa Bureau of Fire Protection, naabo ang mga bahay sa Sitio Parola,
Barangay Ibo sa sunog na nagsimula pasado alas 10 ng umaga.
Umabot sa ikatlong alarma ang pagsiklab, at inabot ng higit isa't kalahating oras bago naapula ang
sunog.

Nasa P400,000 ang danyos sa sunog, at higit 150 na pamilya ang apektado. Wala namang nasaktan sa
insidente.

Ayon sa BFP, wala pang nakikitang malinaw na dahilan ang sunog.

Nasa barangay gym ang mga naapektuhan ng sunog.

Nagbabalita, Mary Ann Cañete

(Sound headline)

Anchor 1: Ilang magsisibuyas ibinahagi sa Senate hearing ang kalbaryo sa pagtatanim.

Shatheena, ibahagi mo!

Reporter 2 (Shatheena): Naghayag ng sama ng loob ang mga magsasaka sa pagdinig ng Senado, kaugnay
sa pinagdadaanan nilang hirap sa pagtatanim ng sibuyas habang binabarat naman nang husto ng mga
negosyante. Pinuntirya rin ng mga senador ang hindi mapigil-pigil na smuggling, na lalong nagpapahirap
sa mga lokal na magsasaka.

(Music headline)

Anchor 2: Salamat, Ka-aktibo. Para sa ating weather report, narito si Jashmen Pason

(Music)

Weather Reporter (Jashmen): Maulang weekend, asahan na

Patuloy pa ring magpapa-ulan ang low pressure area at Hanging Amihan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 225 kilometro Hilagang Silangan ng Hinatuan
Surigao del Sur.

Ang LPA ang magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region,
Easter Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at CARAGA.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa bahagi ng Western Visayas, Zamboanga
Peninsula, BARMM, Romblon, at Marinduque.

Dahil dito, asahan na ang mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga
nabanggit na lugar.
(Music headline)

Anchor 1: Maraming salamat, Jashmen para sa isang pa alala. Magababalik ang radyo Aktibo.

(Music)

Infomercial: Mensahe para sa maaong panlawas

Ako diay si Jean C. Gulfam taga purok otso kaputhaw escario street cebu city sa wala pa ako naginom og
koi herbal capsule magsakit jud permi ang akong ulo ug akong bukton, akong likod, ug akong bat ang ug
apil na ang akong kasukasuan ug apil na ang akong dughan

Pause

Ug sa dihang ni inomnako og koi herbal capsule nawala man hinuon ang iyang gibati para nako.

(Enter music kung di rin tayo sa huli)

(Music intro sa radyo nga station)

Anchor 2: Nagbabalik ang

Anchor 1 and 2: Radyo Aktibo!

(Music)

Anchor 1: para naman sa ating balitang sports. Narito si Mena Manalungsung. Ibahagi mo!

(Music)

Sports Reporter (Mena): Barangay Ginebra, nakuha ang kampeonato sa winner-take-all Game 7 laban sa
Bay Area Dragons

Hindi na pinagbigyan ng Barangay Ginebra San Miguel ang Bay Area Dragons sa winner-take-all Game 7
laban sa Bay Area Dragons , 114-99 para angkinin ang korona ng 2022 PBA Commissioner’s Cup sa
Philippine Arena sa Bulacan.

Ang titulo ay ika-15 sa pangkalahatan ng Ginebra mula nang sumali sa liga habang ito ang ika-25
kampeonato ni Tim Cone sa kanyang PBA head coaching career.
Nakuha naman ni Christian Standhardinger ang kanyang kauna-unahang PBA Finals MVP award.

(Music headline)

Anchor 2: Salamat, ka-aktibo Mena Manalungsung!

(Music)

Anchor 1: Para naman sa ating Chika Minute, Narito si Rina Hisoler para sa mga detalye.

(Music headline)

Chika Reporter (Rina): Bagong Miss Universe umaasang makakabisita siya sa Pilipinas

Inihayag ng Miss Universe Philippines Organization na ipinagmamalaki nila si Celeste Cortesi kahit bigo
itong makapasok sa Top 16. Pag-aaralan na rin nila ang mga magiging hakbang para sa susunod na
pageant. Proud naman ang pamilyang Pinoy ng bagong Miss Universe na si R'Bonney Gabriel.
Naghahayag, Rina Hisoler.

(Music headline)

Anchor 2: Maraming salamat, ka-aktibo!

(Music)

Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang
sariwa, kundi tumatatak din sa inyong puso at diwa.

(Music)

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Val Kristine Isugan

Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, Darwina Piedad

Anchor 2: Balitang tapat

(Music)

Anchor 1: Balitang Sapat

Anchor 1 and 2: Lahat ilalantad sa inyo'y nararapat. Radyong Aktibo! DZRA 1.75 sa inyong mga radyo

(Radio music end)

You might also like