You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto
ika 16 – 17 siglo, Pagdating sa Silangan at
Timog - Silangang Asya

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang
Yugto ika 16 – 17 siglo, Pagdating sa Silangan at Timog - Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran ng Dep Ed Rehiyon X.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayucot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Nancy A Fiel, Maria Elena M. Alima
Reviewers: Ramon A. Villa, HT-1, Donna P. Olarte, HT-1V
Edwin V. Beloy, HT-1, Lilia E. Balicog, HT- III
Illustrator and Layout Artist: Kent Francis Kerr A. Fiel

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Eugene I. Macahis
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
7
Araling Panlipunan
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto ika 16 – 17 siglo,
Pagdating sa Silangan at Timog – Silangang
Asya

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public schools. We encourage teachers and other
education stakeholders to emai their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education – Region 10 @ region
10 depedeped.gov.ph.

Your feedback and recommendations are highly valued.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SLM (Self Learning Module) is for
educational purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems,
pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in these modules are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who
have made significant contributions to these modules.
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol
sa Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ika 16 – 17 siglo)
Pagdating sa Silangan at Timog- Silangang Asya

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan/matutunan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kasaysayan, kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

i
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ii
Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita -------------------- i


Icons ng Modyul -------------------- ii
Pangkalahatang Panuto -------------------- ii
Alamin -------------------- 1
Subukin -------------------- 2
Balikan -------------------- 5
Tuklasin -------------------- 6
Gawain 1: “Ayusin Mo Ako” -------------------- 6
Suriin -------------------- 7
Pagyamanin -------------------- 13
Gawain 2: “Jumbled Letters!” -------------------- 13
Isaisip -------------------- 14
Gawain 3: “Fill Me In” -------------------- 14
Isagawa -------------------- 15
Gawain 4: “Kompletuhin Mo Ako” -------------------- 15
Tayahin -------------------- 16
Karagdagang Gawain -------------------- 18
Gawain 5: “Name That Picture” -------------------- 18
Susi sa Pagwawasto -------------------- 19
Sanggunian -------------------- 20
Alamin

Ang unang bahagi ng kanilang paggalugad kung ating susuriin sa ating makabagong
pananaw ay panahon din ng pagtuklas ng mga Kanluranin sa kanilang sarili sa aspetong
pangkulturang pamumuhay, pagbabalanse ng kanilang mga paniniwala, at pagsusuri ukol sa
kanilang mga katutubong kaalaman ukol sa mundo, sa tao, at sa hinaharap.

Ang Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas ay nagsimula noong ika -15 siglo. Unang
nakarating sa Asya ang Portugal sinundan ng Spain. Sa pagsapit ng ika- 17 siglo, nagsagawa
rin ng sarili nilang paggalugad at pagtuklas.

Bilang kolonya ng mga Kanluranin, ang mga bansang Asyano ay pinagkukunan ng


hilaw na sangkap o mga produkto at pamilihan ng produktong Kanluranin.

Tara na umpisahan na natin ang iyong gawain. Sa pagkakataong ito ay simulan mong
alamin ang tungkol sa dahilan, pamamaraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng
mga kanluranin sa unang yugto ika 16 - 17 siglo, pagdating sa Silangan at Timog – Silangang
Asya.

Ang mga sumusunod ay ang inaasahang matutuhan mo sa modyul na ito:

1. Natatalakay ang mga dahilan ng pagpasok ng mga Kanluraning bansa hanggang sa


pagtatag ng kanilang mga kolonya o kapangyarihan sa Silangan at Timog-Silangang
Asya;
2. Nakagagawa ng “data information sheet” na nagpapakita ng mga dahilan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
3. Napahahalagahan ang epekto ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng
unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asya.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.

____1. Ang pagsakop ng isang partikular na bansa sa Asya ay tinatawag na


A. imperyalismo
B. monopolyo
C. nasyonalismo
D. kolonyalismo

____2. Isa sa mga bansang kanluranin ay


A. Indonesia
B. China
C. Espanya
D. Mongolia
____3. Ang dating kolonya ng Espanya sa Timog-Silangang Asya ay ang
A. Australia
B. Pilipinas
C. Africa
D. Portugal
____4. Ang gumamit ng merkantilismo sa pakikipagkalakalan sa mga bansang Asyano
A. Europeo
B. Muslim
C. Kristiyano
D. Arabo
____5. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang Tsina?
A. Silangang Asya
B. Timog-Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog-Asya

____6. Isang manlalayag na Portuges na nagserbisyo sa bansang Espanya.


A. Ferdinand Magellan
B. Miguel Lopez de Legaspi
C. Marco Polo
D. Ruy Lopez de Villalobos

2
____7. Isa sa mga layunin na ginamit ng Espanyol sa pananakop.
A. Palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo
B. Labanan sa pagitan ng mga mamamayan
C. Humingi ng mga pangunahing produkto
D. Pagtatanim

____8. Ang pinakamataas na pinuno sa pamahalaang kolonyal ng Pilipinas.


A. Cabeza de Barangay
B. Gobernadorcillo
C. Gobernador-Heneral
D. Alcalde

____9. Ang naging epekto sa malupit na pamamahala ng mga Kanluranin sa bansa ay


nagdulot ng
A. Kabutihan
B. Kaligayahan
C. Pagkapantay-pantay
D. Pag-aalsa ng mga mamamayan

____10. Ang bansang sumakop sa Pilipinas sa loob ng 333 taon.


A. Portugal
B. Espaňa
C. England
D. France

____11. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at


imperyalismong kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang
Asya noong ika-16 hanggang ika-19 siglo?
A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawanan upang pamunuan ang nasakop na
bansa.
C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang
pakikipagkalakan
D. Nagpalabas ng mga batas upang mapasunod ang mga katutubong Asyano.

____12. Ano ang pangunahing relihiyon na ipinalaganap ng mga kastila sa Pilipinas?

A. Protestante
B. Seventh Day Adventist
C. Katolisismo
D. Islam

____13. Ang naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas.


A. Maraming katutubo ang yumakap sa relihiyong kristiyanismo.
B. Nangyari ang labanan sa Pasong Tirad
C. Nangyari ang labanan sa tulay ng San Juan del Monte, Bulacan
D. Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio
3
____14. Tumungo ang mga kanluranin sa rehiyon ng Asya dahil sagana ito sa;
A. rekado at pampalasa
B. produktong petrolyo
C. palamuti o alahas
D. produktong silk

____15. Anu-ano ang naging pagbabago sa Timog-Silangang Asya habang nasa kamay ng
mga Kanluranin?
A. Pagkakaroon ng mga mestiso.
B. Nagiging sistema ang barter.
C. Pagmamalupit sa mga magsasaka.
D. Ang di pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon

4
Kolonyalismo at Imperyalismo ng
Aralin mga Kanluranin sa Unang Yugto
ika16-17 siglo, Pagdating sa
Silangan at Timog – Silangang Asya

Balikan

Bago natin sisimulan ang ating leksiyon, balikan muna natin ang nakaraang aralin sa
ikatlong markahan. Tukuyin ang mga sumusunod kung anong uri ng kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya sa Kulturang Asyano ito nabibilang. Pumili ng mga sagot sa ibaba, isulat
lamang ang letra ng tamang sagot.

A. Arkitektura C. Pampalakasan

B. Panitikan D. Musika at Sayaw

____ 1. Taj Mahal ng India

____ 2. Sanskrit ng India

____ 3. Rubaiyat ng India

____ 4. Weight Lifter ng Turkey

____ 5. Instrumentong Trumpeta ng mga Iraqi

5
Tuklasin

Gawain 1: AYUSIN MO AKO!

Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga pangalan ng mga bansa sa mga
rehiyong nabanggit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SILANGANG ASYA TIMOG – SILANGANG ASYA

CINHA SAPILIPIN
1. ______________________ 1. _______________________

JAANP N E S I A I N DO

2. ______________________ 2. _______________________

WATAIN SIAMALAY

3. ______________________ 3. _______________________

6
Suriin

Silangang Asya

Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon ng ugnayan ang Silangang Asya sa mga


bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bagama’t maraming
naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang
yugto ng imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa
dito. Ipinatupad ng China ang paghihiwalay ng kanyang bansa mula sa daigdig (isolationism)
dahil mataas ang pagtingin niya sa kanyang kultura at naniniwala siya na makasisira ito kung
maiimpluwensiya ng mga dayuhan. Bagama’t pinahintulutan ang mga Kanluranin,
pinapayagan lamang sila sa daungan ng Guanghzou at dapat na isagawa ng mga dayuhang
mangangalakal ang ritwal na Kowtow bilang paggalang sa emperador sa China.

Ang bansang Portugal ay naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya


partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macau sa China at Formosa
Taiwan. Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.

7
Timog-Silangang Asya

Sa unang yugto ng mga imperyalismong Kanluranin, karamihan ng mga daungan sa


rehiyong ito ay napasakamay ng mga kanluranin. Ang mataas na paghahangad na makontrol
ang kalakalan ng pampalasa at pagkuha ng ginto ay siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang
Timog-Silangang Asya. Nauna ang bansang Portugal at Espanya sa pananakop ng mga
lupain. Nang lumaya ang Netherlands mula sa pananakop ng Espanya, nagtayo rin ito ng mga
bansa sa Timog-Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England
at France.

Ang mga sumusunod ay bansa sa Timog-Silangang Asya na sinakop noong unang


yugto ng imperyalismong kanluranin:

A. PILIPINAS
BANSANG MGA LUGAR PARAAN NG PANANAKOP
SUMAKOP NA SINAKOP
Espanya Ilang bahagi ng Unang dumaong sa isla sa Homonhon si Ferdinand
Luzon at
Visayas at ilang Magellan, isang Portugese na naglayag para sa hari ng
bahagi ng Espanya noong March 16, 1521. Nabigo siyang masakop
Mindanao.
ang Pilipinas dahil napatay siya ng mga tauhan ni Lapu-
lapu sa labanan sa Mactan. Nagpadala ang Hari ng
Espanya ng iba pang manlalakbay sa pamumuno ni Miguel
Lopez de Legazpi na ang layunin ay masakop ang
Pilipinas.

 Relihiyong Kristiyanismo - relihiyong ipinalaganap ng


mga Espanyol.
 Sanduguan – paraan ng mga Espanyol sa
pakikipagkaibigan sa mga lokal na pinuno.

8
Patakaran na Ipinatupad ng mga Espanyol

Patakarang Patakarang Patakarang Patakarang


Reduccion Pangkabuyahan Pampolitika Pangkultura
- Naglalayon ng 1.Tributo – sa Sentralisadong 1. Pagpapalaganap ng

mailipat ang patakarang ito ay Pamamahala – Kristiyanismo

mga katutubo na pinagbabayad ng buwis napasailalim sa - niyakap ng mga


ng mga Espanyol ang pamumuno ng mga katutubo ang
naninirahan sa
mga katutubo. Maaari Espanyol ang halos Kristiyanismo.
malalayong lugar
nilang ipambayad ang kabuuan ng bansa.
upang matiyak
ginto, produkto at mga Itinalaga ng Hari ng
ang 2.Wika at Pagdiriwang –
ari-arian at dahil dito Espanyol bilang
natuto ang mga katutubo ng
kapangyarihan maraming katutubo ang kaniyang kinatawan
wikang Espanyol.
ng mga Espanyol naghirap at nawalan ng sa Pilipinas ang
gayundin ang kabuhayan. Gobernador-heneral.
pagpapalaganap 2. Monopolyo - Siya ang
ng Kristiyanismo. kinokontrol ng mga pinakamataas na
Espanyol ang kalakalan. pinuno ng Espanyol
Hinawakan nila ang sa Pilipinas.
pagbebenta ng mga
produktong nabili sa Simbahang Katoliko
Europa tulad ng tabako – dahil sa
at dahil dito maraming impluwensiya sa
pamilya ang nagutom taong-bayan, naging
sapagkat hindi sila makapangyarihan din
makapagtanim ng ang mga Espanyol na
kanilang makakain. pari at kura paroko
3. Polo y Servicio – sa noong unang
ilalim ng patakarang ito panahon ng
ay sapilitang pananakop ng mga
pinagtatrabaho ang mga Espanyol.
kalalakihang may edad
16 hanggang 60 at dahil
dito marami sa kanila
ang nahiwalay sa
pamilya at namatay sa
hirap.

9
HERARKIYA NG PAMAMAHALA NG MGA ESPANYOL

Gobernador Heneral

Alcade Mayor/Corregidor


Gobernadorcilio


Cabeza de Barangay

B. INDONESIA
SUMAKOP MGA LUGAR NA DAHILAN PARAAN NG PANANAKOP
SINAKOP
1. Portugal  Ternate sa Mayaman sa mga Dahil sa paghahangad sa
2. Netherlands Moluccas pampalasa mga pampalasa, narating ng
3. England  Amboine at (cloves, nutmeg, at Portugal ang Ternate sa
Tidore sa mace), sentro ng Moluccas noong 1511.
Moluccas kalakalan at  Nagtayo ng himpilan
 Batavia (Jakarta) maayos na ng kalakalan
daungan.  Relihiyong
Kristiyanismo
 Gumamit ng divide
and rule policy- isang
paraan ng pananakop
kung saan ay
naninirahan sa isang
lugar.

10
Hindi tulad ng mga Espanyol, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng
kalakalan ang mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga
Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Company sa pananakop dahil sa mas malaki ang
kanilang kikitain at maiwasan pa nila ang pakikipagdigma sa mga katutubong pinuno. Subalit,
kung kinakailangan, gumamit din sila ng pwersa o dahas upang masakop ang isang lupain.
Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng mga katutubong Indones. Lumiit
ang kanilang kita at marami ang naghirap dahil hindi na sila ang direktang nakipagkalakalan
sa mga dayuhan. Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang
naimpluwensiya ng mga Dutch ang kultura ng mga Indones.

C. MALAYSIA
SUMAKOP DAHILAN EPEKTO
1. Portugal Pagkontrol sa sentro ng  Hindi napalaganap ang
2. Netherlands kalakalan
Kristiyanismo dahil sa malakas
3. England
na impluwensiyang Islam sa
rehiyon.
 Maraming katutubo ang
naghihirap dahil sa pagkontrol
ng mga nabanggit na bansa sa
mga sentro ng kalakalan.

11
KARAGDAGANG KAALAMAN

TALASALITAAN
Kolonyalismo tumutukoy sa tuwirang pananakop ng isang bansa sa ibang dako para
pagsamantalahin ang yaman nito o makuha rito ang iba pangangailangan
ng mga kolonisador.
Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng
mga paglaban o control na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng
ibang mga bansa.
Kolonya isang bansa o rehiyong nasakop ng isang mananakop.
Sphere of isang panlabas na kapangyarihan ang umaangkin ng mga pribilehiyong
Influence
pampamuhunan at pangangalakal.
Protektorado isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng
isang panlabas ng kapangyarihan.
Ekonomiko isang nagsasarili o malaya ngunit hindi pa gaanong maunlad na bansang
pinamamahalaan ng mga pribadong kumpanya na may kanaisang
pangnegosyo sa halip sa ibang mga pamahalaan.
Moluccas tinatawag ding Maluku at kilala bilang Spice Island
Dutch ang tawag sa mga naninirahan sa bansang Netherlands.

12
Pagyamanin

Gawain 2: JUMBLED LETTERS

Panuto: Ayusin ang mga pinaghalu-halong pantig (jumbled syllable) para mabuo ang mga
salitang ipinaliliwanag sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel.

1. Ang bansang kanluranin na sumakop sa Pilipinas. Esyapan

2. Mayaman ang bansang Indonesia nito. salapapam

3. Ang relihiyon na ipinalaganap ng mga Kastila. monisyakristi

4. Isa sa mga dahilan sa pagpasok ng mga kanluranin. lankalaka

5. Isa sa mga epekto ng pananakop sa Asya. panrahika

13
Isaisip

Gawain 3: Fill Me In!


Panuto. Punan ng mga angkop na salita ang patlang. Isulat sa sagutang papel.

Ang (1) ____________ ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan.

Tinatawag na (2) __________ ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa ibang dako
para pagsamantalahin ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mga
kolonisador.

Bilang (3) ______________ng mga Kanluranin, ang mga bansang Asyano ay


pinagkukunan ng (4) ___________na (5) ______________at pamilihan ng produktong
Kanluranin.

14
Isagawa

Gawain 4: Kompletuhin Mo Ako!


Bumuo ng data information sheet na nagpapakita ng mga dahilan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog –Silangang Asya. Gawin ito sa sagutang
papel.

KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

Bansa Dahilan Epekto

1. China

2. Taiwan

3. Indonesia

4. Malaysia

5. Pilipinas

15
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

____1. Ang unang lugar na narating ng mga Portugese.


A. Silangang Asya
B. Timog Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog- Silangang Asya
____2. Ang Katolisismo sa mga pulo ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay ipinalaganap
ng mga;
A. Portugese
B. Dutch
C. English
D. Hapon
____3. Dahil nito naisakatuparan ang mithiin ng mga Espanyol na ayusin ang populasyon sa
mga lungsod nito;
A. reduccion
B. pueblo
C. barangay
D. siyudad
____4. Ang bansa sa Timog- Silangang Asya kung saan mayaman sa pampalasa.
A. Taiwan
B. Malaysia
C. Indonesia
D. Pilipinas
____5. Ito ay kilala bilang Spice Island ng Indonesia.
A. Pulo ng Moluccas
B. Sumatra
C. Java
D. Sulawesi
____6. Ang tawag sa mga naninirahan sa bansa ng Netherlands.
A. Amerikano
B. Dutch
C. Indonesian
D. Malaysian
____7. Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtratrabaho ang mga kalalakihang may
edad 16 hanggang 60 taong gulang.
A. tributo
B. reduccion
C. polo y servicio
D. monopolyo

16
____8. Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang
panlabas na kapangyarihan.
A. kolonya
B. ekonomiko
C. imperyo
D. protektorado
____9. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga
lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
A. Divide and rule policy
B. Tributo
C. Monopolyo
D. Polo y Servicio
____10. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas.
A. Kristiyanismo
B. Islam
C. Protestante
D. Seventh Day Adventist

____11. Ito ay ang mga bansang sumakop sa Malaysia maliban sa;

A. England
B. Portugal
C. Netherlands
D. Africa
____12. Isang Portugese na manlalayag na pinahintulutan ng hari ng Espaňa na maglayag sa
Karagatan noong March 16, 1521.
A. Marco Polo
B. Miguel Lopez de Legaspi
C. Ferdinand Magellan
D. Ruy Lopez de Villalobos

____13. Ang mga katutubo ay sapilitang pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol sa


patakarang ito.
A. Monopolyo
B. Protektorado
C. Tributo
D. Polo y Servicio
____14. Ang bansang ito ay mayaman sa mga pampalasa tulad ng cloves, nutmeg, at mace.
A. Malaysia
B. Pilipinas
C. Indonesia
D. China
____15. Ang bansa sa Timog- Silangang Asya kung saan mayaman sa ginto.
A. Taiwan
B. Malaysia
C. Indonesia
D. Pilipinas

17
Karagdagang Gawain

Gawain 5: NAME THAT PICTURE!


Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na larawan sa ibaba at punan ng mga letra ang mga
salita upang mabuo ito. Isulat sa sagutang papel.

1. 2.

d__ung__n k__l__ka__an

3. 4.

k__is__iy__n__sm__ C__in__

5.
T__iw__n

18
19
Isaisip
Karagdagang Gawain
Tuklasin 1. imperyalismo
1. daungan
2. kolonyalismo
2. kalakalan A. Silangang Asya
3. kolonya
3. Kristiyanismo 1. CHINA
4. hilaw
4. China 2. JAPAN
5. sangkap
5. Taiwan 3. TAIWAN
B. Timog Silangang
Asya Subukin
Tayahin
1. PILIPINAS 1. D
1. B
2. INDONESIA 2. C
2. B
3. MALAYSIA 3. B
3. A
4. A
4. C
Pagyamanin 5. A
5. A
1. Espanya 6. A
6. B
2. Pampalasa 7. A
7. C
3. Kristiyanismo 8. C
8. D
4. Kalakalan 9. D
9. A
5. Kahirapan 10. B
10. C
11. A
11. A
12. C
12. D Balikan
13. A
13. C 1. A
14. A
14. C 2. B
15. A
15. D 3. B
4. C
5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mga Aklat

Blando, Rosemarie C., et al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan.
Eduresources Publishing, Inc., Pasig City, Philippines, 2014. pp. 314 - 329.

Mateo, Ph.D., Grace Estela C., et al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan.


Vibal Publishing House Quezon City, Philippines. 2008. pp. 290 - 299.

Balonso, Ph.D., Celinia E., et al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan,Araling Panlipunan. Manwal ng
Guro.Vibal Publishing House Quezon City, Philippines. 2008. pp. 83 - 85

Mga Website

Tl.wikipedia.org

Quizzi.com

Slideshare.net/jareddram 55

www.ibiscom.com/magellan/htm

Mga Mapa

Mapa ng Taiwan

Mapa ng China

Mapa ng Europa

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

You might also like