You are on page 1of 3

Scriptwriting and Broadcasting

Anchor 1(Nicole): Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilang walang kinakatigan.


Anchor 2(Thymie): Mata ng bayan Boses ng katotohanan.
Anchor 1(Nicole): Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit.
Anchor 1&2: Ito ang KALISTO BALITA!
(Sounds TING) Time check
Anchor 2(Thymie): Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas dos ng hapon.

(Background music lively)


Anchor 1(Nicole): Isang Mapagpalang araw Pilipinas!
Ito ang inyong tagapagbantay, Nicole R. Balios.
Anchor 2(Thymie): At inyong kaagapay, Elethymie Lanojan.
Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa…. KALISTO BALITA !

(Sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.
Anchor 2 (Thymie): Pulisya nagbabala laban sa tahamak na ‘Ikaw Ba ang nasa Video’ link online
Anchor 1(Nicole): Isang guro patay at dalampu ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang
bus sa Orani, Bataan.

(dagling pagputol ng kanta)


Anchor 1(Nicole): Para sa mga detalye
(Continue ng Background sound)
Anchor 2(Thymie): Isa ka rin ba sa mga nakatanggap ng link na may bungad na tanong, ‘Ikaw ba ang
nasa video?’ May babala ang pulisya ukol dito. Viral muli online ang isang paalala ng Regional-
Cybercrime Unit 8 ng Philippine National Police (PNP) laban sa nasabing modus ng mga scammer.
Paliwanag kasi ng awtoridad, isang uri ito ng phishing link na partikular na ipinapakalat sa Facebook
Messenger. Dagdag ng babala, ang nasabing link ay maaaring makapag-hack, o mangompromiso sa
account ng sinumang makatatanggap nito. Kaya ang malinaw na payo nila, iwasang buksan ang nasabing
link upang hindi mabiktima ng online scam, identity theft at ilegal na pag-akses sa pribadong social media
account.
Anchor 1(Nicole): Isa ang nasawi habang higit dalampu ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang
sinasakyan nilang DepEd bus service sa bahagi ng Barangay Tala sa Orani, Bataan. Sakay ng bus ang
isang grupo ng mga public school teacher mula Quezon City. Ayon sa School Division Office ng Quezon
City, dumalo ang mga guro sa gender and development activity sa isang resort sa Bataan. Sa inisyal na
ulat, lulan ng naturang bus ang ilang mga guro. Ayon sa isa sa mga faculty na si Mon Aspa – nahulog sa
bangin sa Sito Butarero ng naturang Bayan. Pauwi na raw sana sila mula sa dinaluhan nilang isang
seminar sa Sinagtala Resort. Lumabas sa paunang imbestigasyon ng Metro Bataan Development
Authority na nawalan ng preno ang bus, dahilan para mawalan ng kontrol, at mahulog sa matirik na
bangin. Ilan naman sa mga nasugatan ang dinala sa Orani District Hospital para sa first aid, X-ray at CT
scan habang tatlo ang isinugod sa Balanga Provincial Hospital. Ikinalungkot naman ng lokal na
pamahalaang lungsod ng Quezon ang nangyaring aksidente, at tiniyak ang pagpapaabot ng tulong sa mga
biktima. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(Sounds Malakas mag papalit)


Anchor 1(Nicole): Proteksyon sa GIG Economy Workers, Muling isinusulong ni Hontiveros. Kalisto
Ashley, ibahagi mo.

News Presenter(Ashley): Hinikayat ni Sen. Risa Hontiveros ang pagsasabatas sa inihain niyang Senate
Bill No.1373 o ang panukalang protektadong Online workers, Entrepreneurs, Riders, and Raketera
(POWER) Actna layong protektahan ang karapatan at kapakanan ng gig economy workers sa bansa.
Isinusulong ito ngsenadora matapos matagpuang patay ang dilevery rider na si Noel Escote habang
nakasampa sa kanyangmotor noong nakaraang linggo.

Anchor 1(Nicole): Salamat Ashley, Mag babalik po ang,


Anchor 1&2: KALISTO BALITA
(Sandaling pag putol ng sounds)
(Bagong Sound effects)
Infomercial:
“Litong lito nako.” “Pagod nako.” “Di ko na kaya.” “Ayoko na.” Itong mga salitang to ay kadalasan
mong maririnig sa isang studyante o trabahante.. Pero sa kabila ng lahat ng ito, Naiisip nyo pa ba yung
future nyo?
Kaya ako? Hindi ako basta basta sumusuko. Kase alam ko sa sarili ko na, My partner is always on my
side.
Have an improve Kopiko blanca creamy roasted coffee with new Zealand milk that adds more content
that makes it CREAMIEST to CREAMIER. To get you ready and focused
Actually nakakapagod naman talaga ang pagtatrabaho at pag-aaral. But don’t let negativity control you.
Have a kopiko blanca. Thick, delicious, creamy.

(Malakas na pasok ng kanta Papahina)


(Pasok ng bagong kanta)
Anchor 1(Nicole): Muling nagbabalik ang…
Anchor 1&2: KALISTO BALITA!
(Sounds-Mag papalit)
Anchor 1(Nicole): Para naman sa ating balitang isports, Kalisto Ryca, Ibahagi mo.
Sports Presenter(Ryca): Hindi pa rin makapaniwala si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na natupad
na niya ang pinapangarap niyang maging “world champion”.
“Kay gandang pakinggan, ito ay aking lamang pinapangarap. Natupad din sa wakas!” ani Diaz sa isang
Instagram post.
Si Diaz, na ngayon ay world champion na, ay nagreyna sa women’s 55 kg event sa World Weightlifting
Championships sa Bogota, Colombia nitong disyembre syete 2022. Nagpasalamat din si Hidilyn Diaz sa
lahat ng naging bahagi ng kanyang paglalakbay patungo sa world championship. Sinabi nito na ito na ang
kanyang huling stint sa 55 kg class.
“This is my last lift at 55kgs category and im happy to end it as World Champion”.
Nakatakdang magretiro si Hilidyn Diaz pagkatapos ng Paris Olympics kaya naman puspusan ang
paghahanda nito para makasungkit muli ng gintong medalya.

(Sound lalakas)
Anchor 2 (Thymie): DZRM! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.
Anchor 1(Nicole): Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng
balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
Ito ang inyong tagapagbantay, Nicole R. Balios.
Anchor 2(Thymie): At lagi nyong kaagapay, Elethymie Lanojan
Anchor 1(Nicole): Balitang tapat.
Anchor 2(Thymie): Balitang Sapat.
Anchor 1(Nicole): Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat,
Anchor 1&2: KALISTO BALITA!
Voice: DZRM, Otso-otso.

You might also like