You are on page 1of 5

Radio broadcasting: Group 3 (Tagalog)

Anchor 1: NAGMULA SA KASALUKUYAN AT USAP-USAPANG BALITAIN.

Anchor 2: NARITO AT MAGHAHANDOG PARA SA BOSES NG DAIGDIG, DZRH 143

(sound effect)

Anchor 1: MGA IMPORMASYONG NAPAPANAHON AT INAABANGAN (sound effect)

Anchor 2: BALITANG BALANSE AT TAPAT ANG TAMPOK SA INYO (sound effect)

ANCHOR 2: ANG ORAS NGAYON AY (TIME) SA IKA (DATE) NG (MONTH)

(sound effect)

ANCHOR 1: AT TAYO'Y NALALAPIT NANG MAGSIMULA (sound effect)

ANCHOR 1: MASIGASIG NA ARAW, Zambales National High School! (sound effect)

ANCHOR 2: ANG INYONG MAASAHAN SA ANUMANG USAPAN, BIYA (sound effect)

ANCHOR 1: AT BOSES NG SAMBAYANAN, JASMIN

ANCHOR 1&2: AT KAYO'Y SUMUSUBAYBAY SA DZRH 143 in (malakas na sound effect)

(sound effect)
ANCHOR 2: SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA

(sound effect)

ANCHOR 1: BSP AT GSP ENCAMPMENT SA ZAMBALES NATIONAL HIGH SCHOOL, NAGANAP SA BUWAN
NG NOBYEMBRE

(sound effect)

ANCHOR 2: APAT NA PINOY SA ISRAEL, NASAWI MULA SA KASALUKUYANG GIYERA NG ISRAEL AT


PALESTINE

(sound effect) ANCHOR 1: NAKAMIT NG ZNHS KALMADO ANG IKATLONG PWESTO SA REBISCO
VOLLEYBALL LEAGUE

(sound effect)

ANCHOR 2: PAGDIRIWANG NG MAGPASIKAT 2023 SA SHOWTIME, NAGPAMANGHA SA MADLA (sound


effect)

Anchor 1: Simulan natin ang balitaan:

PARA SA BALITANG LOKAL: BSP AT GSP ENCAMPMENT SA ZAMBALES NATIONAL HIGH SCHOOL,
NAGANAP SA BUWAN NG NOBYEMBRE para sa mga detalye, narito si Atiya Paming

(Sound effect)

REPORTER 1: Ginanap sa ika-sampu hanggang sa ika-labing isa nz nobyembre ang BSP backyard
encampment sa Zambales National High School. Ang mga scouts ay nagtipon upang makibahagi at
ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagsa sama-sama. Maraming aktibidad ang naganap sa
dalawang araw ng encampment tulad na lamang ng pagsubok sa kanilang outdoor skills at pagtataguyod
ng kanilang leadership, na lubos na ikinatuwa ng bawat scouts. Ang GSP naman ay patuloy na
naghahanda sa ngayon para sa kanilang encampment na isasagawa sa ika-labing pito hanggang sa ika-
labing walo ng nobyembre.

REPORTER 1: Atiya Paming, nagbabalita, balik sa'yo Jasmin. (sound effect)

Anchor 1: Salamat Atiya

ANCHOR 2: PARA SA BALITANG INTERNASYONAL: APAT NA KABABAYAN, NASAWI MULA SA


KASALUKUYANG GIYERA NG ISRAEL AT PALESTINE, mag babalita, Journey Alvior

(sound effect for infernational news)

REPORTER 2: dulot ng naganap na giyera sa pagitan ng Israel at Palestine, ilang pilipino ang binawian ng
buhay. Ayon sa mga ulat, apat na pilipino ang nasawi sa kaguluhan. Karamihan dito ay mga
manggagawang pilipino. Ang mga pamilya at kaanak ng mga biktima ay lubos na nagdadalamhati sa
pagkawala ng kanilang mahal sa Buhay. Samantala, ang ating pamahalaan ay lubos na nakikiramay sa
pamilya ng mga nasawing pilipino at mariing kinondena. ang karahasan at patuloy na ipinaglalaban ang
kapayapaan.

ANCHOR 2: ANG BALITANG SHOWBIZ AT SPORTS AY MATUTUNGHAYAN MATAPOS ANG


PANANDALIANG PATALASTAS. (INFOMERCIAL)

ang droga ay puksain

upang sistema ay mayos din, ayos din

kaya't halina't, tulong na, sama na

nang sistema ay sumigla, sumigla

*Drogang perwisyo ay itigil na.

Tayo'y mag kaisa upang maayos kinabukasan ating matamasa!


ANCHOR 1: para naman sa pagpapatuloy ng pahayagan, NAKAMIT NG ZNHS KALMADO ANG IKATLONG
PWESTO SA REBISCO VOLLEYBALL LEAGUE. magpapahayag Atiya Paming.

(sound effect for sports)

REPORTER 1: Sa pag sisimula ng torneo ng paligsahan sa volleyball sa Nueva Ecija, mayroong ng tatlong
sunod sunod na naipanalo ang ZNHS KALMADO laban sa Orani, Bataan at Pangasinan.

Halo-halong emosyon ang natanggap nila mula sa mga manonood nang tinapos

ng Bulacan ang tunggalian laban sa ZNHS KALMADO sa puntos na 26-28. Ang laban naman tungo sa
kampyonato, nagtunggalian ang Bulacan at Angeles.

umabot ito ng limang sets ng laro, na tinapos ng Angeles. Matapos ang paligsahang ito, bumalik ang mga
manlalaro nang determinadong mag-ensayo sa darating na Palarong pambansa ng Rebisco sa larangan
ng volleyball.

Balik sayo,Jasmin

Anchor 1: Salamat Atiya

ANCHOR 2: PAGDIRIWANG NG MAGPASIKAT 2023 SA SHOWTIME, NAGPAMANGHA SA MADLA

(sound effect for showbiz)

REPORTER 2: para sa pagdiriwang ng ika-labing Apat na anibersaryo ng it's showtime, ginanap na ang
pagdiriwang ng magpasikat 2023, prinoklama bilang kampyon sa taong ito ang grupo nina jhong, ion, at
kim. pinakita nila dito kung paano lubusang naapektuhan ng hindi tamang paggamit ng social media ang
buhay ng tao. napamangha nila ang madla sa kanilang pinakitang galing sa pagtatanghal. tumanggap sila
ng tatlong daang libong piso bilang premyo sa pagkawagi. tinanghal naman nila ikalawang panalo ang
grupo nina anne, oggy, at ryan. na sinundan naman nina vhong, teddy, at jugs. at nakatanggao din ng tig-
limangpong libong piso ang grupo nina vice, jacky, cianne at grupo nila amy, karylle, lassy, at Mc.
nagbigay ng halo-halong emosyon ang kanilang mga itinanghal sa madlang people.
(sound effect)

REPORTER 1: ako si journey

REPORTER 2: ako naman si atiya

Both:

Nag bibigay kaalaman,boses ng kabataan.

ANCHOR 1:NATATANGING TAGAPAGHATID AT TUMPAK NA BALITAAN, DZRH 143

ANCHOR 2: Kasama mo kahit saan, kahit kailan at muli DZHR 143 (sound effect)

You might also like