You are on page 1of 4

DZLB 888(Locuban NHS)

SCRIPTWRITING AND BROADCASTING

September 22, 2017

DZ…DZZZZZ..DZZZZZLB 888 RADYO NG MASA

Anchor 1: Mula sa himpilan ng katotohanan

Anchor 2: Maghahatid ng mga pangyayari sa lipunan

Anchor 1: Boses at kakampi ng sambayanan

Both: Dito lang sa DZLB 888, Balita Express!

(Voice over) ang ating oras…40 minuto makalipas ang alas diyes ng umaga.

SFX…

Anchor 1: Magandang hapon Pilipinas, ngayon ay Biyernes ika 22 ng Setyembre taong 2017

Ito ang inyong tagapagbantay Sherwin Dinopol

Anchor 2: At inyong kaagapay Chrizia Mae Dagajas

At kayo’y nakikinig sa….. Balita Express!

SFX…

Both: Sa ulo ng mga nagbabagang balita

Anchor 1: Para n sa balitang local ‘DPC 2017,ginanap sa Dumalinao NHS’

Anchor 2: Sa balitang nasyonal ‘Gabinete kokonsultahin muna ni Duterte bago ituloy ang peace talks’
Anchor 1: Para sa balitang internasyonal ‘Pinoy sa epicenter ng killer quake sa Mexico, ligtas’
Anchor 2: At para sa balitang isports ‘Arum ayaw gastusan ang laban ni Pacquiao sa Pinas’
Both: DZLB 888 Balita Expess!

SFX…

Anchor 1: ‘DPC 2017,ginanap sa Dumalinao NHS’ para sa mga detalye narito si Michelle Dela Pena,Michelle?
News Presenter:

Ginanap ang District Press Conference sa Dumalinao National High School sa temang “Strengthening Freedom of Information
through Campus Journalism.

Nagtipon-tipon mga mga mag aaral mula sa walong ekwelahan sa Distrito ng Dumalinao na lalahok sa iba’t-ibang kategorya.

Ang top 3 na mapipiling mananalo sa bawat kategorya ay muling lalahok sa Division Schools Press Conference sa Tambulig National
High School sa darating na Oktubre.

(Michelle Dela Pena, umaarangkada para sa Balita Expess!)


Anchor 2: Salamat Hasi Ken... ‘National Day of Protest, idinaos’
para sa kompletong impormasyon, ibalita mo Bernagen Ruben.

Sabay na nagpakita ng pu-wersa ang libu-libong pro at anti-Duterte protesters sa idinaos na “National Day of Protest”
kahapon kasabay ng ika-45 taong anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.

Sa monitoring ng PNP bandang alas-3 ng hapon ay nasa 12,000 ang mga pro-Duterte sa Plaza Miranda at nasa 3,000
naman sa Mendiola.

Ang mga taga-suporta ni Duterte ay kinabibilangan ng 12 grupo mula Valenzuela, Malabon, Olongapo, Caloocan at
grupong DDS Metro Manila, I am Duterte Humanitarian Group, Kilusang Pagbabago at marami pang iba na sumakay sa
libreng bus.

Nabatid na inokupa ng mga pro-Duterte ang kahabaan ng Rotonda at compound ng University of the Philippines sa
Quezon City; kahabaan ng España Boulevard sa harapan ng UST at maging sa Mendiola; Nagtahan Bridge, Liwasang
Bonifacio at Plaza Miranda sa Maynila.

Karamihan sa mga pro-Duterte ay nakasuot ng kulay orange na t-shirt at sombrero.

Nasa 5,000 naman ang mga anti-Duterte protesters ang nasa kabilang bahagi ng Mendiola malapit sa Palas-yo ng
Malacañang at nasa 8,000 sa Luneta.

(Bernagen, umaarangkada para sa Balita Expess!)

Anchor 1: Salamat kasamang Bernagen.

Tuloy tuloy pa rin ang mga nag iinit na balita sa hapong ito. Magbabalik kami matapos ang ilang paalala.

SFX…

Infomercial…

Ken: Mareeeeee. Ano yang sinasako mo? Bakit ang dami mong dalang sako?

Michelle: Ano ka ba mare. Basura. Kailangan kasi nating ihiwalay ang iba’t-ibang uri ng mga basura. Halimbawa, ang mga basura
tulad ng plastic ay ilalagay sa sack no 4. Ang mga basag na mga bote o pinggan ay kailangan nating ilagay sa sack no. 5 at iba pa.

ALL: AAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

ALL. (SING) Tapon, tapon, tapon, tapon niyo. Basura nyo, itapon nyooo, itapon mo…

Chrizia: Basura mo ihiwalay mo, I-SAKO MO! Isang paalala mula sa DENR.

Anchor 1: At nagbabalik ang…

Both: Balita Express!

Anchor 2: At para sa balitang isports ‘Arum ayaw gastusan ang laban ni Pacquiao sa Pinas’

Idedetalye ni kasamang Reymond Ortega, Reymond?

Sports Presenter:
Walang problema kay Top Rank Chief Bob Arum na lumaban si Manny Pacquiao sa harap ng kaniyang mga kababayan sa
Pilipinas ngunit hindi niya ito gagastusan.

“Pacquiao up to this point made it plain he's not coming over to fight in Australia,” wika ni Arum kay Steve Kim ng
boxingscene.com. “No, he doesn't want to fight in Vegas, either.”

Plano umanong ikasa ni Pacquiao ang rematch kay Horn sa darating ng Disyembre sa Philippine Arena sa Bulacan. Inalok
umano ng eight-division champion ang Australyano ng $3 milyon upang itaya ang WBO welterweight championship.

“He wants to fight in the Philippines and with the peso being 52 pesos to the dollar — how the hell is everybody going to
get paid, let alone him?" patuloy ng promoter.

“I would love to do a big fight for him in Manila or someplace else in the Philippines but the problem is don't expect me
to pay for it,” dagdag niya.

Nang magtuos sina Pacquiao at Horn sa Brisbane, malaking bahagi ng gastusin ang sinagot ng gobyerno ng Queensland.
Handa ulit silang gawin ito ngunit kinakailangan ay sa Suncorp Stadium muli ang bakbakan.

Samantala, tulad ni Arum wala ring balak ang Department of Tourism na gastusan ang laban ni Pacquiao.

“The tourism board in the Philippines has told us they'll do everything to help promote the fight except put up money.
You've got to respect that,” sabi ni Arum.

(Reymond Ortega, para sa Balita Expess!)

Anchor 1: Salamat kasamang Reymond. ‘ Pinoy sa epicenter ng killer quake sa Mexico, ligtas’ Yan
ang tinutukan ni Hasi Ken Bajo

News Presenter: Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Mexico Eduardo de Vega na walang nasaktang Filipino sa
magnitude 7.1 na lindol sa Mexico nitong Martes.

Ayon kay De Vega, agad na siniyasat ng Philippine embassy sa Mexico ang kalagayan ng mga Filipino doon, kabilang na
ang nag-iisang Pinoy na naninirahan sa Puebla na siyang epicenter ng killer quake, at nakumpirmang ligtas lahat sila.

“Meron pa kaming natawagan sa Puebla, kasi ‘yun ang sentro, that’s about two hours drive from Mexico City, Puebla,
the colonial city. May isang Filipino doon. Isang Filipino resident lang yoon, he’s safe,” wika ni De Vega.

Nasira rin ng lindol ang embahada ng Pilipinas sa Mexico City subalit ligtas naman ang lahat ng staff doon.

Mayroong 60 Filipino ang naninirahan sa Mexico City at tinatayang 600 sa buong Mexico.

“We offer our sympathies to the Mexican Government and to those who lost their loved ones in this tragedy,” ayon sa
mensahe ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano mula sa New York kung saan dumalo ito sa 72nd session ng
United Nations General Assembly.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Malacañang sa gobyerno ng Mexico matapos ang pagkamatay ng higit 200 nilang
mamamayan sa malakas na lindol doon.

“Our thoughts and prayers are with the people of Mexico, especially the bereaved families, who were hit and affected
by a magnitude 7.1 earthquake…” bahagi ng statement ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella

(Hasi Ken Bajo umaarangkada para sa Balita Expess!)


Anchor 2: At yan ang mga balitang aming tinutukan sa nakalipas sa 24 oras. Magkita-kita muli tayo sa susunod na balitaktakan ng
mga

Anchor 1:Pinakamainit na balita

Both: Balita Express…!

Anchor 2: Subok na maasahan

Both: Balita Express…!

Anchor 1: Pinkamabilis na pagsiyasat..

Both: Balita Express…!

Anchor 1: At ito muli si Sherwin Dinopol

Anchor 2: At Chrizia Mae Dagajas

Para sa DZLB 888 Balita Express…!

EXTRO…

You might also like