You are on page 1of 5

SBNEWS (STUDENTS

BROADCASTING NEWS)
Anchor1: Gabriel Josh Manuel
Anchor 2: April Jane Maningula
Field reporter1: Al jaymar Mongangan
Field reporter2: Norhanie Macabaas
Field reporter3: Jillian Mama
Field reporter4: Mua, rauf

Anchor 1 Manuel : Student Broadcasting News tagapaghatid ng mga nagbabagang balita.


Walang kinikilingan tanging katotohanan lamang ito ang (SBNEWS) Boses ng sambayan
SBN3.9 (sounds effect malakas)

Anchor 2 Maningula: Mula sa bulwagan pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, ito ang
student broadcasting news3.9

Anchor 1 Manuel: Mula sa himpilan ng balita ako si Gabriel josh Manuel.

Anchor 2 Maningula: At ako naman si April Jane Maningula


Anchor 1&2: BOSES NG SAMABAYAN (MUSIC SOUND EFFECT)

Anchor1 Manuel: Mga nag iinit nabalita isyung tinututukan at sinusubaybayan sa labas ng
bansa,lahat ng ito ay kasabay na tanong ng sambayanan na iuulat ni Norhanie Macabaas.

Field reporter1 Macabaas: Usaping sa labas nadapat malaman.

Usaping ayon sa outage tracking website na Down Detector, mahigit limangpung libo ang
naiulat na insidente , hindi sila maka tawag o makapag send ng text messages.
Bukod pa sa AT&T, nagambala rin ang mga gumagamit ng Verizon, T-Mobile at UScellular,
ngunit maliit lamang ito kumpara sa mga unang naiulat na datos.
Naantala rin ang operasyon ng emergency hotline na 911, kaya’t mahigpit na naka-monitor ang
San Francisco Fire Depertment sa mga posibleng emergency incidents.

Samantala, ang hospitals sa SoKor ay naka red alert dahil sa pag-protesta ng mga trainee
doctors. Naka-red alert na lahat ng malalaking ospital sa South Korea kasunod ng pag-walk out
at protesta ng mga trainee doctors. Ito’y matapos ilathaga ng South Korean government ang
kanilang planong taasan ang medical school admissions upang palakasin ang healthcare sector
ng kanialng bansa.
Dahil dito, ilang mga operasyon at appointments na ang nakansela ng mga ospital, na
nagpapataas ng pangamba sa pagkagambala sa sistemang medikal sakaling tumagal ang hindi
pagkakaunawaan.
Nag uulat NORHANIE MACABAAS (MUSIC SOUND EFFECT)

PATALASTAS:

Jillian: kuya pabiling pampalamig ng isip


Manuel:pampalamig ba miss?
sagot kita riyan, ito miss Nestie malamig na masarap pa
Jillian:salamat kuya !!
Manuel:sa halagang trenta pesos may Nestie ka na !!

Anchor 2 Maningula: Nag babalik ang SBNEWS 3.9, Sa usaping sports NDRVMCC laban sa
NDC VOLLEYBALL BOYS ating pangkinggan si Al-Jay Mongangan (MUSIC SOUND EFFECT
MALAKAS SABAY HINA)

Field reporter 2 Mongangan: NDRVMCC Volleyball Boys Nagwagi Laban sa NDC"

Naging isang matindi ang laban sa volleyball, nagwagi ang NDRVMCC Volleyball Boys kontra
sa koponan ng NDC sa isang paligsahan na ginanap nung NDEA. Ang laban ay naganap sa
NDC Gymnasium at nagdulot ng kasiyahan at tensyon sa mga manonood.

Ang unang set ng laro ay nagpakita ng magandang labanan sa pagitan ng dalawang koponan.
Malalim ang pinagmulan ng puntos, at nagpakita ng kanilang husay sa pag-atake at depensa
ang mga manlalaro mula sa NDRVMCC at NDC. Sa huli, nagwagi ang NDRVMCC sa unang
set, may iskor na 18-25.

Sa ikalawang set, ipinakita ng NDC ang kanilang determinasyon na makabawi. Nagpatuloy ang
palitan ng puntos at ang mga manlalaro ay nagpakita ng kanilang galing sa pag-atake at
pagdepensa. Ngunit sa huli, nagwagi muli ang NDRVMCC, may iskor na 22-25.

Sa huling set, ipinakita ng NDRVMCC ang kanilang tapang at kahusayan. Nagkaroon ng


magandang kombinasyon ng mga atake, depensa, at mga bloke mula sa mga manlalaro ng
NDRVMCC. Sa huli, nagwagi ang NDRVMCC sa ikatlong set, may iskor na 17-25.

Matapos ang matinding paligsahan, nagwagi ang NDRVMCC Volleyball Boys laban sa NDC,
may iskor na 3-0. Pinuri ng coach ng NDRVMCC ang kanilang mga manlalaro sa kanilang
magandang performance at dedikasyon sa laro. Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya ang
coach ng NDC ngunit pinuri rin ang kanilang koponan sa kanilang pagsisikap.
Ang tagumpay na ito ay nagbibigay ng dagdag na inspirasyon sa NDRVMCC Volleyball Boys
sa kanilang mga susunod na laban. Umaasa silang patuloy na mapapabuti ang kanilang laro at
makamit ang tagumpay sa mga darating na kompetisyon.
Mula sa Student Broadcasting News ako si Al-Jay
Mongangan nag uulat!!( Music sounds effect)

Anchor 1 Manuel: Yan ng usaping sport na ginanap sa NDC, at sahuli wagi padin ang volleyball
boys ng NDRVMCC.(Music)
Nakalap na usapin balitang political sa pahayag ng V-President sa balita ni Jillian Mama.

Field Anchor 3 Mama:Nag labas ng pahayag si vice president Sarah Duterte sa gitna ng mga
banat sa pangulo sa kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte at manga kapatid.

Pahayag naman ni Vice President Sarah Duterte may respeto ako sa mga pananaw at
opininyon ni dating pangulong Duterte pati na ang aking manga kapatid ngunit katulad ng
position ko sa maraming mga issues hindi kailangan na sumang ayun ako sa lahat ng mga ito.

kabilang sa mga banat ng kanyang amang mga aligasyong pag drodroga na ayun kay
pangulong bobong Marcos ay hindi nya papatulan at tinggin narin ng dating Philippine drug's
enforcement agency ang aligasyong ng dating pangulong nasa drugs watch list nito si
pangulong Marcos, nanawagan nanaman si dating Davao city si mayor Baste Duterte na mag
resign na ang pangulo pero nag sorry na raw ito sa ginawa, ayun kay senadora Imme Marcos.

Samantalang nag pasalamat Ang vice-president sa patuloy umanong tiwala sakanya ni


pangulong Marcos na unang sinabi na walang syang balak palitan bilang education secretary si
Vice President Sarah Duterte

Mula sa Student Broadcasting News Jillian Mama nag-uulat!!

PATALASTAS:

April: nakakaantok naman

Norhanie: whooooo!!!

April: hmm!! mukhang masarap yan ahh

Norhanie: syempre naman dahil ito ang nescafe classic puro at natural na kape lamang , hindi
lamang antok ang napapatanggal nito , kundi makakatipid ka rin dahil sa Sampong piso mo may
tatlong Nescafe classic ka na .

April : grabe sa pangalan pa lang nakakatanggal antok na!!!! makabili nga


Norhanie: kaya ikaw!!mag Nescafe classic na para tanggal antok
Anchor 1 Manuel: Weather news observation sa maulap o ma araw na panahon nakatutuk kay
Mua,Rauf

Inaasahan natin ngayon sa Cotabato City ang isang maaliwalas na panahon . Ang temperatura
ay umaabot sa mga 30 degrees Celsius. Makakaranas tayo ng maganda at malinaw na langit
sa buong araw, na may kaunting mga ulap na naglalakbay sa kalangitan.

Ngunit, mayroon din tayong posibilidad ng mga pag-ulan sa hapon at gabi. Maaaring magdala
ito ng mga malalakas na pag-ulan at posibleng mga kidlat at kulog. Kaya't mahalagang magdala
ng payong o panlabas na proteksyon kapag lalabas ng bahay.
Sa mga susunod na araw, inaasahan natin ang patuloy na pagbabago ng panahon. May mga
pag-ulan at pag-ambon na inaasahan sa mga sumusunod na araw, na maaaring magdulot ng
pagbaba ng temperatura. Mahalagang mag-ingat at maging handa sa mga posibleng
pagbabago sa panahon.

Mula sa Student Broadcasting News ako ang inyong tagapag ulat panahon Mua Rauf..!!!!
(music sounds effect)

Anchor 2 Maningula: Yan ang inaasahan sa weather ngayon araw panatilihing maging ligtas
mga kababayan.
Naging ulat ang concert ng kpop group idol na ENHYPEN sa Philippines sa FATE TOUR SA
CLARKCITY Mua paki chika naman .

Field Reporter 4 Mua: Ito na nga!!! bubuhos ng kakiligan, kaya Filipino ENGENEs, humanda na
dahil sapasabog ang rising K-pop boy band Enhypen ngayon feb 3,2024.

Ang Enhypen ay binubuo nina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo at Niki at
nabuo sa pamamabitan ng 2020 survival program “I-LAND.”
MANILA, Philippines – “It’s you and me in this world,” K-pop boy group ENHYPEN sang in
theirsong “Bite Me.” And on Saturday, February 3, Filipino fans of the septet indeed felt like
theywere transported to a special place during the act’s FATE stop at the New Clark City
Stadium inTarlac, Philippines.
“It’s been a year since we saw one another since the Manifesto tour. Bumalik kami para sa
inyo(We came back for you),” member Jay told the 25,000 fans that trooped to the venue.

This hugeturnout of attendees is commendable for a group that’s only three years into the
career, and witha location that’s almost a three-hour ride away from the metro, yan ang balitang
shobiz happening laging tumotok sa inyong idolo more updates sa aming balitang showbiz muli
akoang inyong taga ulat hanggang samuli.
(MALAKAS NA PASOK NG KANTA PAPAHINA)

Anchor 1 Manuel : Talaga namang kikiligin ang ating mga Enhypen fans (Sound Effects)
Para sa ating dagdag kaalaman ibabahagi yan ni April
Maningula Trivia:
Alam mo ba na ang pusa ay may kakayahang humigit-kumulang na isang daang beses na mas
malakas ang pandinig kaysa sa tao? Ang kanilang mga tenga ay may kakayahang ma-detect
ang tunog na hindi kayang marinig ng mga tao. Kaya't hindi lang talaga sila magagaling sa
paghuhuli ng daga, kundi maaari rin nilang marinig ang mga tunog na hindi natin naririnig!

Alam mo rin ba na ang mga hayop ay may mga natatanging katangian at kakayahan?
Halimbawa , ang mga langgam ay may kakayahan na magdala ng mga bagay na higit pa sa
kanilang timbang, ang mga daga ay may mga pang-angkin sa kanilang teritoryo, at ang
mgadambuhalang balyena ay may mga kumpol ng mga tunog na nagagamit nila sa
paghahanap ng pagkain at pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa.

Ngayon alam mo na
(MUSIC SOUND EFFECT)

ANCHOR 1MANUEL: Mula sa himpilan Student Broadcasting News tagapaghatid ng mga


nagbabagang balita .Walang kinikilingan tanging katotohanan lamang ito ang (SBNEWS) boses
ng sambayan SBN3.9 muli ako si Gabriel Josh Manuel
Anchor 2 Maningula: At ako naman si April Jane Maningula Ito ang balitang makatotohanan
boses ng sambayanan
Anchor 1&2 :SBNews 3.09 (Music)

You might also like