You are on page 1of 36

7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya
sa Pag-usbong ng Nasyonalismo
at Kilusang Nasyonalista
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Ugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa
Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista
Unang Edisyon 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


May B. Eclar, PhD CESO III
Rhoda T. Razon, EdD CESO V

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ronaldo F. Catacutan
Tagasuri: Angelica M. Burayag PhD/ Grace G. Abad/
Rebecca Sotto/ Mary Jane P. Soriano/
Edelwiza L. Cadag/ Rodel D. Lintag
Marieann C. Ligsay PhD
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Marylin R. Abrantes
Tagapamahala: May C. Eclar PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Remedios D. Sitchon
Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya
sa Pag-usbong ng Nasyonalismo
at Kilusang Nasyonalista
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.


Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa
Araling Panlipunan Baitang 7.
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang kahulugan ng iba’t ibang ideolohiya ng Silangan at Timog-


Silangang Asya;
2. naiisa-isa ang mga ideolohiya na may kaugnayan sa pag-usbong ng
nasyonalismo ng Silangan at Timog-Silangang Asya; at
3. napahahalagahan ang mga ideolohiya sa malawakang kilusang nasyonalista
ng Silangan at Timog-Silangang Asya.

Mga Tala para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga batayang


impormasyon sa Ugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng
Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista .

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin ang letra ng


tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ideolohiyang isinulong ni Mao Zedong ng Tsina.


A. Aristokrasya C. Komunismo
B. Demokrasya D. Sosyalismo

2. Samahang itinatag ni Sun Yat Sen at kilala ring Nationalist party.


A. Partido Liberal C. Partido Kunchantang
B. Partido Nasyonal D. Partido Kuomintang

3. Humalili kay Sun Yat Sen at nagtatag ng Republic of China sa Taiwan.


A. Chiang Kai Shek C. Mao Zedong
B. Kim Il Sung D. Sun Yat Sen

4. Naging paraan ng Japan upang mapaunlad ang bansa at mapantayan ang mga
kanluranin.
A. Magsanay ng ibang wika
B. Makasakop ng mga teritoryo
C. Modernisasyon at westernisasyon
D. Makipaglaban sa mga mananakop

5. Opisyal na pangalan ng China na siyang pamahalaan na itinatag ni Mao Zedong.


A. Republic of China C. Peoples Republic of China
B. Kingdom of China D. Unitary Government of China

6. Isang ideolohiya na tumatangkilik sa pagkakapantay- pantay ng tao, walang


mayaman at mahirap, ngunit kapag ito ay pinairal, ang kapangyarihan ay
napupunta lamang sa isang partidong awtoritaryan sa isang bansa.
A. Sosyalismo C. Pasismo
B. Totalitaryanismo D. Komunismo

7. Unang pangulo ng Indonesia na nagdeklara ng kasarinlan ng bansa.


A. Aung San C. PolPot
B. Diponegoro D. Sukarno

2
8. Ito ang pangunahing bansa sa Asya na naging tagapagtaguyod ng Komunismo.
A. Brunei C. Japan
B. China D. Pilipinas

9. Ideolohiyang nanalo sa Vietnam war.


A. Demokrasya C. Komunismo
B. Kapitalismo D. Sosyalismo

10.Nagtakda ng hangganan ng Hilaga at Timog Vietnam


A. 17th Parallel C. 27th Parallel
B. 18th Parallel D. 38th Parallel

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman
ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa ang
aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at pagsasagawa
ng mga dinisenyong gawin

3
Ugnayan ng Iba’t Ibang
Aralin
Ideolohiya sa Pag-usbong ng
1 Nasyonalismo at Kilusang
Nasyonalista

Balikan

Bago ka magsimula sa bagong aralin, magbalik-aral ka sa iyong mga


natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa isang gawain upang masukat ang
lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin. May mga tulong sa pag-aaral na
inihanda para sa iyo. Maaari mo nang simulan ang pagsagot sa mga tanong.

Gawain A

Panuto: . Punan ng letra ang patlang upang mabuo ang hinihinging


sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. A_OLF _ITL_R
Siya ang naging lider ng mga Nazi German na nagpapatay sa mga Jew

2. _AVR_LO PRI_CIP
Isang Serb, na bumaril sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary
na si Archduke Francis Ferdinand

3. BE_ITO M_SSOLIN_
Siya ang nagsulong ng Pasismo sa Italy at naging kaalyado ni Hitler

4. FRA_KL_N R_OSEV_LT
Ang kasalukuyang pangulo noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

5. HIR_HIT_
Ang emperador ng Japan na sumuko noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig

4
Gawain B

Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang OO kung ito ay totoong


nangyari, at HINDI kung walang katotohanan ang mga pangungusap. Ilagay
sa patlang ang iyong sagot bago ang bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Pinasabog ng Germany ang barkong British na Lusitania.


Namatay ang mahigit na isang libong katao kasama ang 128 na
Amerikano.

2. Naitatag ang League of Nations pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

3.Nakapasok ang mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil


sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman.

4. Ipinapatay ni Hitler ang may anim na milyong Jew dahil sa


paniniwalang marumi ang kanilang lahi at wala silang karapatang
mabuhay.

5. Ipinalabas ang Balfour Declaration, na naging dahilan ng hindi


pagkakaunawaan ng mga Hudyo at Kristiyano.

Tuklasin

Gawain A

Panuto: Suriin ang mga watawat ng ilang bansa . Isulat sa patlang ang
SA kung ito’y sa rehiyon ng Silangang Asya at TSA kung ito’y sa rehiyon ng
Timog- Silangang Asya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

5
Cambodia

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03z-
T6NkgDYoiXf5jqWL7x7W4Hoag%3A1615821961136&ei=iXxPYIXeB5mIr7wP7rChqAo
1. &q=pictures+
South Korea

2. Flag Of South Korea Free Stock Photo - Public Domain Pictures


Japan

Flag Japan | Download the National Japanese flag (all-flags-world.com)


3.
Thailand

https://www.google.com/search?q=pictures+of+thailand+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwiN1ajsz7LvAh
4. UqKqYKHUXJAksQ2-cCegQIABAA&oq=pictures+of+thailand+flag&gs_lcp

Malaysia

https://www.google.com/search?q=pictures+of+malaysia+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwjVpLKK0LLvA
hUGdpQKHcUFB1oQ2-cCegQIABAA&oq=pictures+of+malaysia+flag&gs_lcp=
5.
Myanmar

https://www.google.com/search?q=pictures+of+myanmar+flag&tbm=isch&ved=2ahUKEwiwyZGr0LLvA
6. hWBHaYKHS_WDuoQ2-cCegQIABAA&oq=pictures+of+myanmar+flag&gs_lcp=C

6
Gawain B

Panuto: Makikita sa ibaba ang ilang watawat. Isulat sa sagutang papel


ang pangalan ng bansang yumakap sa ideolohiyang nakasulat.

Demokrasya

1. Bansa:

https://www.google.com/search?q=flag+of+philippines+pictu
re&oq=flag+of+philippines&aqs=chrome.5.69i57j69i60j0l6.328
30j0j4&sourceid=chrome&ie=UTF-8

Komunismo

2. Bansa:

China Flag Themes Idea Free Stock Photo -


Public Domain Pictures
Sosyalismo

3. Bansa:
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk02mXA7jA8yjd
bgmfzHy28xyzfsWw%3A1615821769679&ei=yXtPYIKKKevUm
AXZ0w4&q=flag+of+vietnam+pictures&oq=flag

Suriin

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon


tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga
kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda
upang maging batayan mo ng impormasyon. Handa ka na ba?

Kahulugan ng Ideolohiya

Ideolohiya

* salitang-ugat na ideya o kaisipan na tuwirang


Si Antoine Destutt de
Tracy, isang Pranses na nag-
imbento ng salitang ideolohiya
na nagsimula sa bansang France
noong ika-18 siglo
https://www.google.com
/search?q=destutt+de+tr
acy+ideolohiya&tbm=isch
&ved

Iba’t ibang Ideolohiya

Ideolohiyang Demokrasya
 ideolohiyang nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan
 pinamumunuan ng isang kinatawan sa pamamagitan ng halalan
 ang isang mamamayan ay maaaring bumoto, tumakbo bilang
kandidato, at maluklok sa posisyon
 may karapatan ding bumuo ng samahan, makapagpahayag ng
saloobin, magmay-ari ng ari-arian, at maipagtanggol ang sarili
 pagkilala sa Minorya
 pang masang Organisasyon

https://www.google.com/search?q=image+of+democracy+black+and+white+&tbm=isch&v
ed=2ahUKEwjF8tT9gpnvAhVHAKYKHcjBAjoQ2-

8
https://www.google.com/search?q=sosyalismo+drawing&tbm=isch&ved=2ahUKEwiljKmX0bLvAhX6zIsBHcSQA7
cQ2-

IDEOLOHIYANG SOSYALISMO
 Umusbong noong panahon ng Rebolusyong Industriyal
 Tugon sa problemang hatid ng kapitalismo
 Ito ay nakabatay sa pantay, sama-sama at makataong
pamamalakad
 Tinutuligsa ang pananaw ng mga kapitalista
 Ideolohiyang tutol sa kapitalismo

Mga Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Silangang Asya

9
Demokrasya at Komunismo
CHINA
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan ng pagpasok ng
dalawang magkatunggaling ideolohiya sa China. Lumaganap sa bansa ang
ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng
bansa at naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino na nagsusulong
ng demokrasya at komunismo.

Sun Yat Sen Mao Zedong


https://www.google.com/search?q=sun+yat+sen+image& https://www.google.com/search?q=mao+zedong+image
tbm=isch&ved=2ahUKEwiXwcaz1LLvAhVxE6YKHciCDEgQ2 +gray+scale&tbm=isch
&ved=2ahUKEwjm07S51LLvAhUaKqYKHfhrC-AQ2-

Ipinapakita ang Mga Kilalang Lider ng China sa Magkatunggaling Ideolohiya

pang ipahayag ng China ang kanyang pagtutol sa mga patakarang ipinatupad


sa kanyang bansa, nagsagawa ng 2 rebelyon ang mga Tsino.

Rebelyong Taiping- Namuno- Hung Hsiu Chu’an (Hong Xiuquan)- petsa- Dec.
1850- Aug. 1864.
- Lokasyon- Timog Tsina.
- Layunin- Mapabagsak ang dinastiyang Qing (Dinastiyang Manchu) na
pinamunuan ng mga dayuhang Manchu, upang matigil na ang pamumuno ng
mga dayuhan sa kanilang bansa.
- Bunga- Nagapi ng Dinastiyang Qing (Manchu) ang rebelyong Taiping sa tulong
ng mga British at French.

1
Rebelyong Boxer-(1899)- Ito ang itinawag dahil ang mga naghimagsik ay
miyembro ng samahang I-ho chu’an o Righteous and Harmonious Fists. Ang
mga miyembro nito ay may kasanayan sa gymnastic exercise.
- Layunin- patalsikin ang lahat ng dayuhan sa kanilang bansa, kabilang dito
ang mga Kanluranin. Nagsagawa ng maraming pagpatay ang mga Boxer.
Pinaslang nila ang mga Tsino na naging deboto ng Kristiyanismo.
Mula sa probinsya, kumalat ang rebelyon hanggang sa Peking (Beijing).
Nagpadala ng pwersang militar ang mga bansang US, Great Britain, Russia,
France, Italy at Japan upang protektahan ang kanliang mamamayan sa
China. Nagapi ang mga boxer. Nabawi ng mga imperyalista ang Peking mula
sa mga Boxer noong Aug.14,1900.

 Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng


mahigit na 2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China.
 Sun Yat Sen- Nakapag-aral sa Hongkong Medical School. Isinulong niya
ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang 3 PRINSIPYO : Nasyonalismo,
Demokrasya, at Kabuhayang Pantao. Binigyang-diin ang pagkakaisa ng
mga Tsino bilang susi sa tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa.
 Double Ten Revolution-pinamunuan ni Sun Yat Sen ang rebolusyon
noong Oct. 10, 1911, laban sa mga Manchu.
 Itinatag niya ang bagong Republika ng China. Itinanghal si Sun Yat Sen
bilang unang pangulo.Tinagurian siyang “Ama ng Republikang Tsino”.
 Partido Kuomintang o Nationalist Party- partidong itinatag ni Sun Yat
Sen.
 Mga batayan ng pamumuno- paggamit ng konsiliasyon at pagkakasundo,
pantay-pantay na pagmamay-ari ng lupa.
 Chiang Kai-Shek- humalili kay Sun Yat Sen ng mamatay ito noong Marso
12, 1925.
 Mao Zedong- “Ama ng Komunistang China”. Nagsimula ang Komunismo
sa China noong 1918. Isinulong ni Mao Zedong ang prinsipyong ng
komunismo sa bansa.
 Partido Kunchantang- Itinatag ni Mao Zedong.
 Maraming Tsinong yumakap sa komunismo dahil sa kawalan ng tiwala sa
pamamahala ni Chiang Kai Shek.
 1949- Nagwagi ang komunista laban sa mga nasyonalista. Itinatag ni Mao
Zedong ang Peoples Republic of China noong Oct. 1, 1949.
 1949- Tumakas ang mga nasyonalista ni Chiang Kai Shek sa Taiwan at
itinayo ang Republic of China ( Taiwan )
 1949-Dahil sa Peoples Republic of China, napalaya ng mga komunista ang
mga Kanluranin at nakamit ng China ang kanyang kalayaan

11
ChiangKai-Shek Taiwan
https://www.google.com/search? Flag Of The Republic Of China
q=flag+of+taiwan+image+gray+scal ,Taiwan Free Stock Photo - Public
e&tbm=isch&ved=2ahUKEwi24Ni Domain Pictures
E1rLvAhW2yIsBHesyAO0Q2-

Japan

 Naging kakaiba ang nasyonalismo ng Japan, pinasimulan ito ni


Emperador Mutsuhito na siyang namuno sa panahon tinawag na Meiji
Restoration.
 Westernisasyon at Modernisasyon- pagyakap sa impluwensya ng mga
Kanluranin.
 Marami ang mga Hapones na tumungo sa Europa upang mag-aral.
Natutuhan mula sa Germany ang sentralisadong pamahalaan,
ginawang modelo ang konstitusyon nito. Ang kahusayan at
pagsasanay sa mga sundalo ay natutuhan mula sa mga British.
Sistema ng Edukasyon ay ginaya mula sa US.
 Iniangkop ng mga Hapones ang kanilang kultura at mga institusyon
pati na ang agham at teknolohiya sa mga modelong Kanluranin upang
mapalakas at maisulong ang kanilang bansa.
 Sa pamamagitan ng modernisayon, lumakas ang Japan at madali
nitong naipamukha sa mga Kanluranin na siya ay katapat na nila.

 Sa pagkakaroon ng agresibong Nasyonalismo, tinupad ng Japan ang


kanyang ambisyon na maging lider ng mga bansa sa Asya.
 Naging kaalyado ng pwersang Axis sa WWII. Pinasabog niya ang Pearl
Harbor, ang base military ng US sa Hawaii. Nasakop ang Pilipinas
mula 1941-1945

Emperador Mutsuhito

https://www.google.com/search?q=empera
dor+mutsuhito+illustrated+grayscale+image
&tbm=isch&hl=en&chips=q
:emperador+mutsuhito+illustrated+grayscal
e+image,online_chips:meiji+emperor

12
North Korea at South Korea- Komunismo at Demokrasya
Nagkaroon ng PROXY WAR sa pagitan ng North Korea at South Korea
noong kasagsagan ng Cold War

VS

North Korea Flag Free Stock Flag Of South Korea Free Stock
Photo - Public Domain Pictures Photo - Public Domain Pictures

Si Kim Il-Sung ang pinuno ng Demokratikong Republikang


Makabayan ng Korea na karaniwang tinatawag na Hilagang Korea mula
sa pagtatag nito noong 1948 hanggang sa kanyang pagkamatay noong
1994. Siya rin ang pinuno ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea mula
1949 hanggang 1994. Siya ang nagpasimuno ng paglusob sa Timog Korea
noong 1950 na siyang naging hudyat ng pagsimula ng Digmaang
Koreano.

Walang nagwagi at nagresulta lamang ito sa pagkamatay ng


maraming sundalo at pagkawasak ng industriya ng dalawang bansa

Nahati ang Korea sa 38th parallel. Ang Hilaga ay sa impluwensya


ng Unyong Sobyet, ang Timog ay sa impluwensya ng US. Naganap ang
Digmaan sa Korea 1950-1953, nang salakayin ng Hilaga ang Timog Korea.
Kilala ngayon bilang People's Republic of Korea ang Hilagang Korea
at Republic of Korea naman ang Timog Korea.

Mga Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya

May iba’t ibang ideolohiya at paniniwala rin ang niyakap ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya, may naniniwala na ang kasagutan sa minimithing kalayaan
ay ang ideolohiyang komunismo, ang iba ay naniniwala sa ideolohiya ng demokrasya
at ideolohiyang sosyalismo. Ang mga ideolohiyang ito ay nagdulot ng
transpormasyon sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya

13
Vietnam

Ideolohiyang Komunismo

Ideolohiyang Demokrasya

Vietnam Grunge Flag by think0


on DeviantArt

Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Nabuo ang Hilagang


Vietnam na pinamunuan ni Ho Chi Minh at ang Timog Vietnam sa
pamumuno ni Bao Dai.

Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa


pagkakaiba ng ideolohiya. Ang Hilagang Vietnam ay sumuporta sa
komunismo samantalang ang Timog Vietnam ay naniniwala sa
demokrasya. Nauwi ang hidwaan sa digmaan na kilala bilang
Vietnam War na nagsimula noong 1945.

Sinuportahan ng United States ang Timog Vietnam subalit


naging madugo at magastos ito para sa kaniya. Nagwagi ang
Hilagang Vietnam at naging isang bansa na lamang ito
noong 1975.

Nagkaroon ng civil war, lubhang magastos ang digmaan,


ayon sa pandaigdigang opinyon dapat ay iwan na ng mga
kanluranin ang Vietnam. Dito na muling napag-isa ang Vietnam
sa ilalim ng isang ideolohiyang komunismo/ sosyalismo.
Communist Party of Vietnam- ito ay pangunahing partido sa Vietnam.
Itinatag ito ni Ho Chi Minh. Ang ideolohiyang nakapaloob sa Communist
Party of Vietnam ay ang Communism-Marxism-Leninism.

Ho Chi Minh Bao Dai


=2ahUKEwjQgPLe8p_vAhULEaYKHZTOBI https://www.google.com/search?q=bao
cQ2cCegQIABAA&oq=ho+chi+minh+pictur +dai+image+gray+grayscale&oq=bao+d
e&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADI ai+image+gray+scale&aqs=
chrome.1.69i57j33i10i160.10773j0j4&s
ourceid=chrome&ie=UTF-8

14
Sosyalismo

Myanmar

Sosyalismo ang ideolohiya ng Myanmar. Ang Burmese Way sa


Sosyalismo (kilala rin bilang ang Burmese Road sa Sosyalismo) ay
tumutukoy sa ideolohiyang sosyalista ng pamahalaan sa Burma,
1962-1988, nagkaroon ng kudeta noong 1962 na pinangunahan ni
Ne Win at ang kanyang militar upang alisin si U Nu mula sa
kapangyarihan. Pinairal ni U Nu ang ideolohiyang Myanmar way to
socialism kung saan kinukumpiska ng pamahalaan ang anumang
negosyo at pangkalakalan, bangko, at mga pribadong ari-arian.

Noong hindi pa nakakamit ng Burma ang kalayaan, ang


kumokontrol dito ay ang India sa tulong ng England at China. Bilang
pagtugon sa pananakop na ito, nagtatag ng iba’t ibang kilusang
naghahangad ng kalayaan. Nakaranas ng kahirapan ang mga
Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kaya nagtatag sila ng
kilusan laban sa Japan, ito ay ang Anti Fascists Freedom League o
AFPFL sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng mga
makademokratiko at komunistang pangkat.

Pinagtibay ang Kasunduang Anglo-Burmese na


nagpapahayag ng kalayaan sa Burma noong Enero 4, 1948. Sa
kasawiang palad, pinatay si Aung San at ang kaniyang gabinete ng
upahang armado ng kaniyang talunang kalaban na si U Saw. Nang
maaresto si U Saw ay ipinagpatuloy ni U Nu ang naiwan ni Aung San.

U Nu Aung San
https://www.google.com/search?q=U+Nu+
+pictures+myanmar&tbm=isch&ved

https://www.google.com/search?q=
aung+san++pictures+myanmar&tbm=isch&ved

15
Guided Democracy/Pancasila

Indonesia

Pinasimulan ni Sukarno ang pamamahalang guided democracy


(limited democracy) base sa Pancasila- limang(5) patnubay na
prinsipyo: paniniwala sa Diyos, nasyonalismo, pagkakawanggawa,
katarungang panlipunan, at demokrasyang gagabayan ng
karunungan. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Indones para sa
kalayaan noong ika-20 siglo. Isinagawa nila ito sa pamamagitan ng
pagtatatag ng mga makabayang samahan tulad ng: Budi Utomo,
Sarekat Islam, Indonesian Communist Party, at Indonesian
Nationalist Party
Ganap na nakamit ng mga Indones ang kalayaan dahil sa isang
matagumpay na rebolusyon na kanilang inilunsad matapos ang WW
II. Nagpalabas si Achmed Sukarno ng dekrito noong Aug. 17, 1945
na nagdeklara sa kasarinlan ng Indonesia.

Demokrasya
Komunismo

Sosyalismo

Pilipinas

Ang Philippine Democratic Socialist Party ay itinatag


noong May 1, 1973 sa pangunguna ni Norberto Gonzales.
Nanguna rin ang partidong ito sa pag-aalsa ng mga Pilipino
noong EDSA Revolution noong 1986
Kung babalikan ang kasaysayan, itinatag ang kilusang
Propaganda na ang layunin ay maging pantay ang pagtingin ng
mga Espanyol sa mga Pilipino at makamit ang kalayaan sa
paggamit ng mapayapang paraan, ang paggamit ng panulat.
Naging tapapagtaguyod sa kilusang ito ay sina Jose Rizal,
Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at Marcelo H. Del Pilar.

16
COLD WAR
 Labanan ng ideolohiya; alitan sa pagitan ng mga
bansa na hindi naman ginagamitan ng pwersa
 Demokrasya at kapitalismo laban sa komunismo
 Sosyalismo laban sa kapitalismo
 Ginawang popular ni Walter Lippman, isang
Amerikanong mamamahayag, manunulat,
reporter, at komentarista sa pulitika na tanyag na
maging isa sa mga unang nagpakilala
sa konsepto ng Cold War.

Laos at Cambodia
https://www.google.com/search?q=laos+at+cambodia+flag+image+gray+grayscale&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4-rjF-

PATHET LAO ang itinawag sa mala-komunistang grupo na umangkin


sa Hilagang Laos
Kasama ang Pro-Western Rightist na pinamunuan nina Heneral
Phoumi Nosavan at Prinsipe Souvanna sa pakikipag-agawan upang makontrol
ang bansa

Ang resulta ng pag-aagawan ay ang pagbagsak ng monarkiya matapos


mahulog ang Timog Vietnam at Cambodia sa mga komunista

Nang iwan ng mga Pranses ang Laos, hindi sila natahimik, nagkaroon
ng pagkakahati ng mga kumikiling sa mga komunista at sa ibang panig ng
Royal Government

Hindi alam ni Sihanouk na may isang namumuong komunistang grupo


sa pamumuno ni Soloth Sar o mas kilala sa palayaw na PolPot at sumubok
na ibagsak ang gobyerno kasama ang grupo niyang Khmer Rouge noong 1968
1953- lumaya ang Cambodia sa kamay ng mga Pranses sa pamumuno ni

17
Pagkatapos mong pag-aralan ang mga bansa ayon sa
kanilang niyakap na ideolohiya, alamin mo naman ang buod ng
ideolohiyang tinangkilik at kilusan ng ilang bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya

Ideolohiyang
Bansa Pamamaraang Ginamit sa
Niyakap
(Silangang Asya) Paglaya

Pagbuo ng Kilusan na may


nasyonalismong Tradisyonal,
nasyonalismong may
impluwensiya ng Kanluranin,
China at nasyonalismong may Komunismo
ideolohiyang komunismo
Komunismo
(Hilagang Korea)
Demonstrasyon at
Korea Demokrasya
Pakikidigma
(Timog Korea)

Bansa Ideolohiyang
Pamamaraang Ginamit sa
(Timog-Silangang Niyakap
Paglaya
Asya)
Rebolusyon
Pakikipagkasundo, at
Guided
Indonesian Nationalist Party
Indonesia Democracy/
ni Achmed Sukarno na naging
Pancasila
pangulo

Pagyakap sa ideolohiyang
sosyalismo,
Pagtatag ng iba’t ibang
Myanmar kilusan, at Sosyalismo
Pakikipagkasundo
Pakikidigma, pagyakap sa
ideolohiyang komunismo Sosyalismo,
ng pinuno nilang si Komunismo, at
Vietnam
Bao Dai, at Demokrasya
Sosyalismo
Pagtatag ng Kilusang
Propaganda,
Katipunan,
Pilipinas Himagsikan, at Demokrasya
Paghingi ng Pamamahala

18
Pagyamanin

Matapos mong masuri ang mga ideolohiyang niyakap ng mga nabanggit


na rehiyon, masusubok naman ang iyong husay at galing sa pagpapayaman
sa kaalaman sa leksyon sa pamamagitan ng pagsasagot sa mga nakahandang
pagsubok batay sa iyong natutuhan.

Gawain A

Panuto: Basahin ang sumusunod na salaysay. Isulat sa iyong sagutang


papel kung ang bawat bilang ay nagpapahayag ng Ideolohiya o
Nasyonalismo.

1. Sa sistemang ito kung saan tumutukoy sa patakarang pang-


ekonomiya at pag-iipon ng capital.

2. Dito hinubog ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang


Asya ang kanilang paglaya.

3.Ang mga tao ay nagising ang kamalayan sa naranasang hirap sa


kamay ng mga kanluranin.

4. Ito ay nakabatay sa pantay, sama-sama at makataong


pamamalakad.

5. Nagsimula sa mga ideya at kaisipan na nagpasimula ng kanilang


adhikain sa paglaya.

Gawain B

Panuto: Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Sagutin ang sumusunod


sa iyong sagutang papel.

Sosyalismo Komunismo Demokrasya Cold War Ideolohiya

1. Pagnanais ng kapitalista na magkaroon ng malaking tubo,


ginigipit niya ang mga manggagawa sa pamamagitan ng mababang
pagpapasahod.
2. Lipon ng mga kaisipang pinaniniwalaan at pinanghahawakan
ng maraming tao na kumikilos ayon sa mga ideya, simulain, prinsipyo o
paniniwala na napapaloob dito
3. Labanan ng ideolohiya; alitan sa pagitan ng mga bansa na hindi
naman ginagamitan ng pwersa.

19
4. Ideolohiyang tutol sa kapitalismo. Ito ay nakabatay sa pantay,
sama-sama at makataong pamamalakad
5. Ideolohiyang nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan
pinamumunuan ng isang kinatawan sa pamamagitan ng halalan

Gawain C

Panuto: Punan ang patlang sa pagpili ng wastong sagot at isulat ito sa


iyong sagutang papel.

Pagpipilian: demokrasya/Proxy War/ideolohiya/


Chiang Kai Shek/Walter Lippman/sosyalismo

1. Si Antoine Destutt de Tracy, isang Pranses na nag-imbento ng salitang


na nagsimula sa bansang France noong ika-18 siglo
2. Nagkaroon ng sa pagitan ng North Korea at South Korea
noong kasagsagan ng Cold War
3. Maraming Tsinong yumakap sa komunismo dahil sa kawalan ng tiwala
sa pamamahala ni .

4. Ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa komunismo samantalang


ang Timog Vietnam ay naniniwala sa .
5. Ginawang popular ni , isang mamamahayag ay isang
Amerikanong manunulat, reporter, at komentarista sa pulitika

Gawain D

Punan ang kahon ng letra upang maibigay ang tamang sagot. Isulat
ito sa iyong sagutang papel.

P O P A A D A
1. Itinatag ang kilusang ito na may layuning maging pantay ang pagtingin
ng mga Espanyol sa mga Pilipino at makamit ang kalayaan

S K A N O
2. Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited
democracy) base sa Pancasila
I E N M
3. Nahati ang bansang ito sa 17th parallel
U T U I T O
4. Emperador ng Japan na yumakap sa impluwensiyang kanluranin
R
5. Bansang nahati sa 38th parallel

20
Gawain E

Panuto: Pagtapat-tapatin ang sumusunod. Isulat ang letra ng tamang


sagot sa iyong sagutang papel.

A B
1. Isinulong niya ang pag- a. Communist Party of Vietnam
kakaisa ng mga Tsino gamit ang
tatlong prinsipyo.
2. Ito ang taon na lumaya ang b. Pilipinas
Cambodia sa kamay ng mga
Pranses sa pamumuno ni Haring
Norodom Sihanouk
3.Petsa na nagpalabas si c. Japan
Achmed Sukarno ng dekrito na
nagdeklara sa kasarinlan ng
Indonesia.
4.Pangunahing partido na d. 1953
itinatag ni Ho Chi Minh na may
nakapaloob na ideolohiyang e. August 17, 1945
Communism-Marxism-Leninism.
5.Bansang nagkaroon ng f. Sun Yat Sen
ideolohiyang demokrasya,
komunismo, at sosyalismo

Gawain F

Panuto: Sagutin ang sumusunod sa iyong sagutang papel.

1. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa


Silangan at Timog-Silangang Asya? Patunayan ang iyong sagot.
2. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng mga ideolohiya
sa mga nabanggit na mga rehiyon sa Asya?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang magiging ambag mo upang
mapanatili ang demokrasyang tinatamasa mo ngayong
kasalukuyan?

21
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang nang wastong salita upang mabuo ang diwa
ng pangungusap tungkol sa mga ideolohiya, nasyonalismo at mga kilusang
nasyonalista. Gamitin ang mga pagpipiliang mga sagot na nasa ibaba.

Ang (1) ay ang agham ng mga ideya o kaisipan. Maituturing din


itong pamantayan at gabay ng mga (2) kung paano nila pamamahalaan
ang kanilang nasasakupan.
Sa ideolohiyang (3) , ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga
mamamayan. Ang mga nasasakupan ay may karapatang magsalita laban
sa gobyerno at magtalaga ng bagong mamumuno sa pamamagitan ng
(4) . Ang bansang (5) ay tumangkilik sa ideolohiyang ito. Sa
bansang China, dalawang magkatunggaling ideolohiya ang lumaganap sa
pangunguna ni (6) ay isinulong niya ang ideolohiyang demokrasya at
si (7) naman ang nagtaguyod ng komunismo.
Iba naman ang naging tugon ng ilang bansa upang makamit ang hangaring
mapalaya sa mga (8) . Ang pag-usbong ng (9) sa ilang
bansa sa Asya na magkaroon ng damdaming makabayan ang naging
hakbang sa pagkamit nila ng kalayaan. Sa bansang Indonesia, isinagawa
ang kanilang pakikibaka para sa kalayaan sa pagtatatag ng
mga(10) . Sa Vietnam naman, pinamunuan ni (11)
ang Hilagang Vietnam at si Bao Dai ng(12) . Ang bansang Korea ay
naglaban dahil din sa magkasalungat na ideolohiya, tinawag na(13)
ang labanan nila. Kayat nahati ito sa dalawang bansa, ang North Korea sa
impluwensiya ng (14) at (15) sa impluwensiya
naman ng Amerika. Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya ay naghangad ng kalayaan sa pananakop ng mga dayuhang
mananakop.

Pagpipilian:

Timog Korea Ho Chi Minh Proxy War


Pilipinas Timog Vietnam Unyong Sobyet
pinuno Sun Yat Sen mananakop
nasyonalismo demokrasya ideolohiya
makabayang samahan Mao Zedong halalan

22
Isagawa

Magaling! Talaga namang bilib ako sa pagsisikap mo sa pag-aaral. Sa


bahaging ito ay inaasahan na mailalapit at maisasabuhay ang mga
kakayahan na nalinang sa iyo. Inaasahan na magagamit mo rin ito sa pang-
araw-araw na buhay.

Gawain A
Panuto: Bilang isang mag-aaral, ipakita sa pamamagitan ng pagguhit
ng seryeng political campaign poster ang iba’t ibang ideolohiyang nais mong
ikampanya. Lagyan ng paliwanag sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

https://www.google.com/search?q=editorial+campaign+poster++images&tbm=isch&ved=2ahUKEwiE1Yq
d_7TvAhVBEqYKHUi5CLEQ2

Gawain B

Panuto: Kung ikaw ay magkaroon ng pagkakataong sulatan ang


pangulo, ano ang magiging laman ng iyong mensahe ukol sa ideolohiyang
demokrasyang ipinapatupad sa kasalukuyan. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

“Ang Mensahe Ko sa Pangulo”

https://www.google.com/search
?q=letter+mail+grayscale+image https://www.google.com/search?q=
easy+rodrigo+duterte+drawing&
tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2ahUK
EwiExsLfiLXvAhUHe5QKHY

23
Tayahin

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang taong itinatag ni Mao Zedong ang People’s Republic of China
A. Marso 16, 1925 C. Enero 4, 1948
B. August 17, 1945 D. October 1, 1949

2. Tinaguriang “Ama ng Republikang Tsino”.


A. Confucius C. Lao Tzu
B. Kim Jung Un D. Sun Yat Sen

3. Ama ng Komunistang China.


A. Kublai Khan C. Mao Zedong
B. Mohandas Gandhi D. Sun Yat Sen

4. Noong 1949, nagwagi ang mga Komunista sa China laban sa mga


nasyonalista. Itinatag ni Mao Zedong ang , noong Oct. 1, 1949.
A. Kilusang Tsino C. Partido Nasyona
B. Kilusang Malaya D. Partido Kunchantang

5. Ito ay kalipunan ng mga ideya at kaisipan na naging batayan ng mga bansa


sa Silangan at Timog-Silangang Asya
A. Ekonomiya C. Kultura
B. Ideolohiya D. Relihiyon

6. Unang pinuno ng Indonesia na nagpalabas ng dekrito noong Aug. 17, 1945


na nagdedeklara sa kasarinlan ng bansa.
A. Achmed Sukarno C. Budi Utomo
B. Aung San D. Diponegoro

7. Bansang nahati sa 17th parallel, ang hilaga ay naging komunista at timog


ay naging demokratiko. Nagkaroon ng civil war , nagwagi ang hilaga at
napag-isa bilang isang bansang komunista noong 1975.
A. Indonesia C. Thailand
B. Korea D. Vietnam

24
8. Isang kilusan na itinatag laban sa Japan sa pamumuno ni Aung San na
binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat.
A. Budi Utomo
B. Sarekat Islam
C. Anti Fascists Freedom League
D. Communist Party Of Vietnam

9. Ang bansang may magkatunggaling ideolohiya- ang demokrasya at


komunismo.
A. China C. Japan
B. East Timor D. Malaysia

10. Isang ideolohiya na ang antas ng tao sa lipunan ay pantay-pantay, walang


mayaman o mahirap
A. Kapitalismo C. Demokrasya
B. Komunismo D. Sosyalismo

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bakit mas pinili ng nakararaming bansa sa Asya ang Demokrasya kaysa


Komunismo?
A. Dito sila nagkakaroon ng kayamanan
B. Dahil kakaunti lamang ang bilang ng tao sa bansa nila
C. Nais ng pamahalaan na makuha ang simpatya ng mga mamamayan
nito.
D. Dahil higit na pinahalagahan ng mga bansa ang pagkilala sa kalayaan
at karapatan ng tao

2. Kailan nagiging epektibo ang demokrasya sa isang bansa?


A. Kapag marami ang likas na yaman ng bansa
B. Kapag sumasapi siya sa kalaban ng pamahalaan
C. Kapag ginagamit ng husto ng tao ang kanyang kalayaan at karapatan
D. Kapag ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin sa bayan at sinusunod
ang mga batas
3. Ano ang kaugnayan ng ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo?
A. Dito lumalaganap ang kapangyarihan ng pinuno
B. Napapalakas ang ugnayang panlabas ng bansa
C. Nagiging simula ng pagkakaroon ng uri ng pamamahala ng bansa
D. Nagkakaroon ng pagkakataong lumahok sa halalan ang mga tao

4. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ideolohiya ng isang bansa?


A. Nakakamit nila ang pansariling interes
B. Nagiging simula ng paghahangad na kalayaan
C. Nagpapaligsahan sa magiging pinuno ng bansa
D. Pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang lider

5. Bakit nagkaroon ng magkatunggaling ideolohiya ng ilang bansa sa Asya?


A. Gusto nilang makagawa ng ibang batas
B. Dahil magkakalayo ang kanilang teritoryo
C. Nais nilang gumawa ng sariling partido politikal
D. Dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang kaisipan sa pamamahala

25
Karagdagang Gawain

Napakagaling naman! Labis mong pinagbutihan ang mga ibinigay na


pagsubok sa mga gawain. Tunay nga na di hadlang ang ganitong sitwasyon
sa pandemya upang ikaw ay umunlad sa pagkamit ng kaalaman. Ang
karagdagang gawaing ito, ang magpapalalim upang ikaw ay magpatuloy na
matuto.

Gawain A

Panuto: Magsulat ka ng bahaging ginampanan ng sumusunod na mga


nasyonalista sa pamamagitan ng pananaliksik. Gawin ito sa iyong sagutang
papel. (5 puntos sa bawat tamang sagot)

A. Sun Yat Sen B. Jose Rizal C. Achmed Sukarno


• • • _
• • • _

Gawain B

Mula sa mga napag-aralan, magsulat ka ng sanaysay o kaisipan ukol


sa ideolohiya at nasyonalismo. Gawing gabay ang pamantayan sa pagbibigay
ng puntos. (Sumulat ng 3-5 na pangungusap)
“Ang Aking Natutuhan”

26
PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

Kailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman pang
Pamantayan
(5) (4) (3) Magsanay
(2)
Maikli ngunit
Maikli ngunit Mahaba at
may isang Hindi
napakalinaw hindi gaanong
bahagi na hindi malinaw ang
ang malinaw ang
Paglalahad malinaw ang pagkakalahad
pagkakalahad pagkakalahad
pagkakalahad ng mga
ng mga ng mga
ng mga impormasyon
impormasyon impormasyon
impormasyon
Hindi
Napaka- Hindi
Makabuluhan gaanong
Kabuluhan makabuluhan makabuluhan
ang mensahe makabuluhan
ang mensahe ang mensahe
ang mensahe
Wasto ang May dalawang May apat na Hindi wasto
lahat ng hindi wastong hindi wastong ang lahat ng
Kawastuhan
datos/ datos/ datos/ datos/
impormasyon impormasyon impormasyon impormasyon
Sa kabuuan, Sa kabuuan, Sa kabuuan,
Sa kabuuan,
napakahusay hindi gaanong hindi
Pagkakagawa mahusay ang
ng mahusay ang mahusay ang
pagkakagawa
pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
Kabuuan 20 puntos

27
Susi sa Pagwawasto

28
29
Sanggunian
A. Mga Aklat

Blando, Rosemarie C., et.al., Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa


Gitna ng Pagkakaiba, 1st ed. Pasig City,
Philippines: Department of Education

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10".


Department of Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource


Management and Development System, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdfview/18275.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning


Resource Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/

B. Mga Website

"Jose Rizal Image - Google Search". 2021. Google.Com.


https://www.google.com/search?q=jose+rizal+image&sxsrf=ALeKk02
PkYDylrHAD8jEuHDZF6e_oQuj5Q:1608996824197&tbm=isch&sourc
e=iu&ictx=1&fir=6k9NGtsXK35WPM%252Cy-
PVy0X0uq_gcM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQBah1TTsW80i-
McY82iaxqdkeGQ&sa=X&ved=2ahUKEwi0hp.

"Philippine Political Animation - Google Search". 2021. Google.Com.


https://www.google.com/search?q=philippine+political+animation&tb
m=isch&ved=2ahUKEwiT4aSE8NLuAhXEAaYKHZrDBHQQ2cCegQIAB
AA&oq=philippine+political+animation&gs_lcp=CgNpbWcQDFCckANY
hL4DYKjaA2gBcAB4AIABUYgB7wWSAQIxMJgBAKABAaoBC2d3cy13a
XotaW1nwAEB&sclient=img&ei=c0sdYNPbFsSDmAWah5OgBw&bih=9
13&biw=1263&hl=en#imgrc=0U8rbLQ0eJE3hM.

"Ideolohiya Ng Indonesia - Google Search". 2021. Google.Com.


https://www.google.com/search?q=ideolohiya+ng+indonesia&oq=ideo
lohiya+&aqs=chrome.1.69i59l3j69i57j69i59j69i61l3.12924j0j4&sourc
eid=chrome&ie=UTF-8.

30
"Achmed Sukarno Image - Google Search". 2021. Google.Com.
https://www.google.com/search?q=achmed+sukarno+image&sxsrf=A
LeKk03x6lZL0wv6bR1.

"Bao Dai Pictures Vietnam - Google Search". 2021. Google.Com.


https://www.google.com/search?q=bao+dai+pictures+vietnam&tbm=i
sch.
"Flag Of Philippines Picture - Google Search". 2021. Google.Com.
https://www.google.com/search?q=flag+of+philippines+picture&oq=fl
ag+of+philippines&aqs=chrome.5.69i57j69i60j0l6.32830j0j4&sourcei
d=chrome&ie=UTF-8.

31
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


32

You might also like