You are on page 1of 6

DZ82.

8
RADYO OTSO, BENTE OTSO
STATION ID: RADYO OTSO! Bente otso
Dekalidad na serbisyo mula sa lokal at mapagkakatiwalaan mamahayag ng Pilipinas.
RADYO OTSO! Bente otso

ANCHOR 1: DANHIEL DERUBIO


ANCHOR 2: WINDEL MISOLA
Anchor 3: NURHAIRA MUTALIB
NEWSCASTER 2: DANE DEQUITO
SPORTS REPORT: LEONA DIPUS
SCRIPTWRITER: DANHIEL DERUBIO
TECHNICAL APPLICATION 1: DANE DEQUITO
TECHNICAL APPLICATION 2: FRITZ RHEAN BARRIENTOS
INFOMERCIAL 1: IRENE MANGULAMAS
INFOMERCIAL 2: MARCILA SINGKOY
RADYO OTSO, BENTE OTSO
ABRIL , 2023
*pagsubok sa mikropono*
(Insert opening music)
1. PARA SA LAHAT: DZ82.8, RADYO OTSO, Dekalidad na serbisyo
2. mula sa lokal at mapagkakatiwalaang mamahayag ng
3. Pilipinas.
4. Radyo Otso, bente otso
5. SFX: RADYO OTSO!
6. ANCHOR 1: Dekalidad at mapagkakatiwalaang impormasyon
7. SFX: laser
8. ANCHOR 3: Boses!
9. SFX: LASER
10. ANCHOR 2: At radio!
11. VOICE: RADYO OTSO! Bente otso
12. ACHOR 1: Isang magandang araw Pilipinas!
13. Ngayon ay araw ng _ Abril _ 2023
14. Ako si Danhiel Derubio
15. ANCHOR 2: Ako si Nurhaira Mutalib
16. ANCHOR 3: At ako naman si Windel Omalde,
17. ANCHORS: At kayo’y nakikinig sa Radyo Otso!
18. Dekalidad at mapagkakatiwalaang impormasyon, boses,
19. At radio, Radyo Otso, bente otso

20. ANCHOR 1: Sa ulo ng mga naglalagablab na balita…


21. VOICE: Radyo Otso, LASER(sfx)
22. ANCHOR 1: BAGONG CURFEW HOURS SA BAYAN NG
23. POLOMOLOK, IPINATUPAD NA
24. VOICE: Radyo Otso, LASER(sfx)
25. ANCHOR 2: KAUNA-UNAHANG “STAR MAGICAL PROM NG ABS-CBN
26. STAR MAGIC” MATAGUMPAY NA NAIRAOS
27. VOICE: Radyo Otso, LASER(sfx)
28. ACHOR 3: TRIPLET SA BRAZIL, PARE-PAREHONG NAG MADRE
29. VOICE: Radyo Otso, LASER(sfx)
30. ANCHOR 2: GINEBRA VS. TNT FINALS, INAASAHANG BABALIK SI
31. JAPETH AGUILAR SA PAGLALARO
32. VOICE: Radyo Otso, LASER(sfx), TUNE IN OPENING MUSIC
33. ANCHOR 1: Unang-una sa balita,
34. VOICE: Radyo Otso, LASER (sfx)
35. Inilibas ang Executive Order no. 019-2023,
36. noong ika-22 ng Marso nitong taon ni Municipal
37. Mayor Bernie Palencia na nag papatupad ng bagong curfew
38. hours sa bayan ng Polomolok, South Cotabato
39. Para sa mga detalye, narito si Nurhaira Mutalib.

40. ANCHOR 2: Ang nasabing curfew hours ay magsisimula mula alas dies
41. ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga.
42. Ayon kay Mayor Palencia inilunsad ang executive order para
43. paigtingin ang seguridad sa naturang bayan at
44. maprotektahan ang mga mamamayan nito. Matatandaang
45. sunod-sunod ang ibat-ibang serye ng pamamaril sa bayan
46. ng Polomolok na siyang kinabahala ng mga residente nito.
47. Hinihingkayat ng Local Goverment Unit ng Polomolok na
48. maging mapagmatyag at maingat ang mga residente mula
49. sa mga criminal.
50. Nurhaira Mutalib, Nag uulat.

51. ANCHOR 1: Samantala, Ang gabi ay naging masaya at kaakit-akit para


52. sa “Star Magic” na pinaka-promising na mga artista bilang
53. hawak ng ABC-CBN, ito ang kauna-unahang “Star Magical
54. Prom 2023” na may “Bridgerton” bilang tema.
55. Ang nasabing event ay naganap noong ika-30 ng
56. Marso, 2023.
57. Para sa mga detalye narito si Dane Dequito.

58. NEWSCASTER 2: Isang gabing hindi malilimutan ang kaganapan para sa


59. marami, sa kanilang pakikipagsapalaran sa kilalang hindi
60. malilimutang taon sa tahanan kung saan ang mga bituin ay
61. nakahanay at kumikinang sa pinakaliwanag. Saksihan ang
62. isang kaakit-akit na kaganapan ng pag-ibig, pagkakaibigan,
63. at mahika para sa ating mga susunod na henerasyong
64. talento.
65. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga pinakamalaki at
66. sumisikat na mga Artista ng ABC-CBN.
67. Kabilang dito ang mga dating child stars at mga artista na
68. sumusunod sa yapak ng kanilang mga mahal sa buhay,
69. hindi mawawala ang mga sikat na teenage couples.
70. Dane Dequito, nagbabalita.

71. ANCHOR 1: Salamat Dane.


72. Nagbabaga parin ang mga balita sa pagbabalik ng
73. VOICE: RADYO OTSO, CUE OUT MUSIC

74. (MUSIC PARA SA INFOMERCIAL, CUE IN)


75. INFOMERCIAL:
76. IRENE: Ana saan ka ba galing?
77. MARCILA: Diyan lang sa labas Inay, bumili lang ng pagkain.
78. IRENE: Sa susunod anak, mag suot ka ng facemask at pagkatapos
79. ay hugasan ng mabuti ang kamay.
80. MARCILA: Okay lang naman po Inay, diyan lang naman po sa tindahan.
81. IRENE: Mas mabuti nang nag iingat iha, lalo na sa panahon natin
82. ngayong may pandemya parin.
83. WINDEL: Kinabukasan…
84. MARCILA: Inay masama po ang aking pakiramdam,
85. at masakit po ang aking ulo.
86. IRENE: Halika na kaaagad anak, at
87. tayo’y pumaroon na sa klinika.
88. Huwag mong kalimutang isuot ang iyong facemask.
89. WINDEL: Sila’y pumunta sa klinika.
90. LEONA: Ako po ang iyong nars, at
91. mabuti po na kayo’y pumunta kaagad sa ating health center,
92. upang ipatignan ang iyong anak.
93. Base po sa pasgsusuri ay wala naman pong sakit ang iyong
94. anak na covid. Ngunit naipapayo ko parin ho na magpalakas
95. siya ng kaniyang resistensya, mag pahinga,
96. huwag kalimutan ang pag inom ng tubig.
97. MARCILA: Salamat naman nay at wala akong sakit.
98. VOICE: Facemask~ Mag suot ng facemask~
99. DANHIEL: Mag suot ng facemask at ugaliing mag hugas ng kamay,
100. VOICE: ooh sa pandemya ay protektado ka.
101. MAGING PROTEKTADO AT MAKIBAHAGI SA
102. PAGSASAGAWA NG SAFETY MEASURES LABAN
103. COVID-19, ISANG BABALA GALING SA RADYO OTSO,
104. BENTE OTSO.
(CUE IN SFX NEWS MUSIC)

105. ANCHOR 1: At nag babalik ang Radyo Otso.


106. VOICE: VOICE: Radyo Otso, LASER(sfx)

107. Sa ibang balita..


108. TRIPLET SA BRAZIL, PARE-PAREHONG
109. NAG MADRE, narito ang mga detalye

110. Ngayong ika-7 ng Abril, 2023,


111. Sa bansang Brazil ang triplet ay
112. pare-parehong nag madre.
113. Ayon sa kanilang salaysay,
114. pare-pareho silang pumasok sa
115. kumbento upang paglingkuran ang
116. Panginoon bilang madre,
117. gaya umano ng pangarap nila noong bata pa lamang.
118. Sa ulat ng Catholic News Agency na
119. inilathala sa Catholic
120. Bishop COF (CBCP) News,
121. lumaki sa isang Katolikong
122. pamilya sina
123. Maria Gorete, Maria de Lourdes, at Maria
124. Apacerida dos Santos, limangput-pitong (57) gulang,
125. mula sa Bahia, State Brazil.
126. Simula pagkabata ay
127. naramdaman na raw nila ang kanilang bokasyon.
128. Ika nga ni Maria Gorete, “Wala kaming ibang
129. gusto kundi ang magsilbi sa Panginoon”
130. Hanggang sa nalaman at
131. natulungan sila ng isang pari sa kanilang rehiyon.
132. Danhiel Derubio, nag babalita.

133. ANCHOR 2: Salamat Danhiel


134. Para sa balitang sports.
135. GINEBRA VS. TNT FINALS,
136. INAASAHANG BABALIK SI JAPETH AGUILAR SA
137. PAGLALARO.
138. Para sa mga detalye narito si Leona Dipus.

139. SPORTS NEWSCASTER: Ang pagbabalik ni Aguilar sa


140. BARANGGAY GINEBRA
141. ay sinasabing mag papalakas at
142. mag papagaan ng loob ng
143. mga manlalaro.
144. Nadismaya ang marami sa huling laro nito sa game 6 ng
145. 2022-2023 PBA Commissioners Cup Finals, kaya’t umaasa
146. ang mga nakakarami para sa magandang laro ngayong
147. game 7 na ginanap noon Enero 17, 2023,
148. sa Philippine arena.
149. Leona Dipus, nag uulat.
(CUE OUT NEWS MUSIC, CUE IN OUTRO)
150. ANCHOR 1: At iyun po ang mga balita sa araw na ito.
151. Muli ito po ang inyong lingkod, Danhiel Derubio.
152. ANCHOR 2: Ako naman si Nurhaira Mutalib
153. ANCHOR 3: At ako naman po si Windel Omalde.
154. VOICE: At muli ito ang, RADYO OTSO, BENTE OTSO.
155. Dekalidad na serbisyo mula sa lokal at mapagkakatiwalaan
156. mamahayag ng Pilipinas .
157. MARAMING SALAMAT SA
158. PAKIKINIG AT MABUHAY KA PILIPINAS.
159. (EXIT MUSIC)

You might also like