You are on page 1of 29

7

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Digmaang Pandaigdig
(Epekto sa Silangan
at Timog-Silangang Asya)
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Digmaang Pandaigdig (Epekto sa Silangan at
Timog-Silangang Asya)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Regina C. Penecilla
Tagasuri: Mary Jane P. Soriano
Rodel D. Lintag
Marieann C. Ligsay PhD
Angelica M. Burayag PhD
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Mary Jane P. Soriano
Brenda Rose H. Muñoz
Tagapamahala:
May C. Eclar PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Remedios D. Sitchon
Angelica M. Burayag PhD
Mary Jane Padilla-Soriano
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Rodel D. Lintag
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Digmaang Pandaigdig
(Epekto sa Silangan
at Timog-Silangang Asya)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang mga naganap na pananakop ay nakapag-alab sa damdaming


nasyonalismo ng mga Asyano. Mas lalong umigting ang kanilang pagnanasang
makalaya nang maganap ang mga Digmaang Pandaigdig. Ang mga kaganapang ito
ay nakapagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano.

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:


1. naiisa-isa at natatalakay ang mga pangyayaring naganap na nagbigay-daan
sa pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
2. napaliliwanag ang matinding epekto ng Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa pag-usbong ng mga malawakang kilusang nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya; at
3. napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga digmaan sa
pagtatamo ng kalayaan ng mga bansang napasailalaim sa mga kolonyalista.

Mga Tala para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga


batayang impormasyon sa Epekto ng mga Digmaang
Pandaigdig sa Silangag at TImog-Silangang Aya.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa bawat bilang sa iyong sagutang papel.

1. Ang pagdating ng ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay


nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa
sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspetong politikal ng mga
nasakop na bansa?

A. Pagpapatayo ng mga imprastraktura


B. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
C. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

2. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagpamalas ng


damdaming nasyonalismo. Alin sa sumusunod ang mga samahan na itinatag ng
mga Pilipino na naglalayong ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Budi Utomo at Sarekat Islam
B. Kilusang Propaganda at Katipunan
C. Anti-Facist People’s Freedom League
D. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang

3. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa


paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
A. Marami ang napinsala at namatay
B. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war
C. Lumakas ang Nasyonalismo at napabilis ang paglaya
D. Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at komunismo

4. Suriin ang sumusunod na pahayag:


Pahayag 1: Ang Thailand ay hindi na sakop ng kahit na sinong dayuhan
samantalang ang Korea ay sinakop ng mga Hapones.
Pahayag 2: Lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay
sinakop ng mga Europeo.

A. Parehong mali ang 2 pahayag


B. Parehong tama ang 2 pahayag
C. Pahayag 1 ay mali, Pahayag 2 ay tama
D. Pahayag 1 ay tama, Pahayag 2 ay mali

2
5. Pahayag 1: Ang mga nanakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay
pawang mga kanluranin.
Pahayag 2: Gumamit ng dahas ang mga kanluranin sa pananakop sa
Silangan at Timog-Silangan Asya
A. Parehong mali ang 2 pahayag
B. Parehong tama ang 2 pahayag
C. Pahayag 1 ay tama, Pahayag 2 ay mali
D. Pahayag 1 ay mali, Pahayag 2 ay tama

6. Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan ng pamahalaan na nasa


kamay ng mga tao at ang pagkakapantay-pantay ng mamamayan sa tingin ng
batas at sa iba pang pangunahing aspekto ng pamumuhay.
A. Demokrasya
B. Kalayaan
C. Komunismo
D. Totalitaryanismo

7. Kailan nakamit ng Indonesia ang kalayaan sa pmumuno ni Achmed Sukarno


sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes.
A. Agosto 19, 1745
B. Agosto 17, 1925
C. Agosto 17, 1945
D. Agosto 20, 1945

8. Nakamit ng Burma ang kalayaan noong Enero 4, 1948 sa pamumuno ni


___________ bilang punong ministro ng Republika ng Burma.
A. Aung San
B. Ne Win
C. U Nu
D. U Saw

9. Natalo ang Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya binalikan tayo ng


mga Amerikano at ibinigay ang ating kalayaan noong _______.
A. Hulyo 12, 1898
B. Hunyo 4, 1946
C. Hulyo 4, 1946
D. Hulyo 12, 1946

10. Ito ang bansang nasakop ng Japan na ginawa nilang base militar at pilit
itinaguyod ang kanilang kabihasnan.
A. Burma
B.China
C.Korea
D. Pilipinas

3
Aralin Digmaang Pandaigdig
(Epekto sa Silangan
1 at Timog-Silangang Asya)

Balikan

Gawain A

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Nasyonalismo Sarekat Islam Mandate System


Westernisaasyon at
Komunismo Culture System
Modernisasyon

______________1. Isang damdamin ng pagmamahal sa bayan na naipamalas


sa pamamagitan ng pagtatanggol sa kalayaan nito.

______________2. Itinatag upang isulong ang kabuhayan ng mga Indones,


binigyang-diin ang politikal na kalagayan ng Indonesia.

______________3. Patakarang ginamit ng bansang Hapon upang makawala sa


mga hindi patas na kasunduang pangkalakalan nito sa mga kanluranin.

______________4. Ang ideolohiyang ginamit ng mga Tsino upang mapaalis ang


mga dayuhang mananakop sa Tsina.

______________5. Mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga


Dutch tulad ng _______ at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay
nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones.

4
Gawain B

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______1. Sa Timog Silangang Asya, maaaring mga nasyonalista ang kumilos para
mapalaya ang kanilang bansa sa mga kanluranin. Ano ang pagkilos na ginawa
ng bayani ng Myanmar.
A. Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa British noong
1930-1932.
B. Itinatag ni Andres Bonifacio ang katipunan upang labanan ang mga
Espanyol.
C. Sinimulan ni Diponegoro ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Dutch.
D. Nakipaglaban si Ho Chi Minh laban sa mga Tsino at British.

______2. Paano naiba ang nasyonalismo nina Mao Zedong at Sun Yat Sen?
A. Naniwala si Mao Zedong sa kapitalismo at si Sun Yat Sen sa
merkantilismo.
B. Isinulong ni Mao Zedong ang komunismo at si Sun Yat Sen ay
Demokrasya.
C. Demokratikong pinuno si Mao Zedong samantalang kapitalismo si Sun Yat
Sen.
D. Naniwala si Sun Yat Sen sa sosyalismo, samantalang totalitaryanismo si
Mao Zedong.

______3. Alin ang HINDI naging dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa


Pilipinas?
A. Pagiging Kristiyano ng mga katutubong Pilipino
B. Pagbili at pagbenta ng tabako sa pamahalaan lamang
C. Pagtatalaga sa mga prinsipales bilang cabeza de barangay
D. Pagkuha sa mga Pilipino tuwing anihan upang sapilitang gumawa sa
daungan

______4. Paano ikukumpara ang Rebelyong Taiping at Boxer?


A. Natalo ang rebelyong Taiping, samantalang nagwagi ang Rebelyong Boxer.
B. Magkatulad ito sa layuning palayasin ang mga dayuhan sa Tsina.
C. Magkaiba ang kanilang hangarin at kinahinatnan.
D. Pareha itong nagwagi laban sa mga kaaway.

______5. Ano ang tawag sa samahang pangkultura na ang layunin ay maipakilala


sa daigdig ang mayamang kultura ng Jaba at mabigyang karapatan sa
edukasyong kanluranin ang mga Indones?
A. Budi Utomo
B. Sarekat Islam
C. Indonesian Comunist Party
D. Indonesian Nationalist Party

5
Tuklasin

Gawain A

Panuto: Tunghayan ang collage o ilustrasyon sa ibaba. Ano-ano ang


ipinahihiwatig o ipinakikita ng mga larawan. Basahin at sagutin ang
sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fatingtalakayin%2Fvideos%2Fpaan
o-nagsimula-ang-ikalawang-digmaang-
pandaigdig%2F252406766164155%2F&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=1612366631136000&sourc
e=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDlsPnDy-4CFQAAAAAdAAAAABAa

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fohspmodularlearningforgrade8.weebly.com%2Fikalawang-
digmaang-
pandaigdig.html&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=1612366631136000&source=images&cd=vfe&ved
=0CAIQjRxqFwoTCKDlsPnDy-4CFQAAAAAdAAAAABAg

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fm.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3D-
iwz8_gNLPY&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=1612366631136000&source=images&cd=vfe&ved=0CA
IQjRxqFwoTCKDlsPnDy-4CFQAAAAAdAAAAABAo

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2FJMDavid_29%2Funang-digmaan-
pandaigdig&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=1612366631136000&source=images&cd=vfe&ved=0CAI
QjRxqFwoTCKDlsPnDy-4CFQAAAAAdAAAAABAt

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fphipress.blogspot.com%2F2016%2F06%2Funang-
digmaang-
pandaigdig.html&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=1612366631136000&source=images&cd=vfe&ved
=0CAIQjRxqFwoTCKDlsPnDy-4CFQAAAAAdAAAAABAz

1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng collage?


2. Mula sa collage, ano-ano ang naging kaganapan sa bansang Silangan
at Timog-Silangang Asya?
3. Paano nakaapekto ang mga nasabing digmaan sa pagtatamo ng
kalayaan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

6
Gawain B

Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita
na tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Pangunahing layunin upang wakasan ang


A L N A panghihimasok ng mga mananakop sa
K Y A A kanilang pamumuhay at kabuhayan.

2. Ideya ng pambansang kamalayan na kung saan


I S A Y lahat ng pansariling kapakanan ay napangingibabawan
ng pambansang kapakanan na kakikitaan ng
O N S A
matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa kaniyang
bansa.
M O N L

I S K 3. Ideolohiyang naghahangad ng isang lipunang walang


antas o uri (classless society) kung saan ang mga salik
O M O ng produksyon ay pag-aari ng lipunan.

N M U

A S Y 4. Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan


ng pamahalaan na nasa kamay ng mga tao at ang
A K R pagkakapantay-pantay ng mamamayan sa tingin ng
batas at sa iba pang pangunahing aspekto ng
E D O M pamumuhay.

MANGD
5. Malawakang digmaan na kinasangkutan ng
maraming bansa sa buong mundo na nagdulot ng
IGA
malawakang pagbabago.
DAIGPA
NIGD

7
Suriin

Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa mga Digmaang


Pandaigdig (Resulta sa Silangan at Timog-Silangang Asya na makapagbibigay
sa iyo ng impormasyon na higit mong kakailanganin sa pagtamo ng
kaalaman.
Paglaya ng mga bansa sa Silangang Asya

 Sa paglakas ng
Paglaya ng China Nasyonalismong Tsino,
nabahala ang Japan na
 Dahil sa kasikatan ng baka maapektuhan ang
produktong China sa Europe, interes nito sa China kung
hinangad ng mga Europeo na kaya’t naging sunod-sunod
makipagkalakalan sa China na ang ginawang pakikidigma
sa kalaunan ay naging dahilan at pananakop nito. Una na
ng paghahangad na makontrol rito ang naganap na
ang lupain nito. Ang pagkatalo Manchurian incident na
ng China sa Digmaang Opyo ay sinundan ng rape of
naging daan ng ‘di- Nanking na nasundan pa
makatuwirang kasunduan at ng Ikalawang Digmaang
pagkakaroon ng Sphere of Pandaigdig.
influence ng mga bansang  Natalo ang Japan noong
Europeo sa teritoryo ng China. Ikalawang Digmaang
 Tatlong uri ng nasyonalismo Pandaigdig ngunit
ang umusbong. Una ay ang nagpatuloy ang kaguluhan
Nasyonalismong Tradisyonal sa China sa pagitan ng
na ang layunin ay paalisin ang pwersa ng komunista ni
mga kanluranin at ang Mao Zedong at
impluwensiya nito na nasyonalista ni Chiang Kai-
pinangunahan ng samahang Shek. Natalo ang
boxers: Ang pangalawa ay ang nasyonalista at
nasyonalismong may napasailalim sa
impluwensiya ng kanluran na komunistang pangkat ang
ang layunin ay maging Mainland China
republika ang China yakap samantalang ang
ang Ideyolohiyang nasyonalista ay tumakas
demokratiko na noong Oktubre 1, 1949 at
pinangungunahan ni Dr. Sun- pumunta sa isla ng
Yat Sen at Chiang Kai-shek: at Formosa (Taiwan ngnayon).
ang pangatlo ay ang
Nasyonalismong may
impluwensiya ng komunismo
na pinangunahan ni Mao
Zedong.

8
Paglaya at pagkakahati ng Korea

o Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-


militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan. Bunsod
nito, maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang
mapatalsik ang mga Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang mga
Hapones.

Paglaya ng mga bansa sa TImog-Silangang Asya

Paglaya ng Indonesia

Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17,


1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno sa pamamagitan ng
rebolusyon laban sa mga Olandes.
Umigting ang pagnanasang lumaya ang Indonesia nang
pagkalooban ng simbolikong kalayaan si Sukarno noong
sakupin sila ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nang matalo ang Japan, dumating ang mga Olandes upang
ibalik ang kanilang pamamahala sa Indonesia na nakaranas ng
kalayaan. Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng
23 taon. Pinasimulan niya ang pamamahalang guided
democracy (limited democracy) base sa Pancasila - limang (5)
patnubay na prinsipyo: paniniwala sa diyos, nasyonalismo,
pagkakawanggawa, katarungang panlipunan, at
demokrasyang gagabayan ng karunungan. Tinanggap at
ipinagbunyi ito ng mga tao at ginawa siyang pangulong
panghabambuhay noong 1963. Ang lubos niyang
kapangyarihan ang naging dahilan ng pang-aabuso niya sa
kapangyarihan.

Paglaya ng Burma
 Nakamit ng Burma ang kalayaan noong Enero 4, 1948 sa
pamumuno ni U NU bilang punong Ministro ng Republika
ng Burma na kalaunan ay inilipat kay Heneral Ne Win na
isang diktador militar. Bilang pinuno ng mga hukbong
armado, pinairal niya ang ideolohiyang Myanmar way to
socialism kung saan kinukumpiska ng pamahalaan ang
anomang negosyo at pangkalakalan, bangko, at mga
pribadong ari-arian.

9
 Noong hindi pa nakakamit ng Burma ang kalayaan, ang
kumokontrol dito ay ang India sa tulong ng England at China.
Bilang pagtugon sa pananakop na ito, nagtatag ng iba’t ibang
kilusang naghahangad ng kalayaan. Nang maramdaman ng mga
Ingles ang pagpupunyagi sa kalayaan ng mga Burmese,
nagkaroon ng pagbabago sa bansa na humantong sa
paghihiwalay ng Burma sa India noong 1935. Ilan pang
pagbabago ang tinangka ng pamahalaang Ingles ngunit hindi ito
nangyari dahil sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
at ang Burma ay sinakop ng Japan.

 Nakaranas ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad


ng mga Hapones kaya nagtatag sila ng kilusan laban sa
Japan. Ito ay ang Anti Fascists People’s Freedom League o
AFPFL sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng mga
makademokratiko at komunistang pangkat. Nagapi nila ang
mga Hapones at bumalik ang mga Ingles subalit hindi na
pumayag ang mga Burmese kaya’t sunod-sunod na usaping
pangkalayaan ang naganap. Bunga nito, pinagtibay ang
Kasunduang Anglo- Burmese na nagpapahayag ng kalayaan
sa Burma noong Enero 4, 1948. Sa kasawiang palad pinatay
si Aung San at ang kaniyang gabinete ng upahang armado ng
kaniyang talunang kalaban na si U Saw. Nang maaresto si U
saw ay ipinagpatuloy ni U Nu ang naiwan ni Aung San.

 Upang makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese


maagang ipinahayag ng Japan ang pagtataguyod tungo sa
kasarinlan. Ang pangkat ni Aung San ng Dohama Asiayona
(Burma for Burmese) ay nakipagkasundo sa Japan tungkol sa
pagtustos ng sandata at sa pamumuno sa militar. Sila ay
nagsanib-puwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga
Ingles. Kahit ipinahayag ng Japan ang kalayaan ng Burma, sa
katotohanan ay sakop pa rin nito ang bansa. Sa kalaunan ay
nadama ng mga Burmese ang tunay na layunin ng pagtulong
na ito ng Japan. Ito ay hindi upang sila ay palayain kundi para
sakupin.

10
Paglaya ng Pilipinas
 Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa
pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nakipagsabwatan ang
mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanyol sa
Digmaang Espanyol-Amerikano kung saan natalo ang mga
Espanyol. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga
Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino
kaya idineklara ang kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong
pamahalaan.

 Samantala, iba naman ang ikinilos ng mga Amerikano. Nagpalabas


ito ng patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of
Paris na nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas
sa Amerikano mula sa mga Espanyol. Naging hayagan ang pagtutol
ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano kaya’t sumiklab
ang Digmaang Pilipino-Amerikano.

 May ibang Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam, at nakiisa sa


mga Amerikano. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag
ang Amerikano ng pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa interes ng
mga Amerikano at pinalaganap ang edukasyong makabanyaga.
Tinugis din nila ang mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan at
ipinatapon ang ibang lider-Pilipino sa ibang bansa.

11
 Ang ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga Amerikano ay isinulong
ang paghingi ng kalayaan sa mga Amerikano. Dahil ang kalayaan ay
hinihingi, matagal bago ito naibalik. Sa bawat paghingi ito ay
tinutumbasan ng mas malaking kapalit, katulad ng mga likas na
yaman at pagkontrol sa kalakalan.

 Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano nang


tayo’y masangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nilusob tayo ng
Japan dahil kaalyado natin ang mga Amerikano at dahil nasa ating
bansa ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano. Sa kasagsagan
ng digmaan iniwan tayo ng mga lider-Amerikano at natira tayong
lumalaban at nagtatanggol sa ating kalayaan. Nasakop tayo ng Japan
sa loob ng limang taon. Natalo ang Japan sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig kaya binalikan tayo ng mga Amerikano at ibinigay ang
ating kalayaan noong Hulyo 4, 1946. Ayon kay Renato Constantino
hindi naman ganap na nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan dahil
nanatili pa ring makapangyarihan at maimpluwensiya ang Amerikano
sa Pilipinas sa larangan ng kabuhayan at politika.

12
Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Hanapin at bilugan sa loob ng puzzle ang mga salitang may


kinalaman sa Digmaang Pandaigdig sa Silangang Asya at Timog-Silangang
Asya. Isulat ang mga ito sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

T R E A T Y O F P A R I S I X M A
A W D R G N K A B H E V Y I N A A
A E M I L I O A G U I N A L D O R
B Z F O U R R Q S C W O D I P Z A
Y O E N I N E R S S I X I N A E L
A O T O W E A F B D I N L D N D I
S A C H M E D S U K A R N O L O N
C M C K U E Q R R W V X A N I N D
G N D O N W S A M H F D Y E P G C
D U V A U N G S A N N X T S U R F
H U Y G N S H S R J S N S I N E N
S I L A N G D W E F U F A A A W G
S P H E R E O F I N F L U E N C E

Pahalang Pababa
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10

Gawain B

Panuto: Tukuyin ang rehiyon/bansa ng salita at pangyayari sa bawat


bilang. Isulat ang bansa at rehiyon (SA-Silangang Asya, TSA-Timog Silangang
Asya) na kinabibilangan nito. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Salita/Pangyayari Rehiyon Bansa


1. Digmaang Opyo
2. Rebolusyon laban sa mga Olandes
3. Nasakop ng Japan ang bansang ito na
ginawang Base-Militar
4. Patakarang Benevolent Assimilation
5. Kasunduan Anglo-Burmese

13
Gawain C

Panuto: Buuin ang talahanayan at ihambing ang bawat datos na iyong


natutuhan sa mga lektura. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Bansa sa Silangang Mga Araw Pamamaraang


Ideolohiyang
Asya bansang ng ginamit sa
niyakap
(nasa teksto) Nanakop paglaya paglaya

 China
 Korea

Bansa sa Mga Araw Pamamaraang Ideolohiyang


Timog-Silangang bansang ng ginamit sa iiyakap
Asya Nanakop paglaya paglaya
(nasa teksto)

 Indonesia
 Burma
 Pilipinas

Gawin D
Panuto : Gumawa ka ng isang bukas na Liham para sa iyong
pamahalaan. Isipin mo na isa kang mamamayang naiipit sa mga epekto ng
digmaan. Isulat mo ang iyong opinyon at suliranin dito. Maari itong sulat-
kamay o i-type sa computer. Gawing gabay ang rubriks na nasa ibaba.
Kailangan pang
Mga Napakahusay Mahusay Katamataman
Magsanay
Pamantayan (4 na puntos) (3 puntos) (2 puntos)
(1 puntos)
May ilang
Masusi ang May Hindi maayos
pahayag na
pagpapahayag pagtatangkang ang naging
hindi
Maayos na sa bukas na talakayin ang pahayag sa
nakatuon sa
Pahayag liham. paksa. liham.
paksa.
Malinaw at Maayos ang Walang
Magulo ang ilang
maayos ang kabuoan ng kaayusan ang
paglalahad ng
Malinaw ang paglalahad ng paglalahad ng
adhikain.
mga inilahad na
Adhikain mga adhikain. mga adhikain. adhikain.
Malinaw
Malinaw at Malabo at hindi
ngunit hindi
makatuwiran makatuwiran Walang binaggit
makatuwiran
Paglalahad ng ang lahat ng ang ilang mga
ang mga na suliranin
mga suliranin mga suliranin suliranin.
suliranin.
Hindi
maunawaan ang
Inilahad ang
Inilahad ang Maayos na paksa dahil
lahat ng mga
ilang ideya nailahad ang walang
Kaayusan ng ideya nang
nang maayos. ideya. kaayusan ang
Paglalahad maayos.
inilahad na
ideya.

14
Gawain E
Panuto: Pumili ka ng isang naging tanyag na pinuno noong Digmaang
Pandaigdig. Maari kang magsaliksik upang makahanap ng isang larawan at
impormasyon tungkol sa buhay at pamumuno ng pinunong ito. Magsulat o
mag type ka ng 5 pangungusap.

Kailangan
Napakahusay Mahusay Katamataman pang
Pamantayan
(4 na puntos) (3 puntos) (2 puntos) Magsanay
(1 puntos)
Nilalaman
Makabuluhan at
makatotohanan ang mga
impormasyong sa
pahayag.
Kaugnayan sa Paksa
Angkop sa paksa ang
nilalaman ng pahayag
sa special edition news
magazine.
Mekaniks
Kakikitaan ng mga
impormasyon tungkol sa
buhay at kontribusyon
ng pinunong napili noong
Digmaang Pandaigdig.

Gawain F
Panuto: Gumawa ka ng isang brochure sa MS Word, Publisher, o sa
Papel. Maglagay ka dito ng apat hanggang anim na makasaysayang lugar mula
sa mga bansang natalakay natin sa Silangan at Timo-Silangang Asya, noong
mga panahon ng digmaang pandaigdig. Maglagay ka ng larawan at maikling
depinisyon sa bawat lugar na iyong isasama.

Kailangan
Napakahusay Mahusay Katamataman pang
Pamantayan
(4 na puntos) (3 puntos) (2 puntos) Magsanay
(1 puntos)
Nilalaman
Makabuluhan at
makatotohanan ang mga
impormasyong sa
pahayag.
Kaugnayan sa Paksa
Angkop sa paksa ang
nilalaman ng mga
larawan at depinisyon na
nailagay.
Mekaniks
Kakikitaan ng mga
impormasyon tungkol sa
paksa ng mga iba’t ibang
makasaysayang lugar
mula sa mga bansa na
ating natalakay.

15
Isaisip

Panuto: Isulat ang tamang konsepto upang mabuo ang bawat pahayag.
Pumili ng kasagutan na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Digmaang Emilio Hunyo 12, Sphere of
Kabihasnan
Opyo Aguinaldo 1898 Influence
Anti-Facists
People’s Guided
Base-Militar Indonesia Aung San
Freedom Democracy
League

Ang pagkatalo ng China sa 1.________ ay naging daan ng di-


makatuwirang kasunduan at pagkakaroon ng 2.____________ ng mga
bansang Europeo sa teritoryo ng China.Unti-unting nasakop ng
Japan ang Korea na ginawang 3._________ at pilit na itinaguyod ang
kanilang 4.___________.Pinamunuan ni Achmed Sukarno ang
5._________ sa loob ng 23 taon. Pinasimulan niya ang
pamamahalaang 6.____________.Nakaranas ng kahirapan ang mga
Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kaya nagtatag sila ng
kilusan laban sa Japan. Ito ay ang 7._________ sa pamumuno ni
8._____________.Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong 9._________
sa pamumuno ni 10._________.

16
Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong ng pasalaysay. Gawin ito sa iyong


papel.

Kung ikaw ay mabibigyan ng


pagkakataon na maging pinuno
katulad nina Achmed Sukarno, U
Nu, Emilio Aguinaldo. Sino sa
kanila ang napili mo at tutularan
ang kaniyang pamamaraan na
ginamit sa pamumuno at baklit?

Rubrik

Kailangan pang
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pamantayan Magsanay
(4 na puntos) (3 puntos) (2 puntos)
(1 puntos)
Nakakitaan
Nagpakita ng Nagpakita ng Walang
ng
Pag-unawa lubos na pag- pag- unawa naipakitang pag-
mahinang
sa datos unawa sa mga sa mga datos unawa sa mga
pagkaunaw
datos na napag- na napag- datos na napag-
a sa
aralan aralan aralan
mga datos
na napag-
aralan
Pagkaayon sa Nakaayon May ilang datos
Nakaayon Hindi nakaayon
itinakdang nang lubos ang hindi
sa layunin sa layunin ang
layunin sa layunin ang nakaayon sa
ang gawain gawain
gawain layunin
Pagiging Napapanaho
Napapanahon Kakaunti ang Walang
napapanahon n ang
ang lahat ng napapanahong napapanahong
ng mga datos, marami sa
inihayag na datos, datos, ebidensya,
Ebidensya, at inihayag na
datos, ebidensya, at at kasanayan
kasanayan datos,
ebidensya, at kasanayan
ebidensya, at
kasanayan
kasanayan

17
Malikhai Di-gaanong Walang bahid ng
Napakamalikha
Malikhaing ng naging pagkamalikhain
ing naihayag
Mensahe naihaya malikhain ang ang mensahe ng
ang mensahe
g ang mensahe gawain
ng gawain
mensahe ng ng gawain
gawain
Hindi
Napakamasini Masining Hindi masining
gaanong
Masining ng ng ang ang pagkakagawa
masining ang
pagkakagawa pagkakaga ng gawain
pagkakagawa
ng gawain wa ng
ng gawain
gawain

18
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898. Sino ang namuno
sa pagkamit ng kalayaan ng bansa?
A. Achmed Sukarno C. Jose Rizal
B. Emilio Aguinaldo D. Renato Constantino

2. Sino ang namuno sa pagkamit ng Indonesia ng kanilang kalayaan noong


Agosto 17, 1945?
A. Achmed Sukarno C. U No
B. Aung San D. Sun-Yat Sen

3. Ito ang bansang nasakop ng Japan na ginawa nilang base militar at pilit na
itinaguyod ang kanilang kabihasnan.
A. Burma C. Korea
B. China D. Pilipinas

4. Anong ideolohiya ang pinairal ni Heneral Ne Win na nagdulot ng kawalan ng


hanap-buhay ng mga dayuhan?
A. Demokrasya C. Sosyalismo
B. Nasyonalismo D. Totalitaryanismo

5. Ano ang dalawang bansang katulong ng India sa pagkontrol sa Burma


noong hindi pa ito nakalaya?
A. Japan at China C. Pilipinas at Korea
B. England at China D. Indonesia at England

6. Ano ang ginawa ng mga Hapones upang makuha ang loob ng mga Burmese?
A. Pakikipagkalakalan
B. Pagsuko ng mga kagamitang militar
C. Pagbigay ng malaking halagang pera
D. Maagang pagpapahayag ng kasarinlan

19
7. Ayon kay Renato Constantino, ganap na bang nakamtan ng Pilipinas ang
kalayaan noong Hulyo 4, 1946?
A. Oo, dahil sumuko na ang mga Hapones.
B. Oo, dahil ipinahayag na ang tunay na kasarinlan.
C. Hindi, dahil hindi tunay ang pagpapahayag ng kalayaan.
D. Hindi, dahil nanatili pa rin ang impluwensiya ng mga Amerikano sa
Pilipinas.

8. Ang pagkatalo ng China sa Digmaang Opyo ay naging daan sa pagkakaroon


ng ____________ ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China.
A. Colonial Mentality C. Neokolonyalismo
B. Kolonyalismo D. Kolonyalismo Sphere of Influence

9. Kasunduang nilagdaan na nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng


Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanyol
A. Benevolent Assimilation C. Kasunduan sa Paris
B. Kasunduang Amerikano D. Kasunduang Versailles

10. Sino ang pumalit kay U NO bilang punong ministro ng republikang


Burma na isang diktador militar?
A. Aung San C. Sen Ne Win
B. Mao Zedong D. Sun-Yat

20
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng reflective journal. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sumulat ng maikling
repleksiyon ukol sa iyong
mga natutuhan, realisasyon,
at opinyon tungkol sa mga
paksang ating tinalakay.

Ang paksa ngayon ay ________________________________.


Isang mahalagang konsepto na aking natutuhan ay ______________________.
Ito ay mahalaga dahil _________________________.
Ang isa pang ideya ay __________________________.
Sa kabuuan, ang natutuhan ko ay __________________________.

21
22
SUBUKIN BALIKAN TUKLASIN
1. D Gawain A
2. B Gawain 1.
3. C 1. Nasyonalismo
4. D 2. Sarekat Islam 1. Mga ibat- ibang pangyayari sa Una at
5. B 3. Westernisasyon at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
6. A modernisasyon 2. Mga sigalot at labanan ng mga pwersa
7. C 4. Komunismo ng mga bansa
8. C 5. Culture System 3. Lumakas ang nasyonalismo, napabilis
9. C ang paglaya kaya maraming mga
10. C Gawain B bansa ang lumaya pagkatapos ng
1. A Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. B Gawain 2.
3. A
1. Kalayaan
4. B
2. Nasyonalismo
5. A 3. Komunismo
4. Demokrasya
5. Digmaang Pandaigdig
PAGYAMANIN
GAWAIN A GAWAIN B
REHIYON BANSA
PAHALANG PABABA
1.Achmed Sukarno 1. Indonesia 1. SA CHINA
2.AungSan 2. Burma 2. TSA INDONESIA
3. Emilio Aguinaldo 3. UNU 3. SA KOREA
4. Treaty of Paris 4. Korea 4. TSA PILIPINAS
5. Sphere of Influence 5. Mao Zedong 5. TSA BURMA
GAWAIN:B
GAWAIN C
Bansa sa Silangang Mga Pamamaraang
Araw ng Ideolohiyang
Asya Bansang Ginamit
Paglaya Niyakap
(nasa teksto) Nanakop sa Paglaya
 China JAPAN Ipinaglaban ng Demokratiko at
 Korea bawat bansa ang komunismo
kanilang
kalayaan
Bansa sa Timog- Mga Araw ng Pamamaraang Ideolohiyang
Silangang Asya Bansang Paglaya Ginamit sa Niyakap
(nasa teksto) Nanakop Paglaya
 Indonesia JAPAN Agosto Ipinaglaban ng Demokrasya
 Burma JAPAN 17, 1945 bawat bansa ang Sosyalismo
 Pilipinas JAPAN Enero 4, kanilang Demokrasya
1948 kalayaan
Hunyo
12, 1898
Susi sa Pagwawasto
23
ISAISIP TAYAHIN
1. Digmaang Opyo 1. B
2. Sphere of influence 2. A
3. Base-militar 3. C
4. Kabihasnan 4. C
5. Indonesia 5. B
6. Guided democracy 6. D
7. Anti-facists People’s Freedom League 7. D
8. AungSan 8. D
9. Hunyo 12, 1898 9. C
10. Emilio Aguinaldo 10. C
KARAGDAGANG GAWAIN
 Una At ikalawang digmaang pandaigdig
 Epekto at resulta sa Silangan at Timog-Silangang Asya
 Natutunan ko ang mga mahahalagang impormsyon tungkol sa mga
naganap noong Digmaang pandaigdig
 Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa
bilang tugon sa pag-aabuso at pagyurak sa karapatan ng mga bansa,
na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.
Sanggunian

A. Mga Aklat

Blando, Rosemarie C., et.al., Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna


ng Pagkakaiba, 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of
Education

Mateo, Grace Estela, et.al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. 1st ed. Quezon
City: Vibal Publishing House, Inc.

B. Mga Website

"Redirect Notice". 2021. Google.Com.


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.co
m%2Fatingtalakayin%2Fvideos%2Fpaano-nagsimula-ang-ikalawang-
digmaang-
pandaigdig%2F252406766164155%2F&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS
1XSgC&ust=1612366631136000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqF
woTCKDlsPnDy-4CFQAAAAAdAAAAABAa
"Redirect Notice". 2021. Google.Com.
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fohspmodularlearn
ingforgrade8.weebly.com%2Fikalawang-digmaang-
pandaigdig.html&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=1612366
631136000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDlsPnDy-
4CFQAAAAAdAAAAABAg.
2021. Google.Com.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fm.youtube.com%
2Fwatch%3Fv%3D-
iwz8_gNLPY&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=16123666311
36000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDlsPnDy-
4CFQAAAAAdAAAAABAo.
"Redirect Notice". 2021. Google.Com.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.n
et%2FJMDavid_29%2Funang-digmaan-
pandaigdig&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=16123666311
36000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDlsPnDy-
4CFQAAAAAdAAAAABAt.
"Redirect Notice". 2021. Google.Com.
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fphipress.blogspot.c
om%2F2016%2F06%2Funang-digmaang-
pandaigdig.html&psig=AOvVaw1zW8UFIQGDatdCYjS1XSgC&ust=16123666
31136000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDlsPnDy-
4CFQAAAAAdAAAAABAz.

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like